Tahimik na kumakain si Shelly ng breakfast pinipilit n'yang mag panggap na okay lang s'ya after ng nangyari kanina pag-gising n'ya. Ilang beses n'yang nahuli si Noah na nakatingin sa kanya na meron malokong ngiti sa mga labi na pilit n'yang denideadma. Habang masayang nakikipag kuwentuhan sa Ninang Mildred at Ninong Henry n'ya. Wala kahit isa sa mga ito na nakakaalam na magkatabi silang natulog ni Noah kagabi. Ano na lang iisipin ng mga ito kapag nalaman na magkatabi silang natulog kagabi habang meron pang isang babae na natulog sa mismong kuwarto ni Noah. “Hindi ka ba na nibago after 10 years ngayon ka na lang ulit natulog sa dati mong room.” tanong ni Mildred na inabutan pa s'ya ng isang slice ng Spam at itlog. Alam kasi nito na paborito n'ya iyon noon panahon na dun pa sila nakatira.