Chapter 3

1609 Words
CAITH "SO paano, Ate Caith, bukas ikaw na lang po dito mag isa. I know you can do that," saad ni Nicole sa akin. Ngayon na kasi ang huling araw nitong kasama ako dito sa pwesto namin. Mas naging busy nga din kami ngayon kesa kahapon dahil mas madaming meeting ang pinuntahan namin. Gumawa din kami ng presentation para ata sa meeting ng monthly reporting na gagawin ni Sir Miggy. Ngayon ko nga lang nalaman na may ganon palang ginagawa ang presidente ng kompanya. Akala ko puro lang sila pirma at meeting, may reporting din pala silang ginagawa. Sabi ni Nicole para daw ipakita sa investors, board at iba pang parte ng kompanya ang progress ng M.E. Dati daw si Keith ang gumagawa ng reporting dahil assistant at secretary siya pero dahil wala nga si Keith— si Nicole dapat pero dahil naabutan ko, si Sir Miggy na lang daw muna dahil hindi pa naman ako sanay dito. Nangako naman ako sa sarili ko na aaralin ko ang bagay na iyon para sa susunod ay ako na ang gagawa no'n since regular na akong secretary ni Sir Miggy. "Oo nga e. Hindi ba pwedeng extent kahit mga 2 hrs," biro ko naikinatawa nito. "Naku! Baka puntahan na ako nila–" napatigil ito sa pagsasalita nang may tawag sa kan'ya. Sabay kaming napalingon doon at nakita ko ang isang lalaking naglalakad papalapit sa amin. "See! Miss na nila ako doon," bigla usal ni Nicole. "Ate Caith this is Vash team member ko. Vashy Vash, si Ate Caith bagong secretary ni Kalen," pakilala nito sa amin sabay baling ulit kay Vash na ngumiti muna sa akin. "Ate, eto iyong flashdrive na pinaglagyan namin ng mga ieedit mo," nakangiting usal nito. "Eto yung mga naedit n'yo na ding gawa na pinasa sa akin noong nakaraan?" tanong ni Nicole sabay kuha sa inaabot na flashdrive ni Vash sabay lapag sa tabi ng laptop na gamit niya. Hinayaan ko na silang mag-usap doon at ako naman ay gumawa ng mga pwede kong gawin at nagligpit ng ibang mga kalat doon. Hindi rin naman nagtagal ay umalis na din si Vash at sinabi ni Nicole na magkita na lang daw sila. Wala naman na din kaming ginawa ni Nicole dahil mabilis natapos ang ibang mga bagay. Ilang oras nga lang ay sabay na kaming nag ayos ng gamit ni Nicole dahil limang minuto na lang at sasapit na ang alas-singko. "Ay, Ate Cai! May ibibigay pala ako kay Faye," biglang saad ni Nicole kaya napatingin naman ako dito. "Wait lang, kunin ko sa pantry. Nilagay ko kasi doon sa fridge," saad nito sabay tayo at ngumiti sa akin. "Sige po," tugon ko. Mabilis itong maglakad papunta sa pantry para doon sa kukunin niya. Ako naman ay busy na mag ligpit ng iba pang gamit dito. "Busy mo naman, Cai," Halos napaupo ako sa gulat nang may magsalita sa gilid ko. Inangat ko ito ng tingin at mukha naman siyang nag alala! "Jusko! Sir Justin! Nakakagulat po kayo," saad ko dito sabay hawak sa dibdib ko na tapat ng puso ko. "I'm sorry… I didn't mean to startle you…" usal niya na bakas ang pag aalala. "Okay lang po, nagulat lang talaga ako dahil tahimik po dito tapos bigla pong mag magsasalita," wika ko na ikinangiti nito. "Kaya nga ako nandito para hindi tahimik e. Anyway! Nasaan ang kasama mong angelita demonyita?" tanong nito kaya napatitig naman ako. "Sino po iyon?" walang alam kong tanong sa kan'ya. Mukha naman siyang natawa sa itsura ko na walang alam at walang ideya. "You didn't know who angelita demonyita is?" balik nito sa akin na inilingan ko lang kaya natawa siya muli. Sakto namang bumukas ang pinto ng office ni Sir Miggy kaya sabay kaming napatingin dito. Iniluwa non si Sir Miggy na bitbit ang mga gamit niya. "Cai, where's Zie?" tanong ni Sir Miggy sa akin. Sasagot pa lang sana ako nang magsalita na si Sir Justin. "Ayon nga hinahanap ko e," saad niya kaya napatingin ako dito. "Sabi po ninyo si angelita demonyita hinahanap ninyo?" usal ko. Nalipat naman ang tingin ko kay Sir Miggy nang matawa ito. "Isusumbong kita kay Zie! Binubuko ninyo ung totoong pagkatao ng asawa ko!" natatawang usal ni sir pero nahinto iyon nang magsalita si Nicole. "Ano na namang ginagawa mo dito?!" sita nito kay Sir Justin. "Dala mo na gamit mo dapat umuwi ka na diretso," habol niya pa. Naglalakad na ito palapit sa akin sabay nakangiting abot ng paperbag na may nakalagay na pangalan ni Faye. Marahan ko namang kinuha iyon at malamig… "Itatanong ko lang naman kung pwedeng ihatid si Cai? kasi willing naman akong maghatid," nakangiting turan ni Sir Justin sabay kindat sa akin. Hindi ko naman alam kung ngingiti din ako o ngingiwi. Iba lang ang dating sa akin. "Hindi mo ikinagwapo iyan, mukha kang manyak sa kalye na sinuotan lang ng magandang damit," usal ni Nicole kaya naman nakarinig ako ng mahinang tawa kay Sir Miggy. Si Sir Justin naman ay sumimangot at nagmakeface lang. Nagulat naman ako nang humarap si Nicole sa akin ulit. "Crinkles iyan, I made that last night kasi nagcrave ako tapos naalala ko kayo kaya dinamihan ko tapos binalot ko," nakangiting saad nito. Ibang-iba ang tono niya sa mga salitang iyon kesa sa mga salitamb binanggit niya kay Sir Justin. "Ako, Nics! Wala?" sabat ni Sir Justin. Ang kaninang nakangiting mga labi ni Nicole ay napalitan ng seryoso na sinamahan pa ng pagtaas ng kilay sabay tingin sa kan'ya. At hindi pa man nagsasalitasi Nicole malakas na tawa na ang narinig ko kay Sir Miggy. "Wala! Sino ka ba?" mataray na tanong nito. Napatingin naman ako kay Sir Justin na nagkakamot kamot. Pakiramdam ko tuloy ay pinagtitripan sila lagi ni Nicole. At ang saya lang nilang tignan dahil parang close silang lahat. Hindi na nagtanong ulit si Sir Justin dahil inalisan na siya ni Nicole at kinuha ang mga gamit nito. Pero bago pa maiba ang usapan ay nagsalita ulit si Nicole. "Kunin mo na lang doon sa pantry ung iyo tapos sabihan mo na lang iyong dalawa pa na meron din sila. May mga pangalan naman iyon kaya wag ka na manglamang ha! Kukutusan kita!" Hindi ko naman napigilang matawa nang parang sinilaban sa pwet iyong si Sir Justin at mabilis na pumunta ng pantry. "Para po siyang hindi nakakakain ng ganon," usal ko doon sa mag asawa na natumatawa lang din. "Hindi iyan mahilig sa matamis but when it comes to Zie's baked they like zombies," usal ni Sir Miggy habang umiiling. "Hindi po kasi ganong katamis, pero masarap po! Ikaw din nagbake ng cake ni Mama noong nagpunta kayo sa bahay, 'di ba?" tanong ko kay Nicole na nakangiti na ngayon na tumatango. "Kaya nga naalala ko si Faye kasi naalala ko na hindi niya tinigilan iyang dala ko noon," saad nito sabay abot ng gamit kay Sir Miggy na malugod namang kinuha ng asawa niya. "Salamat dito," saad ko. Kumindat lang naman ito bago nakipag-usap sa asawa niya. Hindi ko naman maiwasan na mapangiti sa kanolang dalawa habang pinagmamasdan sila dahil sobrang caring ni Sir Miggy kay Nicole. Hindi man ako ang hinahaplos nito o nginingitian— ramdam ko naman ang pagmamahal dito. Lalo na sa mga titig nila sa isa't-isa… Inialis ko na lang ang tingin ko sa kanila dahil kahit paano ay nakakaramdam ako ng inggit at lungkot. Hindi naman inggit na gusto ko silang sirain kun'di inggit na sana naging ganito din ang buhay ko, na sana inalagaan din kami ni Faye at pinaramdam na mahal din kami… SABAY-SABAY na kaming umalis ng floor ng opisina nang makabalik si Sir Justin. Hindi ko talaga maiwasan matawa sa kan'ya dahil sa pagiging bibo nito. Bumalik nga siyang nakangiti at subo-subo na ang isang pirasong cringkles. "Pwede ako na maghatid sa kan'ya? Uwi na kayo!" saad ni Sir Justin habang nasa elevator kami. Sabay naman na yumingin iyong mag-asawa sa kan'ya. "Iuwi mo ha! Wag mong dadalhin sa kung saan-saan! Babalatan kita ng buhay!" saad ni Sir Miggy sabay tingin sa akin. "Is it okay with you if he will drop you to your house?" tanong nito. "Payag ka na, Caith. Hindi kita ibabahay, 'ska na 'pag pumayag ka ng manligaw ako," saad nito at muling kumindat. "And wala akong gagawin sa iyo! Takot ko lang kay angelita demonyita," biro nito kaya muli kaming natawang apat. Nahinto lang dahil biglang nagtanong si Nicole kung sino ang tinutuloy ni Sir Justin. Mukha namang hindi nagustuhan ni Nicole ang sagot nito kaya naman nagkaroon bawian sa loob ng elevator dahil doon. "THANK you sa paghatid, Sir Justin. Thank you din po sa take out," usal ko nang matapat kami sa bahay. Wala na kasi akong nagawa nang makababa kami at pinapasok ako nito sa kotse niya. Nakakahiya naman kung tatanggi ako lalo pa at siya na nga ang nag offer sa akin. Habang nasa byahe nga din kami ay inalok ako nito ng cringkles pati ang dumaan kami sa isang fastfood chain. Nakakatuwa lang na alam nila iyon kahit mayaman sila. "Wala iyon. Thank you din sa pagpayag," saad nito sa akin at ngumiti ng malawak. "Ingat ka po sa pagdadrive," paalam ko ulit at marahang lumabas ng kotse. Muli lang itong nagpaalam sa akin bago tuluyang umalis. Nakangiti lang akong pinagmasdan iyon paalis at sa hindi sinasadya napatingin ako sa madilim na parte. May isang lalaki doon na nakatayo at parang nag aabang lang. Nakatingin ito sa akin. Nanlalaki naman ang mata nang ngumiti ito… nanginginig ang mga paa kong mabilis na naglakad papasok ng bahay. Kailan pa siya nandiyan? Bakit nandiyan na naman siya?! --------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD