Chapter 34

1809 Words
DUSTIN "DALAWA lang po ang bibilhin ninyo?" tanong ko dito habang hilahila ko ang cart na hiniram namin para ilagay ang mga bibilhin namin. Kahit paano ay nakakausap ko naman na ang mama ni Cai. Hindi naman siya masungit sadyang hindi lang talaga siya nagsasalita dahil siguro bago akong tao. Puro din naman about sa halaman ang napag-uusapan namin at malaki ang pasasalamat ko dahil kahit paano ay may alam ako about sa mga plants! And I owe my grandma for this! "May nakita pa ako orchids doon, maganda ang tubo, ipapaalaga ko kay Cai para naman may ibang paglibangan," usal nito. Napaisip naman ako at napatango-tango. "Pwede po iyan doon sa bintana ng kwarto nila ni Faye, para po kahit paano may ibang nakikita doon," saad ko. Bigla itong humarap sa akin ng seryoso kaya naman nagulat ako bigla… inisip ko iyong sinabi ko. Parang gusto kong bugbugin talaga itong mga dila ko dahil sa pagsasabi ng totoo! "Lagi ka bang nakatingin sa bintana ng anak ko?" seryosong tanong nito. Marahan naman akong tumango at yumuko ng bahagya. "Pasensya na po. Ginagawa ko lang po iyon kapag hindi ako makatulog at nag-aalala po sa kan'ya," Kumakamot pa ako sa batok ko habang inaamin ko ang kalokohan ko. Last week ko lang naman iyon ginawa… Para kasing hindi ako mapakali at gusto ko matiyak kung okay lang ba siya o kung nakakatulog ba sila ng maayos o kung may nakapaligid ba sa kanila. Muli, hindi naman ito nagsalita at nagpatuloy lang sa paglalakad. "Kung gusto po ninyo ng orchids, bibigyan ko na lang po kayo, marami pong orchids sa bahay ng grandparents ko," usal ko dito. "Baka naman pagalitan ka kapag binigay mo iyon," saad niya sabay tingin sa isang halaman na kung tawagin ay lucky bamboo. "Hindi po, wala naman na pong nag-aalaga doon dahil wala na din po sila lola," tugon ko. Huminto naman ito sabay tingin sa akin. "Baka naman bigla akong multuhin ng lola mo kapag ibinigay mo iyon sa akin," usal niya na mabilis kong inilingan. "Ipagpapaalam ko naman po sa puntod niya," biro ko at sa unang pagkakataon ay nakita ko itong komportable sa akin dahil bigla akong hinampas. "Ay loko kang bata ka!" singhal nito sa akin at tumingin pa sa paligid. Natawa na lang din ako dito at umiling iling. "Biro lang po pero mas magugustuhan po iyon ni lola kesa po hindi naalagaan ng maigi ang mga halaman niya," nakangiting saad ko. "E bakit? Hindi mo ba naaalagaan ang mga halaman ng lola mo?" tanong nito sa akin. "Hindi po, sa iba na po ako nakatira. Minsan ko na lang po iyon na bibisita," saad ko. Nakita ko naman na tumango ito. "O sige! Ibingay mo na lang sa akin at sayang naman ang mga iyon kung hindi maaalagaan, pero ipagpaalam mo muna sa lola mo ha! Baka bigla akong dalawin sa panaginip," saad nito. Napangiti naman ako nang marinig ko iyon. "Sige po! Wala pong problema!" saad ko. Nagyaya na itong bayaran namin ang mga halaman kaya naman mabilis kong tinulak papunta doon ang bitbit namin. Sa totoo lang, I'm glad I got a chance to talk to Caith's mom. It's been a long time since I experienced this kind of conversation… Ung chill lang tapos alam mong nanay ang kausap mo. Nakakamiss lang noong lagi kong binibiro si lola. Ung mga banat na ikagagalit nila pero hindi kalaunan ay mapapatawa mo din sila. "NASABI mo na lumaki ka sa lola't lolo mo. Nasaan ang mga magulang mo?" Napalingon ako dito nang itanong niya bigla sa akin ang about sa parents ko. Nasa byahe naman na kami at kanina ang pinag-uusapan namin ay mga halaman ni lola. "Ang mama ko po, nandito sa Pilipinas at may sarili na pong pamilya. Ang papa ko naman po, nasa America may sarili na din pong pamilya," usal ko at tipid na ngumiti. Whenever I'm talking about my family to others– it sounds like I'm okay, but it's actually harmful for me. "Mag-isa ka na lang pala?" tanong nito na tinanguan ko. "Opo, pero okay lang naman po… sanay naman na pong mag-isa," tugon ko at muli siyang nilingon. Agad din naman akong napaiwas nang makita kong nakatitig siya sa akin. Kinabahan ako bigla e. Kasi feeling ko may ginawa akong kalokohan. Wala pa naman… mabait naman ako, pwera na lang iyong pagiging pala sermon ko kay Cai noon pero mabait na ako ngayon kay Smiley… Naging tahimik na ito sa buong byahe namin hanggang sa makarating kami sa kanila. Tinulungan ko ito sa mga binili namin pati na sa grocery na dala nito. Ngayon lang ako pupunta at papasok dito na hindi si Cai ang pakay o ang hinatid ko at ang awkward pala na makikita soya na sinasalubong ang mama niya tapos nakikita niya ako. Akmang kukunin niya sa akin ang pinamili ng mama niya pero inilingan ko siya. "Mabigat, ako na," bulong ko. Puno pa din ng pagtataka ang mukha nito kahit pa tumatango tango siya. "Dito mo na dalhin iyan sa kusina, Dustin," saad ni Tita habang bitbit ko ang eco bag. "Opo," usal ko at tinignan si Cai na nakangiwi sa akin. Malamang, parang noong isang araw lang ay hindi ako kinakausap ng mama niya kapag nandito ako tapos ngayon tinawag pa ang pangalan ko. Inilapag ko sa kusina nila ang bitbit ko sabay lingon kay Cai na sinundan pala ako. "Kumain na kayo, Cai?" tanong nito sa panganay niya. "O-Opo…" nauutal na saad ni Cai habang nakatingin sa mama niya. "Sige, matulog ka na doon," saad nito kaya naman napatingin ako kay Cai na hindi gumagalaw, nagkatinginan kaming dalawa at parehong nagtatanong ang mga mata. Mabuti na lang nakatalikod sa amin ang mama niya dahil kumukuha ito ng plato. Siguro ay maghahain ng pagkain niya. Maybe I should go home too. Magpapaalam na sana ako nang bigla itong magsalita at humarap. "Dustin, kumain ka na muna dito," "Po?" tanong ko kaya tinignan ako nito. Seryoso lang iyon at hindi mababakasan ng kahit anong pagbibiro. "Sabayan mo na ako, panigurado magluluto ka pa pagdating sa bahay mo. Tapos wala kang kasama doon, kaya sabayan mo na ako dito, marami pa namang ulam at kanin. Sa ganda ng katawan mo panigurado hindi ka naman malakas kumain," pahayag nito. Literal na umawang ang bibig ko dahil sa sinabi niya at totoo naman na magluluto pa ako pag-uwi ko, wala din akong kasama na kumain doon. Muli aking tumingin kay Cai na katulad ko ay gulat sa nangyayari. Hanggang sa biglang sumulpot ang papa nila. "Oh! Nandito ka na pala at kasama mo itong si Dustin," saad niya. "Magandang gabi po, sir," bati ko at yumuko pa. "Bakit sir? Nakapasok ka na sa bahay ko dapat tito na!" nakangiting usal nito sabay turo sa upuan sa harap ko. "Hala at sige't kumain na kayo diyan. Masarap ang ulam ako ang nagluto," Tumalikod na ito sa amin habang naiwan pa din kami nila Cai na tulala doon. "Maupo ka na at iinitin ko lang itong ulam," utos iyon. "O-Opo…" tugon ko at umupo sa upuan na nakatapat sa akin. Bakla na ba akong maituturing kung sasabihin kong naiiyak ako sa pagtanggap nila sa akin. Noong nakaraan lang ay para akong anino o hangin kay Tita… pero ngayon isasabay na niya ako sa pagkain para may kasabay ako at hindi na magluto. Simula nang mamatay sila Lola ay bilang na lang sa daliri ko ang mga taong tumatanggap sa akin at ang gumawa ng ganito sa akin. Hindi ko naramdaman ito sa mga magulang ko! Ung ganitong pagtanggap… Muli akong tumingin kay Cai na nakangiti, does she feel what I'm feeling right now? "Thank you…" I mouth at her but she just smiles and nods. Hindi naman nagtagal ay humarap na si tita dala ang ulam na init niya. Bahagya itong tumingin kay Cai na nakatayo pa din doon. "Pst! Matulog ka na, maaga ka bukas 'di ba?" usal nito. "O-Opo… Intayin ko lang po si Ali," saad niya kaya naman sinulyapan ako ni tita. "Ako naman ang kasama niya na pumunta dito kaya ako na ang maghahatid, matulog ka na," pagtataboy ulit ni tita kaya naman nilingon ko na si Cai at sinenyasan ito na sumunod na. Mabuti na lang at hindi na ito nagpapigil pa at nagpaalam na sa amin. "Good night, ingat ka sa pag-uwi! See you sa office," usal nito. "Bye! Good night, sweet dreams. I love…" bahagya akong napahinto nang makita ko na nanlaki ang mata nito sabay sulyap kay tita. "Your smile…" dagdag ko. Literal na kinurot ko ang sarili ko dahil sa bobohan na ginawa ko. Nakita ko naman na nagpipigil ng tawa itong si Smile kaya agad din siyang kumaway at tumalikod sa amin. Ako naman ay marahan na tumingin kay tita na nakataas ang kilay pero kahit paano ay may mumunting ngiti sa labi. "Kain na po tayo?" patanong kong usal na nakangiti niyang tinanguan. Nag-umpisa kaming kumain doon na hindi naman nag-uusap. Masarap iyong ulam na luto ni tito at tama nga ako na hindi ko sila paglulutuan dahil mas masarap pa sila magluto sa akin. "SALAMAT po sa dinner, masarap po ung ulam," nakangiting usal ko kay tito habang naglalakad palabas ng bahay nila. "Ay mabuti at nagustuhan mo iyong niluto ko, sa susunod ulit!" masiglang usal nito na ikinatango ko. "Salamat po, mauuna na po ako," "Ay oh sige! At mukhang pagod ka na din. Mag-ingat ka, ijo ha!" paalam nito at tinapik pa ang balikat ko. Tumango na lang ako at muling nagpaalam sa kan'ya. Si tita na ang naghatid sa akin sa labas ng bahay. "Salamat po sa dinner, tita," saad ko. "Wala iyon. Salamat din sa paghatid, mag-ingat ka sa pag-uwi," usal nito. "Opo, salamat po ulit. Ung orchids po, ihahatid ko na lang dito. Ipapaalam ko pa po kay lola," biro ko na bahagya nitong ikinatawa. "Maloko ka din palang bata ka! Osya sige! Basta sabihin mo na wag akong dadalawin at aalagaan ko naman ng maigi ang halaman niya," natatawang saad nito. "Noted po, tita!" masiglang tugon ko. "Una na po ako. Salamat po ulit," paalam ko dito na tinanguan lang naman niya pero this time nakangiti na siya sa akin. Naglakad na ako papunta sa kotse ko at nang makarating ako sa pintuan ng driver seats ay muli akong humarap kay tita. "Maraming salamat po sa pagtanggap," nakangiti kong pasalamat sa kan'ya at yumuko pa bahagya. Pumasok na ako ng kotse at huminga ng malalim. My smile keeps on appearing since I met Caith. I should call her later para makapagpasalamat sa kan'ya. Bago ako umalis ay tumingin muna ako sa bintana nito at nakita kong nakadungaw siya sa bintana niya. Later, I'll call her. Sasabihin kong umuusad na ako. At iyayabang ko na mapapalitan ko na si JK sa pagiging paboritong son-in-law. ------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD