Chapter 1

1337 Words
CAITH Mabilis akong kumilos dahil ayokong malate sa unang araw ko sa trabaho. Alam kong hindi pa naman ganon kadami ang gagawin ko pero kumilos na ako dahil na din maaga akong nagising. "Nanaginip ka ulit?" Agad akong napalingon nang marinig ko si Papa na nagsalita dito sa kusina. Nagluluto na kasi ako ng almusal pati na ng baon ko para mamaya. "Good morning po, 'pa!" usal ko at hindi na inintindi ang sinabi nya. Totoo naman na nanaginip ako ulit.. parang hindi ko na ata makakalimutan ang masalimuot na kaganapan na iyon sa buhay ko. I've been traumatized by that incident na ako din ang may gawa sa sarili ko. I'm not blaming anyone except myself, I also put my daughter's life at risk because of my stupidity… malaki na lang talaga ang pasasalamat ko na nandiyan ang pamilya kong sa pangalawang pagkakataon ay iniligtas ako. "Hindi mo sinagot ang tanong ko," saad nito sabay upo sa upuan na nakalaan sa lamesa. "Ahm.. opo," nahihiya kong tugon dito. Nakarinig lang ako ng buntong hinga kay Papa kaya naman ipinagpatuloy ko lang ang pagluluto ko. "Hayaan mo at matatapos din ang bangungot na iyon sa iyo…" saad nito matapos ang ilang minutong pananahimik. "Opo.." tugon ko, "ay 'pa! Unang araw ko ho ngayon bilang assistant ni Mr. Monticlaro, pasuyo na lang ho muna kay Faye," usal ko sabay lapag ng itlog na kaluluto lamang. "Aysus! Si Mama mo na ang bahala, kaya nga iyon tumigil na sa pagtatrabaho dahil sa inyo ni Faye kaya hayaan mo at masaya naman siyang mag alaga ng bata," natatawang usal nito sabay higop sa kape niya na siya mismo ang nagtimpla. Napangiti na lang ako dahil sa sinabi nito at muling itinuloy ang pagluluto ko. Saktong pagtapos ko ay siyang gising ni Faye kaya naman agad ko na itong kinuha at inupo biniling walker ni Camille. "Ako na bahala diyan at mag ayos ka na ng gamit mo para hindi ka mahuli sa trabaho," saad ni Mama. Hawak na nito ang pagkain ni Faye at tubig kaya naman hindi na ako nag alangan na magpaalam sa kanila at mag ayos. "ALIS NA PO AKO," malakas na paalam ko kila Mama. "Ingat ka at wag ka na mag alala kay Faye, kami na bahala sa bata," bilin ni Mama na ikinatango ko. Nagpahuling halik lang ako kay Faye bago muling nag paalam. Mabuti na lang at maaga akong umalis sa bahay kaya naman hindi ako nagahol sa oras at nakarating agad sa M.E. Ilang beses akong huminga ng malalim bago ako tuluyang naglakad papasok ng lobby. "Hi!" bati ko sa receptionist na nakaduty doon. "Hi! How may I help you?" nakangiti nitong turan. "Ahm! Ako yung bagong hired na secretary ni Mr. Monticlaro, I still don't have my ID on me, sabi kasi ng HR ngayon ko pa lang makukuha," saad ko na ikinangiti niya. "Ow! Pasaway talaga itong HR! Hindi nag endorse!" saad nito pero nakangiti. "Sige, wait lang ah! I'll call the HR para iconfirm, protocol kasi but I believe in you naman. Name mo po?" usal nito na ikinangiti ko lang din. "Ah! Sige lang. No problem. Caith delos Santos ang name ko," tugon ko ay bahagya pa siyang natigilan. "Kaano-ano ninyo po si Ms. Camille?" tanong niya habang nagdadial. "She's my sister," Nakangiti lang itong tumango bago nakipag usap sa telepono. Minuto lang ang lumipas at binigyan na ako nito ng temporary ID para magamit ko ngayong araw at ibabalik ko na lang pag pauwi na ako. "Here, welcome to Monticlaro Enterprise! Have a wonderful day!" nakangiti nitong paalam. Nagpaalam na din ako at masasabi ko na mababait ang tao dito sa loob ng M.E. dahil kahit bago lang ako ay may ngumingiti na sa akin. "HI, Ate Cai!" masiglang bati ni Ms. Nicole sa akin ng makaakyat ako sa floor ng office ni Sir Miggy. Nandito na siya agad… "Sorry po. Late ata ako, wala pa po kasi akong ID kaya nandoon pa ako sa lobby kanina," paumanhin ko pero nakangiti lang itong umiling. "It's okay, ate! Maaga lang talaga kami ni Kals kasi may breakfast meeting siya kanina, he just dropped me here tapos pumunta na siya doon," saad nito. "Hindi po ba tayo need doon?" tanong ko na nahihiya pa din. "Nope, Jus and Dus are already there so dito na lang tayo," saad niya at tumayo. "Dito ka upo, ate. Kuha lang ako chair sa loob," saad niya kaya namanabilis ko siyang pinigilan. "Ay ako na… buntis ka kaya," saad ko dito na medyo nagkaroon pa ng pilitan pero sa huli ay ako naman ang magwagi. Matapos kong makakuha ng upuan ay tumabi na ako sa kan'ya at itinuro lang nito ang mga dapat kong malaman sa pag aasikaso ng mga schedules ni Sir Miggy. Habang nasa kasagsagan kami ng pagtuturo niya ay may biglang naglapag ng pagkain doon at pag angat namin, nakita namin si Sir Miggy at ano pangalan ulit nito.. "You can go back to your office, Justin. Wala ka ng gagawin dito," saad ni Sir Miggy na inirapan pa iyong lalaki. "I have! Hi again, Ms. Cai! I'm J–" "Justin 'the manloloko, playboy, mahangin' Valentine!" natatawang putol ni Nicole sa kan'ya sabay kindat. "Kaya wag kang lalapit diyan, kilala ko na pagkatao niyan," habol pa nito. Napakagat lang naman ako sa loob ng ibaba kong labi sa sinabi niya habang si Sir Miggy ay tawa nang tawa. Iyong Justin naman ay hindi alam kung ngingiti o maiinis sa ginawa ni Nicole. "Migs, yung asawa mo oh! Inaaway ako!" sumbong nito sa katabi. "At ako naman ang gusto mong awayin?" tugon ni Sir Miggy bago humarap sa amin. "Cai, this is Justin Valentine, he's the vice president of M.E. later I will introduce you to the other board members para alam mo kung sinong lalapitan once I ask you to. For now, have breakfast first," saad niya. Naglakad na ito papasok sa office niya pero agad ding huminto. "Love, dito ka na kumain. It's for Cai only," tawag nito sabay angat ng hawak niyang take out. Napanguso lang naman si Nicole bago nagsalita.. "I want here… samahan ko na lang si ate dito… lonely dito pag mag isa!" usal nito na mukhang nagpapaawa. "I can be with her forever," singit naman ni Sir Justin ang pangalan. Sabay na tumingin iyong mag asawa sa kan'ya… akmang magsasalita si Sir Miggy nang may tumawag kay Sir Justin. "Just! I was looking for you at your office nandito ka lang pala!" singhal ng bagong dating na mukhang walang emosyon pero puno naman ng inis ang boses. Pwede pala iyon… "Alikabok naman, punoporma ako dito e," nagkakamot sa batok na sabi ni Sir Justin na ikinatawa ni Nicole. "Busted ka na agad! Lumayas ka na nga dito! Office hour puro harot!" Hindi naman na nakapalag si Sir Justin nang hilain siya noong bagong dating. "I have so many important infos to ask bago ko ibigay kay Miggy, kaya mamaya ka na lumandi at magtrabaho muna!" saad noon sabay hila dito. "Bye, Ms. Cai! See you around!" sigaw nito habang hinihila pa din siya noong alikabok, kumaway pa iyon kaya naman kumaway ako pabalik.. Pag kaalis nila ay doon bumalik ang atensyon namin sa kung saan kakain si Nicole. Pero hindi naman nagtagal ay tumayo din ito at patakbong lumapit kay Sir Miggy pagkatapos magpaalam sa akin. Tinignan ko na lang ulit iyong pagkain na ibinaba ni Sir Miggy at nakita kong may kape din. Hindi ako nakapagkape kanina dahil sa kaba kaya naman masaya ako na may kape kahit libre lang ito. Tinignan ko din ang pagkain at wow! Parang galing ito sa yayamaning restaurant! American breakfast lang naman. Bacon, eggs and waffles, pero no kidding! Masarap! Pati iyong coffee! Panalo! Nakakahiya na unang araw ko palang ay nabigyan na ako agad ng libreng breakfast.. wala pa nga akong nagagawa. Pero babawi ako, pag natuto ako ay gagawin ko ang best ko para hindi naman nakakahiya na mabilis nila akong kinuha dito. ------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD