CAITH
"BECAUSE of what he did, I met you,"
Napatitig lang naman ako dito bago siya nginitian.
I know may laman ang sinabi nito. Lalo pa at si Sir Dustin ang kaharap ko.
Lahat ng sinasabi nito ay seryoso at may laman kaya alam kong may ibig sabihin iyo pero katylad ng sabi ko hindi muna ngayon…
"Yes po, because of what he did, we met each other!" saad ko.
Ayan na muna, masaya din akong nameet ko siya. I found a special friend that I didn't expect to happen.
I thought our first encounter would also be our last but it didn't happen. Because that's actually the start of this friendship thing between us.
Ngumiti lang ito sa akin bago tumingin sa relo niya.
"Lunch break is almost done," saad niya at tumingin sa akin. "Thank you for the lunch. Masarap, walang biro,"
Napangiti naman ako sa sinabi niya.
"Salamat din po," saad ko sabay kuha ng paper bag ko.
Nakatayo na ako at tatalikod nang may naalala ako.
"Sir, kung hindi po ba ako kapatid ni Camille at normal na empleyado lang, maglalunch ka pa din ba kasama ako?" tanong ko.
Seryoso lang ang mukha nito na nakatingin sa akin. At para siyang nag-iisip ng isasagot o mas tamang sabihin na naghahanap siya ng tamang isasagot sa akin.
"Yes, I'll still eat lunch with you. I'll still notice you," saad niya. "And I'm not looking at you as Camille's sister, I'm looking at you as you, Fayra. And if anyone told you that you just here because of your sister, let them but notice what they are saying,"
Huminto ito saglit sa pagsasalita bago tumayo at lumakad papalapit sa akin.
"Because they are right and they are the one reminding us that we are blessed for having opportunities they don't have," usal niya sabay hawak sa ulo ko. "Pero kung aawayin ka nila, better fight them! Hindi pwedeng mahina. Maldita ka naman e," habol niya na ikinatawa ko sa dulo.
"May point ka naman. Siguro dapat akong magpasalamat sa kan'ya," saad ko. "Sige na, lalabas na ho ako," saad ko at pilit inaalis ang kamay niya.
"Sige na," saad niya. "Smile, it makes you more beautiful,"
Matapos niyang sabihin iyon ay ginulo niya ang buhok ko at tinulak pa ako paalis.
"Thank you! Ikaw din! Smile, mukha kang mabait," biro ko at mabilis na tumakbo papunta pinto dahil nakita ko ang pagkadisgusto nito sa sinabi ko.
"Fayra, panira!"
Natawa lang ako nang marinig ko iyon pero hindi na ako nagsalita at kumaway na lang.
Paglabas ko ay huminga ako nang malalim dahil alam ko na ang pakiramdam na nararamdaman ko ngayon.
Minsan ko na itong naramdaman kaya hindi ako pwedeng magkamali.
I'm falling, I thought I would fall for Sir Justin because of his comfort.
His comfort is the one I'm looking for but Sir Dustin's scolding is the most I needed and I wanted.
But not this time, hindi pa ngayon. Marami pang pwedeng magbago lalo na at hindi pa naman ako okay totally.
I've already moved on from my ex but I'm not totally okay with my past… hindi pa ako nakakalaya.
Darating din kami sa ganong estado kung sa mga susunod na panahon ay ganon pa din ang nararamdaman namin.
NAKARATING ako sa table ko at inayos na muli ang mga gamit ko pati na ang baunan na dala ko.
Napatingin ako sa personal phone ko nang magchimed ito.
"Sabay tayo?"
Napangiti ako nang mabasa ko iyon. Anong sabay?
"Uwi ba?"
Tipa ko sabay pindot ng send option. Wala pang minuto nang magreply ito.
"Yep, okay lang? Or Justin will do that thing?"
"Are you jealous of Sir Justin?" tanong ko habang napapangiti.
"Are you jealous at Ms. Bargan?"
Napatawa ako nang ibalik niya ang tanong sa akin.
Yes. I'm jealous of that kokak! Kung pwede ko lang siyang sipain kanina ay baka ginawa ko na.
"Of course not," sagot ko.
"Liar!"
Isang malakas na tawa ang napakawalan ko matapos kong mabasa iyon!
"ANG saya ng inlove na ito!"
Agad akong napahinto nang marinig ko ang boses ni Sir Justin.
Napaayos ako ng upo nang makita ko itong nasa tapat ko at may ngisi sa labi.
"Kanina pa po kayo?" tanong ko dito na mabilis niyang ikinatango.
"Ahm! Simula nang hinawakan mo iyang phone mo," makahulugan niyang saad. "I'm not mad, I'm actually enjoying seeing you two," makahulugang saad niya sanay sulyap sa opisina ni Sir Dustin.
Napakagat na lang ako sa labi ko at marahang ibinaba ang phone ko.
"Replyan mo iyon! Hindi mapapakali iyan, iisipin niyan busy ka na naman at nakalimutan siya," saad niya.
Mabilis ko namang kinuha ang phone ko nang magchime ulit ito.
"Told you! Please… don't hang him while he's still talking to you. Dustin had a very sad story, mas matindi pa sa iyo kaya please… if you can prioritize him aside from Faye, prioritize him,"
Sabay kaming napatingin sa opisina ni Sir Dustin nang bigla iyong bumukas at lumabas ang salubong na kilay na si Sir Dustin.
Ang kaninang malungkot na aura ni Sir Justin ay napalitan ng pang-aasar na aura.
"Dustin, my best bud! Kumain ka na ba? Bakit mukha ka paring gutom?" pang-aasar nito.
Sinamaan lang naman siya ng tingin ni Sir Dustin bago tumingin sa akin.
'Liar'
He mouthed tapos nilagpasan na kami.
Hindi ko naman alam kung tatawa ako o maiirita dahil sa inaasal niya.
Kanina lang okay kami tapos nakita lang na si Sir Justin ang kausap ko. Nagalit na agad!
Ayaw kasing umamin na nag–
"See! Seloso iyon e. Ayaw niya lang aminin! Well! Sorry siya! Bestfriend niya mapang-asar!" usal bigla ni Sir Justin sabay tingin sa akin. "Know his story at ikaw na mismo ang humusga," saad niya at kumindat sa akin.
Tumango lang naman ako dito at tumingin sa gawi ng pinuntahan ni Sir Dustin.
Alam kong may kaunting lungkot ang storya niya pero bakit sa mga sinasabi ni Sir Justin ay mas malalim pa?
Nang makaalis si Sir Justin sa harap ko ay muli kong tinignan ang phone ko at may tatlo na agad na message si Sir Dustin.
"You are, right?"
"Busy agad?"
"I guess yeah,"
Napailing na lang ako dahil ung huling message niya ay parang ngayon-ngayon lang.
"Admit it! You're jealous at Sir Justin"
I hit the send button bago ibinaba muli ang phone ko.
Nagtataka naman ako dahil wala si Jem kahit pa nandoon na si Sir Justin, siguro ay kausap ng kokak kaya wala pa.
Tama doon muna sila at wag muna magpakita sa akin.
Pero mali pala ako dahil agad na napalingon ang ulo ko nang marinig ko ang takong na nakakainis pero mas nakakainis pala dahil ang kasama ni kokak ay si Sir Dustin at magkausap sila.
Sumulyap naman sa akin si kokak at ngumisi.
Parang sarap manapyas ng labi ng palaka!
Sa inis ko ay kinuha ko ang telepono ko at mabilis na nagtipa ng message nang makalagpas sila.
"Wag na pala! Iyang kokak na lang ang isabay mo!"
Inis ko itong sinend at pinindot ang silent tapos inilagay sa bag.
Ginawa kong busy ang sarili ko kahit pa may parte sa puso ko na naiinis at masasaktan kahit pa wala naman dapat.
Mabuti na lang at sunod-sunod ang tumawag sa office phone para sa appointment kay Sir Miggy kaya doon nabaling ang atensyon ko.
Hindi ko nga din napansin na nakabalik na pala ang isa sa mga kokak!
At hindi kami katulad noon na magpaplastikan ngayon ay talagang hindi nag-uusap mabuti iyon, hindi na siya mahihirapan.
SAKTONG may kausap ako sa telepono nang makarinig akong muli ng tunog ng takong at nakita ko si Vera na parang lumulutang sa kalawakan.
Hindi na ito dumaan sa amin pero may napansin ako.
Bakit nasa kan'ya si melody? Bakit nasa kan'ya iyan?! Galit na naman ba iyong isang iyon sa akin kaya ibinigay kay kokak iyong binigay ko sa kan'ya?!
Dahil hindi ko matanggap ang kaganapan ay mabilis akong tumayo at naglakad papunta kay Sir Dustin.
Kumatok ako ng isang beses bago pumasok sa opisina niya.
Napataas ang kilay nito nang pumasok ako na walang pasabi. Kahit naman ako nagulat pero kasi…
"Sana sinabi mo na lang na ayaw mo noong keychain," bungad ko. "Hindi yong ibinigay mo pa talaga doon sa kokak na iyon,"
Alam kong masyadong entitled ang pagkakasabi ko no'n pero! Nakakasama ng loob.
Sumandal ito sa upuan niya pinakatitigan ako.
"Anong sinasabi mo?" tanong niya sa akin. "Wala akong ibinibigay na keychain sa palaka,"
"Doon kay Vera o Ms. Bargan! Basta iyong kokak!" paliwawag ko. "Sana sinabi mong ayaw mo, ako na lang ang gumamit no'n! Ibinigay ko iyon sa iyo kasi noong nakuha ko iyon ikaw iyong nasa isip ko, tapos pareho pa kayo ng ugali tapos ipamimig–"
"Fay!"
Naputol ang pagrarant ko nang bigla nitong tawagin ang pangalan ko at ibato ang susi ng kotse niya.
Mabuti na lang at nasalo ko iyon kaya hindi tumama sa mukha ko.
"I told you, I didn't give anything to Vera. I was surprised that she also has one and when I asked her where she got that keychain, she said one of the claw machines in the mall. Same how you got my keychain," paliwanag niya sabay turo ng susi.
Nakita ko nga doon iyong keychain na bigay ko.
At halos magpakain na ako sa lupa dahil doon.
"Bakit kasi meron din siya?!" mahinang usal ko habanh puno ng inis ang mukha.
Sabay bato ulit ng susi sa kan'ya.
Nasalo naman niya iyon na may ngisi.
"Of course not ha?" rinig kong saad niya.
"Hindi naman talaga ha! Nainis lang ako kasi akala ko ibinigay mo sa kan'ya,"
"Bakit ko naman ibibigay kung ikaw ang nagbigay? Even though I will look like a gay, I still put it in my car keys because you gave it to me," saad niya at pinagsiklop ang mga kamay sa itaas ng lamesa bago tumingin sa akin.
Para soyang nag-eenjoy sa naging reaction ko dahil may mumunting ngiti siya sa labi.
Wala naman din akong masagot sa kan'ya kaya naman naisipan ko na lang na tumalikod.
"Okay na, klaro na. Sorry po," saad ko at mabilis na naglakad sa pinto.
Akmang lalabas na ako nang marinig ko itong nagsalita.
"Sabay na ba tayo ulit?"
Huminto ako saglit bago tumingin sa kan'ya at marahang tumango na may maliliit na ngiti.
Napangisi naman ito bago ko narinig ang huli nitong sinabi.
"Sumpungin,"
--------------