CAITH
NAKATAYO na ako dito sa labas ng bahay at pilit pa din pinapakalma ang sarili ko dahil sa nangyari kanina.
Hindi ko dapat maapektuhan ang bakasyon na gagawin namin bukas. Dapat masaya kami nila Mama dahil bakasyon namin iyong pamilya kaya naman itatago ko ang nangyari.
Muli akong huminga ng malalim bago ako ngumiti at inayos ang damit ko. Binuksan ko ang gate at naglakad ng kaunti at binuksan ang pintuan.
Bumungad sa akin ang abalang nag-aayos ng gamit na si Mama habang pinapagalita si Chester na hindi pa kumikilos para maghanda ng gamit niya.
"Sinasabi ko sa iyo! Kapag ikaw ay may naiwan ditp sa bahay na gamit mo dahil nagmadali ka lang na ilagay sa bag iyan bukas, humanda ka talaga sa akin, Chester!" sermon nito habang nagtutupi.
"Mamaya nga po, maghahanda ako… nakatupi naman na po iyong mga damit ko, ilalagay na pang po sa bag," bwelta naman nitong isa.
Marahan na lang akong lumapit kay Papa na tinatawanan lang sila Mama.
"Kanina pa po ba sila ganyan," tanong ko sabay mano sa kan'ya.
"Oo, kay iyang si Chester ayaw sumunod. Si Cheska din kanina ay napagalitan na," saad nito. "Saan ka pala galing at ngayon ka lang?" tanong nito.
"Ah! Galing po akong mall, may binili lang po," saad ko at tipid na ngumiti.
"Oh! Anong binili mo? Wala ka namang dala?"
"Ah! Dinala ko na po sa panahian. Basta po, regalo ko po iyon doon sa mag-asawa," saad ko at lumakad na papalapit kay Mama para magmano.
Kahit kasi tuliro ako ay pinilit kong gawin ang plano ko at magpunta sa patahian.
"Ikaw, nakahanda na ba ang gamit ninyo ni Faye?" tanong ni Mama sa akin nang magmano ako.
"Opo! Inihanda ko na po iyon kaninang umaga," pagsisinungaling ko dahil mamaya ko pa lang aayusin.
Ayoko kayang pagalitan ni Mama katulad ni Chester.
"Mabuti naman, ibaba mo na dito para malagay sa sasakyan," saad nito.
"Mamaya na lang po o bukas na lang. Masyado pong maaga kung ngayon," usal ko at nakita kong tumawa si Papa.
Marahil ay alam niyang nagsisinungaling akong naayos ko na.
Bago pa ako sermonan ni Mama ay kinuha ko na muna si Faye para dahil sa kwarto naming dalawa.
Nagpatulong na lang ako kay Chester na iaakyat ang crib ni Faye para makatalas din siya kay Mama pero bago kami tuluyang makaalis ay nagsalita si Mama.
"Ikaw, Chester! Sinasabi ko sa iyo, mag-ayos ka na ng gamit mo!" saad nito.
Palatak lang naman ang sagot ni Chester bago binuhat ang crib para isunod sa akin.
"MAGHANDA ka na kasi ng gamit mo," usal ko dito habang inaayos ang crib ni Faye.
"Ilalagay na lang iyon sa bag, te. Excited lang iyan si Mama. Akala ata e, ten years old pa lang ako," saad nito na ikinatawa ko.
"Eto naman! Namimiss lang ni Mama na inaasikaso kayo, lumalaki na kayo ng mabilis tapos ikaw, binata ka na! Sa susunod, may jowa ka na! Narealize lang iyan ni Mama ngayon kasi may ikakasal na sa atin," nakangiti kong saad nito.
Nakakaintindi naman itong tumango sa akin bago ngumiti.
"Oo nga, 'no?" saad niya. "Ayos na 'to, ate. Mag-aayos na din ako ng gamit at baka akyatin na ako ni Mama,"
Tatawa-tawa naman akong tumango at tinignan lang siyang palabas ng kwarto.
Ibinaba ko si Faye sa crib niya at binigyan ito ng laruan dahil ako naman ay mag-aayos na ng gamit namin.
Habang nagpapalit ng damit ay hindi ko naman sinasadya na mahagip ng tingin ang braso ko na makikitaan ng pamumula dahil sa ginawa ni Lloyd kanina.
Kusa aking napaupo sa higaan ko at napatingin kay Faye na busy sa paglalaro.
"Paano ko ipapakilala sa iyo ang tatay mo kung sa tuwing magkikita kami ay sasaktan niya ako? Nakakatakot na baka pati ikaw ay saktan niya," bulong ko.
Naramdaman kong may mumuting luha na lumabas sa mata ko na agad kong pinunasan.
Napapikit na lang ako nang maalala ang unang beses nagkakilala kami ni Lloyd kung paano kami nagkagustuhan at kung paano siya nanligaw, kung paano niya ako napasagot.
Lloyd is a very sweet, protective and understanding man. As far as I remember, he always given me letters, sweet quotes, and sweet messages each morning since the day I said yes to him.
He's not like that but like what other says, people change especially if you are barricaded with people who will do you no good. Because that's what happened to him.
After niyang mayaya sa inuman ng mga kaklase niya kasama ang iba nitong mga barkada, doon na siya nag-iba. He became more aggressive in our relationship. He wants to take me to prove that I love him. At dahil nga mahal ko, doon na ako bumigay, ibinigay ko ang lahat… pero doon din ako nasira dahil doon nag-umpisa ang panloloko niya sa akin.
At doon din nagkalamat ang pagiging magkapatid namin ni Cami. Pati ang pangarap kong maging guro, pati ang buhay ng isang supling at muntikan pati ang buhay ni Faye.
Tumayo ako at lumapit sa anak ko at hinaplos haplos ito ang pisngi nito.
"Hindi na hahayaan ni Mama na maging miserable ang buhay mo at matulad sa akin…" saad ko at ngumiti sa kan'ya na nginitian niya lang naman din.
ILANG araw ang lumipas at nandito na kami sa simbahan kung saan gaganapin ang kasal ng kapatid ko.
Masaya ang mga nagdaang araw, lalo na ung bonding namin sa batangas na sila Nicole ang nag-asikaso.
Wala kaming ginawa doong pamilya kun'di ang mag-enjoy at sulitin ang oras ng bawat isa.
At ngayon nga ay eto na kami. Nakaabang sa pagpasok ng bride, nakakaproud, nakakatuwa at the same time nakakainggit.
Napatingin ako kay Keith na nakatayo malapit sa altar. Mukha itong kinakabahan dahil panay punas ito ng noo niya. Kasama niya ang pamilya niya, ngayon ko nga lang din nakita ang papa niya na mukhang kamukha niya.
Muli akong napatingin sa pintuan nang bumukas ito at tumugtog ang piano.
Isa-isang maglakad ang mga nasa unahan ni Camille kasama ang mga kaibigan niya.
Dapat nga ay nandoon ako pero dahil buhat ko ang tulog na tulog na si Faye ay hindi ko na nagawang pumwesto doon.
Napatawa ako nang makita ko si Sir Justin na biglang kindat sa akin habang kasama ang isang pinsan ni JK. Natatandaan ko na nakipagtalo pa iyan at sinabing gusto niya akong kapartner pero dahil ayaw ni Keith, wala siyang nagawa.
Muling sumara ang pinto hudyad na papasok na ang kapatid ko at hindi nga nagtagal kasabay ng pagtunog ng isang kanta, bumukas ang pintuan at nakita namin ang napakagandang bride.
Kumikinang siya dahil sa ganda ng gown niya bukod doon pati sa ngiti na meron siya.
Patunay na masaya siya dahil makakasama na niyang muli ang lalaking mahal niya at aalagaan siya.
"Ang ganda ni Ate Cami," rinig kong usal ni Cheska sa gilid ko na ikinatango ko.
"Oo nga. Bagay sa kan'ya ung gown niya," saad ko.
"Balang araw, makakapagsuot din ako ng magandang gown,"
Napatawa na lang ako dito bago bumulong sa kan'ya.
"Aral muna bago mo isipin iyan,"
Natatawa naman din itong tumango bago sabay kaming lumingon muli kay Cami na patuloy naglalakad kasama si Mama at Papa.
Tumingin ito sa amin at ngumiti ng matamis.
Hanggang sa nagpatuloy sila at nakaabot kay Keith na tinatawanan ng mga kaibigan niya dahil umiiyak ito.
Hindi naman nagtagal ang seremonyas at agad napunta sa wedding vows kung saan sasabibin ng dalawa ang kanilang pangako sa isa't-isa.
While listening to their vows… bitterness eating me… that's also Lloyd's promised to me! But why did he choose to lie?!
Kung lalaki lang siya na may paninindigan at hindi naging mabisyo ay baka kasal na din kami at masayang nagsasama.
"SO FOR our next game! Syempre hindi mawawala ang tossing ng bulaklak ng ating bride kaya naman, single ladies– pasok!" saad ng MC matapos ang iba pang program na nangyari kanina.
Nasa reception na kasi kami at marami na ang nangyari, nandoon ang first dance ng newly wedded couple, kainan at syempre ang handog na kantahan ng barkada nila.
Doon ko nga lang nakita na may talent pala si Sir Miggy sa pagkanta at paggigitara, bukod doon madami pala sila. Halos sampung lalaki ata iyon at parang limang babae lang.
Natatawa mga ako dahil isa si Sir Justin sa may hawak ng mic at malakas ang loob na kumanta kahit pa sablay ang boses niya. Ang kulit lang talaga niya.
"Ate Cai! Sali ka doon!"
Napatinngin ako kay Cheska dahil sa sinabi nito.
"Tsk! Hayaan mo na sila diyan! Kaya na nila iyan!" saad ko. "Nandoon pala si Fati?" tanong ko nang makita ko ung isa kong kapatid na nakatayo doon.
"Oo! Mukhang naghahanap na ng jowa e," saad nitong isa sabay subo ng salad niya. "Sali ka na doon! Buhat naman nila Mama si Faye! Dali!" saad niya.
Muli sana akong tatanggi pero nagulat ako nang hilahin ako sa braso ni Cami.
"Sali ka na! Katuwaan lang ito," saad niya at matamis na ngumiti.
Dahil ayoko namang sirain ang kasal ng kapatid ko kaya naman tumango na ako dito at hinayaan siyang hilahin ako papunta sa gitna.
"Go, Ms. Cai! Kapag ikaw nakakuha ng bulaklak, sisikapin kong ako ang makakuha ng garter,"
Sabay-sabay kaming napatingin kay Sir Justin dahil sa sigaw niyang iyon.
Nakakahiya! Ang daming tao! Parang gusto kong magpalamon sa lupa.
Napatawa naman ang lahat nang bigla siyang pasakan ng tinapay ng katabi niya.
Nakita ko na iyon sa company e. Nakalimutan ko lang ang pangalan pero alam ko board member iyon ng company.
Bakit ba nakalimutan ko iyon? Dapat alam ko ka–
Isang matinis na tili ang napakawalan ko nang gulat na bumagsak sa kamay ko ay bulaklak ni Cami.
Tumingin ako sa mga kasama ko na natatawa sa itsura ko. Tumingin ako kay Cami nakangiti sa akin sabay 'okay' sign.
Anong gagawin ko sa bulaklak na'to?!
"Ms. Cai! Tabi pang po muna namin kayo ha, dahil may gagawin pa tayo bago namin kayo pabalikin sa upuan mo," nakangiting saad ng isa sa mga staff ng coordinator.
Sumunod naman ako habang iniuupo nila ako sa isang silya.
Nakatingin lang ako sa sunod nilang ginawa at halos lumabas ang mga mata ko sa ginawa ni Keith sa kapatid ko!
Will someone do that to me too?! No! Ayoko! Jusko po! Baka bigla kong masipa ang lalaking gagawa niyan sa akin!
Matapos makuha ni Keith ang garter ay agad na tumayo ang mga kalalakihan na pinangungunahan ni Sir Justin.
Tumingin pa ito sa akin at kumindat bago pumuwesto sa gitna. Hindi ko alam kung mapapangiwi ba ako o matatawa sa ginawa niyang iyon.
Para siyang isang goal keeper na handang saluhin ang bola na magtatangkang pumasok dito.
Pero mas okay na sigurong siya ang makasalo kesa sa ibang lalaki dahil kahit paano ay kampante na ang sarili ko sa presensya niya.
Nandoon pa din ang pagkailang ng bahagya pero kahit paano ay hindi na ako kinakabahan sa kan'ya, hindi katulad noon na para sa akin ay lagi akong sasaktan at may gagawing masama tuwing kaming dalawa lang.
Nabalik ang tingin ko sa gitna nang magkaroon ng sigawan at tawanan dahil bumagsak ang garter sa ulo ng lalaking naglagay ng tinapay kanina kay Sir Justin.
Nakakunot ang noo nito na nagdulot ng pagkasalpok ng mga kilay nitong hindi ganon kakapal. Marahil siguro ay nagtataka siya kung bakit sa kan'ya bumagsak ang bagay na iyon gayong wala naman siyang ginawang iba kun'di tumayo lang doon habang ngumunguya ay nakacross arms pa!
Hindi ko naman alam ngayon kung ano ang gagawin ko dahil ibang tao ang makakapareha ko!
Gagawin din ba niya ung ginawa ni Keith kay Camille?!
"Ms. Cai, dito na po tayo sa gitna,"
Mabilis akong napatingin sa babaeng nakangiti sa akin habang inaakay ako papuntang gitna.
Nanlalamig ang kamay ko… pakiramdam ko kakapusin ako ng hininga…
Hindi ko napigilang tumingin sa paligid ko na parang ang layo nilang lahat.
I don't want to ruin my sister's special day kaya naman pinilit kong kinalma ang sarili ko.
Hanggang sa nakaupo na ako sa gitna at naririnig ko ang hiyawan at pagrereklamo ni Sir Justin…
Hanggang sa may lumuhod sa harap ko na isang lalaki… tipid itong ngumiti sa akin na parang ayaw niya din ang gagawin niya pero katulad ko ay no choice siya para hindi masira ang araw ng kaibigan niya kaya naman nakagat ko na lang ang loob ng ibabang labi ko.
"I'm Dustin," pakilala nito sa sarili niya.
Doon na pumasok sa isip ko na siya si Sir Dustin Montero the head of Finance Department. One of the board members and he's also a friend of Sir Miggy. Siya iyong laging sumusundo kay Sir Justin kapag natambay ito sa pwesto ko.
"I'm Caith, Cai na lang po for short," nahihiyang tugon ko sabay iwas ng tingin.
Nakatitig kasi siya sa akin at hindi ko matagalan iyon. Nakakalunod sa lalim at pagkamisteryoso ng mga titig niya.
"Nice to meet you but I guess we already met," mahinang usal nito na ikinatango ko.
Napaigtad naman ako ng hawakan nito ang laylayan ng gown na suot ko.
He has two options, use his hand or use his mouth… I'm so scared that he might use his mouth like Keith did to Cami but it's normal to them since they are a couple but to us! It's awkward!
Nakahinga ako nang maayos nang ilagay nito ang garter sa gitna ng hita ko gamit ang kamay niya.
"Done, you don't have to be scared," saad niya bago tumayo at inilahad ang kamay niya na siyang tinanggap ko para makatayo na ako.
Siya mismo ang naghatid sa akin papunta sa table namin nila Mama at pagkatapos no'n ay bumalik siya table nila.
Bahagya ko siyang sinulyapan dahil may kung ano sa kan'ya na kakaiba.
Nang makita ko siya ay marahan lang itong nakikipag-usap kila Sir Justin habang itong si Sir Justin ay parang kangkakarot sa sobrang gaslaw at lakas ng boses.
Habang nakatitig ay hindi ko naman nagawang umiwas agad ng magtama ang mata namin. Ngumiti na lang ito sa akin at itinaas ang inumin niya na siyang ginawa ko din.
----------------