CAITH
"HI, MS. CAI! Coffee break mo?"
Napaangat ang ulo ko sa tumawag sa akin at nakita ko si Chav na paupo sa lamesa kung saan ako nakaupo.
"Uy, hi! Oo, coffee break ko. Babalik din ako agad sa taas after nito," nakangiting saad ko na ikinatango niya.
"Busy ka siguro dahil sa mga ipinasang mga gawain sa iyo ni Sir Keith," saad niya. "Ay wait! If you don't mind? Paupo ha," habol niya habang natawa.
Tumango naman ako dito at ngumiting muli.
"So! Bakit tulala ka? Hussle ba?" tanong niyang muli.
Halos isang linggo na din kasi ang lumipas noong kasal at tatlong araw na simula ng iwan sa akin ni Keith ang ibang mga bagay na kailangan kong alamin sa trabaho ko.
"Hindi naman, may iniisip lang ako pero not related sa work," tugon ko.
Nakita kong tumango ito sabay inom ng kapeng hawak niya.
"Naku! Alam ko na kung anong iniisip mo? Siguro boylet 'no?" nang-iintriga niyang saad. "Naku! Mahirap talaga 'pag boylet ang iniisip kaya ako NBSB pa ako e, inaantay ko din kasi si Papa Dustin!" usal niya sabay mahinang tumawa habang nakatakip ang bibig.
Nakangiti naman na kumunot ang noo ko.
"Papa Dustin? Si Sir Dust ba iyan?" tanong ko na mas ikinakilig niya sabay lagay ng daliri niya sa labi nito.
"Sshh! Wag kang maingay, baka may makarinig sa iyo! Dami pa namang nagnanasa doon kay Sir Ali!" kinikilig na usal nito sabay tingin sa paligid.
Muli naman akong nagtaka. Kanina, Sir Dustin ngayon naman Sir Ali? Sino ba talaga?
"Sino si Sir Ali?" tanong ko.
Laglag naman ang panga nitong tumingin sa akin na parang sinasabing 'seryoso ka?' kaya naman tinanguan ko siya.
"Jusko, Ms. Cai! Nasa office of the CEO ka dapat alam mo iyon! Pero sige! Ganito kasi, si Sir Ali at Sir Dustin ay iisa. Sir Ali ang tawag namin sa kan'ya dahil minsan siyang tinatawanag ni Sir Just na alikabok kaya para cute pakinggan at hindi mahalata na pinagpapantasyahan namin siya ay Sir Ali ang tawag namin," paliwanag niya na tinanguan ko naman.
Oo nga pala, natatandaan ko na tinawag siya ng ganong pangalan nila JK noong kasal nito.
"Okay, gets na… pero bakit pinagpapantasyahan ninyo si sir? Parang mas okay si Sir Just kay Sir Dust," saad ko. Makahulugan naman ako nitong tinignan na may ngisi pa sa labi kaya agad kong hinarang ang kamay ko. "Hep! Hindi ko type si Sir Just ha! Wala sa plano ko iyan, pero kasi si Sir Dust parang ang daming tinatago," paliwanag ko.
Nakangiti naman itong tumango tango bago muling uminom ng kape niya.
"Totoo naman iyan! Sir Justin is a f*cking damn good catch!" saad niya na ikinagulat ko dahil siguro sa pagmumura niya. "Ay sorry, sorry! Nacarried away lang kasi naman tama yung sinabi mo na mas okay si Sir Justin kesa kay Sir Dust at dahil iyon sa pagkamisteryoso ni Sir Ali pero kasi para sa akin, iyon ang asset ni Sir Ali, ung mga mata niyang maraming itinatagong emosyon… ung parang gusto mong kalkalin iyon at alamin kung ano iyong nakatagong emosyon doon. Tapos the way he looks at me using those damn mysterious eyes! Oh sh*t! Malalaglag talaga ang panty ko!"
Muli akong natawa sa kan'ya dahil para siyang bulate doon na kinikilig!
But that's also what I saw in Sir Dustin's eyes the first time he laid his eyes on mine. I'm almost drown to that deep chocolate eyes of him. It feels like he wants me to try to swim on those deep chocolate ocean made by himself.
Mabuti na lang talaga at nailigtas ko ang sarili ko sa pagkalunod at dahil iyon sa tulong si Sir Justin, since that moment kasi ay halos hindi na tumigil ang mata ko na tignan si Sir Dust, para nga siyang alikabok na ayaw umalis sa mata ko mabuti na lang at nandoon si Sir Justin na hindi ako tinigilan.
Naalala ko na nagpakilala pa iyon mismo kila Mama at sinabing isa siya sa boss ko. At syempre bilang isang taong may utang na loob sa kan'ya ay sinabi ko kila Mama na siya din ang minsanang naghahatid sa akin sa bahay tuwing uuwi ng office kaya naman agad ding nagpasalamat sila Mama sa kanila.
Siguro dahil sa pagiging jolly ni Sir Just at nakapalagayan niya agad ng loob sila Mama pati si Faye na alam kong naghahanap ng isang father figure.
"Kaya nga alam mo, maswerte ka na nandoon ka sa office ni Sir Miggy, paniguradong nakikita mo ang lahat ng pinagpapantasyahan ng mga babae sa loob ng building natin," saad niya kaya nabalik sa kan'ya ang atensyon ko.
"Alam mo iyon! Magmula kay Hottie Papalicious Sir Miggy down to Supa Papalicious Sir Keith to Mischieflicious Sir Justin to Hottie Mysterioulicious Sir Ali! And si man of few word but yummy Sir Meynard! Ay talaga naman! Dagdag pa natin si Hottie Attorney Harold, si Papable Sir Theo Montes, si Sexy Sir Henry Villas tapos si Serious type Sir Caleb Villanueva! Boom sabog sa sarap ang mga mata!"
Muli akong natawa nang impit lahat ng pagkakasabi niya ng mga iyon.
Bukod doon, nakita ko na ang lahat ng mga sinasabi niyang tao, naka-usap at masasabi kong totoo iyong sinabi niya at actually may kulang sa sinabi niya… Si–
"Si Dr. Olivarez lang ang ayoko doon kasi sobrang babaero! Alam mo bang may tsismis na kaya no'n gumamit ng tatlong babae sa isang gabi, as in sabay sabay!!" usal nito.
At hindi ako nagulat doon dahil noong kasal nila Keith ay niyaya akong sumama ni Sir Justin sa table nila para makausap ko ang mga iyon ay nagkaroon ng biruan about doon at halos aminin na niya na totoo iyon pero sabi ni Sir Justin, totoo daw iyon.
"Ayoko din sa ganon," maikling usal ko na ikinatango niya.
Uminom ako ng kape ko na mukhang lumamig na dahil sa pakikipagkwentuhan ko.
Marami pa siyang kinukwento doon na at doon ko nalaman na nauna lang pala siya ng isang taon kila Nicole. Muntikan pa nga ako maover break dahil sa pakikipagkwentuhan ko ngayon.
Mabilis akong umakyat ng office ni Sir Miggy at bahagyang nagulat nang may mga nakatambay sa table ko at para silang nagtatalo doon pero nang makalapit naman ako ay parang normal lang ang usapan nila.
"Excuse me po," agaw ko sa atensyon nila na nagawa ko naman dahil agad silang tumingin sa akin.
Hindi katulad ng iba, si Sir Justin lang ang masayang sumalubong sa akin. Ung iba kasi ay nakatitig lang sa akin.
"Hi, Cai! Kanina pa kita inaabangan e. Over break ka ata," biro nito na ikinailing ko ng tatlong beses.
"Hindi po ha! May 3 minutes pa ako," saad ko.
"Ah! May kakwentuhan ka sa baba? Hindi ka nabored doon?" tanong niya sabay dungaw sa akin nang makaupo ako.
"Kakwentuhan ko po si Chav, ung receptionist po ng company," tugon ko bago tumingin sa mga kasama niya. "May need po ba kayo? Wala pa po si Sir Miggy e, baka po pabalik pa lang sila ni Nicole galing check up," saad ko sabay balik ng tingin kay Sir Justin sabay tingin ulit sa mga kasama niya.
Mukha namang importante ang kailangan nila dahil nandito sa harap ko si Dr. Olivarez, Sir Meynard, at Sir Dustin
"We already called him and it's not that important, Ms. Cai,"
Iba talaga ang dating kapag si Sir Dustin ang nagsasalita! Hindi ko maiwasang tumingin at halos tumitig sa kan'ya tuwing magsasalita siya.
"A-Ahm! Sige po," saad ko at tipid na ngumiti.
Lihim kong pinagalitan ang sarili ko dahil sa pagka-utal ko! Bakit ako nauutal?! Marahil ay dahil iyan sa bagong lalaki na naman ang dapat kong harapin.
Ganito din naman ako kay Sir Justin noon kaya baka ganon iyon.
Mabuti na lang at hindi sila nagtagal doon sa harap ko dahil dumating din agad si Sir Miggy.
Nakatikim nga lang sila ng sermon kay Sir Migs dahil sa pagtambay nila sa harapan ko.
"You're corning and scaring my secretary! You should comeback here the moment that you guys find out that I'm not here," saad nito bago tumingin sa akin. "Cai, next time! Pagtumambay ulit sila dito sa harapan ng table mo, tawagan mo si Zie ha. Mas takot sila sa asawa ko kesa sa security natin," bilin niya na mabilis kong tinanguan.
Naglakad na ito palagpas sa mga kaibigan niya at dumeretso sa opisina niya.
Gusto ko namang matawa dahil sa pagsisisihan ng mga lalaki sa harap ko dahil sa ginawa nila.
"Iniimagine ko pa lang ung ngisi ni Ganda! Sh*t! It's creeping me out!" saad ni Dr. Olivarez sabay lakad papasok ng opisina ni Sir Miggy.
"I don't want to see Nicole's grin! That angel demon!" - Sir Meynard na mabilis na naglakad pasunod sa office.
"Cai, wag mong susundin si Miggy ha! I mean sa part na iyon! Walang gustong gumalit sa dragon na buntis," saad ni Sir Justin at patakbong pumasok doon.
Tuluyan naman akong natawa dahil sa sinabi niya pero nahinto iyon nang may kasabay akong tumawa kaya napatingin ako dito at napakagat labi bago nagtanong.
Malalim at medyo buo ang tawa niyang ibinibigay. Nakakatumba ng pader! Pader na binubuo ko.
"S-Sir, b-bakit po panakot ni Sir Miggy si Nicole?" alangang tanong ko.
Huminto ito sa pagtawa at tumingin sa akin.
"Sorry for the disturbance, Ms. Cai. This won't happen next time and to answer your question… Nicole has the ability to change from being angel herself to a demonic lunatic monster!" saad niya tapos biglang tumingin sa likod niya. "Darn! Talking about her special ability makes me shiver!"
Humawak pa ito sa sarili niyang braso at hinimas-himas iyon parang pinagtaasan talaga siya ng balahibo sa buong katawan. Parang lahat ng pwedeng balahibo o buhok sa katawan niya at tumaas.
I bite my lower lip just to stop my laugh to come out!
Bakit parang ibang creature si Nicole kapag dinidescribe nila? Ganon ba talaga si Nicole?
Sabay kaming napatingin sa pinto ng opisina nang bumukas ito.
"Bro, let's go!" sigaw ni Dr. Olivarez na nakadungaw sa pintuan.
"Yeah! Coming!" saad nito sabay tingin sa akin. "Bye," usal niya.
Hindi ko na naman naiwasang tumitig sa mata nito na muli kong nakita ang kakaibang emosyon.
Tumango na lang ako kaya dumeretso na siya paalis sa harap ko.
Napahinga na lang ako nang malalim dahil sa kakaibang pakiramdam na nararamdaman ko.
Iba talaga ang pakiramdam ko kay Sir Dustin. Mukhang dapat ko siyang iwasan.
----------------