CAITH
"CAITH, katulad ng mga bilin ko. I'm okay if they agree to a virtual meeting but if not, schedule it by July," saad ni Sir Miggy na mabilis kong ikinatango.
Marami pa itong binilin sa akin at napapatawa ako dahil biglang sumingit si Nicole.
"Wag ka na kaya magleave, 'no? Dami mong bilin… akala mo naman hindi ka na babalik dito. You can still go here, daddy!"
Bahagya kong kinurot ang sarili ko dahil sa kilig na rumagasa sa sistema ko dahil sa pagtawag ni Nicole ng 'daddy' kay Sir Migs at ang pagngiti ni Sir Miggy nang marinig iyon.
Ayon na lang ata talaga ang papel ko sa mundo, ang kiligin sa love story ng iba! Parang kila JK at Cami na magkakaroon na ng anak.
Bahagyang umiling si Sir Miggy para alisin ang kilig sa mukha niya.
"I know pero kailangan ko pa din magbilin kay Cai, right?" saad nito sabay tingin sa akin kaya naman tumango ako ng dalawang beses. "And! Hindi ka pwedeng mag-isa sa bahay lalo na at malaki na ang tiyan mo," usal pa nito at ipinagpatuloy ang ginagawang pagkuha ng ibang files na dadalhin niya at ilagay sa bag niya.
Napatingin naman kaming lahat nang biglang bumukas ang pintuan ng opisina ni Sir Miggy.
Iniluwa no'n ang mga kaibigan niya na parang hindi naman niya gusto na nandoon.
"Kayo, ginagawa ninyong tambayan ang opisina ni Kalen," biglang usal ni Nicole na ikinatawa ni Sir Justin.
"Hindi naman, dapat doon ako tatambay sa table ni Cai kaso wala siya kaya sumunod ako sa mga 'to," saad nito sabay tingin sa akin at malawak na ngumiti.
Nahihiya naman akong ngumiti sa kan'ya pero napatawa din nang bigla siyang batukan ng kapatid ko.
"Sige! Pormahan mo pa!" saway ni JK sa kan'ya na may hawak na folder tapos lumapit kay Sir Miggy. "Eto na ung report doon sa–"
Napahinto ito nang tignan siya ni Sir Miggy sabay turo sa mga files na nakaharap sa kan'ya.
Hinayaan ko naman sila doon at bahagyang inilibot ang mata. Agad na hinanap ng mata ko si Sir Dustin na isang linggo ng hindi ako minemessage pati na ang ngitian ay hindi na niya ginagawa.
Tuwing pupunta siya dito sa office ni Sir Miggy ay poker face lang siyang magtatanong sa akin kaya naman hindi ko magawang humingi ng sorry sa kan'ya dahil sa ginawa ko.
Nang gabi na iyon ay halos hindi ako makatulog dahil nga sa iniisip ko ang nangyari pati na ang mga sinabi ng mga tao sa akin.
Alam ko nang araw na iyon ay sobrang nakaabala ako pati na ang nangyari kay Sir Dustin. Umiyak lang ako non dhail hindi ko alam kung paano nga ba ako makakatakas sa mamgyayari sa akin.
Napaiwas ako ng tingin nang panandaliang magtama ang mata namin.
Sandali lang iyon pero parang nalulunod na naman ako sa tsokolate niyang mata kaya naman yumuko ako at huminga ng malalim.
"Kay Cai ko na lang 'to ibibigay,"
Agad na umangat ang ulo ko dahilan para tumama sa mata ko ang folder na hawak ni JK nang bigla nitong iyon sa akin.
Dahil naman doon ay nagkaroon sila ng kanya-kanyang reaksyon.
"Okay lang po ako. Hindi naman po pumasok sa loob," saad ko para mapagaan ang loob ni JK na pinakakinabahan sa lahat.
"Okay ka lang talaga, ate.?" tanong ni Nicole.
"Opo! okay lang ako," tugon ko at marahan ng kinuha ang folder kay JK na nakahawak sa dibdib niya.
"Mabuti naman, akala ko mayayari na ako kila Mama e," saad pa nito kaya naman napatawa ako ng bahagya.
"Sira! Hindi naman iyon pero baka kunin nila ung isang mata mo para ipalit sa mata ko," biro ko na ikinatawa ni Nicole.
