Chapter 4

1916 Words
CAITH HALOS takbuhin ko na ang bahay namin dahil sa nakita ko. Hindi ako pwedeng magkamali! Si Lloyd iyon! Ano na naman ginagawa niya dito?! Halos matumba ako nang tumama ako katawan ng kung sino. Mabilis ko itong tinignan at nakita ko si Cheska na nagtatakang nakatingin sa akin. "Okay ka lang, ate? Anong nangyari sa iyon?" nag-aalalang tanong niya. Tinignan nito ang hawak ko at agad na kinuha para matulungan ako. "Ha? Ah! Oo, okay lang ako. Si Faye nasaan?" tanong ko dito habang pilit pinapakalma ang kalooban. "Nandoon sa kwarto nila mama," usal nito sa akin na tinanguan ko lang naman. Mabilis akong lumakad papunta sa kwarto nila mama. Hindi pa din mawala sa isip ko ang mukha ni Lloyd na nasa labas lang ng bahay namin. Pakiramdam ko ay any minute pwede siyang pumunta o kumatok dito at guluhin na naman kami. Marahan akong kumatok ng tatlong beses sa kwarto nila mama at binuksan iyon. "Oh! Ayan na pala si mama mo e," saad ni Mama habang pakunwaring kinakausap si Faye. Tumingin naman ito sa akin at masayang nagtatatalon habang nakatayo sa hita ni Mama. Kahit pa may hindi maganda akong nararamdaman ay pinilit kong ngumiti sa kanila. Ayoko ng mag-alala sila mama sa akin dah lang kay Lloyd. Masyado na akong nakakaperwisyo sa kanila kaya tatahimik na lang muna ako. Nagpaalam na muna ako ulit sa kanila na magpapalit ng damit bago ko kukunin si Faye. Habang nasa kwarto ay panandalian akong sumilip sa labas ng bahay para tignan kung nandoon pa ba si Lloyd kahit na alam ko naman na hindi tanaw sa bintana ko ang kinaroroonan niya. Gusto ko lang mapanatag ang loob ko na wala na siya doon. Pero katulad nga ng sabi ko ay hindi kita dito kaya naman huminga na lang ako ng malalim at ipinagpatuloy ang pagbibihis. "ATE! kanino galing itong cringkles?" tanong ni Chester sa akin sabay kuha ng pangalawang cringkles niya. "Ah! Kay Nicole galing iyan, nagbake raw kasi siya kagabi tapos naparami kaya ayon binigyan niya kami. Masarap 'di ba?" nakangiting tanong ko na agad nipang tinanguan. "Mabait talaga ang mag-asawa na iyon. Biruin mo at ginawa ka ng regular na secretary tapos ay binigyan ka pa ng ganito. Pero hindi ko pa din malilimutan iyong tulong nila sa inyo ni Faye," saad ni Mama. "Opo! Hindi ko din malilimutan iyon. Utang na loob ko po tapaga sa kanila iyon," saad ko sabay tingin kay Faye na kinangatngat na ang kan'yang cringkles. "Pst! Fayang! Wag na masyado sa matamis ha! Matutulog ka na," saway ko dito pero ngumiti lang naman ito sabay pakawala ng laway niya. Natawa lang naman kami sa kan'ya bago ipinagpatuloy ang pagkain. Napatingin ako sa phone ko nang magring ito at pangalan ni Camille ang nakalagay. Tumayo muna ako at nagpaalam kila mama bago sagutin ang tawag. "Uy! Bakit?" tanong ko dito. "Wala naman, kakamustahin lang sana kita," Napatawa ako nang maringgan ko ang pagsigaw ni Keith na sinasabing. "Okay lang naman ako," tugon ko dito. "At'ska tama iyang asawa mo! Wala kang dapat ikabahala dahil mabait naman sila," habol ko pa. "Eh! Kasi baka nahihiya ka doon! Wag ka mahihiya ha!" usal pa nito na ikinatango ko kahit hindi naman niya kita. "Oo na! Salamat ha!" tugon ko. "Wala iyon! Nga pala! May final fitting tayo ng gown, by next week! text kita kung kailan…" "Ah! Ganon ba? Sige. Text mo ako para makapagpaalam din ako kay Sir Miggy," saad ko na sinang-ayunan niya. Matapos naming mag-usap ay bumalik ako sa hapag at napataas ang kilay nang makita kong wala ung cringkles! Mabuti na lang at nakikain ako kay Sir Justin kanina kaya nakatikim ako nito. KINABUKASAN ay maaga muli akong pumasok dahil maaga ang meeting na gagawin ni Sir Miggy kaya kailangan kong iprepare ang board room. "Good morning, Cai! Ang aga mo!" Agad akong napatingin kay Chavia, ung receptionist namin na naka-usap ko noong nakaraan. Nag-aayos siya ng lamesa niya sa reception at sakto sigurong nakita niya ako. "Good morning din, Chav! Oo, may meeting kasi si Sir Miggy, I need to prepare the board room," nakangiting usal ko na tinanguan niya. "Oh! Good luck to your meeting! Aja!" saad nito at kumaway sa akin. "Thank you! Dito na ako," paalam ko ay bumalik ng kaway sa kan'ya. Dahil may ID naman na ako ay dire-diretso na akong nakakapasok sa loob. Malaking bagay din talaga na nakuha ko agad ang ID ko. Bahagya akong nagulat nang makita ko si Sir Justin sa mesa ko na parang bored na bored na nag-aabang doon. He's tapping his pen on my table while sitting on my chair. Marahan akong naglakad papalapit sa kan'ya at bahagya ding kinatok ang lamesa ko. Mabilis ko namang naagaw ang atensyon niya. Lumingo ito sa akin at malapad na ngumiti. "Good morning, Sir Jus. Ahm! Maaga po ata kayo? Do you need something?" tanong ko sabay ngiti. "Good morning din, Ms. Cai! Wala naman akong kailangan. I just want to help you to prepare the board room," saad niya at marahang tumayo. "Sorry, naki-upo na din ako," habol niya. Para namang may kung ano sa puso ko na humaplos dahil sa sinabi nitong tutulungan niya ako. Marahan itong umalis sa daraanan ko kaya naman mabilis ko na ding inilagay ang bag ko at iba pang gamit. "Hindi naman po kailangan, trabaho ko po iyon pero salamat po," Umiling lang naman ito sa akin. "It's okay! So, tara na?" tanong niya. Marahan akong tumango bago kinuha ang flash drive kung saan namin nilagay ni Nicole kahapon iyong mga report na ginawa namin pati na ang mga naprint kong hard copies para sa mga kameeting ni Sir Miggy. Nang makuha ko na ang mga iyon ay mabilis akong tumayo at kinuha ang laptop na nakaassign sa akin para dalhin iyon doon. Tumingin muna ako sa relo ko para matantya ko ang oras bago tumingin ulit kay Sir Justin na tahimik akong pinagmamasdan habang nakangiti. "Tara na?" marahan nitong tanong na ikinatango ko. Sabay kaming nagpunta sa board room habang kinakausap ako nito. "Nagbreakfast ka na ba?" tanong niya na mabilis ko namang inilingan. "Hindi pa, coffee lang," nakangiting tugon ko. "Oh! You should eat breakfast. Didn't you know that breakfast i–" "Is the very important meal of the day because it helps you boost your strength," putol ko sa kan'ya napatawa naman ito at tumango. Dahil din sa pagtawa niya ay lalo lumabas ang gandang lalaki nito na parang isang modelo. Kusa naman akong napatingin at napatitig sa kan'ya kahit paano ay gumagaan na ang loob ko sa kan'ya dahil sa kabaitan nito sa akin. "Yes! Tignan mo, alam mo naman pala, bakit hindi mo ginagawa?" tanong nito sa akin sabay harap nito. Nagkibit-balikat lang naman ako bago sumagot. "Nasanay na lang po siguro ako na hindi nag-aalmusal at kape lang ay okay na," tugon ko at ngumiti. Muli naman itong tumango at ngumuso na parang nag-iisip bago muling bumaling sa akin. "Hm… pero pwede mo pa naman ulit sanayin ang sarili mong kumakain ng breakfast, 'di ba?" Napaisip naman ako bago marahan na tumango bilang pagsang-ayon sa sinabi nito. "Sometimes, change is the only constant in life. Iyon lang ang hindi nawawala sa buhay ng isang tao," habol niya sabay tingin sa akin at kumindat. "Kaya pwede pang mabago ang nakasanayan mo lalo na kung para naman sa ikabubuti mo," habol pa nito. "Next time, eat your breakfast before you go to work, kahut biscuit lang at least may laman ang tiyan mo," Napangiti naman ako dito at parang kahit paano ay nadagdagan ang pagiging kampante ko sa