Chapter 13

2033 Words
CAITH "AH! Pa! Aalis po pala ako ngayon, nagpapaturo po kasi ako magdrive doon sa isa sa mga boss ko," paalam ko kay Papa habang pinapakain si Faye ng almusal nitong lugaw. Ilang araw na din kasi ang lumipas matapos naming magkasundo about doon sa pagtuturo niya sa akin magdrive. After non ay muling bumalik iyong pagtetext niya sa akin pati na ang pagngiti nito tuwing madadaanan ako. At totoo nga iyong sinabi niya noong nakaraan na nakakahiya nga na lagi akong nagpapahatid o isinasabay. Nagsalitan kasi sila ni Sir Justin na ihatid ako pauwi at talaga naman hiyang hiya ako. Bukod doon, parang ayoko ng sumabay kay Sir Ali dahil kapag isinasabay niya ako ay bahagya ako nitong sinesermunan o tinuturuan sa buhay pero kapag si Sir Justin ay kalmado ako at puro tawa lang naman. Mukhang seryosong tao talaga si Sir Dustin mabuti na lang at nasasakyan ni Sir Justin iyon. Nakita kong tumingin sa akin si Papa at nag-isip sandali. "Sinong boss?" tanong nito. Alam kong inaalam lang niya kung mapagkakatiwalaan ba ang makakasama ko. "Si Sir Dustin po, ung nakapareha ko po noong kasal ni Cami," saad ko at ming sinubuan si Faye. Napatingin naman ako kay Mama nang pumasok ito sa kusina. Galing ito ng labas at paniguradong nagdilig siya ng mga halaman niya. "Ay natatandaan ko iyong bata na iyon! Ung gwapo din at kulay tsokolate ang mata! Ung naglagay ng garter dito," saad ni Mama kay Papa na iniisip kung sino iyon, tumuro pa ito sa akin. "Ah! Iyon ba? Okay lang naman. Mukha namang mabait iyong binata na iyon," saad ni Papa na ikinangiti ko. "Mabait naman po iyon pero may pagkaseryoso po sa buhay. Parang sobrang matanda kung magsalita!" saad ko sabay subo ulit kay Faye ng lugaw. "Ay! Baka mga lola at lolo ang nagpalaki, ganon kasi minsan kapag ang isang bata ay lumaki sa lolo at lola ay maraming alam sa buhay at parang matanda pero mas maganda sumama sa mga ganon dahil mas malaki ang respeto non sa tao," rinig kong usal ni Mama. Hindi ko naman alam ang sasabihin dahil hindi ko naman kung totoo iyon. Lalo at hindi naman ako nangingialam ng personal na buhay noong si Sir Dustin. "Pero tumawag ka kapag may nangyari ha," paalala ni Papa sa akin na mabilis kong tinanguan. After lunch naman kami magkikita ni Sir Dustin kaya makakapaglaba pa ako ng ibang damit namin ni Faye at makakapaglinis din ako. Kaya naman matapos kong pakainin si Faye ay niliguan ko na ito at panandaliang pinatulog sa sala bago pinabantayan kay Filan na naglalaro lang naman ng mobile games. Mabilis kong kinuha ang mga labahan namin at inayos sa washing machine bago pinaikot iyon pati paglilinis ng kwarto namin ay ginawa ko na din. Mabuti na lang tapis na ako maglinis bago nagising si Faye sa pagkakatulog niya. Minsan kasi mahirap na gumawa ng gawaing bahay kung gising ang bata lalo na kapag tinopak ang bata at ayaw magpababa. Kahit naman kasi nandiyan sila Mama ay ayaw ko na iasa sa kanila ang pag-aalaga kay Faye lalo na at nandito naman ako. AGAD akong napatingin sa phone ko nang marinig ko na tumunog ito, hudyat na may tumatawag sa akin kaya naman mabilis ko iyong kinuha at sinagot lalo na nang makita ko si Sir Dustin ang tumatawag baka maGG na naman ito kung matagal ako sasagot. "Hello po! Bakit po?" tanong ko dito. "Good morning din ha! Sunduin kita mamaya mga 2pm," saad nito sa akin. Ay oo nga pala! Hindi manlang ako nakapag good morning. "Ay sorry! Good morning pala," saad ko. "Ahm! Sige po. Nagpaalam naman na po ako kila Papa," usal ko. "What should I prepare in your story?" biglang tanong nito. "Ah! Baon ka po ng mahabang pasensya at sandamakmak na konsiderasyon. Sama mo na po ang malawak na pag-intindi," nakangiting saad ko pero alam kong tunog sarkastiko iyon. Kahit nga hindi niya kita ang ngiti ko ay ngumiti pa din ako. "Dang! I don't know if I can do that three but let's see. So see you!" usal nito. Kusa namang umirap ang mata ko dahil sa sinabi niya. Napaka talaga nito! Mabuti na lang may kapalit din talaga ung kwento na ibibigay ko and at some point, gusto ko din iyon na may mapagkukwentuhan. "Okay po! See you!" usal ko at pinatay na ang tawag. Matapos ng tawag na iyon ay mabilis kong pinagpatuloy ang paglilinis at paglalaba ko. Mabuti na lang talaga at kahit kagigising lang ni Faye ay wala siyang sumpong kaya magaan kumilos. LUMIPAS nga ang oras, matapos kumain at magpahinga ay muli kong pinatulog si Faye bago ako kumilos at maghanda para makaalis. Nagbihis lang ako ng pantalon, isang maroon na t-shirt at sneakers. Tinali ko din pataas ang aking buhok para hindi sa gabal. Kinuha ko lang ang isang bag kong maliit na binili ni Cami noong nakaraan tapos ay inilagay doon ang wallet ko na may mga ID at phone ko. Pababa pa lang ako ay agad na bumukas ang pinto ng kwarto namin at dumungaw doon si Cami. "Uy!" nakangiti kong bati dito. Kumaway lang naman ito at ngumiti sa akin. "May lakad ka?" tanong nito bago tuluyang pumasok. Tumango naman ako dito sabay tingin sa phone ko na biglang tumunog. Natawa naman ako nang biglang naniningkit ang mata na sumilip si Cami sabay hindi makapaniwalang tumingin sa akin nang makita na si Sir Dustin ang tumatawag. "Anong meron?" nag-aalalang tanong nito na ikinatawa ko ng mahina sabay tulak sa mukha nitong malapit na malapit sa akin. "Wala, nagpaturo kasi ako na magdrive sa kan'ya. Medyo nahihiya na kasi ako 'pag si Sir Miggy pa ang nagdadrive kapag umaalis kami, e 'di ba trabaho ko iyon," saad ko. Nakakaintindi naman itong tumango bago ngumiti. "Okay. Basta ingat ka sa pagpapractice ha," saad niya na ikinatango. "Tara! Baba na tayo mukhang nandiyan na iyon sa labas," saad niya na ikinatango ko. Pagbaba namin ay nakita ko si Keith na buhat si Faye habang masama ang tingin kay Sir Dustin. Napatingin ito sa amin dalawa ni Cami tapos ay tumayo para lumapit sa amin. "Ingatan mo itong kapatid ko, Alikabok ha! Wawalisin kita!" mahinang usal nito dahil tulog pa si Faye sa bisig niya. "Pst! Marinig ka nila Papa," saway ni Cami sa asawa niya tapos hinarap si Dustin. "Ingatan mo ate ko ha…" bilin niya dito na ikinakunot ng noo ko. "Hoy! Kayong dalawa! Magpapaturo lang akong magmaneho," kunot noo kong saad sa kanila. "Baka kasi ibang pagmamaneho ang ituro ng moking na iyan sa iyo!" matalim pa din ang mata ni Keith na saad dito. Pinanlisikan naman ni Cami ng mata si Keith bago tumingin sa akin na naiintindihan ang sinabi ni Keith. "Trust me, tuturuan ko lang sita magdrive ng tamang dinadrive," rinig kong saad ni Sir Dustin bagi bumaling sa akin. "Let's go?" tanong niya. Mabilis naman akong tumango bago humarap sa dalawa kong kapatid na akala mo ay may nagawang kasalanan itong kaharap namin. "Uuwi din po ako kaagad, paki muna kay Faye ha," saad ko. Bago pa sila magsalita ay hinawakan ko na si Sir Dustin sa braso para mahila ito. Nang nasa labas na kami ay nakita naman namin sila Papa na nakaupo doon habang tinitignan ang mga halaman nila pero sa tingin ko ay inaabangan lang nila ang paglabas namin. "Pa, alis na po kami. Uuwi din po ako kaagad," paalam ko kay Papa na kunwaring biglang tumingin sa amin. "Ay oo, sige! Mag-ingat kayo," saad nito sabay tingin kay Sir Dustin na ikinagulat ko ang ngiti sa labi. "Ah! Ser, paki-ingatan po ang panganay ko, medyo mataray po iyan pero mabait naman," saad ni Papa. Kung alam lang ni Papa na mas mataray itong kaharap namin baka magulat siya at hindi na ipagyabang ang katarayan ko. "Dustin na lang po. Pero opo, ako po bahala sa kan'ya," saad nito sabay tingin sa akin na ikinaiwas ko ng tingin. Matapos namin magpaalam kila Papa, umalis na din kami at nagpunta sa sinasabi. "SO we're here!" saad niya makalipas lang ng isa't kalahating oras na byahe. He called it snake road, I asked him why pero normal na sagot lang naman ang sinabi niya dahil sa hulma nito, akala ko naman dahil maraming ahas dito. At dahil nandoon na kami, lumabas ito na sinundan ko naman. "Dito ka, Cai," saad nito sanay turo sa driver seats na siyang sinunod ko. Bali parang nagpalit kami ng pwesto at doon siya sa passenger seat. Sinabi lang nito ang mga kailangan kong pakatandaan pati na kung ano ang mga gamit ng mga dapat kong galawin sa kotse niya. "It's easy because it's automatic," saad niya na muli kong ikinatango. "Okay! Let's try!" saad niya sabay kabit ng seatbelt. Kinakabahang sinunod ko naman ang sinabi nito at inistart ang kotse niya. At first I drove it smoothly like I've done it before but the moment we got into the corner. I begin to feel anxious dahil hindi ko alam ang gagawin ko. "Relax… take it slow," rinig kong seryosong usal ni Sir Dustin kaya naman huminga ako ng malalim at muling sinubukang iliko. Nakahinga ako ng maluwag nang makalagpas ako sa unang liko pero hindi pa doon natatapos dahil liliko ulit ako kaya muli akong nakadama ng kaba. "Relax… ang pagmamaneho ay parang buhay, you don't have to rush things– maaksidente ka lang once you rush and forget to take it slow…" muli nitong pangaral sa akin. Bigla namang nawala ang isip ko sa pagmamaeho at parang tinamaan sa sinabi niya Ganon ang nangyari sa akin… I took rush of everything kaya eto ako ngayon… naging patapon ang buhay… I gave myself to the person I thought wl love me forever... Nagmadali kaming pareho na maging maligay, imbes na inuna namin ang pangarap namin... "Turn right, Cai!" Sigaw ng kung sino kaya naman agad akong napabalik sa ulirat at huli na para mabawi ko iyong ginagawa. Naramdaman ko na lang ang impact ng pagtama ko sa manibela dahil sa nangyari. "Sh*t! Sh*t! Papatayin mo ba tayong dalawa?! I told you to turn right!" malakas na sigaw ng katabi ko. Nanginginig ang buong katawan kong tumingin sa kan'ya. Kita kong iritable ito at punong puno ng inis ang mukha niya. "S-Sorry po…" naiiyak kong saad at mabilis na lumabas ng kotse niya. Hindi ko ininda ang hilo ko dahil sa pagtama ko sa manibela. Basta lang akong umiiyak doon habang pinapagpag ang kamay. Tumingin ako sa kotse nang marinig ko si Sir Dustin na tinatawag ako. "Cai! Where are you going? What's happening?! Bakit niliko mo sa kabila?! Anong problema mo?!" puno ng inis nitong sigaw at para akong tanga doon na umiyak at patuloy na pinapagpag ung kamay ko. Halos hindi na ako makahinga para akong nauubusan ng hinga dahil sa ginagawa niyang pagsigaw niya. Sasaktan niya ako! Sasaktan niya ako! Parang may kung anong pumalit ng imahe ni Lloyd sa itsura ng kasama ko ngayon. Bigla akong nagitla at nanlamig ang katawan ko nang makita ko ang mapupula nitong mata ang nakakatakot nitong ngisi pati na ang mga dila nitong laging hayok kung tumingin sa akin. Bigla akong napahagulgol ay napaupo doon sa harap niya. "Sorry! Sorry! Please! Wag mo akong sasaktan! Sorry! Hindi na mauulit! Sorry!" paulit-ulit kong iyak doon. Hinarang ko pa ang kamay ko para lang hindi ito makalapit sa akin. "Cai…" Umiling ako at mabilis na lumuhod sa kan'ya. "Sorry… sorry… hindi na mauulit! Sorry… wag mong sasaktan si Faye… please… sorry…" umiiyak na saad. Halos yakapin ko naman ang sarili ko nang makita ko itong naglakad papait sa akin. I was waiting for a punch to land on me because of what I've done. But to my surprise I only felt a small flick on my forehead. Froze for a second before lifting my gaze to the man I am with. I saw a serious face of Sir Dustin whe looking at me sharply. "Calm down… I'm not gonna hurt you. Take a deep breath the tell me what happened," sa unang pagkakataon na kita at naramdaman ko sa boses niya ang konsiderasyon pati na ang awa sa kan'ya . -----------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD