Chapter 9

2003 Words
CAITH PANANDALIAN pa akong natulala doon bago ko muling narinig ang boses ni Papa. "Anak… Cai!" tawag nito kaya naman agad ko siyang nilingon. Kita ko sa mukha niya ang pag-aalala nito pati sa ang taong nasa likod niya. Si Sir Justin… he looks worried… "Wala na siya doon paglabas ko, sabi ni Sir Justin, mabilis daw umalis nang lumabas siya ng kotse. Sigurado ka bang si Lloyd iyon?" tanong ni Papa habang inaalalayan ako patayo. "Opo… sigurado ako, papa! Siya iyon! Si Lloyd iyon! Sigurado ako!" umiiyak na tugon ko kaya naman mabilis ako nitong niyakap. "Tahan na… hindi ka niya magagalaw, nandito ka sa bahay kaya hindi iyon makakakilos… tama na, baka marinig ka ng mga kapatid mo at ng mama mo," pagpapatahan sa akin ni Papa. Dahil sa sinabi nito ay agad akong natauhan na wala palang alam si Mama sa paingdadaanan kong trauma kaya naman pinilit kong pakalmahin ang sarili ko para tumahan. Agad na akong lumayo kay Papa at nagpunas ng luha. Ilang malalalim na hinga ang pinakawalan ko bago ako tuyang tumigil. Panandaliang umalis si Papa para ikuha ako ng tubig kaya naman naiwan ako doon kasama si Sir Justin na alam kong nakatingin sa akin. "Are you okay?" tanong nito kaya naman agad akong napalingon sa kan'ya. "O-Opo, sorry po pala sa abala," usal ko na ikinailing lang nito. "I told you, don't say sorry for what you are going through… hindi mo kasalanan iyon," saad niya pero mabilis akong umiling. "Hindi, kasalanan ko po bakit ko pinagdadaanan ang bagay na iyon," saad ko at yumuko. "Choice ko po kung bakit ako nasa ganitong sitwasyon," saad ko. Hindi na ito sumagot at inintay na lang si Papa bago nagpaalam. Muli lang naman kaming nagpasalamat sa kan'ya bago ito tuluyang umalis. Hindi na nagtanong pa si Papa sa mga nangyari, siguro ay iniisip nitong baka mas lalo lang akong magkaroon ng breakdown kung magtatanong pa siya at masaya ako na ganon ang nangyari. "Kami na muna ang bahala kay Faye ngayong gabi. Magpahinga ka na, sasabihin ko na lang sa mama mo na may trabaho kang tayapusin," saad niya. "Salamat po, papa," naiiyak kong usal dito. Tumango lang naman ito nang puno ng pag-intindi sa akin bago muling nagpaalam. Pagkasara ng pinto ay hindi ko naman napigilan ang muling pagtulo ng luha ko. Ano bang gagawin ko para matigil si Lloyd kakasunod at abang sa akin? Dapat bang harapin ko siya para magka-usap kami? Pero paano kung saktan naman niya ako? Paano kung pagsantamalan niya ako? "Anong gagawin ko?" tanong ko sa sarili ko sabay dapa sa kama naming mag-ina at doon binaon ang mukha ko. Matagal ako doon na nag-isip hanggang sa tumunog ang phone ko hudyat na may natawag. Wala akong balak na sagutin iyon dahil sa walang gana ko at sa nangyari sa akin pero nang maalala ko na isa nga pala akong secretary at baka tumatawag si Sir Miggy kaya naman mabilis akong napabalikwas para kunin ang phone ko. Kinuha ko iyon sa bag ko at mabilis na tinignan at bumungad sa akin ang pangalan ni Sir Justin. Kusa akong napakagat sa akin ibabang labi at piniling wag na sagutin iyon dahil medyo nahiya ako sa nangyari kanina. Hindi naman nagtagal at nawala na ung tunog kaya nakahinga na ako ng maayos pero nagulat akong muli nang tumunog na naman ito pero this time pangalan naman ni Sir Dustin ang bumungad. 'ano bang gusto nito?' tanong ko sa isip ko at wala sa loob na sinagot iyon. "Hello po. May kailangan po kayo?" bungad kong tanong dito. Bahagya kong inilayo ang telepono ko sa tenga ko nang wala akong narinig na sagot kun'di katahimikan lang. Tinignan ko lang dahil baka pinatayan ako pero hindi naman dahil on-going pa ang call. "Hello po, Sir Dustin? May need po ba kayo?" tanong ko ulit nagbabakasakali na sagutin na ako nito pero wala pa din. Napanguso naman ako at parang nakalimutan ko ang nararamdaman ko kanina at napalitan ito ng pagkairita. "Sir? Wala po kayong kailangan 'no? Patayin ko na po ha, medyo pagod na din po kasi ako," saad ko at pinilit hindi magtunog iritable. Akmang papatayin ko na ng nagsalita ito. "Seems you're okay. Good night, Ms. Cai," usal nito tapos siya na ang nagpatay ng tawag na dapat ay gagawin ko. Napatanga lang ako doon dahil parang nagsayang lang siya ng oras sa akin. Sana nagtext na lang siya. Mga lalaki talaga! Walang pakialam sa iba at sa lahat ng bagay! Sa inis ko ay tumayo ako at mabilis na nagpalit ng damit tapos ay pumunta ako sa kwarto nila Papa para kunin si Faye, alam kong mas magiging okay ako kung katabi ko si Faye kahit pa may nangyari kanina. Matapos kong makuha si Faye na tulog na pala ay marahan ko itong hiniga sa kama namin. Bahagya akong napatitig dito at hinimas ang mukha. In denial lang kaming pamilya pero sa totoo lang, kamukha ni Lloyd si Faye kakaunti lang ang nakuha nito sa akin at hindi katulad kay Lloyd ay nakuha nito ang hugis ng mukha, kulay ng mata, ilong, at pati na ang hugis ng tenga nito na maliit. Kusang napangiti ang mga labi ko nang ngumiti ito ng kusa na parang may napapanaginipan na maganda. "Sana laging maging maganda ang panaginip na darating sa iyo, anak… pipilitin ni Mama na hindi ka makaranas ng panaginip na gigising kang umiiyak," bulong ko at humalik sa ulo nito at marahang pumikit para makatulog din. "CAI! LET'S GO," Agad akong tumango kay Sir Miggy at sumabay sa paglalakad niya dala ang mga gamit na kailangan dahil pupunta kami sa isa sa mga restaurant ng Miklé for monthly meeting or inspection. Alam ko marami ding ibibilin si Sir Migs dahil alam ko ay magleleave din ito next week dahil sa manganganak na si Nicole by next month. May pasok pa din ako at kung hindi ako nagkakamali ay doon ako madedestino sa office ni Sir Justin kahit pa may secretary na ito. Hindi ko naman aagawan iyon ng trabaho dahil ang mga incoming calls at meeting pa din ni Sir Migs ang mga aasikasuhin ko dahil kahit kasi nakaleave si sir ay hindi naman hihinto ang mga meetings niya pero thru virtual nga lang. Nang makababa kami ay agad naming nakita ang dalawang boss ko pa na maglatunog ng pangalan pero hindi naman daw sila magkamag-anak but they are really close to each other at mabanggit ni JK sa akin na si Sir Dustin lang ang nakakapagpatahimik kay Sir Justin. Agad naman naming nakuha ang atensyon noong dalawa kaya umayos sila ng tayo at parehas na ngumiti sa amin o sa akin kaya naman si Sir Migs ay agad na kumunot ang noo at tumingin sa akin tapos umiling lang. Ilang araw na din ang lumipas noong nangyari ang pagpapakita ni Lloyd sa bahay na nakita ni Sir Justin, kinabukasan nga din no'n ay bumisita ito sa table ko at marahan akong tinanong kung kumusta na ako. Hindi naman siya nagtanong kung sino iyon pero alam kong may hint na siya kung sino ba talaga iyang si Lloyd sa buhay ko. After no'n ay balik na ulit siya sa pangungulit sa akin, pati si Sir Dustin sa kakamessage at inaalam kung ayos lang ako. Sa personal naman ay ngingiti lang siya o kaya naman ay tatango. Nakakalito din minsan galawan nito ni Sir Dustin e. "CAN I ask something?" tanong ni Sir Migs nang makasakay ako sa kotse niya papunta sa Miklé. "Ano po iyon, sir?" tanong ko dito at naging alerto dahil baka importante ang itatanong niya. "May nanliligaw ba sa iyo doon sa dalawang kasama natin?" tanong niya na ikinagulat ko. "I mean, I'm sorry to ask. But the way they look at you seems they up to something," paliwanag niya at nag-umpisang magmaneho. "Ah! Wala naman po at'ska wala po akong balak na magpaligaw sa kahit na sino…" saad ko sabay yuko. "Bukod po doon, kaibigan lang po yung turing ko kay Sir Justin," paliwanag ko. "And Dustin?" "Po? Ay hindi ko po alam doon…" pag-amin ko na ikinatawa niya. "Wala kasing alam sa babae iyon," biglang saad ni Sir Miggy. "But if they are bothering you, don't hesitate to tell me or to JK kung nahihiya ka sa akin para mapagsabihan. I know what you've been through kaya hangga't maaari ay wag kang maglilihim kung hindi ka komportable doon sa dalawa," paliwanag niya. Napangiti naman ako dahil sa pagiging concern ng boss ko. Sana lahat ng boss ay ganito, may malasakit sa empleyado. "Sige po. Salamat po," pasalamat ko na nakangiti niya lang tinanguan. HINDI naman nagtagal ay nakarating na ki sa restaurant. Agad akong umupo sa tabi ng upuan ni Sir Migs dahil nasa akin ang ibang mga files. Nag-umpisa ang meeting at halos hindi ako makapagfocus dahil nararamdaman ko ang tingin ni Sir Dustin na katapat ko lang ng upuan kaya naman napapatingin din ako sa kan'ya pero mabilis din iiwas dahil sa lalim ng tingin nito. Matapos ang ilang paliwanag ni Sir Miggy sa mangyayaring pagleave nito ay dinismiss na din niya ang meeting kaya naman nagkan'ya-kanya nang paalam ang tatlong manager ng Miklé. Bahagya nga akong nagulat nang makita ko doon si Sir Daniel at parang sobrang lapit niya doon sa isang manager na si Denise ata ang pangalan. Para silang may relasyon na dalawa. Siguro ay magjowa sila lalo pa at close na din ito kila sir. Pero siguro tsismosa ka, Cai! Nang makaalis na si Denise at kami na lang ang naiwan doon ay wala naman akong ginawa kun'di ang makinig lang sa mga kwentuhan nila. Napatingin lang naman ako sa relo ko nang mapansin kong masyado na kaming matagal at baka abutin kami ng alas-sinko. Hindi ko naman mapigilan ang katuwaan nila dahil parang ngayon lang sila nagkita-kita bukod doon nakakahiya naman kung eeksena ako bigla. Pumatak ang alas-singko, napatingin naman kaming lahat kay Denise nang ituro ito ni Sir Justin, doon naman parang natauhan si Sir Miggy at mabilis na tumingin sa relo niya na hindi naman din nagtagal dahil tumunog ang phone niya kaya dali-dali itong tumayo at naglakad palabas ng Miklé at naiwan ang mga gamit nito pati na ako. Iniisip ko pa lang kung saan na ako sasabay ay nagsalita na si Sir Dustin. "Sa akin ka na sumabay," saad nito na ikinagulat ko. Bagong sasakyan… bagong tao… bagong atmosphere… bagong presensya… parang hindi ko kaya… "Hindi! Sa akin! Bakit sa iyo?!" histerikal na saad ni Sir Justin. "You still have an outdoor meeting, right? And as far as I remember, papunta dito ang secretary mo," bwelta ni Sir Dustin na ikinanguso ni Sir Just. Bago sumagot si Sir Justin ay nagawa munang magpaalam nila Sir Daniel at Denise sa amin. At dahil no choice ako, kay Sir Dustin talaga ako sasabay… Kaya naman nang ayain na din ako nito na bumalik ng company ay inumpisahanan kong ayusin ang gamit namin ng boss ko. "CALL me if he did something bad to you, okay?" bilin ni Sir Justin sa akin habang palabas kami ng restaurant. Wala na din kasi talaga siyang nagawa lalo pa at dumating nga ang secretary niya. "Hey! I'm not a bad person! G*go to!" bwelta naman ni Sir Dustin. "Tsk! You don't understand!" sigaw nito bago bumalik sa akin. "Call me, okay?" nakangiting saad niya at ginulo ang buhok ko. "Opo… ingat po kayo," paalam ko na lang at marahang pumasok sa kotse ni Sir Dustin nang pagbuksan ako ng pinto. Nang maisara na nito ang pintuan ay para akong hindi mauubusan ng hangin kaya naman nagpakawala ako ng isang malalim na hinga para makalma ang sarili ko. Inayos ko muna ang mga gamit na hawak ko bago ikinabit ang seatbelt. Ilang beses akong lumunok ng laway ko para lang maalis ang kaba sa dibdib ko. Kung kay Sir Miggy at Sir Justin ay kampante na ako dito ay iba na naman ang nararamdaman ko… samahan pa ng presensya ni Sir Dustin. -----------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD