Chapter 17

1696 Words
CAITH “CAI, dapat sinabi mo sa amin ng maaga para natulungan ka namin agad,” naiiyak na usal ni Mama nang banggitin ko sa kanila ang about sa nangyayari sa akin. Weekends and I decided to tell them what is happening to me. Sakto din kasi na nandito iyong mag-asawa kaya naman sinabi ko na at hindi nga ako nagkamali sa iniisip kong magiging eaksyon nila mama lalo na si mama. “We can try to take you to specialist para mas alam nila ang gagawin. Hindi naman iba ang case mo kaya paniguradong alam nila ang gagawin,” suhestyon ni JK na ikinatango ko. “Naisip ko na din iyan but I don’t know where?” usal ko. Hindi naman nagpahuli ng suhestyon iyong mag-asawa naikinatatango ko lang. Tama nga si Sir Dustin, they are the ones who can help and understand me. And speaking of Sir Dustin, simula noong araw na na sinabi nitong wag akong lalapit sa kan’ya ay hindi na ulit ako nito tinawagan, gusto ko man siyang tawagan para magkwento ay hindi ko naman magawa dahil wala akong naman akong dahilan pero baka mamaya ay tawagan ko na ito dahil meron na akong rason at sasabihin ko na nakapagsabi na ako kila mama. Napangiti naman ako ng biglang hawakan ni Cami ang kamay ko at pisilin iyon. Walang salitang lumabas sa kan’ya pero alam kong puno ng suporta ang ibig sabihin no’n. Para akong nabunutan ng tinik ng makausap ko sila papa at kahit paano ay hindi na ako naglilihim sa kanila at madali akong makakapagsabi sa kanila. “SASAMAHAN ka namin ni JK sa hospital para makapagpatingin ka,” nakangiting usal ni Cami sa akin. “Salamat ha… alam kong busy kayo ng sobra tapos makikigulo pa ako,” saad ko na ikinailing nito. “Ayos lang, pamilya tayo at ang pamilya ay hindi nag-iiwanan,” saad niya Dahil sa sinabi nito ay bigla kong naalala si Dr. Trev at Sir Dustin parang may kung ano sa akin na gusto kong malaman kung alam ba nito na magkapatid iyong dalawa pero merong parte sa akin na nahihiya dahil baka isipin nito na interesado na ako kay Sir Dustin. Para maalis sa isipan ko ang mga tanong na iyon ay iniba ko na lang ang usapan namin at ibinaling sa tiyan nitong nag-uumpisa ng umumbok. Kita ko sa mga mata ni Cami na masaya siya habang ikinukwento ang journey niya sa pagbubuntis niya. Pati kung anong paghahanda ang ginagawa nila para kahit paano ay hindi sila mahirapan ni JK. Sunod naman naming pinag-usapan ay ang pagtatrabaho ko doon sa office ni Sir Justin. “Mabuti at hindi ka ginugulo ni Justin ‘pag nagtatrabaho,” saad niya na ikinatawa ko “Hindi naman, mabuti nga e,” saad ko. “At’ska mabait naman si Sir Justin, professional pa,” habol ko. Tumango naman ito sa akin bago ngumiti ng nakakaloko. “Eh, si Alikabok?” tanong niya sabay sundot sa tagiliran ko. “Mukhang wala kayong driving lesson ngayon ha,” habol niya. “Ay naku, Cami! Magpapare ata iyong lalaki na iyon! Ang galing niyang manermon! Grabe! Mas magaling pa siyang manermon kila mama,” saad ko at naalala ko na naman ung mga sermon niya sa akin. “Siya nga ang nagsabi sa akin na dapat kong sabihin sa inyo ang nagyayari sa akin dahil kayo lang ang makatulong sa akin,” kwento ko na ikinatango niya. “Pero sinong mas type mo doon sa dalawa?” tanong niya na ikinatawa ko. “Anong bet? Loko! Wala iyan sa isipan ko,” saad ko pero umiling siya sa akin. “Hindi naman ngayon e, incase lang ‘di ba? At’ska ano? Ayaw mo na ulit magmahal? Alam mo hindi mo dapat limitahan ung sarili mo, lalo na pagtumibok ulit iyan, hindi mo dapat pigilan dahil lang sa past,” saad niya na ikinatango ko, “pero syempre dapat ayusin muna natin ang nangyari sa iyo bago ka magpaligaw sa kanila bukod doon, dadaan muna sila sa butas ng karayom bago makaligaw sa iyo,” saad niya na ikinatawa ko na. “Butas talaga ng karayom?” usal ko dito habang natatawa. “Oo! Kilala ko iyang mga bituka ng kaibigan ni JK na walang mga jowa lalo na iyong si Trev tapos half brother pa iyon ni Dustin, malay mo, same sila pero alam ko si Dustin, wala pang nagiging girlfriend e, puro fling lang daw sabi ni JK,” pahayag niya na ikinataas ko ng kilay. Pero may napansin ako, alam nila ang tungkol doon sa dalawa. “Hindi ka naman nagreseach about kay Sir Dustin ‘no?” sarkastiko kong saad nabigla nitong ikinatawa sabay tulak pa sa akin. “Hindi naman, curious kasi ako sa buhay ni Ali kaya tinanong ko si JK at doon ko nga lang nalaman na magkapatid pala iyong dalawa bukod doon sa mga sinabi ko ay wala na akong alam,” saad niya sabay tawa at takip ng bibig. Napatawa na lang ako dito at napailing sa kan’ya. “Bakit naman bigla kang nacurious sa kan’ya?” tanong ko dito. “Syempre malay mo siya na pala ang future brother-in-law ko for real!” saad niya na may halong kilig. “Pero syempre hindi lang naman siya pati si Justin ay inalam ko ang buhay medyo hindi ko nga lang bet yung kay Justin. Sabi ko pa noon, gusto ko siya sa iyo kasi vocal siya pero sa sobrang vocal niya, ang dami na din niyang babaeng na bungkal,” usal nito na hindi ko na pigil ang tumawa ng malakas. “Hoy! Iyang bibig mo! Isusumbong kita kila mama,” natatawang saad ko. Hindi lang ako makapaniwala na si Cami ang nagsabi no’n. I know my sister has a naughty side and being with her husband developed it. Natawa na lang din naman siya at nagkwento pa doon ng madaming bagay na hindi naman talaga ako interesado pero dahil alam ko na minsan lang din siya magkaroon ng kausap ay hinayaan ko na lang. GABI na at nasa kwarto na ang mga tao sa bahay katulad namin ni Faye na tulog na tulog na dito sa higaan namin. Ako naman ay hindi mapakali dahil pakiramdam ko ay hindi ako makakatulog kung hindi ko gagawin ito. Kanina ko pahawak ang phone ko ay ilang beses na ding tinignan ang number ni Sir Dustin. Nagdadalawang isip kasi akong tawagan baka bigla akong tarayan pero ayoko din namang hindi sabihin sa kan’ya since isa siya sa nagbigay ng lakas ng loob sa akin na magsabi kila mama. Muli ay huminga ako ng malalim bago itinaas ang phone ko at lakas loob na dinial ang number niya. Itinapat ko ito sa tenga ko at pinakinggan ang dial tone. Agad akong napaupo sa pagkakahiga nang sagutin nito ang tawag. “Hello, Sir Dustin?” bati ko dito. Hindi ko alam kung good timing ba ang tawag ko dahil mukhang wala siya sa bahay nila dahil sa ingay at mga halinghing ng kung sino. [Yes? Need something?] usal nito sa seryosong paraan. “Ahm! Busy po ba kayo? Baka nakakaistorbo ako,” saad ko sabay sandal ng likod sa head board. [It depends. Ano ba sasabihin mo?] tamad nitong tugon, napabuntong hininga lang naman ako at may kung anong lungkot akong naramdaman. Mukhang wrong timing ung pagtawag ko. “Wala naman po, sasabihin ko lang po sana na nasabi ko na kila mama ung about sa pi-” [hold up!] putol nito sa akin bago ko narinig na nagpaalam siya sa mga kasama niya na aalis na. [don’t sleep! Uuwi lang ako, give me ten minutes. Wait! No! Five minutes! Tawagan kita, okay?] “Ahm! Okay po, five minutes!” Hindi naman na ito sumagot at pinatay na ang tawag. Uuwi? Mukhang wala nga sa bahay niya mukhang na sa bahay aliwan iyon ay nagpapalipas ng oras. Nakanuso ko na lang tinigna ang phone ko at inantay ang tawag ni Sir Dustin at hindi naman nagtagal, wala pa halos limang minuto ay tumunog ang phone ko. Mabilis ko iyong sinagot sa pag-aakalang si Sir Dustin iyon. “Nakauwi na po kayo?” bungad kong tanong. “Ahm! I’m at my house, Cai. hindi naman ako lumabas,” rinig kong usal sa kabilang linya na ikinataka ko. Bakit boses ni Sir Justin ito? Agad kong tinignan ang pangalan ng caller at napapikit ako ng makita ko ang pangalan ni Sir Justin. Yare! Ibinalik ko iyon sa tenga ko at kahit hindi kita ay tipid akong ngumiti. “Ay sorry po, may inaantay po kasi akong tawag ng kaibigan na nagsabi pong uuwi daw siya at tatawagan ako kaya akala ko po siya,” saad ko sabay kagat ko sa labi ko. Nag-aalala kasi ako baka bigla tawagan ako ni Sir Dustin at hindi ako macontact. [Ah! Ganon na? Sorry? Should I drop the call now, right?] usal nito na bahagya ko namang ikinakonsensya. “Ahm! Hindi naman po. May kailangan po ba kayo?” tanong ko na lang dito dahil baka may importante siyang sasabihin. Katulad ng inaasahan ko ay nangumusta lang naman ito sa akin kaya kinumusta ko na din siya at hindi ko na napansin na humaba na pala ang pag-uusap namin hanggang sa nakatulog na lang ako na kausap siya. “CAN I call you now?” “I can’t contact you,’ “Sleeping? Or are you busy?” “I guess you are now busy with someone. Good night,” That's the message that welcomed me first thing in the morning. That message is from Sir Dustin. I totally forgot him last night because of Sir Justin’s call. I should give him a call for what I did. Sasabihin ko na lang na nakatulog ako o kaya naman ay aamin ako na tinawagan ako ni Sir Justin kaya hindi na niya ako makontak. “Hi, Sir Ali. Good morning. I’m sorry last night,” Type ko and I was about to hit the send button when my phone ring again. This time si Cami, kaya mabilis ko ito sinagot at muling nawala sa isip ko ang gagawin kong paghingi ng paumanhin. --------------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD