Chapter 5

2398 Words
CAITH IT'S BEEN one week since I was hired as a secretary of the CEO here at Monticlaro Enterprise. I had a lot of experienced to share lalo na pagdating sa pagiging professional at kung paano ang tunay na ginagawa ng isang may ari ng kompanya. I really thought that once you're a president of a company. You don't have to do anything, you just sit down and wait for your people to manage the business but no. Ang daming ginagawa ni Sir Miggy! Nandoon ang kaliwa't kanang meeting sa mga investors, board and teams. Meron pang mga paperworks na kailangang pirmahan at ireview. May mga kontrata din na nirereview para naman kami ang maging investor ng kompanya na iyon. Ngayon nga ay nasa isa kaming meeting para sa isang deal about naman sa pagkuha sa amin bilang investor. Dapat ay hindi ako kasama dito dahil meron kaming final fitting ng gown para sa kasal ni Cami but since pwede naman akong humabol ay hindi ko na pinaglagpas ito lalo pa at may bago na naman akong matututunan. Isang ngiti ang sumilay sa akin nang marinig ko ang sumunod na salita kay Sir Miggy. "Okay! Then we're settle. You got my interest, Mr. Garcia," saad nito at ngumiti. Natawa naman si Mr. Garcia at ramdam ang saya niya nang sabihin iyon ni Sir Miggy. Agad naman niyang sinabi sa secretary niya na ihanda ang kontrata na pipirmahan ng boss ko. "I'm happy that I got your interest, Mr. Monticlaro. I hope I can maintain that," saad nito habang kinukuha ang mga papel sa secretary niya. "I hope so, Mr. Garcia, because I don't want people who are good at first then afterwards it will not give me nothing," makahulugang saad ni Sir Miggy na siyang tinanguan ng kausap niya. Isa-isa naming binasa ang kontrata at sa totoo lang kaunti pa lang naman ang naiitindihan ko sa mga nandoon pero kahit ano pa man ay okay lang sa akin. Ibinigay ko kay Sir Miggy ang binasa ko at bahagya pa itong natawa nang makita nitong nanginginig ang kamay ko. Malamig kasi dito! Kanina pa nanginginig ang kamay ko. "If you don't mind, Mr. Monticlaro. Is she your wife?" Sabay kaming napalingon kay Mr. Garcia nang tanungin niya iyon. Kung kanina ay bahagya ang tawa ni Sir Miggy, ngayon ay pinakita na nito ang ngiti at tawa niya. "Sorry for the question, narinig ko kasi na asawa ninyo ang assistant ninyo ngayon, that's why I ask…" habol pa ng kausap. "It's okay! But she's not my wife, she's purely my secretary. My wife went back to her work as a marketing team leader last week," nakangiting tugon ni Sir Miggy. Para namang nahiya ang kausap nito. "Ow! I'm sorry! I really thought she's your wife, since she's also beautiful," Ngumiti lang naman si Sir Miggy dito bago ibinalik ang tingin sa binabasa niya. Nakakahiya naman! Masyado ba akong naging malapit kay sir para paghinalaan na asawa ako nito. Though crush ko si Sir Miggy pero mas crush ko si Nicole. Biro lang! Matapos ang pirmahan at kamayan ay nagpaalam na kami ni Sir Miggy sa kanila. Hinatid kami nito hanggang sa labas ng kompanya niya tapos ay muli kaming pinasalamatan at muli silang nagkamay ni Sir Miggy. Since hindi ako marunong magdrive ay pinagbuksan ako ni sir ng pinto sa passenger seat. It's his normal way to a girl at sa isang linggo na kasama ko siya ay lagi naman niya itong ginagawa. A typical gentleman katulad ni Sir Justin na hindi pumapalya sa paghatid sa akin. "We don't have any schedule after this, right?" tanong ni sir nang makapasok ito sa kotse niya. "Yes, sir! Sabi po ninyo ay wag papalagyan ng meetings ang afternoon po ninyo ngayon dahil may gagawin po kayo," usal ko na ikinatango nito. "Okay, thank you!" saad niya at nag-umpisa ng magdrive. "Ahm! Sir, wala na po tayong gagawin, is it okay if I get off early from work? May fitting po kasi kami ng gown ngayon para sa kasal ni Cami," mahinang paalam ko na ikinalingon nito bahagya sa akin. "Oh? Of course! I drop you there, nandoon din kasi si Zie, I need to pick her up, dahil may appointment kami sa hospital for their check-up," saad nito. Kusa naman akong napangiti at napatango sa kan'ya. "Salamat po, sir," usal ko. HINDI naman nagtagal ay nakarating kami sa shop kung saan nandoon sila Cami. Pagpasok namin ay bahagya akong nagulat nang makita ko ang si Ma'am Klea na nandoon at agad na bumati sa amin ni Sir Miggy. Katulad ng inaasahan ay sinabi lang nito na magpaiwan na ako dahil wala na kaming gagawing dalawa. Kaya naman mabilis akong lumapit kila Camille na nakangiting bumati sa akin. Masayang-masaya ako para sa kan'ya na sa wakas ay nahanap na niya ang lalaking mag-aalaga at magmamahal sa kan'ya. May inggit at halong insecurities akong nararamdaman lalo na at ang pakakasalan nito ay ang lalaking nakauna sa kan'ya at pinakasalan na siya noong una. Kung baga pangalawang beses na siyang pakakasalan ni Keith. Hindi madaling makahanap ng ganon lalaki. Napakahirap… Pero kahit ganon ay mas nangingibabaw sa akin ang saya para sa kapatid ko. "SO we're gonna kidnap your mom for a while. Kami na ang bahala sa kan'ya, kami na ang maghahatid," nakangiting usal ni Ms. Klea habang naka-angkla kay Mama. Natawa lang naman kami nang hatakin na ni Ma'am Klea si Mama. Pinigil din nito si Camille sa inabot nitong isang card. Sabi nito ay siya na ang bahala at itago na lang iyon o ibili para sa amin. Hindi naman na nakatangi si Cami lalo pa at muling nagpaalam ang mga ito sa amin. Nagtinginan na lang kami nila Cheska, Fatima, at Cami tapos ay nagtawanan. "Tara! Hayaan na natin si Mama, minsan lang makapaggala iyon," saad ni Cami na buhat si Faye. "Tama!" usal sabay kuha kay Faye. "Uuwi na ta–" "Hep! Gala muna tayo," putol sa akin ni Cami. "Treat ko! Tara!" saad niya at nauna pa sa aming naglakad at pumara ng taxi. Nang makarating ay agad itong nagyaya papuntang department store at sinabing bumili kami ng mga damit. Siguro dahil isa na akong nanay ay hindi ko na inintindi ang sarili ko at si Faye na lang ang pinilian ko. Hindi naman sinasadya na makita ko si Cami na nagtitingin ng mga damit na pangbaby kaya naman bahagya ko siyang biniro. Masaya ako na nagpaplano na sila ni Keith na magkaroon ng anak. Alam kong hindi madali kay Camille ang mga nangyari lalo pa at alam kong nagkatrauma siya sa naging kasalanan ko noon. I was so drown with Lloyd's promises and fake love, I didn't think about my baby when he told me to get rid of it. Due to my obsession with Lloyd because he is my first love, the first man who took my all. The moment he told me to abort the baby so we can still be together, I immediately agreed to it without thinking the consequences I will face… But after a month with him… I found out that I was been cheated! Not just with one girl but two! And those woman know that Lloyd had a girlfriend but they don't care at all… I was so lucky that my parents, no! My whole family gave me a chance to changed but I broke it again and now here I am… dreaming to have a better life with a trauma cause by my own foolishness! Kung sana noon pa man ay sinunod ko na ang payo ni Cami, kung sana noon pa man itinigil ko na. Kung sana may lakas din ako ng loob na tumangi, kung sana hindi ako naniwala sa mga pangakong hindi namam kayang tumaparin… sana… sana hindi ganito ang buhay ko. Hindi ako nabubuhay sa dilim na kahit anong gawin kong mamuhay sa liwanag ay hindi ako tinatantanan ng dilim na ginawa ko sa sarili ko. "TAO PO," Napaangat ang ulo ko nang biglang may kumatok sa lamesa ko at agad na nakita ko si Sir Justin na nakangiti sa akin. Busy ako sa pag-aayos ng gamit ko pauwi dahil isang araw na naman ang lumipas. "Ay! Wala po akong yelo," usal ko na ikinatawa nito. "Marunong ka na ha!" tugon niya sabay upo sa mesa ko. "Hatid kita ulit?" tanong nito na ikina-iling ko. "Hindi na po. Baka masanay ako," biro ko na ikinanguso nito at bago pa siya magsalita ay inunahan ko na. "Biro lang po, may pupuntahan pa po ako. Kaya hindi na po siguro," habol ko. "Saan ka pupunta? Baka pwede kitang ihatid?" tanong niya na muli kong ikinailing. "Wag na po… secret kasi iyon," saad ko na ikinatango na lang nito. "Sige, pero bukas! Hatid kita ha! Kontrata na iyan!" usal nito na ikinatawa ko. "Hindi po pwede, wala po ako bukas dahil may bakasyon po kami nila mama para kay Cami," imporma ko na ikinagulat niya. "Oh? I thought she have a vacation with the girls?" tanong nito. "Meron po pero surprise po siya nila Nicole na kami po ang makakasama niya for the next days," Tumango-tango ito at sabay kaming napalingo nang may magsalita. "Oh! So they are planning to surprise Camille by their own expenses huh," saad ni Sir Miggy na ikinangiwi ko. Hindi ata alam ni Sir Miggy na sila Nicole ang nagplano ng bakasyon na pinaalam ko. "Naisahan ka na naman ng asawa mo," biro ni Sir Justin dito. "Lagi naman akong naiisahan no'n," natatawang saad ni sir bago tumingin sa akin. "Ah! Wala akong schedules bukas bukod sa maagang meeting, right?" tanong nito na ikinatango ko. "Next week na po ulit ang mga meetings ninyo, sir. Ayon po iyong bilin ninyo," paalala ko dito na mas ikinangiti niya. "Thank you for reminding me about that. Nalilimutan ko kasi minsan," saad nito. Tumingin ito kay Sir Justin na tinatawanan siya. "Punta tayo kila JK! Nandoon sila Henry, mga walang kasama sa bahay," saad niya na sabay naming tinawanan ni Sir Justin. Marahil ay malungkot doon dahil wala si Nicole. At panigurado malungkot din ang kapatid ko dahil wala si Camille! AGAD akong nagpaalam sa dalawa nang tumapat sa lobby ang elevator. "Ingat, Cai!" masiglang paalam ni Sir Justin sa akin. "Ingat din po kayo," saad kong muli bago tuluyang lumabas at inantay na magsara iyon. Mabilis na akong lumabas ng company. Saglit akong nag-antay ng jeep papunta ng mall dahil doon ko naisipang bumili ng regalo ko para kila Keith at Cami. Wala pa naman akong ganong kalaking pera pero kahit paano ay may naitatabi naman ako. Gusto ko lang silang bigyan ng kahit na maliit na regalo. Agad naman akong napalingon sa gawing kanan ko nang makaramdam ako ng pagtitig sa akin pero wala akong nakita doon kaya naman pinagsawalang bahala ko na lang iyon dahil sakto din na may dumaan ng jeep. Matapos ang mahigit kalahating oras ay nakarating din ako sa mall kaya mabilis akong bumaba at pumasok. Alam ko naman na ang bibilhin ko dahil nakita ko na iyon noong nakaraan, hindi ko lang binili dahil kasama ko si Cami. Isang couple bathrobe lang iyon na kulay dusty blue ang kulay, sinamahan ko na din ng slippers para cute. Tapos pag-uwi ko mamaya idadaan ko doon sa magbuburda malapit sa bahay para mapalagyan ko ng pangalan nilang dalawa, sakto no'n pagka-uwi namin ay tapos na nito at ibabalot ko na lang. Nakangiti akong lumabas ng mall at naglakad papuntang sakayan. Tumawid lang ako sa kabilang kalye at doon ako pipila. Hindi pa man ako nakakalapit sa pila ay bahagya akong nagulat nang biglang may humatak ng braso ko at halos maubusan ako ng hininga nang makita ko si Lloyd na nakangisi sa akin. "Kanina pa kita tinitignan!" saad nito na parang isang hayop na takaw na takaw sa isang pagkain. "Sumama ka sa akin," angil nito na mabilis kong inilingan. Malakas kong hinatak ang kamay ko pero dahil mas malakas siya sa akin ay hindi ko nagawang kumawala. "Bitawan mo ako!" naiiyak kong sigaw dito. Pero hindi siya nagpatinag at hinila ako. Wala naman akong magawa kun'di ang sumigaw at humingi ng tulong. "TULONG! TULONG!" naiiyak na sigaw ko kaya naman agad nitong hinawakan ang buhok ko at hinila ako papunta sa asan. Patuloy ako sa pagsigaw para makahingi ng tulong kahit pa halos mapunit na ang anit ko sa pagsabunot nito sa akin. Umiiyak na din ako pati ang mga hawak ko ay halos mabitawan ko na dahil sa paghila niya. "Hoy! G*go!" Agad akong napalingon sa tatlong babae at isang lalaking nakatingin sa amin. "Hayop na ito!" sigaw ng isa sa kanila at mabilis na lumapit sa amin. Dahil nga tumigil din si Lloyd ay doon na ako nakakuha ng tyempo para makaalis pero hindi nangyari iyon dahil hinigpitan ni Lloyd lalo ang pagkakakapit sa ulo ko. Sisigaw pa sana ako ngunit hindi ko na nagawa dahil biglang lumuwag ang pagkakakapit nito sa buhok ko at nang tignan ko ito ay nakahandusay na habang ung tatlong babae na kanina na nakita ko ay hinahamas at sinasabunutan na siya. Ung lalaki naman ay sinisipa siya. Umiiyak lang ako doon habang yakap ang bag at paperbag na dala ko. Natatakot ako! Paano kung walang dumating na tulong? Paano kung nakuha niya ako?! Saan na naman ako pupulutin? "Hoy! Patreng! Tama na iyan! Tumba na iyan kakasabunot mo!" singhal noong isa na nasa malapit ko na pala. "Gigil pa ako e! Gusto ko pa siyang gawing punching bag!" saad noong Patreng sabay bigay ng isa pang sabunot kay Lloyd na nakahiga na doon at parang lantang gulay na. Matapos noon ay lumapit sila sa akin at inayos ang buhok ko. Agad akong nagpasalamat sa kanila habang umiiyak dahil utang ko sa kanila ang buhay ko. Hinatid na ako ng mga iyon sa sakayan ng jeep at nagbilin pa sa jeep na ingatan ako. "Salamat po talaga sa inyo," saad ko at yumuko pa. Tinapik lang nila ang balikat ko bago umalis. Narinig ko pa na babalikan nila si Lloyd para dahilhin sa barangay. Tahimik akong nakayuko doon at tinitignan ang sarili sa repleksyon na galing sa cellphone ko. 'Hindi ka pwedeng ganito lagi, Cai! Dapat matuto kang lumaban para sa sarili mo at para sa anak mo…' Kausap ko sa sarili ko sabay punas sa luhang muling lumabas sa mata ko. --------------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD