Chapter 8

1767 Words
CAITH HALOS manlaki ang mata ko nang makita ko muli and sahod ko sa trabaho ko. Para pa din akong nalulula dahil sa laki niya! Parang… deserve ko ba ito? "Laki ng sahod," Agad akong napalingon sa tabi ko nang marinig ko ang boses ni Sir Justin at hindi nga ako nagkamali dahil siya nga iyong nagsalita at pareho kaming nakatingin pala sa sahod ko. "Ganyan po talaga kalaki iyan? Parang hindi pa din ako sanay," saad ko pa na ikinatawa niya habang umaayos siya ng tayo. "Yes, ayaw mo ba? Akin na lang," biro niya kaya naman mapatingin ako dito na nanghuhusga na ikinatawa niya. "Joke lang! Grabe! Pero yes, ganyan talaga iyan kalaki, ilang beses ka ng nakakasahod! Nagugulat ka pa din," usal niya. Para kasing hindi nakakapaniwala na ganito kalaki ang sahod ko. I mean, ung pinakakumpleto, noong una ko kasing sahod ay parang tatlong araw lang iyon kaya hindi naman mula nang kumpleto ko nang natatanggap ang sahod ko ay para talaga akong nalula-lula kahit ngayon. Napatingin ako ulit kay Sir Justin na nasa tabi ko pa din. Bigla naman akong napa-isip, sa halos tatlong buwan ko na dito ay lagi akong hinahatid ni Sir Justin pauwi, hindi rin nito ako hinahayaan na nagkakaroon ng pagkakataon na maging malungkot dito sa pwesto ko dahil kahit pa, napapagalita siya dahil sa pagtambay niya ay pupunta ito dito at papasayahinm ako kaya naman may naisip ako… "Libre kita, sir! Since lagi mo naman akong nililibre at hinahatid!" masayang saad ko na ikinaliwanag ng mukha nito. "Ayoko sana pero dahil parang inaaya mo na ako ng date, papakipot muna ako… pag-isipan ko muna," saad niya sabay tingin sa taas. "Sige," Napatawa naman ako at bahagya siyang natulak nang marinig ko iyon. "Ang haba ng pag-iisip mo ha! Pati na pagpapakipot mo!" natatawang usal ko sabay tayo para maayos ang gamit ko. Natawa din ito bago kinuha ang upuan ko at siya ang umupo. "Syempre biro lang iyong pag-iisipan! Kung ako ang papipiliin, noon pa kita niyaya na magdate kaso baka bigla ka na namang atakihin ng anxiety mo katulad noong una kitang nakasama sa elevator kaya kinalma ko na lang," saad niya kaya naman napatigil ako sa ginagawa ko. Tatlong buwan na halos ang lumipas nang mangyari iyon sa pagitan namin at naalala niya pa pala. "Ahm… so–" "Sshh… having anxiety because of your past doesn't need to be sorry for… normal sa tao na magkaroon ng anxiety lalo na kung may past or something kaya no need to say sorry," saad niya. Tinignan ko naman ito at nakita ko na nakangiti itong nakatingin sa akin sabay kindat. "Anyway! Saan mo ako ililibre?" tanong niya na bigla ko ding kinaisip. Saan nga ba pwede? Sa restaurant kaya? Baka pwede doon… para me– "Alam ko na! Ako na bahala! Basta relax ka lang, hindi mahal ang ipapalibre ko sa iyo," saad niya. "Ligpit ka na! Lalabas na iyong boss mo kasama ang asawa niya si Angelita demonyita," "Isusumbong kita kay Nicole!" pananakot ko dito kaya agad siyang napaayos ng upo. "Biro lang! Wag mo na ako isumbong!" Nakanguso pa ito kaya naman natawa ako sa asal niya. SAKTONG pagsukbit ko ng bag ko ay siyang bukas ng pintuan ng opisina ni Sir Miggy at lumabas nga doon ang mag-asawa, hindi na nga lang nagawang makipagbiruan ng mga ito dahil mukhang hindi maganda ang pakiramdam ni Nicole. Hawak ni sir ang kamay nito at bahagyang namumutla pa si Nicole. Kaya din siguro kanina nang tumawag ito kay Sir Miggy noong nasa labas kami para sa meeting ay nagmadaling tinapos ni sir ang meeting niya tapos ay mabilis kaming bumalik dito. "Bye, ingat kayo sa pag-uwi. Pahinga ka, Ms. Sexy," paalam ni Sir Justin kay Nicole na mababakasan din ng pag-alala doon. Ngumiti lang naman si Nicole sa kan'ya bago tumingin sa akin na nagpaalam din. "AYAN! Dito mo ako ilibre!" masayang usal nito nang makarating kami ng arcade dito sa isang mall. Matapos kasi naming paalisin muna ang mag-asawa ay nagyaya na ito na umalis. Syempre nagwithraw muna ako bago kami nagpunta dito sa arcade na sinasabi niya at syempre nagsabi lang din ako kila Papa na malelate ako ng uwi dahil may pupuntahan kami ni Sir Justin. "Sige! Pero pwedeng after natin dito, samahan mo din akong bumili ng damit para kay Faye?" tanong ko dito. "Ah! Gusto mo bili muna ta–" "Hindi! Laro muna tayo! Tara!" saad ko sabay hawak sa braso nito at hinila siya papasok. Dahil sagot ko, agad na akong bumili ng token naming dalawa. "Sir, oh!" Inabot ko sa kan'ya ang dalawang balot ng token at akin naman ay dalawa din. "Nice! Saan tayo?" tanong nito sabay tingin sa paligid tapos tinapik ako. "Doon tayo sa basketball!" saad niya at nauna pang maglakad. Hindi naman muna ako sumunod at tinignan lang ang likod nito. He still wearing his leather shoes, black trouser and his white long sleeve na tinupi lang hanggang siko. Pinagtitinginan siya ng mga babae na nadadaanan niya dahil sa aking kagwapuhan at kakulitan niya sa paglalakad. Natawa naman ako nang huminto ito at nilingon ako. Sinenyasan lang naman niya ako na bilisan ko na. Tumango na lang ako at naglakad papalapit sa kan'ya. Agad din naman akong napahinto nang biglang tumunog ang phone ko hudyat na may magmessage dito. Mabilis kong kinuha iyon at napakunot ang noo ko nang muling mensahe galing kay Sir Dustin ang natanggap ko. Isa ito sa nakakaloko dito sa buhay ko! May isang nangungulit sa akin sa personal at may hindi ko alam kung nangungulit ba ito sa phone ko o nangangamusta lang. Minsan ko na silang sinabi kay Sir Miggy at sabi nito ay pagsasabihan niya daw. Hindi naman ako nagsumbong kung baga nagkwento lang ako sa kan'ya na hindi ko naman nagawang magsinungaling. Hindi ko lang din matandaan kung kailan niya nakuha ang number ko basta isang umaga, nagmessage na lang siya at naggogood morning. Nang tanungin ko kung sino ay sinabi naman agad niya kung sino siya. Hindi rin naman niya itinanggi na siya ang nagmessage sa akin ng subukan ko siyang tanungin. "Enjoy your date" Ayan ang nakasaad sa message. Date? Nino kami ni Sir Justin? "Anong pong date? Hindi po kami nagdedate" tugon ko at muling ibinalik ang phone sa loob ng bag ko at naglakad papunta sa kinaroroonan ni Sir Justin. Pagdating ko doon ay para naman siyang basang sisiw dahil sa pawis na tumatagaktak sa kan'ya. Hindi ko na siya inistorbo doon dahil mukhang seryoso siya sa pagpaparami ng score kaya lumibot na lang ako sa iba. Hanggang sa nakita ko ung claw machine na maraming My Melody sa loob! I love her so much kaya naman mabilis akong lumapit doon at nagtry na maghulog ng token. Gigil na gigil akong makakuha ng isa pero hindi ko magawa dahil pakiramdam ko ay dinadaya ako noong claw machine! "ARGH! SAYANG!" maktol ko nang maubos na ang token ko pero wala pa din akong nakuha. "Nandito ka lang pala!" Napalingon ako sa likod ko nang marinig ko ang boses ni Sir Justin. Tipid akong ngumiti dito nang iabot niya sa akin ung token. "Sa iyo na lang, baka makuha mo na sa susunod," saad niya na ikinatango ko ng mabilis. Pero naubos na din ang token niya ay hindi niya ako nakakuha. Akmang bibili pa ako ng token nang pinigilan na ako nito. "Tama na… baka maubos ung sahod mo, bumili ka na lang ng ganyang stuffed toy," natatawang saad nito bago hinawakan ang pulsuan ko at marahan na hinila palabas ng arcade. Pwede naman talaga akong bumili pero iba ang pakiramdam 'pag nakakuha ng reward sa claw machine! "HEY! stop pouting, Cai. Next time na tayo bumalik doon 'pag bihasa ka na or may time tayo, gagabihin tayo kung magtatry pa tayo doon," pagpapagaan niya ng loob ko. Nandito na kasi kami sa department store ng mall at bumibili ng damit ni Faye. Lagi ko talaga binibilhan iyo ng dapat tuwing sahod ko dahil hindi ko siya nabilhan noon. "Alam ko naman iyon… iba lang ung pakiramdam kapag nakuha doon," saad ko na ikinatawa niya. "May point ka naman doon, kaya sa susunod babalik tayo diyan," saad niya. Tumango na lang ako at ipinagpatuloy ang pagtingin ng damit. Matapos no'n ay nagyaya siyang kumain. This time sabi niya ay treat naman daw niya pero tumangi ako at sinabing hati na lang kami, mabuti na lang at napilit ko siya. Sa totoo lang ang sarap sa pakiramdam na may kasama. Ung medyo napagbibigyan ako… noon kasi kay Lloyd ay hindi ko nagawa ito dahil siya ang nasusunod. Masaya naman ako no'n dahil sa mahal ko siya kaya susundin ko pero hindi pala 'no? Mas masaya pala at mas nakaka-enjoy kung pareho kayong nagbibigayan at hindi katulad noon na sumusunod ka lang. "SIR, thank you po ha. Sa pagsama at paghatid," paalam ko dito nang nasa tapat na kami ng bahay. Ngumiti naman ito at umiling. "Ako nga dapat magpasalamat sa iyo kasi nilibre mo ako sa arcade," saad niya. Napanguso naman ako… "Ako din naman umubos ng token mo…" pairap kong saad na ikiantawa niya. "It's okay, sige na at gabi na. See you tomorrow," usal nito na ikinatango ko. "Thank you po ulit! Bye! Ingat ka po," saad ko at mabilis na lumabas ng kotse niya pagkatapos kumaway at muling nagpasalamat. Matagal na akong nakatayo sa labas pero hindi pa din siya umaalis kaya naman kinatok ko ito. "Hindi ka pa aalis?" tanong ko nang binaba niya ung bintana. "Go inside first… I have a bad feeling on that guy over there, he's looking at your house," saad nito sabay turo ng daliri niya sa bandang harap kung saan laging nakatambay si Lloyd doon. Muli na namang nanlamig ang pakiramdam ko nang makita kong nakangisi itong nakatingin sa akin. Mahigpit kong hinawakan ang handle ng paperbag at pilit pinakalma ang sarili ko bago ako tumingin kay Sir Justin na nagtatala sa asal ko. Bago pa ito magtanong ay muli na akong nagpaalam at mabilis na pumasok sa loob ng bahay. Sinalubong ako ni Papa at agad na nagtaka sa itsura ko. "Anong nangyari sa iyo bakit namumutla ka?" tanong nito. "Papa! S-Si L-Lloyd! Sa labas!" nanginginig kong tugon habang tumutulo ang luha. Nanlaki naman ang mata ni Papa at mabilis na lumabas doon. Napaupo na lang ako doon habang patuloy na umiiyak. Sabi ko tatapangan ko na, sabi ko hindi na ako magpapaapekto pero iba pa din talaga ang pakiramdam… minumulto pa din ako ng nakaraan na pilit kong kinalilimutan at tinatakasan… ----------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD