Chapter 33

1855 Words
DUSTIN "DUSTIN!" Napataas ang kilay ko nang marinig ko ang boses na iyon ni Justin. Hindi kasi usual na boses at tawag niya. It sounded alarming and full of worries. "What?" tanong ko dito. "Sofia is here! Tawagan mo nga si Cai. Hingan mo ng update," nag-aalala nitong saad. Pati naman ako ay nag-aalala at nagtataka dahil bakit nandito si Sofia? Mabilis kong kinuha ang phone ko para sana idial ang number ni Smiley but it seems she sense that something odd at siya na mismo ang tumawag sa akin. "Scoldy! Nasaan ka? May babaeng pumunta dito! Sofia iyong pangala!" Ayan ang bungad niya nang sagutin ko ang tawag. "What does she want, smile?" marahan kong tanong dito sabay tingin kay Justin na hindi ko alam kung nag-aalala pa o nang-aasar na ngayon. Nakangisi kasi ito peri nakalagay ang mga kamao sa bibig niya. "Wala naman, sabi niya gusto niya makausap si Sir Miggy tapos sabi pa niya siya raw ang totoong Mrs. Monticlaro! Tatawag na nga sana ako sa mental hospital kasi mukhang nasisiraan na ng bait iyon e. Mabuti na lang lumabas si Sir Miggy agad," Hindi ko naman naiwasang ngumiti dahil sa sinabi niya. May kamalditahan din talaga itong babae na ito e. Nagtatago lang sa likod ng sweet niyang ngiti. "Tol! Itanong mo kung anong nangyayari, wag ka makipaglandian sa harap ko!" pagtataray ni Justin. Tinaasan ko lang ito ng gitnang daliri habang nagtatanong kay Cai na mabilis naman akong sinasagot. Nang mababa ko ang tawag, muli akong tumingin kay Justin na nakangisi sa akin. "Nandoon lang daw sila sa opisina ni Miggy. Hindi ko alam kung anong nangyayari pero siguro iyon ang tulong na gagawin ni Miggy para kay Theo," saad ko at marahang nilagay ang phone ko sa gilid ng laptop ko. "Parang ang hirap sa parte ni Miggy…" usal niya sabay upo sa upuan sa harapan ng table ko. Napatango naman ako dito dahil totoong mahirap sa part ni Miggy ang mangyayari. If Nicole finds out about this! Mag-aaway silang dalawa. "Suportahan na lang natin lalo pa at iyon ang kailangan nila," saad ko. "Wala tayong magagawa dahil iyon ang mas makakabuti para mapalabas ang iba," habol ko. "Tama naman, pero ikaw may magagawa ka pa," Napataas ang kilay kong muli sa kan'ya nang marinig ko iyon. Hindi ko kasi naintindihan e. "Anong sinasabi mo?" tanong ko dito. "Nabalitaan ko kay JK na hindi ka pa nanliligaw kay Caith ha! Anong inaantay mo?" tanong nito sa akin. "Wala," maikli at mabilis kong sagot. Masama itong tumingin sa akin kaya napatawa ako. "I'm just giving her some time to evaluate her feelings… ayokong biglain siya bukod doon, uunahin ko muna si Tita na ligawan," paliwanag ko. I can see his mouth form into a 'o' while nodding. Keith and I have already talked about tita. Hindi lang naman ako ang nahirapan sa pagsuyo kay tita kung hindi pati siya. Sinabi nito na mabilis king makukuha ang loob ni tito but si tita, lalo pa at hindi lang rin naman si Smiley ang may trauma sa nangyari pati si tita na mahal na mahal ang mga anak niya. Iniisip ko pa nga lang kung paano ko siya liligawan dahil kahit si Keith ay hindi alam ang mga gusto nito. "Ano naman ang pinayo sa iyo ng pinakapaboritong son-in-law?" natatawang tanong niya na ikinatawa ko na din. "Wala," Malakas itong tumawa bago tumayo. "Good luck sa panliligaw kay tita! Nawa'y mapasagot mo siya at maging close kayo!" usal nito bago kumaway sa akin. Lumabas ito ng opisina ko at saktong tumunog ang phone ko hudyat na may magtext. "Scoldy! Umalis na ung ambisyosang palang kulang pula ang labi! Inirapan ako! Hilahin ko sana iyong eyelashes niyang hindi bagay sa kan'ya e" Natatawa naman akong sumandal sa upuan ko bago nagtipa ng mensahe para sa kan'ya. "Stop it! Don't be such a war freak, smiley!" Mabilis kong ipinadala iyon sa kan'ya habang may ngiti sa labi. Hindi rin naman nagtagal ay sumagot ito na mas kinatawa ko sanay iling ng ulo. "Uy! Hindi pa! Mabait pa ako nito!" I'm biting my lower lips while composing my reply to her. "You look like a crazy old man blushing!" Agad na umangat ang ulo ko at napatigil sa pagtitipa nang marinig ko ang malalim na boses ni Meynard. "F*ck you! Why?!" angil ko dito na ikinatawa lang niya. "I want to ask some help," "What? A help?!" Mabilis itong tumango sa akin at inabot ang isang folder. Marahan ko iyong kinuha at tinignan. E-sports? What's with e-sports? "Yes! A help! Just pretend that you will be their sponsor but the money comes from me, please!" usal nito. My jaw dropped when I heard what Meynard wanted me to do. I'm not used to him having so much to say! Hindi naman kasi siya palasalita talaga. I ask him other details bago ako pumayag sa gusto niya. Pumayag na ako, minsan lang naman siya humingi ng pabor sa amin. Nang makaalis ito, muli ko na lang tinuloy ang pagrereply kay Cai then do my works. I just told Cai that I have a meeting, that's why I can't drop her to their house. "SCOLDY, I got home safe and sound but nakita ko ulit si Lloyd sa kanto namin" Agad na kumunot ang noo ko nang mabasa ko ang chat na iyon ni Smile. Napapadalas na ang pagtambay ng loko na iyon doon. Simula nitong nagbagong taon lagi na naming nakikita ni Smile iyong g*go na iyon doon. I'm glad Smiley is okay now. Hindi na siya nagfefreak out sa tuwing makikita si Lloyd. She's more willing to face him… Isa iyon sa inaantay ko kaya hindi ako nanliligaw sa kan'ya o nagtatanong. Gusto ko settled na silang dalawa ni Lloyd once na pumasok na ako sa buhay nila ni Faye. Though I want them to be on my side, of course! There's a process to everything! I immediately dialed her number as soon as I got in my car. "Are you okay, Smiley?" I asked her the moment she answered my call. "Yes! I'm okay. I actually face him," Napakunot lalo ang noo ko nang marinig ko iyon. "What? Did he do something to you?" tanong ko dito. Napahigpit bigla ang kapit ko sa manebela kotse ko dahil sa nangyari. Sh*t! I should bring her home! "Wala naman siyang ginawa. He just wanted to talk, but I refused. Sabi ko makikipag-usap lang ako kapag kasama kita o nasa loob ng bahay. Mabilis akong tumakbo noong nagbalak siyang hawakan ako," kwento nito na ikinakalma ko kahit paano. "Hindi ako natakot… kalmado ako, tapos inisip ko na pagkinuha niya ako, hahanapin mo naman ako," Agad akong napatawa nang marinig ko iyon. "Of course! I will find you and scold you because you didn't remember what I told you. Kapag ganon, kick his balls and curse him!" usal ko na ikinatawa naman niya. Nang masiguro ko na okay naman siya at walang nangyari ay ibinaba ko na din ang tawag. Naisipan ko munang dumaan ng mall bago umuwi dahil wala na pala akong stocks. Habang nasa grocery nag-iisip ako ulit kung paano ko nga ba maliligawan ang mama ni Cai. Should I bring some groceries to them? Nah! That's too much! They can buy those groceries. Should I cook for them? But they are good cooks! Mas masarap pa sila magluto kesa sa akin! Habang naglalakad ako papuntang parking ay napadaan ako sa isang garden na puno ng mga halaman. Kusang ngumiti ang mga labi ko nang maalala ko ang lola ko. She loves gardening… In their house, there's a lot of flowers, plants, and trees! Minsan pa akong tinuruan ni Lola na mag-alaga ng isang bulaklak at sinabi niya na kung hindi ko kayang alagaan iyon ay hindi pa ako pwedeng mag-alaga ng babaeng papakasalan ko dahil ang bulalak ay parang babae, dapat pinupuno ng pagmamahal, pag-aaruga, at atensyon. Hindi porket naitahim mo na ay hahayaan mo na lang at hindi na aalagaan. Napangiti naman ako nang makita ko ang pamilyar na dahon doon kaya wala sa sarili ko akong nagpunta doon. Gabi na pwede maganda pa din ang kulay ng ibang mga halaman. Lalo na itong nakapukaw ng atensyon ko. "Magkano sa ganito?" Agad na napalingon ang ulo ko sa tabi ko nang marinig ko boses na iyon. Bahagya akong nagulat nang makita ko ang mama ni Cai na nandito. May dala itong isang eco bag na sa tingin ko ay mga groceries din. Ibinaba niya lang iyon sa tabi niya. Tumingin ako sa paligid. Wala ba siyang kasama? "Ang ganda ng ganitong bulaklak, ano ijo?" usal nito sa akin. "Gusto mo din bang bilhin ito? Maganda sana itong ilagay sa kwarto ng anak kong panganay para makatulong sa pagpapagaling niya," Kusang ngumiti ang mga labi ko nang marinig ko iyon sa kan'ya. Mukhang tama nga si JK na paborito ng mama nila Camille si Cai. "Opo, maganda po iyan para sa mga magrerecover sa trauma. Snake plant po ang tawag dito," tugon ko. Lumingo ito sa akin at bahagyang nagulat nang makilala kung sino ako. "Magandang gabi po, ma'am," bati ko sa kan'ya at tipid na ngumiti. Tumango lang ito sa akin bago tumingin muli sa halaman. Actually, I'm planning to buy this plant and give it to Smiley… but I think her mom also wants it for her so, maybe I'm not gonna buy this. Hindi umiimik ang mama nito kaya naman naisip ko na baka ayaw lang ako nitong kausap. I'm used to that but it's actually different… I feel so hurt… even the mother of my love doesn't like me… I don't know how to deal with the pain I'm feeling right now… I was about to bid my goodbye when suddenly she spoke. "Mahilig ka pala sa halaman, ijo," I was speechless for a second because of her sudden talk but I managed to answer her. "Medyo po. Lumaki po ako sa lola ko na mahilig sa mga halaman at bulaklak kaya po nahilig na din," paliwanag ko na siyang ikinatango niya. "Bibilhin mo ba ang halaman na ito?" tanong niya. "Ah! Opo sana, ibibigay ko din po sana kay Cai para po ilagay sa workplace niya sa office, pero kung bibilhin po ninyo ay hindi ko na po bibilhin," saad ko. Gusto ko naman bigla awayin ang sarili ko dahil sa pagiging honest ko! Baka bigla siyang magalit dahil bibigyan ko ang anak niyang panganay ng isang halaman… Tumingin lang mulo ito sa akin bago bumalik sa halaman. "Hindi ko din ito mabibili dahil wala naman akong sasakyan na dala. Sige na't bilhin mo na," saad niya. Kinuha nito ang dala-dala na tingin ko ay mabigat. "Pwede ko po kayong ihatid sa bahay ninyo, mukha din pong mabigat ang dala ninyo," pag-aalok ko. "Ako na po bahala sa sasakyan, hahatid ko na lang po kayo," pag-uulit ko. Muli itong tumingin sa akin kaya naman nginitian ko lang siya sa abot ng aking makakaya. Marahan na lang din itong ngumiti bago tumango sa akin. I felt so relieved when I saw her smile! I guess… I'm moving forward! ----------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD