CAITH
MAHIGPIT kong hawak ang kamay ko habang nakaupo sa kotse ni Sir Dustin, inaantay ko na lang siyang makapasok sa loob dahil nag-uusap pa sila ni Sir Justin.
Hindi lang ako mapakali at pakiramdam ko may kumakain na naman ng mga laman loob ko sa tiyan lalo na ng pumasok na si Sir Dustin sa kotse.
"Seatbelt," saad niya na hindi man lang lumilingon sa akin.
Agad ko namang inayos ang seatbelt ko tapos ay ipinatong ang kamay ko sa mga hita ko.
Bago kami umalis ay bumusina ito ng tatlong beses kila Sir Justin bago pinaandar ang sasakyan palabas ng basement parking ng building.
Hindi ko alam kung paano ako kukuha ng tyempo para humingi ng sorry sa kan'ya lalo na at tahimik lang ito.
Nakakahiya kung babasagin ko ang katahimikan niya. Baka mas magalit siya o mainis kung magsasalita ako.
Tumingin na lang ako sa labas habang diretso ang upo ko.
Halos mapatalon naman ako sa pagkakaupo nang marinig ko itong magsalita.
"You should learn how to drive. Not because I don't want to drive you home but it is still part of your work," saad niya.
Bahagya naman akong napayuko dahil sa sinabi nito. May punto kasi siya, alam ko nga dapat marunong akong magdrive dahil secretary/assistant ako.
"Sor–"
"Why are you saying sorry? Sorry because you can't drive or sorry because of what happened last week that you thought I'm a kidnapper?" putol nito na wala manlang halong emosyon.
"Pareho po," tugon ko. "Ahm! Wag po kayong mag-alala, magpapaturo po ako magdrive para po–"
"I'm not saying na magpaturo ka para hindi ka makaabala o magpahatid. But I'm telling you that para din sa iyo. Kung marunong ka magdrive, hindi ka mahihiya katulad ng nangyayari sa iyo ngayon– you are quiet and uncomfortable because you are embarrassed and shy. Bukod doon, hindi ka din mahihiya kay Miggy na siya pa ang nagdadrive para sa iyo and lastly, you can go home safe and sound," pangaral nitong putol sa akin. "Don't pity yourself because of what I said. Hindi ko sinabi iyon para mapahiya ka, it's for your own good,"
Napatingin ako dito dahil bigla ang dami niyang sinabi parang nagsorry lang ako at nagsabi na magpapaturo e.
Hindi man lang ako pinatapos sa sasabihin ko pero may point naman siya doon sa mga sinabi niya.
"And about what happened last week, an apology was accepted. I don't know what you've been through but be mindful that anytime we can be in public places and everytime na nandoon tayo ay pwedeng pwede tayo makaabala sa iba once na hindi tayo naging alerto sa mga kilos natin,"
Seryoso lang siyang nagmamaneho habang pinapagalitan ako sa nangyari. Kahit alam ko naman iyon, hindi ko lang talaga napigilan ung kaba ko.
"Feeling ko tuloy nang araw na iyon ay ayaw mo akong maging kaibigan. I told you to meet me at my car but you ran away," saad niya sabay iling ng ulo. "You treat me and Justin very different. How awful?" habol niya pa kaya naman doon na ako nagreact.
"Ay hindi po! Ah! Nanibago lang po talaga ako sa presensya ninyo at'ska…" panandalian kong inihinto ang sasabihin ko at kinagat ang ibabang labi ko at yumuko.
Bago pa ako magsalita ay nagsalita na ito na parang may naisip bigla.
"I'll teach you how to drive, but tell me why are you like that, deal?" usal nito na ikinatingin ko sa kan'ya. "Mukhang hindi mo sasabihin kung walang kapalit e," habol pa niya.
"Bakit po gusto ninyong malaman?" tanong ko habang nakatingin sa kan'ya na nasa daan ang tingin.
"I just want to know. How can I understand your feelings and actions if I don't know what's happening? Sometimes you need to tell your story to other for them to know how to understand you when the times you had that scenario. Hindi lahat may konsiderasyon lalo nak ung hindi alam ang nangyari sa iyo," saad niya pa. "Unless you really don't want me to be your friend," habol niya sabay sulyap sa akin.
"Ha? Ako? Kaibigan?" tanong ko dito na tinuro pa ang sarili ko.
Kita ko naman na tumaas ang kilay nito na parang may mali akong nasabi.
Kung si Sir Justin ito, tatawanan ako no'n dahil para akong t*nga sa mga sagutan ko pero hindi nga pala si Sir Justin ang kasama ko kaya dapat hindi tayo lutang.
"Why? Is there any problem that I want to befriend you?" tanong nito na mabilis kong ikinailing sabay tingin sa paligid habang nagkakamot ng batok.
"Hindi naman po iyon ang ibig kong sabihin… pero gusto po talaga ninyo ako maging kaibigan?" tanong ko ulit at nakita kong tumango ito ng isang beses.
"Yes, kaya nga gusto ko malaman kung anong nangyayari sa iyo. That's why I'm giving you a good deal!" saad niya na ikinanguso ko. "Wag na–"
"Sige na po. Ang mainipin mo naman po," usal ko dito nang bigla siyang magsalita about doon sa usapan namin. "Syempre pinag-iisipan ko po muna, bagong tao po kayo sa akin, bukod doon medyo masungit kayo hindi katulad ni Sir Justin na mabilis makapalagayan ng loob. Ikaw po parang laging mananakmal," paliwanag ko.
"Okay, fine! Hindi na ako makikipagtalo sa sinasabi mong ibang tao but since you agree, you will tell me your story para naman may idea ako. Hindi iyong maiinis na lang ako dahil bigla mo akong hinampas at sumigaw sigaw ka doon! Napagkamalan pa akong kidnapper," mataray na saad niya.
Bigla naman akong nahiya dahil doon kaya mabilis akong humarap dito at yumuko para humingi ng dispensa.
"Sorry po talaga sa nagawa kong iyon. May malalim po akong dahilan pero sorry po talaga," sinserong usal ko.
"I told you, apology accepted, so stop apologizing," usal nito. "So! Saturday?"
Nagtataka naman akong nag-angat ng tingin sa kan'ya.
"Ano pong meron sa saturday?" nagtatakang tanong ko dito.
Nakita ko naman na naningkita ang mata nito na parang naiirita siya.
"Sa saturday na kita tuturuan magdrive," seryosong saad niya na ikinalaki ng mata ko.
"Seryoso po kayo?" bulaslas kong tanong.
Inihinto naman muna niya ang kotse bago siya tumingin sa akin.
"Do I look like I'm joking, Cai?" tanong niya na mabilis kong ikinailing.
"Sorry po ulit. Ang sungit po ninyo," mahinang usal ko sabay tingin muli sa paligid at doon ko lang narealize na nasa tapat na kami ng bahay.
Kaya naman mabilis kong kinuha ang mga gamit ko at tumingin kay Sir Dustin na pinagmamasdan ang galaw ko habang nakataas ang kilay at nakatukod ang siko sa manibela.
"Don't rush, just take it slow. I'm not rushing you to leave my car. Take your time to collect all your stuff," usal nito sa seryosong pamamaraan.
Dahil sa sinabi nito ay kinalma ko ang sarili ko at marahang kinuha ang mga gamit ko pati na ang pagtanggal ng seatbelt ko.
"Salamat po ulit sa paghatid," saad ko at tipid na ngumiti.
"Don't mention it," usal niya at katulad ko ay tipid din itong ngumiti.
Pwede naman palang ngumiti, bakit hindi ngumiti? Mas gwapo kaya siya 'pag nakangiti.
Muli akong nagpaalam dito bago tuluyang binuksan ang pintuan ng kotse at lumabas. Bago ko maisara ang pinto, nagsalita itong muli kaya naman dumungaw ako.
"Go inside, wag mo na ako antaying umalis dahil mag-aantayan lang tayo," saad niya na hindi ko naman napigilang matawa.
"Sige po. Ingat ka po ulit," saad ko.
Tumango lang siya kaya naman umayos na ako ng tayo at isinara ang pintuan.
Hindi na ako lumingon sa iba't-ibang direksyon basta pumasok na ng bahay.
NAKAHIGA na ako ngayon dito sa kama namin ni Faye habang ang anak ko naman ay natutulog na dito sa tabi ko.
Hindi lang ako makatulog dahil sa samu't saring tumatakbo sa isip ko.
Naisip ko lang na sobrang dami palang ugali ng mga lalaki. Hindi ko kasi alam iyon dahil nakakulong lang naman ako sa ugali ni Lloyd.
Pero nang mapunta ako sa kompanya ay marami akong nakitang iba't-ibang ugali.
Katulad na lang ng kay Sir Justin at Sir Dustin.
Si Sir Justin yung tipo na mapapasabi ka ng maswerte ka dahil kaibigan mo siya at iintindihin niya ang mga bagay kahit pa hindi nito alam ang nasa likod no'n. Hindi niya ipipilit at handa siyang antayin hangga't kaya mo ng sabihin sa kan'ya pero nandiyan siya sa iyo para umalalay.
While Sir Dustin, hindi ka niya hahayaan na hindi sabihin sa kan'ya. Mas gugustuhin niyang gumawa ng bagay para masabi mo sa kan'ya para alam niya ang gagawin at mas maiintindihan ka niya. Siya yung tipo na hindi ka isspoiled bagkus, ipapangalandakan niya sa iyo na may mali ka at dapat mong ipaliwanag kung bakit ka nagkamali. Bukod doon, straight forward siya magsalita! Tapos laging seryoso!
Kung ako, mas gugustuhin ko na ang ugali ni Sir Dustin kung sa trabaho ang pag-uusapan pero kung pagiging kaibigan at lalaking malapit sa akin ay kay Sir Justin ako.
Hindi ko naranasan kay Lloyd ang maspoiled at alalayan kahit may mali dahil kung hindi bugbog ang aabutin ko at matinding pagpapahirap sa kama o kaya naman at hindi ako kakain. Kaya ung ginagawa ni Sir Justin sa akin na pagiging sweet at laging nandiyan para sa akin ay masarap sa pakiramdam.
Pero hindi ko naman sinasabi na gusto ko jowain si Sir Justin dahil wala iyon sa plano ko. Ang akin ay kung sino ang mas gugustuhin kong maging malapit sa akin na ugali at kung ano ang pagkakaiba nilang dalawa.
Bukod doon, may usapan kami ni Sir Dustin at hindi naman ako ung taong walang isang salita kaya gagawin ko ang usapan namin at paghahandaan ko ang pagsasabi sa kan'ya.
------------