"Ay! Bagay sa iyo, Keithy! Tapos takpan na–"
"Che! Pinagtripan mo na naman ang kagwapuhan ko!" putol ni Keith kay Nicole at mabilis na tumayo para makaalis kay Nicole na patuloy na tumatawa.
Hindi naman nagtagal ay nagdesisyon na akong lumabas ng opisina dahil mukhang may pag-uusapan pa ang mga tao sa loob.
Inayos ko na ang iba kong gamit ma dadalhin ko din mamaya sa opisina ni Sir Justin dahil simula bukas ay doon na ako magtatrabaho.
Matapos kong maayos iyon ay inantay ko na lang na makaalis ang mga tao sa loob para madala iyon doon.
Ayoko naman kasing magdala doon tapos biglang may kailangan pala silang iutos sa akin.
MATAPOS ANG halos isa't kalahating oras ay isa-isa ng lumalabas ang mga tao sa loob ng opisina kasama sila Sir Miggy at Nicole na mukhang uuwi na.
"Pakitulungan na lang si Cai para dalhin ung mga gamit niya sa office ni Justin," usal ni Sir Miggy nang makita na nakaayos na ang gamit ko.
"Kami na bahala! Umuwi na kayo," saad ni JK sabay tulak kay Nicole ng mahina.
Sobrang hina lang no'n na hindi naman gumalaw si Nicole at natawa lang.
"Oo nga kami na bahala! Uwi na kayo!" saad naman ni Sir Justin sabay tingin kay Sir Dustin. "Pst! Alikabok ng buhay ko! Tulun–"
"Ayoko, masakit ang kamay ko," putol nito.
Akala ko ay nagdadahilan lang siya dahil ayaw niya akong tulungan dahil sa nangyari kaya bahagya akong nahiya pero nang itaas niya ang kamay niya.
Sabay-sabay naman kaming napatingin doon na ngayon ko lang nakita na may benda pala.
"What happened? Pinatingin mo na ba kay Trev iyan?" tanong ni Sir Meynard habang nalapit sa akin at binitbit ang isang box na puno ng mga files.
I wonder! Alam kaya nilang magkapatid si Dr. Olivarez at si Sir Dustin?
"Yes, siya nga dahilan nito," tamad na usal niya sabay tingin sa mag-asawa. "Una na ako. Ingat kayo sa pag-uwi at magpahinga ka nang maayos, Nicole," saad niya bago ginulo ang buhok ni Nicole.
Marahang itong naglakad palagpas sa amin habang ang mga kamay ay nasa bulsa ng pants niya.
Nagtama muli ang mga mata namin pero hindi siya ngumiti sa akin bagkus seryoso lang itong nakatingin hanggang makalagpas sa akin.
"PAGPASENSYAHAN mo na lang iyon si Alikabok, Cai. Menopausal na kasi iyon," usal ni Sir Justin habang naglalakad kami papunta ng office niya.
Hindi naman kasi niya alam ang nangyari sa amin ni Sir Dustin at mukhang wala rin namang naikwento si Sir Dustin sa kanila.
Mabuti naman kasi nakakahiya iyon...
"Okay lang po. Hayaan na po ninyo. Thank you po pala," saad ko sabay tingin sa kanila ni Sir Meynard.
Sila na lang kasi ni Sir Justin ang tumulong sa akin dahil hindi ko na pinatulong si JK dahil alam kong uuwi na din iyong kapatid ko kaya naman pinauna ko na siya.
"It's okay," saad nito at tipid na ngumiti.
Gwapo din si Sir Meynard e pero kung si Sir Dustin ay hindi nagsasalita dahil gusto niyang unahan siya, eto si Sir Meynard– sobrang konti niya lang magsalita! Ikaw na lang ang magsasawang maging madaldal dahil ang isasagot niya lang kung ano ang sagot sa tanong mo.
Nang makarating kami sa opisina ni Sir Justin ay bahagya akong nagulat dahil nandoon si Sir Dustin at kinakausap yung secretary ni Sir Justin na si Jem.
Tumango lang naman ito nang makita kami tapos ay inabot kay Sir Justin ang isang folder.
"Review mo pala iyan," saad nito tapos umalis ulit.
"Anong problema ng lalaking iyon? Isang linggo na iyang mainit ang ulo," saad ni Sir Justin sabay baba ng gamit ko.
"Ewan, baka may ginawa na naman si Trev," saad naman ni Meynard at ibinaba din ang box ng mga files ko. "I'm going now," paalam nito na tinanguan namin.
Mukhang alam nila na kapatid ni Sir Dustin si Dr. Olivarez.
At dahil kami na lang ang naiwan dito, agad na akong ibinilin ni Sir Justin sa secretary bago humarap sa akin.
"Don't be shy, okay? If you need something, you can ask him or you can go directly to me, okay?" saad niya na mabilis kong tinanguan.
Matapos non ay pumasok na siya sa opisina niya habang kami naman ni Jem ay naiwan doon.
Tinulungan ako nitong ibaba ang mga gamit ko sa lapag para maayos na at makauwi since malapit na din matapos ang office hours namin.
Habang inaayos namin iyon ay doon ko lang nalaman sa floor pala na ito ay puro mga board member ang nakaoffice, maliban sa head ng marketing na si Ms. Divine dahil mas pinili nito na nasa malapit lang siya ng mga subordinates niya pero katulad ni Sir Meynard at Sir Dustin ay dito din sila.
Hindi naman nga nagtagal ay lumabas ma si Sir Justin sa office niya havang bitbit ang bag nito pero may kausap ito sa phone.
"Okay! I'll go there," saad niya tapos binaba ang tawag bago tumingin sa amin. "Tapos na kayo? Let's go home," saad niya sa amin.
"Okay na kami, sir! Naligpit na po namin lahat," saad ni Jem sabay sukbit ng gamit niya.
"Okay, you go first, Jem. Aantayin lang namin si Dust at Meynard," saad niya na mabilis namang tinanguan ni Jem bago nagpaalam sa akin.
Pagkaalis ni Jem ay agad akong hinarap ni Sir Justin.
"Ipapasabay na lang kita kay Ali o kay Nard, may pupuntahan kasi akong importante. Hindi kita maihahatid," saad niya at ramdam ko ang lungkot doon.
"Hala, sir! Hindi naman na kailangan, kaya–"
"No! I insist baka kung anong mangyari sa iyo or baka biglang– alam mo na," saad niya at mukhang alam ko na ang tinutukoy niya.
Si Lloyd. Wala namang alam pa si Sir Justin sa nakaraan ko but he still guarding me… nakakataba ng puso.
Hindi na ako nakipagtalo sa kan'ya doon dahil parang may parte sa akin na gusto ko din makasabay si Sir Dustin para makahingi ng paumanhin.
"Ayan na sila," rinig kong saad nito sabay turo sa mga kaibigan niya kaya naman napayingin din ako dito.
Katulad kanina, nakalagay na naman ang mga kamay ni Sir Dustin sa bulsa ng pants nito habang si Sir Meynard naman nakacross arms.
"Pst! Tin, hatid mo naman si Cai. May pupuntahan kasi ako kaya hindi ko siya maha–"
Hindi na natapos ang sasabihin ni Sir Justin nang lagpasan kami nito habang naglalakad papunta sa elevator.
"Hoy! G*go! Hindi ako pinapansin!" saad ni Sir Justin na may halong inis sa boses niya. "P*ta! Bahala ka nga sa buhay mo!" saad nito sabay harap kay Sir Meynard at akmang magsasalita siya, biglang nagsalita si Sir Dustin.
"Let's go," usal nito. "Hahatid ko na siya," habol niya habang nakatalikod at patuloy na naglalakad.
Napatanga kaming tatlo doon pero agad ding kumilos nang huminto ito at nakataas ang kilay na tumingin sa amin.
"I said, let's go!" may diing saad nito kaya mabilis akong inakbayan ni Sir Justin habang nakangiti.
Wala na akong nagawa kun'di ang magpatianod sa pagkakaakbay ni Sir Justin pasunod kay Sir Dustin na nasa loob na ng elevator at inaantay kami.
Sabi ko gagawin kong opportunity ito para makahingi ng sorry kaya tatapangan ko na lang ang loob ko. Basta dapat humingi ako ng dispensa sa kan'ya at sana lang kausapin niya din ako.
-------------