Chapter 23

1612 Words
CAITH INILIBOT ko ang paningin ko nang muli akong makapasok sa opisina ni Sir Dustin. Kung kanina ay limitado lang ang nakita ko dahil sa pagmamadali ngayon ay nakikita ko na ang buong disenyo. Ang lamesa nito ay nasa gilid malapit sa salamin pero nakaharap sa pintuan. Maganda lang ang ganoong posisyon dahil kung gusto niyang makita ang labas ay madali siyang iikot at makikita ang mga nandoon. May mga halaman din sa bawat sulok ng kwarto, meron bookshelf at mga lalagyanan ng files, may water dispenser at ang pinaka nakatawag ng pansin ko ay ang constellation ng mga stars sa gilid ng pader malapit sa water dispenser. Para siyang painting pero more on printed… "Sir! Ano pong ibig sabihin ng constellation na iyon?" wala sa sarili kong tanong habang nakaupo dito sa sofa set na nandito sa loob ng opisina niya. Nakakahiya nga na siya pa ang nag-asikaso sa pagkaing dala ko pero kasi sabi niya ay siya na daw kaya hindi na ako nakipag-away. "Saan?" pagtatanong nito sa akin sabay angat ng ulo niya. "Doon po," usal ko sabay turo doon sa constellation. Tumingin din naman ito sa sinabi ko… nakita ko sa mga mata niya ang pagdaan ng kalungkutan pero agad ding nawala iyon sa kan'ya. "Andromeda constellation," saad niya sabay balik sa ginagawa niya. "My grandparents said that the Andromeda constellation appeared the night I was born, so they put it in a frame. I don't if it's true but because they put effort on it, I'll appreciate it," paliwanag niya sabay tingin sa akin na nakatitig lang sa kan'ya. "Hm… ang bait naman po pala ng grandparents mo," saad ko na ikinatango niya. "Yes! They are the kindest person I know," sincere na usal niya sabay tipid na ngumiti. "They are actually the one who taught me to be straight forward," usal bigla nito naikinaiwas ko ng tingin. "Papagalitan mo na naman ba ako? Wala naman akong ginawang kasalanan," saad ko na ikinatawa nito. "Of course not! I'm just saying na sila ang nagturo sa akin," saad niya kaya muli akong tumingin dito. "Gusto ko ngang dagdagan iyan e," biglang usal nito sabay baling ulit doon sa frame. "Talaga po? Ano ilalagay mo?" tanong ko sa kan'ya. "Constellation the day I met my first love, the day I will hear her say 'I love you', the day I will ask her to marry me and the day I will marry her," tugon niya sabay harap sa akin na nakangiti. Napangiwi naman ako na ikinatawa niya. "Bakit ang cheesy noong line pero parang hindi bagay sa iyo?" saad ko na ikinatawa nito pero parang nainis. "You! Seriously?!" may halong inis ang pagkakasigaw niya na iyon na ikinatawa ko. "Hindi! Siguro kung si Vera iyong makakarinig ay baka kiligin na iyon na parang bulateng inasinan pero dahil nasanay ako sa pagsesermon ninyo ay medyo na lang," natatawang saad ko. Hindi naman ito makapaniwalang sumandal sa upuan niya at natatawang nakatingin sa akin. Nakita kong bahagya siyang naiinis dahil sa paghilamos nito ng kaniyang kamay sa mukha tapos ay titingin ulit sa akin kaya naman mas natatawa ako. Ay hala! Kakatapos lang ako pansinin nito tapos inaaway ko na naman siya! "Wag na po kayo mainis at least kahit konti meron, 'di ba?" saad ko at muling ngumiti ng malawak. "Should I say thank you on your 'medyo'?" tanong nito na mabilis kong ikinatango. "Unbelievable!" usal nito. Umiling-iling pa ito bago ibinalik ang tingin sa pagkain. "You cook this?" tanong nito sabay turo sa adobong niluto ko. "Yes! Malambot ang baboy na iyan! Tapos itong saging prinito ko din! Try mo po dali! Kapag natikman mo iyan, makakalimutan–" Hindi ko pa tapos ang speech ko nang bigla itong kumuha doon at tinikman iyon. Tumango-tango naman ito tapos ay tumingin sa akin. "Masarap," saad niya. "And I can still remember my name," habol niya na ikinairap ko. "Hindi naman pangalan iyong sasabihin ko! Makakalimutan mo iyong atraso ko sa iyo," saad ko sabay kuha ng isang baunan na may kanin. Kumuha ulit ito at kinain iyon bago tumingin sa akin na alam kong babarahin na naman ako kaya bago pa siya ulit magsalita ay kumuha na ako ng kanin at agad na itinapat sa bibig niya. "Sige na! Naaalala mo na! Kain ka na lang ulit!" angil ko. Napangiti lang naman ito at kinuha sa akin ang kutsara at siya na mismo ang nagsubo sa sarili niya. Kumuha na lang ako ng ibang kutsara at kumain na lang din. Habang kumakain ay hindi ko naman maiwasang muling iikot ang mata ko at hanapin ang mga inilagay ko kanina. Nasaan kaya iyong my melody na binigay ko sa kan'ya? Sakto naman na tumayo ito papunta water dispenser kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na makita ang table niya pero hindi ko doon nakita. At kusang bumaba ang mata ko papunta sa tabing trash bin doon. Napanguso naman ako nang makita ko ung laylayan ng ribbon na ginawa ko. Mukhang tinapon niya. Sabagay, sino nga ba ang mag-iingat noon kung pipitchugin na key– Napatingin ako bigla sa lamesa nang bigla siyang magbagsak ng isang bagay habang nauupo. Tinignan ko lang naman siya pero seryoso siyang bumalik sa pagkain kaya naman ibinalik ko na lang ang tingin ko sa lamesa para makita kung ano iyong binato niya. Pilit kong pinigil ang ngiti ko nang makita ko kung ano iyong binagsak niya. Susi ng kotse niya at nandoon yung my melody na bigay ko. Pinilit ko na lang nguyain iyong pagkain na nasa bibig ko para para lang maiwasang mangiti. Akala ko pa naman tinapon niya yung bigay ko, hindi naman pala… "Baka mabilaukan ka kung hindi mo ngunguyain nang maayos ang pagkain na nasa bibig mo," Napaangat ang tingin ko kay Sir Dustin nang bigla itong magsalita sabay lapag ng tubig sa harap ko. Mabilis ko namang nginuya ang pagkain ko sa bibig nang makita kong nakangisi siya sa akin. At totoo nga ang sinabi nito na mabibilaukan ako dahil ayon ang nangyari kaya naman natatatawa nitong inaabot ang tubig. Mabilis ko namang ininom iyon at hirap na hirap ako dahil parang ang laki ng nakabarang pagkain. "I told you," usal niya sabay abot ng tissue. "Oo na," inis na saad ko at muling sumubo. Muli naman itong tumawa dahil sa nangyari. Pero napapansin ko lang, masyado na itong masaya at kanina pa tawa nang tawa! Mukhang totoo nga iyong sinabi ni Vera na good mood si Sir Ali. "SIR Dustin, pwede pong magtanong?" "You already asked a question, Fayra," pambabara nito. Tamad ko naman itong tinignan kaya bigla siyang natawa. "Go! Ask your question," natatawang saad nito sabay punas ng bibig. "Good mood po ba kayo dahil kay Vera?" tanong ko. Hindi talaga dapat ito yung tanong ko e. Pero nakakainis kasi siya! Kumunot naman bigla ang noo nito sa akin at tinignan ako na parang nagtatanong. "First of all paano mo nasabing good mood ako? Second who is f*cking Vera is?" tanong niya. "Si Vera! Yung kausap ninyo kanina?!" singhal ko na ikinataas ng kilay niya. "Fay, paano ako magiging good mood dahil sa kan'ya kung hindi ko nga siya kilala?" pagtatanong niya. May kung ano sa akin na biglang nabuhay nang tawagin ako nito sa ibang pangalan. Parang nagkaroon ng kung anong kuliglig sa tiyan ko at parang ayoko na gusto ko ang nangyayari! Alam ko na ito! Alam na alam ko pero hindi pa pwede! Ayoko muna! Hindi pa ngayon! Kapag okay na ako, baka pwede na! "Kausap mo kasi kanina tapos ngumiti ka, kaya naisip ko na good mood ka dahil sa kan'ya," saad ko sabay iwas ng tingin sa kan'ya. "Si Ms. Bargan ba ang sinasabi mo?" rinig kong tanong niya. Muli akong humarap dito at nagkibitbalikat. Aba! Malay ko naman kasi kung anong apelyido noong babaeng kokak na iyon. "E pareho naman pala nating hindi alam kung sino ang tinutukoy ng isa't-isa, kung wag na lang kaya nating pag-usapan," mataray na saad niya. Napaisip naman ako at tumango sa kan'ya ng dalawang beses. "Okay!" saad ko sabay ngiti. "Hindi ka na galit sa akin?" tanong ko na mabilis niyang inilingan. "Hindi naman ako galit sa'yo," usal niya. "Ayoko lang makagulo sa iyo dahil iniisip kong busy ka sa ibang bagay," Habang nakatingin ako sa kan'ya at sinasabi niya iyon, pakiramdam ko ay may hugot ang mga binitawan niya na iyon. "Hindi…" pag-alma ko sa kan'ya at magpapaliwanag sana pero umiling na ito sa akin habang nakangiti. "No need to explain, you already did in your letter and I accept your apology kaya nga sabay tayo naglunch, right?" saad niya. Mabilis naman akong napangiti at napatango. "Now, how's your visit to the doctor?" tanong niya. Inalala ko naman ang mga sinabi sa akin at pilit na ikinuwento sa kan'ya ang lahat na tinatanguan niya naman hanggang sa napangiti ako dahil sinermonan na naman niya ako. Comfort ko na nga ata talaga ang sermon niya. "See! Kung sinabi mo na sa kanila iyan noon, edi okay ka na ngayon. Hindi ka hinahabol ng multo ng ex mong tarantado na masarap basagin ang mukha 'pag nakita ko!" Hindi ko naman naiwasang tumawa ng malakas nang sabihin nito ang mga huling salitang sinabi niya na may gigil at inis. "Pero seriously, gusto kong mameet ang ex mo," saad niya 'di kalaunan. Napatigil naman ako at tumingin sa kan'ya ng seryoso. "Bakit po?" nagtatakang tanong ko. Ngumiti naman ito sa akin sabay kuha ng susi ng kotse niya at pinakatitigan si Melody. "I just want to punch him to death, then I thank him," seryosong saad niya sanay tumingin sa akin. "Because of what he did, I met you," -----------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD