CAITH
ILANG beses akong huminga ng malalim bago ako bumalik sa ulirat sa nangyari.
Mas lalo akong naiyak sa kahihiyan at katangahan na ginawa ko.
Mukhang natrigger ang ibang masasamang ala-ala ko nang maumpog ako sa manibela. Samahan pa ng itsura, galit, at sigaw ni Sir Dustin kaya isa-isang bumalik sa ala-ala ko ang itsura ni Lloyd sa tuwing galit ito at sasaktan ako o pagsasamantalahan.
"Cai, breath. You need to breath," muli ay naramdaman ko ang simpantya dito.
Naramdaman ko din ang kamay nito na hinahagod na ang likod ko na kahit paano ay nakatulong sa akin para kumalma.
Halos kalahating oras bago ako kumalma sa pag-iyak.
I feel my eyes swollen because of crying.
"Feel better?" rinig kong muling tanong ni Sir Dustin kaya napatingin ako dito. Panandalian itong ngumiti sa akin bago kinuha ang panyo sa bulsa niya at punasan mismo ang mukha ko. "Let's wipe this weak tears," bulong nito habang pinupunasan ako.
"S-Sorry po…" paos na boses kong saad sa kan'ya.
Tumingin ito sa akin at marahang tumango. Nagpahuling punas lang ito sa mukha ko bago ako sagutin.
"It's okay," usal niya bago tumayo at ilahad ang kamay niya. "Stand up, wag tayo sa gitna ng daan," saad nito.
Marahan ko namang kinuha ang kamay nito at hinayaan na itayo niya ako.
Hinila ako nito papunta sa isang parte ng gater bago pinaupo. Marahan itong lumakad papunta sa kotse niyang nabangga pala sa puno.
Napahilamos ako sa mukha ko dahil sa nagawa ko.
"Cai! Wala ka ng magawang maayos!" angil ko sa sarili ko at paulit-ulit na pinasadahan ng palad ang mukha ko.
Naramdaman kong nagbabadya na naman ang luha sa mata ko kaya napayakap ako sa mga tuhod ko.
Ilang minuto akong nasa ganong posisyon bago ko narinig ang boses ni Sir Dustin.
"Here, drink some water," usal nito kaya naman inangat ko siya ng tingin.
Nakita kong ang pagbuntonghininga nito bago tumabi sa akin. Binuksan niya ung tumbler niya at inabot sa akin.
"Uminom ka muna ng tubig," muli nitong saad.
Marahan kong kinuha iyon sa kan'ya at uminom doon ng sapat para mabasa ang lalamunan ko at maginhawahan.
Marahan niyang kinuha sa akin iyon matapos kong uminom at siya naman ngayon ang uminom doon.
"So… spill," saad niya na ikinalingon ko.
Nagpupunas ito ng ilalim ng bibig niya dahil sa nagspill na water tapos no'n ay humarap siya sa akin.
"Kwento. You promised," usal niya pa na ikinayuko ko.
"I was physically abused by my ex," paumpisa ko. "He was my first love, no! He's actually my first in all aspect. Love, holding hands, kiss, hugs, and s*x. He's my first and I was so fool to believe that he will be my last…" nanginginig ang boses kong kwento.
Wala akong narinig galing sa kan'ya na kahit anong salita kaya ipinagpatuloy ko ang kwento ko na hindi siya tinitignan.
"Classmate ko siya ng highschool, nanligaw siya sa akin sa napakasweet na paraan. I don't have a feelings for him but later on my love to him developed and the next thing I knew, I fell to him harder! We had so much time for each other. Hanggang sa nagcollege kami ay sweet pa din siya pero biglang isang araw nagbago lahat. Hindi ko alam kung anong nangyari basta nagbago na lang bigla lahat ng ginagawa niya,"
Muling rumagasa ang mga luha sa mata ko habang muling inaalala ang mga masasayang bagay namin ni Lloyd.
"He became so aggressive to our relationship, he even asked me to make love to him na hindi naman niya sinasabi noon dahil balak namin munang magpakasal bago gawin iyon but he told me, I didn't love him because I can't grant his wishes…"
Napalingon naman ako kay Sir Dustin nang marinig ko itong pagak na tumawa pero ramdam ko ang inis niya. I also heard his tongue flick in annoyance.
"T*ng-inang 'yan," usal nito sabay tingin sa akin na nakataas ang kilay sabay abot ng panyo niya. "Tuloy," utos niya kaya marahan akong tumango habang marahang kinukuha ang panyo sa kamay niya.
Mabilis kong pinunasan ang luha ko bago huminga nang malalim at itinuloy ang kwento ko..
Inisip ko kung nasaan na ako sa kwento ko hanggang sa napagtanto ko na nandoon na ako kung saan, iniingganyo na ako ni Lloyd na makipags*x sa kan'ya.
"I tried to refuse! Heaven knows how I tried but… I failed… nabigo ako, nadala ako ng mga haplos, halik, pangako, at lalaong lalo na ng sinasabi niyang pagmamahal. We did it multiple times, Camille knew it! Ilang beses niya akong pinagsabihan but I didn't listen to her hanggang sa nabuntis ako at nalaman din iyon ni Cami,"
Bumalik sa akin kung gaano naging apektado si Camille noong nalaman niyang buntis ako. I didn't give a f*cking damn care that time dahil umpisa pa lang ay nagkaroon na kami ng plano ni Lloyd ng malaman niya iyon. That is to get rid of the baby… my baby… supposed to be my first child…
Itinuloy ko ang kwento ko hanggang sa nagsalita ito nang marinig niya ang salitang 'pinaabort'
"You get rid of your baby just to be with that bastard? I kinda hate you for that!" inis nitong saad. "You chose the trash than to a precious one," muling usal nito sabay iling. "You revolves your world around that f*cking monster!"
He didn't filter his words… straight forward! He didn't like sugar coating his words. Iyon si Sir Dustin...
Humarap ito sa akin at pinakatitigan ako.
"Are you happy after you get rid of that baby?" tanong niya na mabilis kong ikinailing. "Nabuhay ba kayo ng masaya after that?! F*cking no, Cai! You're not stupid! You're actually a brilliant one but you trust that moron!"
Rinig ko ang mabibigat na hinga niya sa bawat salitang binitawan niya.
"I know bu–"
"But you love him so much kaya kinalimutan mo na kasalanan ang gagawin ninyo!" matigas nitong saad na ikinayuko ko lalo. "Tuloy," utos nito kaya umangat ang ulo ko sa kan'ya.
"Gusto mo pa marinig?" tanong ko.
"Yes! Gusto ko pang marinig lahat ng katangahan mo,"
"Ang sak–"
"Masakit ang katotohanan, Cai but iyon ang kailangan mo. You need to hear those words. A hurtful words but true! No sugar coating, no filter! That's what you need! In this cruel world, hindi na uso ang mahina! You should learn to chin up and be brave! At makukuha mo iyon kung tatanggapin mo ang katotohanan," mataray nitong saad. "Bakit? Gusto mo lagi ka na lang iiyak tuwing makikita mo iyong p*tang-ina lalaki na iyon?" saad niya na mabilis kong ikinailing. "See! Ituloy mo dali! Marami pa akong sermon," saad nito.
Napairap na lang ako bigla sa kan'ya.
"Sana nagpari ka na lang," mahinang usal ko.
"Pwede pa naman, virgin pa ako kaya pwede pa ako magpari," rinig kong saad niya kaya napabalik ang tingin ko sa mukha niya.
"Ikaw? Virgin?"
"Oo! Hindi pa nakakapasok 'to sa kahit na ano! Kamay ko la–"
"Ang bastos mo!" usal kong putol sa kan'ya.
"Nagsasabi lang ako ng totoo!" saad niya. "Tuloy mo na!" inip nitong saad kaya napatango na lang ako.
Hindi pa din ako naniniwalang virgin siya! In his face!
Katulad ng sinabi niya ay tinuloy ko ang kwento ko na mukhang mas ikinainis niya. Hindi lang sa akin kun'di pati kay Lloyd.
I saw his fist clenching the moment I told him about cheating, pati na ang pagbalik ko matapos ako nitong lokohin. Ung moment na sinaktan na ako ni Lloyd pati na ang nangyari kay Faye hanggang sa nakuha na kami nila Camille.
Black aura covered him so much the moment he stood up. Galit na galit siya! Nagsusumigaw iyon.
Naglakad ito palayo sa akin ng ilang dipa bago muling bumalik.
"Sorry, Cai ah! I'm really mad, no! Angry at you right now! And I know you understand me! Right?" gigil na usal nito na marahan kong ikinatango.
"And you know why?" tanong nito. "Because of what you did! Your parents build a ship for you and for your siblings but you chose to go on that stupid f*cking junk boat of your ex! You both sink! Almost drown but your family saves you and let you stay on their ship AGAIN!"
He almost shouted to my face all the words he said! Hindi ko maiwas ang tingin ko sa kan'ya dahil tama naman siya.
"But the moment you saw your ex, building his junk boat made of those trash materials, you chose again to jump and swim to him! To help him! You didn't even think twice! Or thrice! You just jump! And now even though you are saved by your family again! You are still on his junk boat sailing with him! No direction!"
"I'm not!" usal ko sabay tayo sa tapat niya.
Hindi na ako nakasakay sa bangka niya!
"You are! Kasi kung hindi na, hindi mo na naiisip ang mga bagay na 'yan! You have a direction on how to deal with those nightmares!" sigaw nito sa akin.
Mabuti na lang at walang katao-tao dito sa paligid na pinuntahan namin kaya pwede kaming magsigawan dalawa.
"It's trauma," usal ko.
"I know, Cai! I know! But you didn't do anything to take away that trauma, to take away those nightmares," saad niya. "Did your family know about this? About you imagining your ex?! I guess no!"
"I can ha–"
"Cai, you can't handle trauma by yourself! No one can handle a trauma by themselves! We need support! We need someone who can help us! And your family is the first one who can support you! Like what they did to you, the moment you drown yourself!" saad nito sa medyo kalmadong paraan.
"Nandito pa din kasi e! Nahihiya ako! Natatakot ako!" usal ko na muling umupo.
"Another thing kaya naiisip mo pa iyan, because you didn't forgive yourself about that. Conscience, regrets, pain, heartache, and trauma eating you so much to the point na pati sarili mo ay ayaw mo ng patawarin," saad nito sabay upo din sa tabi ko.
Hindi na ako sumagot dahil lahat ng sinabi niya ay tama at nasa punto. Tahimik lang kami doon hanggang sa muli niyang basagin ang katahimikan namin.
"I'm saying those things because I treat you as a friend, though I d–"
"Thank you," putol ko sa kan'ya. "Thank you for treating me like that… for talking to me straight forward. Without filter, without anything na iniiwasan. Maybe tama po kayo, na iyong ang kailangan kong marinig… maybe you are right, I'm still on his boat dahil sa past na nangyari sa amin na hindi ko man lang nagawang alisin para makawala sa kan'ya. Akala ko kaya kong mag-isa na labanan pero siguro nga po tama ka at kailangan ko ng suporta,"
Hindi ito nagsalita kaya naman tinignan ko ito na tumatango tango.
"May mga tao na kayang ihandle ang mga nangyayari sa kanila; emotionally, physically, and mentally. Hindi na ako lalayo, like si Nicole. She's one of the strongest people I've ever known. She has this ability to; hide her emotions, what she is thinking, and what she has been through but the strongest person has a weakness too and when Nicole hits that point, she has Miggy to take care of her," usal niya sabay tingin sa akin. "Do you get it? See! Even the strongest person I know needs someone, so do you…"
Nakagat ko lang ang labi ko dahil sa sinabi niya at yumuko.
Paano ko sasabihin kila Papa na nagkakaganito ako?
"First you should tell your family what is happening to you, dahil sa lahat ng tao sila lang ang mas makakaintindi at susuporta sa iyo. Lahat ng taong kilala pwede kang talikuran but not your family,"
Kusang umangat ang tingin ko nang maringgan ko ng kakaibang himig ang mga salitang lumabas sa kan'ya.
Parang malungkot at may dinadamdam.
"Tapos saka ka magpasama sa kanila para magpatulong sa espesyalista. Psychiatrist," usal niya muli kaya naman napaayos ako ng upo na ikinatingin ito sabay irap. "Alam ko sasabihin mo! Hindi ka baliw! Alam ko, Cai! But psychiatrists are not only for the people who lost their mind but also for the people having a hard time like yours!" may irita nitong saad.
Biglang nawala ang pag-aalala ko sa lungkot na narinig ko nang makita ko na naman siyang nagsusungit.
-----------------