kan'ya. "Salamat! I keep that in my mind," tugon ko. Ngumiti lang din ito sa akin bago kumindat na ikinatawa ko. NANG makarating kami ng board room ay mabilis naming inayos ang mga upuan at mga folder na gagamitin para mamaya. Isa-isa kong nilagay ang mga hard copies na dala ko bago pumunta sa pwesto kung saan ko ilalagay ang laptop. Nang maayos ko na iyon at binuksan na ang projector at ikinabit ko na ang flash drive. Matapos kong maset-up ang powerpoint na ginawa namin, tinignan ko na si Sir Justin na inaayos ang mic na gagamitin ni Sir Miggy. "Okay na ito, Ms. Cai. May gagawin ka pa ba dito?" tanong nito sa akin. "Wala na po. Ung mga water na lang po ang ilalagay diyan mamaya at kaya ko na po iyon. Balik na po tayo doon baka po dumating na si Sir Miggy," saad ko dito na ikinatango niya. "Okay, if you say so, let's go! Ah! request, I don't want cold water, kahit hindi na malamig ang ilagay mo sa pwesto ko, okay lang sa akin," nakangiti nitong bilin na mabilis ko naman tinanguan. "I take of that," saad ko. NANG makarating kami ng workplace ko ay siyang dating din ni Sir Miggy na bahagya pang nagulat. "Good morning to the two of you. Ang aga ninyo ha," bati nito habang naglalakad papalapit sa amin. Mukhang maganda ang umaga ni sir dahil sa napakaganda nitong ngiti. Sa totoo lang, ang gwapo ni Sir Miggy. Kung baga siya ang ideal man na hihilingin ng mga babae. Mabait, gwapo, matulungin, matured, loyal, at may kaya sa buhay. Hard working at hindi matapobre! Si JK din, he's a ideal man of some girls kaya nakakatuwa na napunta siya sa kapatid ko. Alam kong hindi ako makakahanap ng katulad nila ni JK dahil nag-iisa lang naman sila. Hindi na sila unique kung may kapareha na at isa lang naman ang hinahanap ko sa lalaki kung papalaring magmahal ako ulit. Ayon ay mahalin at tanggapin kami ni Faye ng buong-buo at hindi kami sasaktan. Bibigyan kami ng oras at tutupad sa mga pangakong binitawan. "I understand Caith being so early but you? I don't get it?" Naputol ang pag-iisip ko dahil sa narinig ko. Nakita ko na nasa tapat na namin si Sir Miggy habang nakaturo kay Sir Justin. "Ah! Sir, tinulungan po niya ako sa pag-aayos ng board room," Ako na ang sumagot at nahihiyang ngumiti. Natawa naman si Sir Miggy na sumulyap sa akin sabay tango bago tumingin kay Sir Justin na nakangisi. "Dagdag pogi points kasi iyon," usal niya sabay tingin sa akin at kumindat pa. Sabay kaming napailing ni Sir Miggy bago ito naglakad papunta office niya. Huminto ito saglit nang nasa pintuan na siya. "Cai, yung copies ng agenda for today pakidala sa akin. Wag ka ng magtimpla ng coffee, nagcoffee ako sa bahay," nakangiti nitong bilin bago tumingin muli kay Sor Justin. "Ikaw! Bumalik ka na sa office mo, may presentation ka din, hindi ba?" usal nito. Napatingon naman ako kay Sir Justin na tumango-tango. May presentation din pala siya pero tumulong pa sa akin imbes na ayusin na lang iyon. Tuluyan ng pumasok si Sir Miggy habang naiwan kaming dalawa doon ni Sir Justin. "Kailangan po ba ninyo ng tulong sa presentation? I can help, since you help me to prepare the board room," saad ko dito. Tumingin naman ito sa akin at marahang umiling habang may ngiti. "No need, my secretary can handle it besides I didn't help you because I wanted something in return, I helped you because I wanted to," nakangiti nitong tugon. "So! Kita-kits mamaya. I have to go, bye!" paalam niya na tinanguan ko. "Salamat po ulit," saad ko. Ngumiti lang muli ito sa akin bago marahan na kumaway bago siya tuluyang makaalis. He's a good guy… sana lahat walang hinihinging kapalit. ----------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD