CAITH
"Did Justin know about this?" tanong niya hindi kalaunan.
Marahan naman akong umiling kaya nakita ko itong tumango, tinignan ko naman ung kotse niya na nabangga ko, I mean ibinangga ko.
"Sorry po ulit sa pagkakabangga sa kotse ninyo," saad ko dito.
"It's okay, kay Trev naman na kotse iyan," saad nito na parang wala lang sa kan'ya.
"Ha?" mabilis na tingin ko na ikinalingon din naman niya sa akin.
Medyo kalmado na si Sir Dustin at hindi na mainit ang ulo niya kanina. Mukhang nainis talaga siya sa kwento ko. I wonder, naexprience na din kaya niya o may kilala siyang nakaranas na kaya alam niya ang gagawin.
Pero sa totoo lang natatakot kasi akong sabihang baliw o kaya naman ay ilayo sa akin si Faye dahil sa nararanasan ko kaya pilit kong sinarili pero naliwanagan na ako at iyon ay dahil kay Sir Dustin.
"Sabi ko kay Trevor iyan, spare car niya. Hiniram ko lang. Wala akong automatic na kotse e," saad nito.
"Yung Trev po ba na sinasabi ninyo ay iyong kaibigan ninyong Trev?" tanong ko.
Kunot noo naman siyang tumingin sa akin ulit.
"May iba ka pa bang Trev na kilala? I will not address him by his name if you didn't know the Trev I'm talking about," saad nito na ikinatango ko.
May point na naman siya!
"Ah! Akala ko lang po hindi pero paano po kayo naging magkapatid?"
Chismosa akong tunay kaya naitanong ko lang para naman malaman ko kung anong meron sa kan'ya.
"We have the same mom but different dad," tugon niya.
Ngumisi ito sa akin nang makita na magtatanong pa sana ako.
"You wanna know my story?" tanong niya na bahagya kong ikinatango. "Hm… offer a deal!"
Seryosong saad niya na ikinaisip ko naman.
Anong deal ang ibibigay kong ibigay? Bukod doon, chismosa lang naman ako kaya gusto kong malaman pero hindi ko naman talaga gustong gusto.
"Wala akong maisip…" saad ko na ikinatango niya.
"As expected," saad niya at tumingin bigla sa kawalan. Huminga ito ng malalim bago tumingin muli sa akin. "So! Sabihin mo na iyan sa family mo, and one more thing! Go to your ex and kick his d*ck very hard para matauhan! Tapos sabihin mo, p*tang-ina niya sagad to the bones!" saad nito sabay malawak na ngumiti.
My eyes widened not just I heard him curse but also I saw his bright smile beaming to me! It's like a beacon that attracts something to get close to it!
Ang ganda ng ngipin niya! This is the first time that he smiled at me like this!
"Sana lagi na lang po kayong nakangiti! Mas gwapo kayo kapag nakangiti ay hindi nakasalubong ang kilay," saad ko.
"Do I look like that?" tanong nito na biglang nawala ang ngiti at napalitan ng kunot na noo.
Kaya natawa ako bigla sa kan'ya at mabilis nasumagot ng…
"Opo!" usal ko.
Napatawa lang naman ito sabay iling. Hindi na ito nagsalita at tumingin na lang sa ibang bahagi ng kalsada.
Ako naman din ay tumingin lang sa paanan ko at pinaglaruan ang kakaunting bato na nandoon.
Napag-isip isip ko ung mga sinabi niya kanina.
I didn't expect that. I didn't expect him to burst out and tell me what's really on his mind because he's one of the quietest people that I've ever known.
What he said to me were hurtful words that I almost broke down but listening to his words afterwards… I understand where it came from and where it goes… kaya naman pinilit kong tapangan hindi lang para sa akin kun'di para sa anak ko. Para kay Faye…
After all, he treats me as a friend then I guess I should get used to it.
“Gusto mo na ba umuwi?" tanong bigla nito na ikinatingin ko sa kan'ya na tahimik lang na nakatingin sa harapan niya.
“Paano tayo uuwi?” tanong ko dito na ikinatingin niya sa akin.
Ako naman ay tumuro bigla sa kotse na gamit namin kaya sinundan niya iyon at sabay na napamura.
“Sh*t! Oo nga pala!” saad nito sabay kuha ng phone niya.
tinignan ko lang naman ito sabay tawa nang makita ko na naging iritable na naman siya.
Nagdial lang ito ng kung ano sa phone niya bago niya itinapat sa tenga niya.
“Bro? Nasaan ka? May kasalanan si Cai sa iyo, dude!” usal niya naikinatingin ko.
“Hoy!” sigaw ko sabay hampas sa kaniya. “Bakit ako ang sinisisi mo, ikaw nagdala ng kotse niya e,” usal ko.
“Ikaw ang nagbangga sa puno kaya ikaw ang may kasalanan. I told you to go right but you turn left, so it’s your fault,” saad niya sabay kindat sa akin at balik sa kausap niya na hindi ko alam kung naiintindihan ba ung usapan namin.
Napanguso na lang ako dahil sa sinabi nito sa akin. Akala ko pa naman babait na siya dahil sa nangyari kanina pati na sabi niya kaibigan niya ako bukod doon, paiba-iba din talaga mood niya. May sakit kaya siya sa pag-iisip. Joke! Syempre wala naman siyang sakit. Sadyang pabago bago lang talaga siguro ang mood niya.
“Dito kami sa snake road. Thank you!” rinig kong usal niya sabay baba ng phone niya. “Nagpasundo na ako, I’m not sure kung okay pa bang gamitin iyan after mabangga,” saad niya.
Oo nga naman baka biglang sa daan pa kami abutan ng sira, mas okay na nga iyon kaso baka nakaabala kami kay Dr. Olivarez.
“Don’t worry, galing sa motel ung kapatid ko kaya hindi tayo nakaabala sa kan’ya,” tamad nitong usal sagot sa tanong sa isip ko.
Napangiwi lang naman ako nang marinig ko ung sinabi niya.
“Ang hilig ha,” sarkastiko kong komento.
Natawa naman ito sa akin. “Ikaw ha! Nakikipag biruan ka na ng ganyan noong una mo kaming narinig na nag-usap about sa ganyan, tinakbuhan mo ako,”
“Hindi lang ako sanay, pero mahihiya pa ba ako, alam mo na ang kwento ng buhay ko,” tugon ko sabay yakap ng tuhod ko. “Salamat po pala ulit. Kahit papaano po ay gumaan ang loob ko dahil may nasabihan ako,” usal ko.
“Ang problema kasi hindi dapat sinasarili lalo na kung hindi dapat, walang magagawa ang pagtatago ng isang problema lalo na kung marami ka namang pwedeng pagsabihan. You’re not alone in your battle,” usal nito.
Napatango na lang ako dito at muling tumingin sa kawalan.
“DUDE! What happened?” bungad na tanong ni Dr. Trev sa amin ng makababa ito ng kotse niya. “I’m not blaming you for this. Ms. Cai,” saad nito sabay tingin sa kapatid niyang katabi ko lang. “Tin!” tawag nito.
“At bakit ako?” tanong nitong isa na tumuro pa sa sarili niya. “Si Fayra ang may kasalanan niyan e, siya ang nagbangga niyan,” usal nito sabay turo sa akin at tawag sa pangalawa kong pangalan.
Tinanong kasi niya kanina kung Caith lang daw ba ang pangalan ko kaya sinabi ko naman ang buong pangalan ko.
“G*go! Sino si Fayra? May imaginary friend ka na ba?” tanong ni Dr. Trev sa kapatid nito.
“Ano? Igaya mo ako sa iyo? Si Cai iyon,” usal nito sabay turo ulit sa akin tapos naglakad papasok ng kotse ni Dr. Trev. “Tara, Fayra! Hayaan mo na iyang si Trevor,” tawag nito sa akin.
Akalanganin naman akong tumingin kay Dr. Trev na nakatingin sa kapatid niyang pumasok sa shotgun seat ng kotse pero ‘di kalaunan ay ngumiti itong tumingin sa akin.
“Thank you,” usal nito na ikinataka ko.
“Bakit po?” tanong ko
Umiling lang naman ito pero nakangiti pa din.
“Pasok ka na doon, tatawag lang muna ako sa insurance nitong kotse at ipapahila ko na din,” saad niya.
Nagtataka man ay hinayaan ko na lang din dahil hindi ko naman alam kung anong ibig sabihin no’n o kung meron ba talaga.
Naglakad na ako papuntang kotse ni Dr. Trev nang magulat ako dahil lumabas si Sir Dustin mula sa loob at siya mismo ang nagbukas ng pintuan ng likod ng kotse. Gentleman!
“Hindi ako gentleman, ayoko lang na umiyak ka,” usal nito sabay irap.
“Okay na po e, mabait ka na sana kaso ayaw mo lang aminin,” tugon ko sabay pasok sa loob ng kotse.
“You’re welcome ha!” saad niya tapos mabilis na isinara ang pinto
Napailing na lang ako dito habang nakahingos nang pumasok siya sa loob.
“Tuturuan mo pa ba ako?” tanong ko dito sabay dungaw sa kan”ya papalapit.
Bigla din naman itong dumungaw sa akin kaya sabay kaming nagkagulatan. Nagkatitigan naman kaming dalawa tapos sabay naumiwas nang bumukas ang pinto ni Dr. Trev.
“Wait lang ha! Antayin muna natin ung maghihila, nakakahiya sa iyong bwisit ka e,” saad nito sabay bato ng phone niya kay Sir Dustin.
“You should have called them earlier before you got here! Tsk!” tugon nito.
“Ako talaga? Dapat ikaw!” angil nito sabay tingin sa akin. “Cai! Wag ka makikipagdate dito ha! Walang alam ito sa babae. Mahilig lang iyan manermon pero hindi iyan nagpapakilig,” saad nito sa akin.
“Wala naman akong balak makipagdate ‘no, at”ska! Ikaw din naman ah! Hindi ka marunong magpakilig, manginig lang ang alam mo,” singit ni Sir Dustin na prenteng nakasandal ang ulo sa sandalan. “Next time na kita ulit tuturuan kapag okay ka na, kaya kung gusto mo talagang matuto, better tell them immediately,” saad niya sabay dungaw sa akin.
Napatango lang naman ako dito at napanguso dahil parang binibigyan niya ako ng palugit.
"Para din pagbalik ng boss mo, marunong ka na magdrive," habol niya kaya naman nakarinig na ako ng tawa kay Dr. Trev.
"Bro! You're giving her a due date! T*ng-inang iyan! Kung ikaw ang teacher ko, babagsak ako!" natatawang usal nito.
"Tss!" ayon lang ang sagot nito tapos ay muling umupo na nakasandal ng komportable ang ulo niya.
Hindi naman kami nag-antay ng matagal dahil agad na dumating ang maghihila kaya nakaalis din kami agad.
"THANK YOU po ulit sa paghatid," saad ko nang makarating kami sa tapat ng bahay. "At pasensya na din po sa pagkakabangga ng kotse ninyo baka po kasi hindi makatulog itong kasama ninyo kung hindi ko po aakuhin ang nangyari," habol ko.
Bahagyang natawa si Dr. Trev habang si Sir Dustin naman ay lumingon sa akin na nakakunot ang noo habang salubong ang kilay.
Ngumiti lang naman ako dito ng matamis.
Kanina pa kasi niya paulit-ulit na binabanggit na ako ang may kasalanan.
"Ikaw naman talaga pero hindi ko pinapaulit-ulit iyon dahil gusto kong konsensyahin ka kun'di para maalala mo na minsan kang nabangga pero hindi ka sumukong matuto ulit!" saad niya.
Akmang magdadagdag pa ito nang pigilan na siya ni Dr. Trev.
"Hep! Tama na sermon, uuwi na lahat lahat may sermon pa din!" saad nito sabay tingin sa akin. "Pasensya ka na ha! Ganito talaga 'pag tumatanda," saad niya kaya bigla siyang sinuntok ni Sir Dustin bago bumaba.
Pumunta ito sa side ng pintuan kung nasaan ako bago siya na mismo ang nagbukas.
Nagpahuling paalam na lang ako kay Dr. Trev bago lumabas kotse niya.
Nang makababa ako, agad na sinara ni Sir Dustin ang pinto at hinarap ako. Akala ko ay sisermonan na naman niya ako pero hindi niya ginawa.
Inilagay nito ang kamay sa tuktok ng ulo ko at bahagyang pinat iyon.
"I hope I didn't give you a hard time. I just think that you really need those hurtful words just for you to realize what is happening," usal nito. "I'm not good at comforting but I know someone who can comfort you the way you wanted," habol niya pa at tipid na ngumiti.
"Salamat po. Kahit po masakit ang mga sinabi mo, mas nakatulong naman po," tugon ko na tinanguan niya lang.
"Sige na! Good night and see you at the office on Monday," saad niya.
Inalis na nito ang kamay niya sa ulo ko bago muling nagpaalam sa akin at tinulak ako papasok ng bahay.
"Pasok na, baka nandito lang sa paligid ung ex mo, mapapaaway pa kami ni Trev. Lintik lang walang latay don," saad niya na ikinatawa ko.
"Salamat po ulit! Kapag okay na ako, turuan mo na alo ulit magdrive ha! Ung hindi sumisigaw, please…" saad ko na siyang ikinatawa naman nito.
"Okay! So better tell them," saad niya.
"Sige po! Pero, napapadalas na po ung pagtawa at pagngiti ninyo, sana lagi po," usal ko at mabilis na tumalikod at tumakbo para hindi na niya ako masermonan.
Nang makapasok ako ng gate namin na maliit ay muli akong lumingon sa kan'ya para kumaway.
--------------