CAITH
"ARE you okay now?"
Agad na lumingon ang ulo ko kay Sir Dustin nang marinig ko itong magsalita.
Nakatingin kasi ako sa labas ng bintana dahil sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.
Hindi pa lang kasi ako palagay dito… parang may kung anong kumakain ng laman loob ko at hindi ako mapakali bukod doon, hindi siya nagsasalita.
Buong durasyon namin ng paglalakbay sa daan na may napakahabang trapik ay hindi siya nagsasalita!
"O-Opo…" nauutal kong saad na tinawanan lang naman nito.
"Why I feel like you're not?" saad niya muli at naramdaman kong nilingon ako nito. "I heard from Justin what happened last time, I guess that's the night I called you," dagdag niya na ikinalingon ko na dito.
Dahil nakahinto ang kotse sa trapik ay nakita kong nakatingin ito sa akin habang kampanteng nakahawak sa manibela ng kotse niya.
Bahagya pa itong ngumiti sa akin na ikinaiwas ko ng tingin.
"Ow! It's okay if you don't want to share it. I don't mind, hindi naman kita pinipilit. I'm just worried," mahinahon nitong usal kaya naman ibinalik ko ang tingin ko sa kan'ya pero nakaharap na ito sa kalsada dahil muling umusad ng kakaunti ang kotse.
"Sorry po. Hindi lang ako komportable," pag-amin ko na.
Nakita ko naman itong tumango bago muling tumingin sa akin.
"It's okay though I don't understand why dahil nagkakapalitan naman tayo ng message kaya akala ko we're friends but I guess no," saad niya.
Bahagya naman akong nahiya dahil sa sinabi niya. Totoo naman kasi pero–
"Pero ngayon ninyo lang po ako kinausap," saad ko.
Nakarinig nama ako ng tawa galing sa kan'ya.
"Ah! Ayoko lang makigulo kay Justin kaya hindi ako nakikipag-usap sa iyo but I smiled at you every time, we see each other," pagtatangol niya. "But! Okay, I accept your excuse since you also have a point,"
Tumango naman ako at magsasalita pa pang sana muli nang biglang tumunog ang phone niya.
Mabilis niyang tinignan iyon at kita kong kumunot ang noo nito nang makita niya kung sinong natawag.
Since nakaconnect sa kotse ang phone niya kaya naman nang sinagot niya iyon ay rinig ko din ang usapan.
"Yes?" bungad nito.
"Are you with your brother, Tin?" usal ng magaan na boses sa kabilang linya.
Feeling ko mama niya ito at may kapatid pala si sir.
"Nope, he's not with me," tugon niya sabay kabig pakabila ng manibela para lumiko.
"Oh! He told me he will meet you!" rinig ko ang pagkairita ng boses doon pero mababakasan din ng pag-aalala.
"Ma, galing akong meeting. How come na kasama ko siya?" mahinahon na usal nito nakarinig kami ng malalim na hinga galing sa kabilang linya kaya naman napahinga na din si Sir Dustin ng malalim. "But, fine. I try to call him and tell him to call you,"
Hindi ko alam kung ako lang ba pero sa unang pagkakataon naringgan ko siya ng bahagyang lungkot.
"Is that all why you'd call me?" tanong nitong muli.
"Yes, pakisabi tawagan ako agad," tugon ng mama niya.
"Okay, anythi–"
Hindi na niya natuloy ang sasabihin dahil biglang end call tone na lang ang narinig namin.
Hindi naman ako nagsalita at tumingin lang kay Sir Dustin na tahimik lang naman.
I feel something strange to him… biglang nag-iba ang aura nito at hindi ko maexplain… ibang-iba!
Napaatras naman ako bigla nang lumingon ito sa akin tapos tumingin ulit sa kalsada.
"Sorry, did I startle you? I didn't mean it. Makikisuyo lang sana akong ipadial yung number ng kapatid ko," saad niya.
"Ah! Sorry po. Bigla ka kasing lumingon kaya nagulat ako," saad ko at umayos ng upo at huminga ng malalim bago kinuha ung phone niya. "Kanino pong number ang idadial ko?" tanong ko tapos tumingin sa kan'ya.
"Kay Trev," saad nito.
"Kanino po?" gulat na tanong ko.
"Kay Trev. Just type Trev, lalabas na iyon," saad niya sa normal na paraan at hindi pinansin ang gulat ko.
Hindi naman na ako nagtanong kahit gulat pa din ako.
Trev? 'di ba, may kaibigan din silang Trev, hindi naman siguro iyon yung tinutuloy niya. Bukod doon parang magka-edad lang sila no'n ni Dr. Olivarez.
Nang mahanap ko na ang yung pangalang 'Trev' sa contact list niya ay agad ko na iyong dinial at umayos na muli ng upo.
"Thanks," saad nito na tinanguan ko.
Hindi naman din nagtagal ang pagdial at agad na sumagot ang kabilang linya.
Ayon nga lang ay parang mga pagod ang nandoon dahil sa malalim na hinga at naghahabol ng hinga.
"F*ck! Ali, bakit?! I'm in the middle of the battle! Why are you calling?"
Mababakasan ng pagkairita sa boses ng nasa kabilang linya nang sagutin iyon. Pero hindi iyon ang mas napansin ko kun'di ang boses nito na kasing katulad ng kay Dr. Olivarez.
"Battle your ass! Battle between who? 2 women and you or three women and you?"
Halos manlaki naman ang mata ko sa narinig ko dahil mukhang alam ko kung anong tinutukoy niya bukod doon.
Mukhang confirm na si Dr. Olivarez iyon.
"Eh! Wrong, my dear brother! Only one woman and me! Oh…" saad nito na may pag-ungol na kasama.
"G*go! You answer my call while you're inside of your w***e?!"
Bigla parang hindi ako makahinga sa sinabi nito at para akong nasosuffocate.
Hindi dahil inaatake ako ng anxiety ko kun'di hindi ko lang gusto ang usapan nila.
Parang gusto ko tumalon sa pintuan na ito.
Bahagya ko na lang tinakpan ang tenga ko habang nakatigin sa labas para lang hindi ko na mapakinggan ang usapan nila.
Sana kay Sir Just na lang ako sumabay para hindi ko marinig iyong salitaan nila pero kung doon ako sumabay hindi ko malalalaman na magkapatid pala si Sir Dust at Dr. Olivarez.
Pero ano namang paki ko kung–
"I'm sorry for our words… ahm! I forgot you're here,"
Muli akong naligon kay Sir Dustin dahil sa narinig ko.
"Mukha nga po e," saad ko at bumalik sa labas ang tingin ko.
Hindi naman na ito nag salita pa at ipinagpatuloy na lang ang pagmamaneho hanggang sa nakarating kami ng company at agad akong lumabas ng kotse at huminga ng malalalim.
Aakyat ko muna itong mga gamit ni Sir Migs bago ako umuwi. Magjejeep na lang siguro ako tapos tatawag kay Papa para magpasundo sa kanto.
Sumakay na kami ni Sir Dustin sa elevator at sabay na pinindot ang floor namin.
"Uuwi ka na din ba agad?" tanong nito sa akin.
"Opo, ibaba ko lang po itong mga gamit ni Sir Migs tapos uuwi na din po ako," saad ko.
Tumango lang naman ito at tumingin sa itaas kung saan nandoon ang mga number ng bawat floor.
Nang tumunog ang elevator hudyat na nasa floor na niya siya, saka lamang siya tumingin sa akin at ngumiti.
"I'll wait you in the car, hatid na kita," saad niya tapos ay lumabas habang ako ay naiwan sa loob ng elevator na tulala hanggang sa magsara ang pinto.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko, sabi ko uuwi na lang ako mag-isa…
Tama! Uuwi ako mag-isa hindi naman siguro ako, iintayin no'n ng matagal! Pagsiguro mga 5 minutes at wala pa ako doon ay kusa na iyon na aalis. Tama!
MABILIS kong ibinalik ang mga gamit ni Sir Migs sa office niya at inayos din ang ibang gamit nito sa loob matapos non ay ung table ko naman ang inayos ko tapos ay bumaba na sa lobby.
Malaking pasasalamat ko na hindi ko nakasabay si Sir Dustin sa pagbaba kaya naman dire-diretso akong lumabas ng building.
Habang naglalakad papu tang sakayan ay bigla naman akong may naramdaman na hindi maganda at pakiramdam na sumusunod sa akin kaya agad akong lumingon sa likod ko pero wala namang tao kaya muli akong naglakad pero hindi pa din ako palagay kaya naman mas binilisan ko na lang ang paglalakad pati na ang patawid para makapunta sa maraming tao.
Pero kahit nandoon na ako ay hindi pa din mawala ang pakiramdam na may nakatingin o nakasunod sa akin kaya naman tumingin tingin ako sa paligid ko at habang ginagawa ko iyon ay nakaramdam ako ng pagtabi sa gilid ko kaya mabilis ko iyong nilingon pero hindi pa tumatama ang mata ko sa kan'ya ay may humawak na agad ng braso ko sa kabila na ikinatili ko ng malakas.
Hindi ko na nagawang tignan ito at pinaghahampas na lang ito agad.
"Bitawan mo ko! Hay*p ka! Bitaw! Wag mo akong hahawakan!" naiiyak na saad ko habang pilit na inaalis ang kamay niya.
Wala na akong paki-alam sa ibang taong nakapaligid sa akin basta hinampas ko lang iyon.
"Cai! Caith! Sh*t! Stop!" rinig kong usal ng lalaking nakahawak sa akin.
Hanggang sa may mga tumulong na sa akin at inalis ang pagkakahawak ng lalaki sa akin.
Kaya naman nanginginig at hinihingal k
ko itong tinignan at halos lumuwa ang mata ko nang makita ko kung sinong hawak nila!
"Damn it! I know her! Let go of me!" sigaw ni Sir Dustin na ngayon ay nakablack long sleeve na checkered!
Tumingin ito sa akin na kunot ang noo at mababakasan ng pagkainis.
"Tell them you know me!" may pagkairitang saad niya at may halong pag-uutos.
"Kilala mo 'to, miss?" tanong ng isang lalaking may hawak sa kan'ya.
Nanginginig naman akong tumango kaya naman binitawan nila ito.
"Kilala mo naman pala, kung makaarte ka ay akala mo, kikidnapin ka! Nakapwerwsiyo ka pa!" rinig kong saad ng babae sa likod ko.
Dahil naman doon ay isa-isang nagsialisan ang mga tao sa paligid ko habang bumubulong ng mga mapanghusgang salita sa akin.
Hindi mapakali ang mga kamay mo sa mga naririnig ko at pilit kong tinatago ang mga luha kong gustong bumagsak.
"I just want to make sure that you'll be in your home safe that's why I want to drop you but I guess you really don't want it! I should have just not followed you," rinig kong saad ni Sir Dustin kaya naman inangat ko ito ng tingin lalo na at tumawa ito ng nakakainsulto. "Napagkamalan pa akong kidnapper! Go home and wipe your tears, you look so pathetic," saad niya at tumalikod sa akin.
Ramdam ko ang inis sa bawat hakbang nito.
Since the day I gave myself to Lloyd, I always and will always look pathetic!
I didn't have a chance to say sorry to Sir Dustin. Even to the people who help me.
-----------------