CAITH
"PST! Kayong dalawa, magtigil na kayo. Gagawa palang kami ng magiging paborito ng mama ninyo," usal nito na siyang ikinareklamo namin.
Agad namang tinakpan ni Dustin ang tenga ni Faye habang tumatawa at si JK naman ay ganon din ang ginawa.
"Papa! May bata!" singhal ni Cami habang umuubo-ubo pa kakatawa.
"Ikaw talaga! Sinamahan mo pa itong dalawang ito sa kakulitan nila at pagiging isip bata," sermon ni Mama kay Papa. "Tumigil na kayong dalawa, lahat ng pumapasok sa bahay ay paborito ko at mahal ko kaya lahat kayo ay paborito ko," saad ni Mama.
Lahat naman kami ay natahimik at pigil ang ngiti.
Naramdaman ko naman ang kamay ni Dustin sa itaas ng kamay kong nakakurot sa kan'ya kanina.
Bahagya nitong pinisil ang kamay ko tanda na masaya siya sa tinuran ni Mama.
"Pero si Ate Cacai talaga ang paborito ni Mama at'ska ako,"
Sabay-sabay kaming magkakapatid na lumingon kay Filan na nakangiti pang kumakain ng pakwan doon.
"Edi ikaw na! Ako naman ang pinakagwapo," bwelta naman ni Chester. "Lalo kapag kasama ko iyong bigay ni ate ganda na gitara! Lahat ng babae sa school tinitignan ako," pagmamalaki niya habang nakapikit kaya naman marahan kong niyaya si Ali na tumayo.
Katulad nila Camille na natatawang tumatayo na din.
Tinignan ako ni Ali pero tumango lang ako sa kan'ya sanay nguso kila Mama kaya tumingin ito.
Mukha namang nakuha niya ang nais kong iparating kaya sumunod ito.
Hindi pa man kami nakakalabas ng kusina ay narinig na namin si Mama na biglang nagsalita kaya natatawa kaming lumabas.
"Yabang ka pa ha!" asar ni Cheska dito.
Napatawa na lang din kaming napailing habang nalabas.
Madami palang babae ha!
"PST! Ate, akala ko ba hindi nanliligaw sa iyo si Dust? Bakit niya kayo pinagpaalam kay Mama?" tanong bigla ni Camille habang nandito sa kwarto.
Kasalukuyan ko na kasing binibihisan si Faye para mamaya ay matutulog na lang.
"Ha? Hindi naman talaga siya nanliligaw e," tugon ko sabay suot ng dress na pantulog kay Faye.
"E bakit nga ganon iyong pagpapaalam niya? Baka naglilihim ka na naman ha! Hindi ka na naman nagsasabi," saad nito kaya bahagya akong napatigil.
Magsasalita pa lang sana ako nang may isang boses na akong narinig.
"Babe, she's telling the truth… and please, don't do that to your sister,"
Napaharap ako nang marinig ko ang boses ni JK.
"Sorry for intruding, ibibigay ko lang sana si Cath dahil naghahanap ng gatas," palowanag niya at marahang lumapit kay Cami.
"How can you be so sure na hindi nanliligaw si Dust kay Ate?" mataray na tanong ni Camille.
"Why don't you trust your sister? Sinabi na niya 'di ba? Then trust her," marahan lang iyon pero kita ko ang pagkadisgusto ni Camille sa tanong na iyon ni JK.
"May alam ka 'no? Pinagtatakpan mo lang si ate," saad nito at mabilis na kinuha si Cath kay JK.
"Careful," seryoso ang pagkakasabi na iyon ni JK pero hindi siya pinansin ni Camille.
Lumabas ito sa kwarto namin at iniwan si JK na kasama ko.
"Sorry… nag-away pa tuloy kayo," saad ko dito.
Ngumiti lang naman ito at umiling.
"It's okay, I can deal with her. I'll take care of her, you take care of your feelings… Kaunti na lang, mukhang mapapasagot na ni Dust ng yes si Mama," biro nito na ikinatawa ko.
Nagpaalam ito sa akin, tumango lang ako dito bago binuhat na din si Faye para lumabas at bumaba.
Nang makababa kami ay nakita ko na nagpapaalam na sila JK kila mama.
Hindi nila pinapahalata na may hindi sila magkakaunawaan kaya naman walang naging problema sa pagpapaalam nila.
Nang makaalis sila ay sumunod naman na nagpaalam si Ali kila mama. Ayon nga lang may naging problema.
"Dada…" umiiyak na tawag ni Faye kay Ali habang nakayakap ito sa leeg.
Nakangiti lang naman itong isa bago marahang niyakap ng mahigpit si Faye.
Simula nang tawagin siya ni Faye ng dada ay halos hindi na nawawala ang ngiti niyang iyan. Ang gwapo gwapo gwapo niya sa ngiti niyang iyan.
"Balik na lang bukas si Dada," malambing nitong usal kay Faye pero hindi naman natinag itong bata.
Tumingin siya sa akin kaya naman nagsalita na ako.
"Anak, sige na. Bukas na lang ulit…" usal ko habang kinukuha siya pero itong si Faye ay ayaw talagang bumitaw.
Ilang beses pa kaming nagpilitan doon hanggang sa umiyak na si Faye na agad namang pinatahan ni Ali.
"Mukhang ayaw ka talaga paalisin, okay lang ba kung patutulugin mo muna iyan bago ka umalis?"
Sabay kaming napatingin ni Ali sa pint ng bahay nang magsalita si Mama.
"Okay lang po ba?" tanong din nito. "Gabi na din po kasi, nakakaawa pong paiyakin," saad niya.
Nakangiti namang tumango si Mama sa amin at pinapasok na kami sa loob.
Wala na sila Chester sa sala at sila papa na lang ang nandoon pero nang makita ni Papa na patutulugin si Faye at marahan na rin itong nagpaalam at pinatay na ang tv, ganon din naman ang ginawa ni Mama at nagbilin na lang sa amin ito bago umakyat.
"Marunong ka bang magpatulog ng bata?" tanong ko dito habang hinihele niya si Faye.
"Marunong, ung kapatid ko sa side ng tatay ko, ako ang nag-alaga," saad niya.
"Ang bait mo naman, bakit ikaw ang nag-alaga?"
"Kailangan ko iyon, bayad sa pagpapatira nila sa akin doon noong nawala sila Lola," saad niya. "Kahit may mga iniwan naman si Lola sa akin para sa sarili ko ay hindi ko naman magamit dahil nakahold sa tatay ko pero noong nakuha ko na, mabilis din na bumukod ako,"
Tanging tango na lang ang naibigay ko sa kan'ya nang marinig ko iyon.
"Kaya lahat ng nararanasan ko dito sa bahay at pamilya mo ay bago sa akin kasi hindi ko iyon naranasan sa mga magulang ko," mahina lang iyon pero tagos sa puso.
"Welcome to the family," nakangiti kong bati sa kan'ya na ikinatawa nito.
"Thank you,"
Muli na nitong tinuon ang pansin sa pagpapatulog kay Faye. Bahagya pa itong maghahumming kaya pati ako ay nadadala sa pagpikit.
Bigla naman akong nagulat nang may biglang kumalabit sa akin at nakita ko ang itsura ni Ali na nakakagat ng labi.
Agad ko itong sinamaan ng tingin kaya mas natawa siya.
"She's already asleep, so you are," mahina at malambing nitong usal kaya naman tinignan ko si Faye na buhat buhat niya.
"Sorry… nadala ako sa humming mo e," saad ko at tumayo.
Inaya ko siya sa kwarto namin na kita ko ang pag-aalangan niya.
"Maybe I'll stay here, I shouldn't go to your room," usal niya at marahang ngumiti.
"Pero… baka magising si Faye," saad ko.
Marahan itong ngumiti at umiling.
"Hindi na niya ako hahanapin, kaya ikaw na mag-akyat sa kan'ya," usal nito.
Malungkot akong tumingin sa kan'ya dahil hindi ko alam kung bakit...
Mukha namang nahalata niya iyon kaya huminga siya nang malalim.
"I'm not allowed to go to your room unless I'm already marry you... your room is your private space, wala dapat nakakapasok diyan kung hindi family related at ayoko dinng isipin nila tita na nagtetake ako ng advantage dahil malaki ang tiwala nila sa akin kaya go na, hindi na ako hahanapin nitong baby ko," paliwanag niya.
Napangiti lang naman ako sa mga sinabi niya. He's not a gentleman but he knows how to respect space and trust.
Alam kong hindi ko siya mapipilit na iakyat si Faye sa kwarto kaya naman tumango na lang ako at kinuha si Faye.
Mabilis kong inihiga ang anak ko sa higaan namin at nilagyan ito ng maraming unan. Pati na sa sahig ay nilagyan ko para incase na maglikot siya. Hindi siya masasaktan.
Mabilis din akong bumaba ng sala at nakita ko doon Ali at bahagya akong nagtaka nang marinig ko ang boses ni Mama.
Anong meron? Akala ko tulog na siya. Mukhang inaantay lang niya na matapos kaming dalawa ni Ali.
-------------