CAITH
"SO HOW did you and mama become like that?" ayan ang bungad na tanong ko kay Ali nang tumawag ito sa akin.
Kanina ko pa inaabangan ang tawag niya at sa totoo lang, sobrang curious ako na hindi ako mapakali!
"Well, the thing is… I saw her at the garden shop pareho kami ng tinitignang halaman para ibigay sa iyo tapos ayon, nagkaroon kami ng pag-uusap tapos ayon na," kwento nito na mabilis kong ikinangiti.
Masaya lang ako kasi noong nakaraan iniisip ko kung paano ko ba matutulungan si Ali na ilapit kay mama pero ngayon…
"Your mom loves you so much, smiley. I'm thankful I've witnessed how your mom loves you… she cares and thinks about you the whole time na magkasama kami and now I know why she's so protective of you…" usal nito bigla.
"Alam ko… siguro may part lang sa akin na naiinis dahil ikinukumpara ka niya kay Lloyd," tugon ko sabay laro sa kay melody.
"Ow? She is? Maybe before but now, I doubt it. Close kami! Bibigyan ko nga siya ng orchids e," pagyayabang nito na ikinatawa ko ng mahina.
"Really? So your plantito vibe helps you to deal with mama," pang-aasar ko.
Nakarinig lang naman ako ng tawa dito bago sumagot.
"Well, my plantito vibe is the reason why we're close… by the way! Thank you…"
"For what? Ikaw naman ang nakipag-usap–"
"For allowing me to be part of your family… I mean, kung hindi naman kita nakilala, I'm still the Mysterious Dustin, but you came into my life and brought out the mystery in my life… so thank you! You let me feel how to be part of the family…"
Sa bawat salitang binitawan nito ay ramdam ko ang saya.
Alam kong masaya siya hindi lang dahil nakakausad siya sa diskarte kay Mama kun'di dahil sa init ng pagtanggap nila papa sa kan'ya.
Nag-usap pa kaming dalawa doon ng matagal at nabanggit nga niya na aasarin niya si JK.
"Kayong dalawa! Napakaisip bata ninyo!" singhal ko na ikinatawa nito.
"He's the first one to do that! So, I want revenge!" saad niya na ikinailing ko na lang.
Matapos namin mag-usap na dalawa ay agad akong nahiga at nakamgiting tumingin sa kisame.
Masayang-masaya ako dahil kahit paano alam kong binibigyan ni Mama ng pagkakataon na makilala si Ali.
Akmang pipikit na ang mga mata ko nang biglang tumunog muli ang phone ko kaya naman kinuha ko iyin dahil baka si Ali ang nagtext at hindi na naman makatulog.
'Let's have a small talk, babe…'
Agad kong binura ang mensahe na iyon nang mabasa ko.
Eto na naman! Ilang araw na akong nakakatanggap ng ganitong mensahe at sa iisang number lang kaya alam ko kung kanino galing ang mensahe na iyon.
Ayaw ko pagtuunan ng pansin ang mensahe na iyon dahil para sa akin ay mag-uusap lamang kami kung papayag siya na dito iyon sa loob ng bahay namin mangyayari.
Ngunit ayaw nitong pumayag kaya naman, hindi ko na siya sinagot ulit.
Muli ko na lang ibinaba ang phone ko at inayos ang pagkakahiga ko para naman makapagpahinga na ako.
MABILIS na lumipas ang araw at linggo. Mas napapansin ko ang paggiging close ni Ali sa bahay.
Tuwing ihahatid ako nito ay lagi na siyang inaaya ni Mama na kumain kasabay namin. Alam kong nahihiya ito pero alam kong masaya dahil tanggap siya ng pamilya ko.
Si Mama nga lang ang lagi nitong kausap at tungkol sa mga halaman.
Kita ko sa mga mata ni Ali ang pagkasabik sa tuwing kakausapin siya ni Mama. Feeling ko nga nalimutan na niya iyong agenda talaga niya na mapalapit lang kay Mama kasi feeling ko nag-eenjoy talaga siya sa pakikipag-usap kay Mama na walang bahid na ibang intensyon.
Katulad na lang ngayon na nandito ito habang kabiruan sila Papa. Kahit hindi na ako nito kasama ay komportable na siyang kumilos.
Para nga siyang taga-rito na!
"Uy! Si Ate Cai, naiin love kay Kuya Dustin,"
Agad kong nilingon si Chester nang marinig ko iyon sa kan'ya. Kasama nito si Fatima at Filan na nakangiting aso sa akin.
