CAITH
“GOOD MORNING, Cai,” bati ni Sir Justin sa akin nang makarating ito sa pwesto namin ni Jem.
“Good morning din po, Sir Justin,” bati ko sabay tingin sa likod nito. “Good morning din, Sir Meynard,”
“Good morning, Cai,” nakangiting bati nito sa akin.
Matapos ng batian na iyon ay pumasok na sila sa kani-kanilang opisina habang ako ay panay ang tingin sa elevator at inaabangan ang isang tao.
“SINONG inaabangan mo?” tanong bigla ni Jem sa akin, marahil ay napapansin nito na panay ang tingin ko sa elevator.
“Wala naman,” usal ko sabay tinin sa mga papeles na hawak ko.
Kailangan ko palang dalhin ito mamaya kila Sir Miggy para mapirmahan kaya kailangan ko din itong mareview para minimal na lang ang mali kung sakaling may makita si Sir Miggy.
Dahil sa may ginagawa na ako ay hindi ko napansin ang oras pati na ang taong inaabangan ko. Kaya naman pagtingin ko sa relo ko ay halos mapasigaw ako.
“Dumaan na si Sir Ali?” tanong ko kay Jem na tumango lang ng dalawang beses.
Napatampal naman ako sa noo ko dahil doon. Tsk! Sayang ung praktis kong ngiti at pang-aasar sa kan’ya!
Dahil sa nangyari ay hinayaan ko na lang muna at mamaya na lang paglumabas ulit siya, mang-aasar na lang ako.
At hindi naman nga nagtagal ay may kumatok sa lamesa naming dalawa ni Jem at bumungad sa amin si Sir Dustin na seryoso na naman ang mukha pero mabuti na lang at hindi na salubong ang kilay.
“Hi, Sir Ali!” masiglang bati ko habang may ngiti sa labi.
Nakita ko naman na pinigil nito ang pagngisi at dinaan sa pagtaas ng kilay bago tumingin kay Jem tapos sa akin.
“Hi,” maikli nitong usal sabay irap.
Gusto ko namang matawa dahil sa asal nito sa akin. Simula kasi noong naikwento ko na sa kaniya ang buhay ko ay mas dumalas ang pag-uusap namin, kung dati ay puro message lang ngayon ay sinamahan na din niya ng tawag pero hindi naman kami napupuyat na dalawa dahil saglit lang iyan tatawag, minsan ung tawag niya sermon pa. Lalo na noong nalaman niya na hindi ko pa nasasabi kila mama ang nagyayari sa akin. Kaya nga ata masama ang loob nito sa akin ngayon e.
Naghahanap lang naman ako ng tamang panahon, it’s been six days since we’ve talk and I still have doubts.
Tumikim ito ng ilang beses bago nagtanong sa amin.
“Nandiyan pala si Justin?” tanong nito.
“Yes, sir! May need po ba kayo sa kaiya?”
Tumango naman si Sir Dustin sa kaniya sabay tingin sa akin na nakangiti pa din sa kan’ya.
Sabi niya kasi noong nakaraan habang magkausap kami. Ang ganda daw ng ngiti ko kaya eto ako at ipinapakita iyon.
“Ako na papasok, wala naman siguro siyang kasamang babae sa loob, ‘di ba?” usal nito na mabilis inilingan ni Jem habang natawa.
“Wala, sir. Bagong buhay na ata si Sir Justin,” saad nito.
“Buti naman kung ganon. Pasok na ako,” saad niya tapos tumingin sa akin ulit at halos hindi ako makapaniwala sa sunod na ginawa nito na ikinatawa ni Jem.
“Sir Ali!” sigaw ko sabay ayos sa ginulo nitong buhok ko.
Bigla kasi nitong ginulo ang buhok ko bago siya naglakad papasok ng opisina ni Sir Justin.
May topak din talaga iyon minsan!
“Alam mo, ngayon ko lang nakitang ganyan iyan si Sir Dustin. Lagi kasing salubong ang kilay niyan tapos seryoso lagi ang mukha. Tapos laging malalim tumingin kaya ikaw na lang ang iiwas,” usal ni Jem. “kaya siguro usapan ka dito sa ibang parte ng building,” habol nito na ikinatingin ko sa kaniya.
“Anong ibig mong sabihin?” tanong ko.
“Usapan kasi kasi napakaswerte mo daw dahil unang araw mo pa lang ay regular ka na agad tapos, sila Sir Justin pa mismo ang nag-ayos no’n kaya sabi nila maswerte ka daw tapos nakikita ka pa nila na laging kasama ung mga pantasya nila kaya kapag may nagparinig sa iyo diyan about sa pagkakapasok o dito ay wag mo na lang pansinin, inngit lang iyon sa iyo,” mahabang paliwag nito sabay balik ng atensyon sa ginagawa niya.
Kahit hindi niya kita ay napatango na lang ako sa kan’ya. Alam ko naman na mabilis masyado ang proseso ng pagkapasok ko dito kaya nga miski ako ay nagpapasalamat na personal kong kilala si Sir Miggy.
Bigla tuloy parang lahat ng prinaktis kong energy ay naubos dahil sa sinabi nito.
Nakayuko lang ako at pinilit na ibalik ang atensyon ko sa ginagawa ko hanggang sa nagpaalam sa akin si Jem na magrerestroom siya ay nakayuko lang ako.
ISANG katok sa lamesa namin ang nagpaangat ng tingin ko at bumungad sa akin si Sir Dustin na nakataas ang kilay sa akin.
“What happened to you? Okay ka lang?” tanong nito na marahan kong ikinatango. “Then where’s the smile?” nakataas muli ang kilay nitong tanong.
Pilit akong ngumiti kaya naman mas napairap ito.
“Ang pangit ng ngiti mo and you’re not good at hiding emotion so stop it! It’s irritating,” saad niya sabay talikod sa akin at naglakad papuntang opisina niya.
Hay! Ang babaw naman kung sasabihin kong nahurt ako sa sinabi ng mga employee dito paniguradong sesermonan na naman niya ako.
Napatingin naman ako sa phone ko nang tumunog ito bigla kaya kinuha ko iyon at tinignan.
“Just knock on my office if you’re ready to talk about it.”
Hindi ko alam kung hobby niya ba ang pagalitan ako o nagiging caring na siya ngayon pero mas doon ako sa hobby niya ang pagalitan ako.
“Cai, okay ka lang?”
Napatingin ako sa pinto ng office ni Sir Justin nang bumukas iyon. Nakatingin ito sa akin at tipid na nakangiti.
Lagi namang ganyan iyan si Sir Justin, lagi akong kinakamusta at natutuwa ako doon dahil eto talaga ang caring.
“Medyo hindi po,” pag-amin ko kaya kumunot ang noo nito bago tuluyang lumabas ng opisina niya.
“Wanna talk about it?” tanong nito habang papalapit sa akin. Nakita nito ang pag-aalinlangan ko kaya naman tumingin ito sa paligid at ngumiti. “Tara sa loob kung ayaw mong marinig ng iba. Wala akong gagawing iba, promise!” saad niya na ikinangiti ko.
Binitawan ko ang phone ko at tumayo sa upuan ko bago tumango sa kan’ya. Ngumiti na lang din ito sa akin tapos ay inanatay akong makalapit sa kan’ya para sabay kaming naglakad papasok ng opisina niya.
“WHAT’S the problem?” malumanay na tanong ni Sir Justin sa akin nang makaupo kami sa sofa dito sa opisina niya.
Bahagya naman akong nag-isip kung paano ko sasabihin iyong nasa isip ko.
“It’s okay, I won’t judge,” habol pa nito kaya naman hindi na ako nag-alangan na magsabi sa kan’ya ng nasa isip ko.
“Wala naman po, parang nahiya lang po kasi ako sa narinig ko,” paumpisa ko. “Hindi po ba masyadong mabilis na naging regular ako agad?” tanong ko dito. “Parang napakaunfair po no’n sa iba na dumaan sa proseso tapos ako hindi, tapos kayo pa po ang nag-ayos ng papers ko,” pahayag ko sabay yuko.
“Bakit may nagsabi ba sa iyo na unfair ang naging proseso namin?” seryosong tanong nito. “Miggy urgently need a secretary dahil hindi pwedeng si Nicole ang gumawa ng ibang bagay habang wala si JK bukod doon I’m sure, Miggy think that before siya nagkaroon ng desisyon kaya wag mo na isipin iyong mga sinasabi ng iba. Just don’t mind them,” saad niya sabay ngiti sa akin. "Wala ka namang ginawang masama," malambing nito ng turan.
Sa hindi ko malamang dahilan ay bigla kong hinanap ang panenermon ni Sir Ali parang hindi kumpleto pero at’least gumaan ang pakiramdam ko.
“Salamat po,” usal ko sabiay ngiti sa kan’ya.
“No worries. Basta if you need someone to talk, katok ka lang dito sa office ko. Willing to listen,” saad niya sabay himas ng ulo ko.
Bigla naman naalala ko na hindi ko pa nasasabi sa kan’ya ang nangyayari sa akin. Parang ang unfair na hindi ko man lang masabi sa kan’ya pero nasabi ko na sa iba. Siguro saka na kapag nasabi ko na kila mama.
Matapos no’n ay inaya lang ako nitong maglunch na tinanguan ko naman since kasabay naman namin sila Cami.
Paglabas ko ng office ni Sir Justin ay nakita ko na doon si Jem na busy na sa ginagawa niya kaya naman bumalik na din ako sa pagchecheck ng mga papers ni Sir Miggy.
Napatingin ako sa phone ko at doon ko lang naalala si Sir Dustin, kaya mabilis kong kinuha iyon at tinignan kung may pinadala muli ito.
Napakakunot naman ang noo ko ng makita ko ang message nito matapos ang huli nyang mensahe na nabasa ko na kanina.
“Don’t come to me,”
------------------