CAITH
ISANG mahinang tawa amg napakawalan ko nang makita ko ang pagpula ng tenga ni Ali nang magtama ang mga mata namin.
Kakapasok pa lang namin ni Sir Miggy dito sa conference room para sa isang recap meeting na mangyayari at agad na nahanap ng mata ko ang mga matang laging nakatingin sa akin.
Si Ali…
Ilang linggo na din matapos naming lumabas na tatlo at sa susunod na linggo ay wala sila sa company dahil sa mga personal errands nila kaya nga may recap meeting ngayon.
Tapos etong namumulang tenga agad ni Ali ang bumungad sa akin.
Simula noong gabi na iyon, ay hindi na natigil ang pagpula ng tenga niya sa tuwing magtatama ang mga mata namin o kaya naman ay mag-uusap kami at magsasalita ako ng mga tungkol sa aming dalawa pero may times naman na normal lang pero mas madalas ang pamumula nito.
Pinilit ko na lang ayusin ang sarili ko dahil marami ang gagawin ngayon at lahat ng nandito ay magsasalita at kailangan kong itype iyon.
Nang magsimula ang meeting at isa-isang nagbigay ng report ang head, buo ang atensyon ko kahit pa nararamdaman ko ang pagtingin sa akin paminsan ni Ali.
Agad naman akong tumingin kay Ali nang makita kong siya na ang susunod at hindi naman ako nagkamali dahil nakatingin ito sa akin.
Muling nagtama ang mga mata namin kaya naman agad ko itong kinindatan na muling ikinapula ng tenga pero ngayon ay kasama na ang mukha at leeg.
Nakita ko naman sa gilid ng mata ko ang pagpipigil ng tawa ni Sir Justin dahil sa nangyari kay Ali.
Huminga ito nang malalim bago tumayo dahil siya na ang susunod.
"WAIT! Are you okay, Mr. Montero?" tanong bigla ni Sir Miggy. "Your face is red," habol pa niya.
Nakagat ko na lang ang loob ng ibabang labi ko dahil parang kasalanan ko ang nangyari.
Huminga muli ito nang malalim bago nagpunas ng mukha.
"Yes, Mr. Monticlaro. It's just…" putol nito sabay sulyap sa akin bago muling tumingin kay sir. "I'm kinda nervous," pahayag niya at muling nagpunas.
Matagal bago nakasagot si Sir Miggy kaya napatingin ako dito at kita ko ang pagtataka sa mukha niya dahil sa biglang pagtaas ng kilay nito.
He doesn't want to buy Ali's excuses because he knows Ali so much. Even the other person inside the conference room looked so confused by Ali's action and reason.
"Okay! Proceed," tugon ni Sir Miggy sabay sulyap din sa akin at tingin din kay Ali.
Tumango lang nama si Ali bago muling nagpunas ng mukha at kamay. Nakita ko din na ilang beses siyang bumuntonghinga bago nag-umpisa.
Naawa ako bigla dahil mukhang hindi siya sanay sa mga ginawa ko.
"DON'T do it next time… please…"
Ayan ang bumungad sa aking text nang matapos ang meeting at makabalik kami sa kanya-kanya naming trabaho.
Ali didn't do it so well during his presentation, though nandoon ang lahat ng bawat detalye pero hindi niya naipaliwanag ng maayos. Nandoon pa na magkaroon siya ng pagkautal-utal dahil sa napapatingin siya sa akin.
I didn't want to distract him anymore that moment but the moment he saw me looking at him, nauutal talaga siya!
"I'm really really sorry! I didn't mean that next time lalabas na lang ako," reply ko at agad na sinend iyon.
"No, I'm fine that you're there but I don't know, masyado ata kitang mahal kaya kinakabahan at kinikilig ako sa pagtitig mo. Not that I don't want that but I'm not used on that stare,"
Napangiti naman ako nang mabasa ko ang reply niya.
This message is the longest message I've ever received from him! And he's really vocal about what he feels to me… I feel so lucky that he's very showy and vocal. I hope he didn't change.
Oh gosh! Mukhang nahirapan talaga siya!
"Okay! I won't do that again," ayon lang ang reply ko na sinamahan ko pa ng emoji na pakiss.
Hindi ko pa man nalalapag ang phone ko ay agad na itong tumunog at pangalan ni Ali ang bumungad.
"He–"
"I told you not to do it again!" singhal na bungad nito sa akin.
"What?! I didn't do anything!" pagtangi ko habang nagpipigil ng tawa.
"Keep on denying huh! Kapag ikaw!" may pagbabanta ang pagkakasabi niyang iyon.
"Kapag ako ano?" pang-uudyok ko.
Nakarinig lang naman ako dito nang malalim na tawa na nagpataas ng lahat ng buhok ko sa katawan lalo na sa batok!
"I may be a virgin man but I know what women want, smile… don't test my patience, my smiley…"
Kusa kong nakagat ang labi ko nang marinig ko ang husky na boses nito. It gives me chills.
Why does it sound so sexy?
Hindi ako nakasagot sa sinabi niya basta feeling ko lang… dapat na akong tumigil sa pang-aasar sa kan'ya niya.
"Okay! I'm sorry! Hindi na mauulit," usal ko.
"Better not! Bibigyan kita ng matindi tinding revenge kapag naulit," tugon nito na ikinatango ko kahit pa hindi ako nito nakita.
Hindi naman kalaunan ay pareho na kaming nagpaalam dahil sa trabahong dapat naming gawin.
LUMIPAS ilang araw at tahimik ang buong floor kung saan ako nakapwesto dahil wala ang mga boss dito, pang-apat na araw na nilang wala dito.
Miski ang personal phone ko ay hindi gaanong tumutunog dahil mukhang busy si Ali sa pagtulong kila Sir Henry. Nagmemessage naman siya pero madala at madalas ay gabi.
At dahil nga wala siya, palagi akong mag-isa umuuwi and the feeling someone's looking at me, is there and I know it's Lloyd but I'm not scared at all to face him.
Bigla naman akong napatingin sa intercom na nakakonekta sa lobby nang tumunog ito.
"Hi, Caith! This is Chav, may delivery ka dito sa lobby. Gusto mo paakyatin ko na lang diyan?" tanong nito sa akin na siyang ikinataka ko.
"Ha? Ah! Hindi na bababa na lang ako, wala naman akong ginagawa masyado," saad ko.
Nagtataka man at mabilis akong nagpunta sa lobby para tignan ang delivery na sinasabi ni Chav.
Pagbaba ko ay bahagya pa akong nagulat dahil sa komusisyon na nandoon.
Kung nandito si Sir Miggy paniguradong magagalit iyon dahil may ganito.
Agad naman akong pinagtinginan ng ibang mga empleyado habang naglalakad ako palapit sa pwesto ni Chav.
"Chav? Saan ung delivery?" tanong ko dito.
Malapad naman siyang ngumiti sa akin.
"Ay naku! Nandoon sa labas! Hindi kasi pinapasok ng guard dahil sa laki ng delivery mo girl! Baka daw kasi threat sa company," saad niya sabay turo sa labas.
Agad ko namang nilingon iyon at agad na kumunot ang noo ko.
"Truck? Ano namang laman niyan?" bulong ko pero mahina lang.
"Ayan iyong delivery oh," saad niya sabay turo doon sa lalaki na mukha namang delivery guy.
Mabilis itong lumapit sa amin at yumuko.
"Are you Ms. Caith Fayra delos Santos?" mabilis na tanong nito sa akin.
At base sa pagsasalita at itsura nito ay hindi pilipino. Moreover, he's a japanese.
"Yes, I'm Caith," tugon ko sabay yuko din sa kan'ya bilang paggalang.
"Oh! I have a delivery for you, Ms. Caith but the security here didn't allow us to bring it inside. So can you come with me?" nakangiti nitong tanong.
Tumingin muna ako kay Chav.
"Magpasama ka na lang sa isang security para safe, baka isakay ka bigla sa truck nila e," usal nito.
Bahagya pa akong napatawa sa sinabi nito pero may punto naman siya kaya nang pumayag ako sa lalaki at agad kaming naglakad palabas ay nagsabi na lang ako sa security na samahan ako na agad naman nilang sinang-ayunan.
Mabuti na lang at hindi na nagsalita pa iyong delivery man at sinama na lang kami sa likod ng truck.
Nagtataka ako dahil ang truck ay talagang galing pa sa isa sa mga sikat na courier company.
Nang makarating kami sa likod ay may iba pang mga nandoon na tingin ko ay nag-aabang lang din sa amin.
Panandalian silang nag-usap at mukhang tama nga ang hinala ko. Mga japanese nga ang mga ito dahil sa pananalita nila.
Matapos nilang mag-usap, agad na binuksan ang pintuan sa likurang bahagi.
"Ms. Caith, can you come here, your package is right here," nakangiting saad ng lalaki kaya naman lumapit ako doon.
Dahan-dahan kong sinilip ang nasa loob at para akong tatakasan ng mata ko sa sobrang paglaki nito!
Literal na napanganga ako nang makita ko ang package na sinasabi nila. Hindi lang isa kun'di apat na package.
"Are these packages are for me?" hindi makapaniwalang tanong ko.
"Yes, miss."
Tumango-tango naman ako sa kan'ya at malalim na huminga.
Naramdaman kong tumingin din ang isang security na kasama namin.
"Naku, ma'am! Mukhang mahal iyang mga iyan at mukhang authentic na galing japan," saad niya na muli kong ikinatango.
"Pansin ko nga po," mahina kong saad habang nakatingin pa din doon sa packages ko.
It's a life size my melody! Hindi lang stuff toy, may unan na tatlo bukod doon sa life size!
Ung feeling na excited, namamangaha, at masaya ako dahil meron akong my melody pero hindi ko alam kung sinong nagpadala!
Magtatanong pa lang sana ako sa nagdeliver nang may iabot ito sa aking papel.
"The buyer told us to give you this letter," nakangiti muli nitong saad.
Kinuha ko nama ang sulat na iyon at sabay kaming yumuko sa isa't-isa.
Marahan kong binuksan ang letter at agad akong napangiti nang mapagtanto ko kung sinong nagpadala nito!
Though it's not a hand written letter since he just send it to them, it's fine with me. Because I know it's from his heart and the design they chose is my melody also...
'Hi, my beautiful smiley! Remember when I told you the stuffed toy you want in the mall are not worth it to our money?
Though half of that is true but my main reason are I want to buy a good and authentic my melody by myself. I want to buy it for you!
I know by the time you got it, I'm not around because of my errands but I want you to know that I'm very thankful that you and Faye came into my life, you guys gives me more purpose in life to live.
In my world full of 'I'm busy' you chose to be 'I have time for you' and I really really appreciate and love it. Thank you!
Please always remember that I love you and I won't pressure you to love me back. Take you time, don't force yourself to loce me and I do the waiting thing between the both of us.
Take care and see you in my dreams, in my mind, and in my heart! And lastly! I'm so proud of you, my smile! Always put that smile on your beautiful lovely face… please…
Scold
Ps. Bahala ka na iuwi iyan! Bleeh! Hahahaha'
Habang binabasa ang sulat na iyon ay pakiramdam ko lahat ng dugo ko sa ulo ay umakyat sa mukha ko para pamulahan ako.
Maybe I look like a cherry in my face!
"Scold…" bulong ko sabay kagat ng labi ko para pigilan ang pagngiti.
Para akong kinikiliti sa buong katawan dahil sa sulat niya at sa paregalo niya. May kung anong naglalaro sa tiyan ko dahil doon.
Ibang klase din talaga magpakilig ang lalaki na iyon.
"Thank you, Ali… you never failed to make me smile and blush," saad ko sabay tingin sa mga lalaking isa-isang binababa ang mga packages ko.
Tumingin din ang mga ito sa akin. Bago sila sa presensya ko pero hindi ako nakaramdam ng takot o pagkailang bagkus ay ngumiti pa ako sa kanila nang matapos nila iyon at magpaalam sa amin.
Dinala muna namin sa loob para hindi nakaharang sa daan.
Habang tinitignan ang mga stuffed toys na pinadala ni Ali ay hindi ako mapakali habang nakangiti, hindi dahil inaatake na naman ako ng anxiety ko kun'di, hindi na ako makapag-amtay naakauwi at mayakap sila! Pakiramdam ko ang lambot lambot nila…
Nawala bigla ang ngiti ko nang maalala ko na wala akong kotse! Paano ako uuwi–
"Ay g*go! Kaya pala binilinan akong wag muna sumunod sa Pampanga!" Napalingon ako sa likod ko nang marinig ko ang boses na iyon.
Nakita ko ang isang Dr. Olivarez na nakacasual clothes, medyo magulo ang buhok na bumagay naman sa kan'ya. Bahagya pa akong nagulat nang bigla itong ngumiti dahil kamukha niya si Ali sa ngiti niya.
"Hi, Cai. Habang wala ang kuya ko ay ako muna ang maghahatid sa iyo," may ngiti nitong usal sabay kindat sa akin.
-----------------