Naghahanda na kasi kami ng hapunan at nagbabalat sila ng pakwan na binili namin ni Ali sa nakita namin.
"Pst! Wag mo ngang asarin si ate, kapag iyan pumatol! Biglang mapaamin iyan," usal ni Filan na sabay ikinatawa nitong dalawa.
"Mga loko-loko kayo ha! Ang lakas ninyo mantrip!" saad ko at muling ipinagpatuloy ang pag-aayos ng lamesa.
Tinawanan lang naman nila ako tapos ay sabay-sabay na nag-apir.
"Pero, ate! Mas gusto namin siya kay Kuya Lloyd. Kasi si Kuya Lloyd hindi naman naging ganyan kila papa… lagi lang iyon pupunta dito tapos ngingiti lang pero hindi makikipagbiruan, lagi lang gusto nakayapos sa iyo," saad ni Filan.
"Oo nga, ate! Para siyang si Kuya JK noong nanliligaw pa lang kay Ate Cami! Matured pa! Feeling ko mas matured soya kay Kuya JK," saad ni Fatima sabay tawa.
"Hoy! Ano iyong narinig kong pangalan?"
Sabay-sabay kaming napatingin sa pasukan ng kusina nang dumungaw si JK doon.
"Kuya!" sabay-sabay na sigaw noong tatlo.
Sabay-sabay din silang lumapit para yumakap dito.
"Hala! Yakap yakap kayo kanina lang sinisiraan ninyo ako," nagtatampo niyang saad na ikinatawa ni Fatima.
"Sabi sa inyo e. Mas matured si Kuya D kesa kay Kuya K," saad niya na ikinatawa namin.
Mas natawa naman kami nang sumigaw bigla si JK.
"MAMA! SI TIMANG, INAAWAY AKO!" sigaw nito sabay lakad palabas sa kusina.
Mabilis naman siyang sinundan ni Fatima habang natawa.
Nailing na lang ako dahil sa kakulitan nila. Lagi naman iyang ganyan si Fatima at JK. Lagi kasing inaasar ni JK si Fatima ng timang kaya naman itong isa ay naganti.
Pagbalik nila ay kasama na nito sila Mama pati na ang iba.
Agad na hinanap ng mata ko si Ali na buhat si Faye.
Ayan pa! Ayaw na siyang hiwalayan ni Faye! At Dada na ang tawag nitong maliit kay Ali na hindi naman tinutulan nitong isa.
Nilapitan ko sila at kinuha si Faye na ayaw naman sumama sa akin kaya naman tinabihan ko na lang sila.
"Ma, hindi na ako ang paborito mong anak?" rinig kong tanong ni JK kay Mama na tinatawanan lang siya.
"Hindi naman talaga ikaw ang paboritong anak e," saad ni Cami na lumalapit sa akin habang buhat nito si Pusa.
Tumingin ito sa akin bago tumingin kay Ali tapos sa akin ulit.
"Nanliligaw ba iyan?" tanong nito napatingin lang ako sa kan'ya.
May kakaiba sa tingin nito kaya naman marahan akong umiling.
Tumango na lang ito tapos lumapit kay JK na nangungulit pa din kay Mama.
Tumingin naman ako kay Ali na tipid na ngumiti sa akin bago dumungaw.
"Sa susunod tango na ang isasagot mo sa tanong nila," bulong niya.
Kagat labi naman akong tumingin sa kan'ya habang nakataas ang kilay. Kumindat lang ito at muling tumingin sa kaibigan niyang nag-iisip bata.
"TITA, pwede ko pobang ipagpaalam si Sm– Cai po at si Faye, sa sabado po. Dadalaw lang po sana kila Lola. Papaalam ko na din po iyong orchids ninyo," saad bigla ni Ali habang kumakain kami ng mga prutas.
Mabuti na lang at kahit paano ay kasya na kami dito sa hapag at hindi na kailangan kumain sa sala.
"Hindi pwede! Sisipsip ka lang kay Mama e," saad ni JK na nakatayo dahil buhat si Pusa.
Muli namang nagkaroon ng tawanan dahil doon.
"Hindi ako nasipsip, ako na lang talaga ngayon ang paborito," tugon naman nitong si Ali kaya bahagya ko siyang kinurot.
Talaga namang ginatungan pa ang pag-iinarte nito ni JK!
Tinignan naman ako nito na parang nagtatanong kaya pinanlakihan ko lang siya ng mata.
Magsasagutan pa sana silang dalawa doon nang sumabat na si Papa.
-----------