CAITH
PILIT KONG itinuon ang pansin ko sa trabaho ko para hindi ako maisip iyong nangyayari sa loob ng opisina ni Sir Dustin.
Napansin kaya niya? Binasa kaya niya? Tinapon? Itinabi? Ibabalik kaya niya?
Paulit-ulit kong tanong sa isipan ko.
Pero kung ibabalik niya dapat kanina po noong pumasok siya. Simple lang naman ang nasa sulat e.
Bigla ko tuloy naisip kung anong nakasulat doon at kung ilang beses kong binago at inulit iyon.
Mabilis akong napalingon sa pintuan nito nang biglang bumukas pero mabilis din akong umiwas at kunwaring may ginagawa.
Sinundan ko lang ito ng tingin nang bahagya na itong lumagpas sa amin.
May dala itong folder at tablet. Siguro may meeting siya sa mga subordinates niya.
Hindi ko nakita ung keychain baka iniwan niya iyon doon.
Nakakahiya naman kung pupuntahan ko doon o kaya naman ay itatanong ko, hindi pa naman kami okay. I mean mukhang galit pa siya sa akin kasi hindi ako pinansin.
Ginawa ko na lang ang trabaho at sa totoo lang. Ang laking factor na wala si Sir Miggy dito.
Ang daming nagpapaappointment at madaming nagpapasa ng mga files pati na proposal lalo na at patapos na ang summer promos ng bawat businesses na hawak namin.
May iba na okay lang na aantayin si Sir Miggy, while the others they want someone to talk to– kaya naman bilang VP ng company.
Si Sir Justin ang sumasalo ng iba which is okay dahil busy talaga si Sir Miggy ngayon kay Nicole.
Katulad na lang mamayang tanghali ay may meeting ito sa isang supplier sa hotels na hawak namin at hindi na naantay si Sir Miggy kaya naman siya ang pupunta at si Sir Miggy ay nasa virtual lang.
Hindi naman nagtagal ay muling bumalik si Sir Dustin habang may isang babaeng kausap, tumingin pa ito sa amin tapos ay parang kinikilig na ngumiti.
Tinignan ko si Jem na parang suportado ang ginagawa noong babae habang ako ay salubong lang ang kilay na nakatingin sa kanila kahit pa nakalagpas na sila sa amin.
"Type noon ni Vera si Sir Dustin," rinig kong saad ni Jem kaya napatingin ako dito.
"Halata naman," tamad kong sagot sabay tingin sa laptop ko ay kunwaring may binabasa.
Ewan ko ba?! Parang may kung anong gumising sa inis ko! Parang nakuha noong Vera ung inis ko!
Habang nagbabasa ay hindi ko maiwasang hindi mapasulyap doon sa pintuan ni Sir Dustin
'Bakit parang ang tagal nila doon?!' tanong ko sa isipan ko.
"Pst! Baka masira iyang keyboard ng laptop,"
Agad namang umangat ang ulo ko nang marinig ko ang katagang iyon at nakita ko si Sir Meynard na nakangiti sa akin.
Kaya naman tipid akong ngumiti tapos ibinaba ang kamay sa hita ko.
Natawa lang ito bago tumingin sa tinitignan ko tapos bumalik sa akin na may mapaglarong ngiti pero dahil siya si Sir Meynard ay hindi siya magsasalita at ngingiti lang.
"I'll go out for lunch," saad niya bago nagpaalam sa aming dalawa at muli akong sinulyapan ng ngisi.
Tsk! Ay naku! Bakit ba kasi ako nakatingin doon?! Ano naman kung matagal sila doon?! Tss!
Nang mawala na si Sir Meynard sa harap namin ay muli akong humarap sa laptop ko at napangiwi nang makita ko iyong mga nasa monitor.
Baka mawalan ako ng trabaho kung isesend ko ito kay Sir Miggy!
Mabilis ko iyong binura at pilit inayos ang ilalagay ko pero hindi pa din ako tumitigil sa kakatingin doon sa gawi ng opisina ni Sir Dustin.
Ang tagal talaga?! Nakakainis! Noong ako ung pumasok sa opisina niya ay parang wala pang minuto pinalabas na ako tapos iyong babae, halos isang oras na!
Muli kong itinuon ang atensyon ko sa laptop at nagtype doon.
Wala akong matatapos na trabaho kung hindi ko aayusin ito at itutuon lang ng itutuon doon sa mga tao sa loob ng opisina na iyon ang atensyon ko.
Hindi naman nagtagal ay mabilis akong napalingon sa kanina ko pa tinitignan nang marinig ko ang pagbukas ng pinto.
At para akong nawalan ng gana dahil nakita ko si Sir Dustin na nakangiti doon sa Vera habang nagpaaalam.
Parang huling kita ko sa ngiti niya na ganyan ay yung sinesermonan niya ako! Akala ko ba hindi siya nangiti sa iba?!
Napanguso na lang akong umiwas sa kanilang dalawa at walang ganang nagtype.
Napayuko ako nang marinig ko ang takong nitong papalapit sa amin hanggang sa naamoy ko ang pabango nitong napakatapang at masakit sa ilong!
"Jem! Feeling ko ang ganda-ganda ko!" usal nito na bahagya kong ikinairap. "Nginitian ako ni Sir Ali tapos good mood siya! Kalmado ung mukha niya kanina sa meeting!" habol pa nito sabay humagikhik.
'Sana all!' sigaw ko sa isipan ko.
"Mukha nga e! Sana inakit mo na si Sir Ali, malay mo siya na pala ang icing sa ibabaw ng cupcake mo!" kinikilig na tugon ni Jem at bahagya pa silang magtilian.
"Ay naku! Sa suot kong ito at sa ganda kong ito paniguradong naakit ko si Sir sa alindog ko! Hindi ko na kailangan gumamit ng kapit para mapalapit sa mga boss no?! Kasi ganda at talino ko pa lang okay na okay na! Hindi katulad ng iba," saad nito.
Kusa naman umangat ang ulo ko dahil sa sinabi niya.
Hindi direktang sinabi sa akin pero alam kong parinig iyon.
Isang nakataas na kilay at malanding ngiti ang bumungad sa akin nang tumingin ako sa kanila.
"Hi! I'm Vera! TOP leader ng finance department! Katulad ni Nicole!" pakilala niya sa akin sabay lahad ng kamay niya.
"I'm Cai," usal ko lang at muling tumingin sa ginagawa ko.
Katulad ng sabi ng papa ko, maldita ako at kung papakitaan niya ako ng attitude niya ay baka masampolan ko siya! Dahil kanina pa ako naiirita sa kaniya!
Narinig ko itong tumawa pero hindi ko siya nilingon.
"So attitude! Wala namang maipagmamalaki kun'di ang kapit niya," mahinang saad niya sapat para marinig ko.
Kaya umangat ako at binigyan siya ng matamis na ngiti.
"So arte! So inggitera at so insecure! May maipagmamalaki nga bulok naman ang ugali," saad ko habang hindi inaalis ang ngiti ko sa mga labi ko.
Nakita ko naman na halos umusok ang ilong niya sa inis sa akin at mabuti na lang ay inawat kami ni Jem na alam ko na ngayon ang tunay na ugali! Plastik!
Bigla naman bumukas ang opisina ni Sir Justin kaya agad na umayos itong babae na ito.
"Yes? What's with the commotion? Why are you here, Ms. Vera?" tanong niya nang makalabas siya sabay sulyap sa akin.
"Hi, Sir Justin! Galing po kasi ako kay Sir Ali, paalis na din po ako," nakangiting turan nito na ikinaikot ng mata ko.
Inis na inis talaga ako sa kan'ya! Grabe!
"Owkay! That's explain the sharp eyes," makahulugang tugon ni Sir Justin na muling sumulyap sa akin.
Hindi ko man maintindihan ang sinasabi niya pero alam kong tungkol iyon sa itsura ko.
"Sharp eyes of whom, sir? I don't have a sharp eyes. I only have a beautiful eyes," ani nitong palakang kokak na nasa harap ko.
"Halata namang hindi para sa iyo, pero kinuha mo," parinig ko kaya naman humarap ito sa akin pero nginitian ko lang naman siya.
Nakarinig na ako ng tawa galing kay Sir Justin at bago pa kami magkasagutan ay pinaalis na niya yung Vera bago muli siya pumasok para kunin ung gamit niya.
"HINDI na lang pala babae ang plastik ngayon pati pala lalaki, I mean feeling lalaki," usal ko nang mawala si Sir Justin.
"All she said was true! Nakapasok ka lang naman dahil may kapit ka! Pero kung wala, sino ka ba?" tanong niya sabay taas ng kilay sa akin.
Sabi ko na bakla ito e! If I know crush niya lang si Sir Justin.
"Well! I'm still Caith Fayra delos Santos, nothing changes! And all I said was true also! Marami kayong ipagmamalaki pero bulok naman ang kaloob-looban ninyo! I don't care kung gaano kayo kataas o katayog, nasa pagtrato pa din ninyo sa tao ang totoong pinagbabasihan! Plastik!" angil ko sa kan'ya.
Mabuti na lang at lumabas na si Sir Justin sa opisina niya kaya naman hindi na nakasagot itong si beki!
"Jem, let's go!" yaya nito sa secretary niya na mabilis naman tumayo.
Tumingin muna sa akin si Sir Justin at muli akong tinawanan.
"Ang jelly!" natatawang usal niya na ikinakunot ng noo ko.
"Po?" tanong ko para malinawan ako.
"Sabi ko jelly! Masarap iyon pero masama 'pag nakakadami! Nag-aaway! Bye, Cai! Eat well!" saad nito at kumaway na.
Napanguso lang naman ako sa kan'ya at hindi na siya muling sinulyapan pa.
Nang maakaalis sila ay ako na lang ang naiwan doon.
Nakayuko lang ako at tumingin sa oras. Malapit na talaga maglunch pero wala pa ding kahit na anong message.
Napanguso na lang ako at nag-aantay ng lalabas! Tsk! Dapat sinabi na lang niya na ayaw niyang sumabay! Ah! Baka ang kasabay niya iyong Ve–
Napaangat ang ulo ko nang makaranig ako ng katok.
Hindi ko naman alam kung ngingiti ba ako o ipagpapatuloy ang pagsimangot dahil sa naisip ko.
"Where's the smile I saw earlier? Is everything okay?" tanong niya.
"Kayo nga din po nakangiti kanina tapos ngayon nakasimangot," sagot ko sabay tupi ng laptop ko habang nasa kan'ya pa din ang atensyon. "Inaway ako noong jowa mo, sir," saad ko.
Nagulat naman ako nang bigla itong humarap na nakataas ang kilay! Lagi na lang ito! Tama talaga iyong stationery design sa kan'ya e.
"Wala akong jowa," saad niya habang nakatitig din sa akin.
"Iyong Vera! Ang ganda ng ngiti ninyo sa kan'ya parang kayong da–"
"Jelly?" putol na tanong niya habang may sa labi naikunot ng noo ko.
"Ano pong jelly?" tanong ko pero inilingan lang naman niya.
"Sabi mo sabay tayo maglunch. Tara na!"
Pag-iiba niya ng topic pero dahil doon parang nawala naman ang inis ko dahil ako pala ang sasabayan niya!
Agad kong inilabas ang niluto ko kanina pati na ang baon kong kanin.
"Tada! Tara po? Saan tayo?" masiglang tanong ko at malawak na ngumiti.
"May baon ka?"
Mabilis naman akong tumango sa kan'ya at ngumiti.
"Ako nagluto nito kaya masarap ito! Kasi with l– salt, pepper, and everything nice!"
Agad kong iniba ang sasabihin ko dahil baka biglang iwan ako 'pag sinabi ko na with love iyon pero totoo naman kasi na with love ang niluto ko.
Nakita ko na napangiti ito kaya alam kong okay na kami.
"Everything nice huh? Ano iyan powerpuff girls?" bigla siyang natawa na ikinatawa ko din. "Doon na tayo sa opisina ko," saad niya at siya mismo ang kumuha ng paperbag na naglalaman ng mga pagkain namin.
Mabilis naman akong sumunod sa kan'ya habang may malawak na ngiti ang nakasilay sa akin nga labi!
Biglang nawala ung init ng ulo ko nang makita ko ulit si Sir Dustin na nakangiti.
And I therefore conclude! We're okay! pero nasaan si my melody?
---------------