CAITH
"HAVING a traumatic experience is one of the common cases here in our country, especially a physical abuse caused by your past partner kaya hindi ka nag-iisa sa laban na kinakaharap mo, Caith," nakangiting turan ng doctor na nakausap namin sa pinuntahan namin hospital.
Nirefer siya sa amin ng hospital mismo dahil sa magaling raw ito lalo na sa kondisyon na meron ako.
"Thank you, doc." usal ko at ngumiti sa kan'ya.
"No worries, basta if ever you have an episode, just stay calm and breathe, don't stress yourself and focus on positivity not on negativity," paalala nito na ikinatango ko.
"Yes, doc. I'll take note of that,"
Matapos ako muli nitong paalalahanan ay nagpaalam na kami sa isa't-isa.
Lumabas ako at sinalubong nila Camille, JK, at Justin na mukhang inaway na naman ni JK.
"Kumusta?" tanong ni Cami sa akin.
"Okay naman, may mga pinaalala lang siya pati na ung sessions namin. Hindi pa naman daw malala ang nangyayari sa akin kaya mas mabilis naman daw," paliwanag ko sa kanila.
"That's goo–"
"Sshh! Hindi hinihingi opinyon mo!" putol ni JK kay Justin na biglang sumimangot habang kami naman ni Camille ay natatawa sa kan'ya.
"Napakasama ng ugali talaga nito!" palatak niya sabay lapit sa akin at umakbay.
Kaya mag lalong nagalit itong kapatid ko.
"Ang sarap putulin ng braso mo! Sakto, nasa ospital tayo! Mapapagamot natin agad," tamad na usal ni JK at akmang lalapit sa akin.
Agad na pinigil iyon ni Cami dahil mukhang seryoso talaga itong lalapit sa akin.
"Kalmahin mo nga, babe! Hindi iyan gagawa ng kakaiba, subukan niya! Sumbong ko siya kay Nics," saad naman ni Cami.
Dahil naman doon ay marahang inalis ni Sir Justin ang braso niya sa balikat ko na ikinangisi ni JK.
"Ahuh! Tama talaga si Miggy e! Mas takot kayo kay Nics kesa sa amin,"
"Wow! Kahit naman ikaw, takot ka kay Nics e!" saad nito at umirap pa.
Napailing na lang ako sa kanila habang nagtatawanan.
Kawawa nansn iyon si Nicole baka nakakagat niya ung dila niya kakausap ng mga ito.
Napatingin ako sa relo ko. 4pm pa lang medyo maaga pa.
"Tara, magmall muna tayo, samahan n'yo kami bumili ng gamit," saad ni Cami na mabilis ko naman ikinalingon sa kan'ya.
"Tara! Maaga pa naman panigurado tulog pa si Faye," saad ko na ikinatuwa nito.
Lumapit ito sa akin tapos ay tinulak paalis si Sir Justin at siya ang humawak sa braso ko at humila sa akin palabas.
Habang naglalakad kami palabas ng hospital, nakasalubong naman namin si Dr. Trev na mukhang wala sa mood pero nang makita niya kami ay ngumiti ito at marahang lumapit sa amin.
"Hi," bati nito.
"Hi, Trev! May duty ka pala?" tanong bigla ni Justin.
"Wala dapat pero mas okay na dito kesa sa bahay," saad niya sabay tingin sa akin at tipid na ngumiti.
Parang may kung sa ngiti nito na hindi ko mawari.
Bakit ba laging ganon sila tumingin ni Sir Dustin, siguro dahil magkapatid sila kaya may pagkakahawig ang mga tingin nila.
"Bakit?" seryosong tanong ni JK pero umiling lang si Trev.
"Wala naman. Same old," saad niya na ikinatango nila Justin.
Matapos ng batian na iyon ay umalis na din kami agad.
Habang naglalakad kami ay hindi ko maiwasang hindi marinig ang pinag-uusapan nila JK at Sir Justin.
"Try to contact Dustin, he needs someone for sure," usal ni JK.
"Puntahan ko sa unit niya mamaya after nating pumunta ng mall," rinig ko namang tugon ni Justin.
Sa hindi ko malamang dahilan may kung anong pumasok sa akin at huminto ako kaya nahinto din silang tatlo.
"Ahm! Uwi na pala ako, nakalimutab kong may gagawin pala ako," pahayag ko na ikinakunot ng noo ni Cami.
"Ano gagawin mo?"
Kinalma ko naman ang sarili ko dahil biglang may gumising sa akin na panic!
"Ah! May nakalimutan kasi akong isend kay Sir Miggy," pagdadahilan ko.
May kung ano kasi sa puso ko na parang gusto ko na lang umuwi at may gagawin ako!
Parang gusto ko tawagan si Sir Dustin! I still owe him an explaination! Na lagi kong kinakalimutan.
"Okay lang iyon, kahit mamaya mo na ipasa kay Miggy, maiintindihan niya iyon," saad naman ni JK na siya mismo ang humila sa akin palabas.
Bakit ba kasi iyon ang dinahilan ko?! Dati nga palang trabaho ni JK iyon!
Wala na akong nagawa nang pasakayin nila ako sa kotse ni Sir Justin para makapunta ng mall.
Habang nasa mall kami ay hindi na talaga ako mapakali. Pakiramdam ko may kung ano sa tiyan ko na paru-paro na gustong kumawala.
Hanggang kumain kami, mamili kami ng mga gamit at magpunta kami ng arcade ay hindi ko magawang mag-enjoy dahil sa tumatakbo sa isip ko.
'dapat pala, inalam ko na lang kung anong kwento ni Sir Dustin noon para nakampante ako'
Usal ko sa isipan ko habang kinukuha ang isang my melody na keychain.
Agad kong pinindot ang button na hindi ko pinag-iisipan ang galaw ko kaya naman nagulat ako nang magtuloy-tuloy ito at bumagsak sa claiming prize.
Mabilis kong kinuha iyon at masayang pinagmasdan pero nawala iyon nang maalala ko kung bakit ko nga ba nakuha ang prize ko.
Si Sir Dustin…
"Nice! Nakakuha ka din, okay lang iyan kahit maliit at least meron ka na," saad bigla ni Sir Justin sa likod ko.
Tipid akong ngumiti at tumango.
"Oo nga e," tugon ko lang at muling tinitigan iyong my melody ko.
Napaisip naman ako at biglang may pumasok sa isip ko.
"Sir Justin pwede pong samahan mo akong bumili ng stationery?" tanong ko dito na ikinatitig nito sa akin kaya naman ngumiti ako dito.
"Sige, pero bakit?"
Napakagat naman ako sa labi ko at inisip kung bakit nga ba?
Susulatan ko na lang sana kasi si Sir Dustin tas ibibigay ko sa kan'ya itong my melody ko. Peace offering!
"Ahm! May susulatan lang po sana ako," saad ko dito.
Tumango-tango naman siya sabay tingin sa mag-asawa at bumaling muli sa akin.
"Okay!" saad niya at siya mismo ang nagpaalam kila Cami na sasamahan niya akong pumunta ng book store at mauna na silang umuwi.
"MAHILIG ka pala magsulat sa isang tao?" tanong nito sa kin habang naghahanap ako ng stationery na maganda.
"Hm. Hindi naman, kapag hindi ko lang makausap o masabi yung gusto kong sabihin, sa sulat ko na lang dinadaan," saad ko sabay ngiti.
Nakatitig lang naman ito sa akin at parang may inaarok sa isipan niya.
"Did someone tell you that you have a very beautiful smile?" tanong nito sa akin.
Napangiti naman ako nang maalala ko kung sinong nagsabi no'n sa akin.
"Meron po," saad ko at muling tumingin sa mga stationery.
"Hm! Mukhang naungusan ako ng nagsabi sa iyo ha!" saad niya na ikinatingin ko dito.
"Po?"
"Wala, may kakaiba lang sa ngiti mo," saad niya sabay tingin din sa mga bagay sa harap namin.
Nagulat naman ako nang kunin niya ang isang design na may mga pusa na parang tamad na tamad amg itsura.
"Try mo ito, ang cute ng designs. Baka bagay sa pagbibigyan mo," saad nito sabay ngiti at kindat.
Napaisip naman ako at pumikit pa para maimagine kung tama ba ang sinasabi nito na nagdedescribe kay Sir Dustin.
At nang maimagine ko ang itsura ni Sir Dustin bigla na lang akong napatawa at dumilat.
"Oo nga po! Bagay iyan doon sa susulatan ko," saad ko sabay kuha sa kan'ya. "Maraming salamat po,"
Umiling-iling lang ito tapos tumingin ulit sa iba pang mga nandoon.
Sunod ko namang kinuha ay mga matitigas na colored paper at gagawin kong box. Ilalagay ko sa box itong si my melody tapos ibibigay ko sa kan'ya. Ilalagay ko na lang din na naalala ko siya habang sinusubukan kong kunin ito.
Matapos naming kunin ang mga kailangan ko ay mabilsi kaming nagbayad.
Naglalakad kami papuntang parking nang mapadaan kamo sa isang donut stand na bigla kong ikinacrave kaya naman bumili ako.
"Sir Justin! Para po sa inyo itong donut na isa," usal ko na ikinataka nito.
"Why? Lagi mo na lang akong nililibre ha! Baka mamihasa ako," saad nito sabay abit ng donut.
"Pathank you na lang po iyan kasi sinamahan po ninyo ako," saad ko.
"Okay though I'm the one who insists on coming. Thank you for this, Cai," saad niya.
"You're welcome po!" saad ko bago kami nagtuloy-tuloy sa paglalakad para makauwi ng bahay.
"OH? ang aga mo ata nagising?" narinig kong tanong ni papa sa likod ko.
"Ah! Opo,"
"Bakit? Dinalaw ka na naman ba?" tanong nito na ikinailing ko bago inilagay iyong patatas sa niluluto ko.
"Hindi po! Gusto ko po kasing magluta ng lunch,"
"Hm! Magbabaon ka pala! Osiya at bilisan mo na para hindi ka malate," saad nito at muling lumabas ng bahay.
Nang matapos ko ang niluluto ko ay mabilis ko itong inilagay sa katamtaman ang laki na baonan bago isinunod ang kanin 'ska ako naghandap para sa pagpasok.
WALA PANG tao sa floor nang makarating ako tamang-tama at magagawa ko ang plano ko.
Kaya naman mabilis kong inilagay ang mga gamit ko sa table namin ni Jem at kinuha ang susi ng opisina ni Sir Dustin sa secret drawer tapos ay pumasok doon.
Sobrang simple ng opisina niya. Walang halong mga kung anu-ano. Parang ayaw niya maglagay ng ibang design kun'di gray and white.
Tinignan ko ang relo ko at halos manlaki ang mata ko nang makita kong malapit na ang oras kaya paniguradong darating na iyon.
Bitbit ang ginawa kong box at letter, nagpunta ako sa lamesa niya at inilapag iyon doon.
Napangiti pa ako nang masatisfied ako at alam kong makikita niya agad.
Matapos non ay bumalik na ako sa upuan ko at saktong may tumawag sa akin.
At hindi nga ako nagkamali, dumating na si Sir Dustin na wala na namang emosyon kahit pa bumati ako at kumaway sa kan'ya.
Sana mabasa niya ung sulat at sama makita niya yung peace offering ko.
------------------