CAITH
SA loob ng buong mag hapon ko sa unang araw ko ay hindi ako iniwan ni Nicole. Kahit pa noong meeting ay katabi ko ito at nag eexplain sa akin about sa mga nangyayari.
Mukha ngang kailangan kong makasabay sa kan'ya dahil kulang ang notes na nasulat ko sa nasulat niya.
Sabi kasi nito kailangan kong gumawa ng minutes o summary about sa mga pinagmeetingan kanina at ibibigay iyon kay Sir Miggy.
After ng meeting at dumako na sa lunch ay muli ako nitong sinabay sa cafeteria dahil doon daw sila naglalunch kasama sila Kim at Krystal.
"Hi, Ate Cai! Welcome sa Monticlaro Enterprise the home of the witch!" saad ni Kim sabay turo kay Nicole na nakasimangot bigla.
"Pakitanggal nga nitong babaeng 'to, love! Witch daw ako!" sumbong ni Nicole kay Sir Miggy na pinipigil ang tawa.
"Kim, stop. Wag mong ibuko," sagot naman ni Sir Miggy.
Kanya-kanya naman sila ng tago habang tumatawa nang biglang huminga ng malalim si Nicole.
"Magpasalamat kayo na nandito si Ate Cai kung hindi, kinulam ko na kayo isa-isa," saad nito sabay subo ng graham na mukhang baon niya.
Nagulat naman ako nang sabay sabay sila sa aking nagpasalamat.
"Pasensya ka na, ate. Mga buang kasi iyang mga 'yan. Masasanay ka din once na nagtagal ka dito," saad ni Nicole at ngumiti sa akin.
Hindi naman siya mukhang witch, bakit tawag nil–
"Wag kang maniniwala sa ngiti niyan! Nambubugbog yan ng lalaki!" mariing bulong ni Kim sa gilid ko.
Nagpipigil naman ako ng tawa dahil sa sinabi niya. Para kasing nabasa nito ang iniisip ko.
"Kim! Wag mo ngang guluhin si Ate Cai, mabahiran mo pa iyan ng masamang ugali mo," saad ni Nicole at parang nagulat naman si Kim sa sinabi nito dahil humawak pa ito sa dibdib niya.
"Edi pareho tayong lumayo, wag kang mag malinis!" balik nito at nagkaroon na sila ng sagutan doon.
"Pasensya ka na ha, ganiyan talaga iyang dalawa na iyan pero mabait naman sila at mahal nila ang isa't-isa kaya hindi sila mag aaway na dalawa," saad ni Krystal.
Para ngang sanay na sanay na sila sa away ng dalawa dahil hindi naman nila pinapansin iyon at tumatawa-tawa lang kaya siguro kailangan ko ding masanay lalo na at kasama ko sila dito sa opisina.
Matapos ang lunch namin ay muli kaming bumalik sa office at dito mas naging seryoso na si Nicole na magturo sa akin.
"Here's the ipad that we used to put the schedules of Kalen. Everyday pagkarating niya dito, you need to give him the schedule for that day, wala ka dapat makakaligtaan dahil isang mali lang sa schedules niya ay magugulo na lahat," bilin nito.
Tumango lang naman ako dito at tinignan yung ipad at yung mga nandoon na schedules.
Ang daming nakalagay na kailangan ko pang aralin… pero kaya ko ito! Para sa amin nila Faye.
Sabay naman kaming napatingin sa intercom na nakaconnect sa loob ng opisina ng presidente.
[Can I have the minutes of the previous meeting. Thank you]
Magaan ang pagkakasabi nito marahil sigiro ay nandito si Nicole.
Since nagawa namin iyon kanian ay mabilis naming nahanap.
"Can you do it?" tanong ni Nicole na may ngiti sa labi.
"Sure, aabot ko lang naman ito 'di ba?" tanong ko na ikinatango niya.
Tumayo ako at naglakad papunta doon, kumatok muna ng dalawang beses bago ako pumasok nang tuluyan.
Pagpasok ko ay nakita ko si Sir Miggy na nakaharap sa laptop nito habang may binabasa doon.
"Sir, here's the file you're asking for," saad ko sabay lahad ng file na iyon.
Tumingin naman ito sa akin bago ngumiti.
"Thank you, Cai. Upo ka muna," saad nito sabay turo sa upuan sa harap ng desk niya.
Alangan man ay tahimik akong umupo doon sa upuan tapat ng table niya.
"How are you?" tanong nito.
"Ahm.. okay naman po. Medyo nalilito pa po sa ibang itinuro ni Nicole pero nakukuha naman po kahit papaano, magaling din po kasi siyang magturo," pahayag ko na tinanguan niya.
"That's a relief. Dalawang araw ka lang kasi niyang sasamahan and the rest she will go back to her team," saad nito sa akin. "Don't worry, I'll teach you the other things that you need to know. And I want to ask if you still want to teach? Nalaman ko kasing education graduate ka,"
Hindi naman na ako nagulat na alam nito, bukod sa baka nabanggit ni Cami sa kanila baka din nakuha niya sa resume ko.
"Sa ngayon po, I don't have plans… I'm still recovering from my past.. it's still a nightmare to me and hindi rin po ako pwedeng magturo basta-basta," saad ko sabay yuko at pinaglaruan ang daliri.
"It's okay, natanong ko lang naman because after JK's wedding he will no longer be my assistant, we are planning a business and he will handle that. Kaya naman kung wala ka pang balak. I will hired you as my new secretary, you are no longer a temporary,"
Napaangat naman ang ulo ko sa sinabi nito!
Malaking karangalan na maging secretary niya! I mean mas makakapagipon na ako para sa amin ni Faye!
Agad akong sumang ayon sa sinabi nito dahil malaking oportunidad iyon.
"I'll ask my assistant to prepare the contract," saad nito sabay pindot sa intercom. "Zie, can you prepare the contract I asked you last night?" mahinahon na usal niya.
[Ayaw, char! Noted] mahina lang iyon pero natawa na ako..
Napailing na lang si Sir Miggy at sinabing antayin na lang namin. Hindi nga nagtagal ay bumukas ang pinto at pumasok si Nicole doon habang bitbit ang isang folder.
"Eto na po ang utos ninyo, Sir Miggy," usal nito na may ngiti sa labi.
"Thank you, Ms. Nicole," sarkastikong turan ni Sir Miggy tapos tumingin sa akin.
Kagat labi lang naman ako dahil gusto kong matawa sa asal nila. Ang cute kasi!
Ngumiti lang sa akin si Nicole sabay kindat bago naglakad palabas.
"Pwede pong magtanong?" agad na usal ko nang mawala si Nicole sa loob.
"Sure, what is it?" nakangiting turan ni Sir Miggy na nag angat pa ng tingin sa akin.
"Ano po ang dapat kong itawag kay Nicole? Ms. Nicole, Mrs. Monticlaro or Nicole lang po? Sabi niya po kasi kanina magagalit siya kapag tinawag ko po siyang Ms. Nicole pero nakakahiya po kung Nicole lang," saad ko dito.
Nakita ko naman na tumango ito at bahagyang tumawa.
"I want everybody to call her Mrs. Monticlaro but she prefer to be called Nicole… so you can call her that, magagalit talaga iyan dahil ayaw niya ng tinatawag siya ng mga nakakakilala sa kan'ya ng Mrs. Monticlaro," paliwanag nito kaya tumango ako.
"Noted po!" usal no ay ngumiti.
Ngumiti na lang din ito at ibinigay sa akin ang kontrata na pipirmahan ko for regularization. Ang bilis nga e, parang agad agad, wala pa nga akong napapatunayan.
Sakto naman na pumipirma ako ay tumunog ang intercom.
[Sir Miggy, Sir Justin is here] usal noon.
"Let him come in. I actually call him," tugon ni Sir Miggy.
Bumukas ang pinto at nakarinig na ako ng ingay galing kay Sir Justin.
"Hi there, Ms. Cai!" bati nito sa akin kaya naman umangat ang tingin ko at ngumiti dito.
"Hello po," usal ko at muling bumalik sa ginagawang pagbabasa at pagpirma.
"Ang seryoso mo naman," usal lang nitp at bago pa ako makapagsalita ay inunahan na ako ni Sir Miggy.
"Quit that, Jus! I have something to ask you. Help Ms. delos Santos give the contract to the HR. Tell them I have a note there about the early regularization of her," pormal na utos nito. "You have to sign it also," habol niya.
"Okay! I'll do that! Are you done there, Ms. delos Santos?" tanong nito sa akin sabay lagay ng kamay sa balikat ko kaya napaigtad ako agad.
Umangat naman ang ulo ko dahil saktong natapos ko ito.
"Yes, sir!" mabilis na usal ko atabilis din ibinigay sa kan'ya ang kontrata.
Nagtataka man sila ay hindi na nila ako muling tinanong.
Kinakabahan talaga ako pag bigla na lang may hahawak sa akin. Marahil ay dahil sa mga nakaraang nangyari sa akin.
Tahimik na lang din itong pumirma at matapos noon ay sabay kaming pumunta sa HR.
"Are you okay?" tanong nito habang nasa elevator kami.
"Ahm.. opo," saad ko at pilit na ngumiti.
"Ow! Namumutla ka kasi," saad nito sabay tayo ng maayos. "I hope we get along… mabait ako, promise!"
Hindi naman ako tumingin sa kan'ya dahil sa pagkailang.
Ngayon lang kasi ulit na may lalaki akong nakakasama sa iisang lugar. I feel so anxious pakiramdam ko may pwede silang gawin..
Napatili naman ako nang biglang tumunog ang elevator hudyat na nasa tamang floor na kami.
"Hey! What happened?" mabilis ako nitong hinawakan na agad ko namang tinabig.
Ramdam ko ang gulat sa kan'ya na ako din mismo ay nagulat.
"Sorry po! Sorry po… pasensya na po talaga.." naiiyak na usal ko.
Agad naman ako nitong hinila para makalabas kami sa elevator at doon pinakalma. Magsasara na kasi kaya sumama na lang din ako.
"Hey, I'm sorry.. it's okay, nothing to worry about… wag ka na umiyak," saad niya sabay abot ng panyo sa akin.
Tumingin ako dito at nakita kong nag aalala ang itsura niya.
"Hindi niyo po ako sasaktan dahil may mali akong gawa?" tanong ko dito.
Natawa naman ito at inilagay ang kamay sa ulo at ginulo iyon.
"Silly.. of course not, it's nothing!" ngumiti ito sa akin at siya mismo ang nagpunas ng luha ko. "Lika na! Para makabalik ka agad doon sa taas,' usal nito na tinanguan ko.
Inilahad nito ang kamay niya para maitayo ako na dahan-dahan ko naman kinuha.
"Sorry po talaga.." mahina kong saad sa kan'ya.
"It's okay, but are you really feeling uneasy when I'm around?" tanong nito at inalalayan akong maglakad.
"Hindi naman po… nahihiya lang pero ayos lang po… pasensya na po talaga," saad ko at yumuko habang naglalakad.
Narinig ko itong tumawa kaya napaangat ang tingin ko dito.
"I told you, it's okay. So head's up, walk with confidence! Ganoon dapat ang isang secretary ng mataas na tao and besides, you're beautiful, Ms. Cai."
Napatingin ako dito and he's beaming, smiling from ear to ear, his white teeth flashing and it gives me comfort.. kaya naman nahawa na ako sa ngiti nito.
"Salamat po," nakangiting usal ko.
Tumango lang ito 'ska nagpatuloy na kami paglalakad.
Siya ang kumausap sa HR head about sa contract ko kaya mabilis na napalitan ang status ko from probationary to regular employee. Agad ding naibigay ang ID ko kaya naman nakangiti akong bumalik sa itaas kasama si Sir Justin na nakangiti lang din.
His aura gives me a good atmosphere but still I have to put my barrier to him and to others… I don't want to repeat what I did from the past… Tama na ang dalawang beses…
--------------