“Asan na kaya ang magaling kong kuya.” luminga-linga pa ito. “Baka nasa study yun workaholic.” nag kibit balikat naman si Tanya saka nag paalam na sa kaibigan. Muntik pang atakihin sa puso si Elly ng magulat ng pag sara n'ya ng pinto maka aninag ng isang imahe sa likod ng pinto kaya agad n'yang binuhay ang ilaw. Tuptop ang dibdib na sinimangutang si Noah. “Kailangan ba talaga patay ang ilaw?” naiiling na usal ni Elly na nilapitan ang bag pack na dala na nasa kama na n'ya na marahil ay binitbit ni Noah pag akyat. Tumaas pa ang kilay ng dalaga ng basta na lang nahiga si Noah sa kama. “Talaga ba Noah! You're lying in my bed?” “Where am I supposed to sleep if not in bed?” pa inosente pang tanong ng binata. “There oh! may long sofa.” turo ni Elly sa corner ng kuwarto n'ya na meron maliit n