“Hi ate. baba baba baba.” utos ni Sherwin na tuwang-tuwa na makita ang kapatid na may bitbit na box ng cake na favorite nito. “Anak dumating ka na pala. Tamang-tama luto na ang request mong ulam saktong dumalaw din itong si Noah.” wika ng ina na inakay ang bunsong anak at kinuha ang box ng cake sa kanya. “Ate gagamba ang ulam na niluto ni mama. Ewww!” ani pa ni Sherwin napangiti naman si Elly ang tawag ni Sherwin sa Crab ay gagamba kung anong pinaka paborito n'ya s'ya naman ang pinaka ayaw ng kapatid. “Hi.” bati ni Noah iirapan sana n'ya ang binata sakto naman pasok din ng ama na nagulat din ng makita si Noah at mga box ng laruan na nagkalat sa sala nila. “Naku tama na ang pag bili-bili mo ng laruan kay Sherwin napakadami na niyang laruan nakatambak lang dun sa likod bahay. kanina ka p