Mirabella's POV
.
Furious
.
.
Tahimik sina Mama at Papa sa mesa nang makarating ako. Tumikhim si Papa nang humalik ako sa pisngi niya at tipid na ngumiti si Mama nang dumampi ako ng halik sa pisngi niya. I didn't greet them good mornings because for some reason. A heavy burden feeling is swirling inside me and I'm feeling down.
.
Maingat na nilapag ni Yaya ang kape ko at nagpasalamat ako sa kanya. Tinitigan ko na ang mukha ng mga magulang ko at pareho silang walang imik. Hanggang sa maalala ko na ngayon ang food tasting namin ni Juan. Sa hotel na sikat dito sa Cordova magaganap ang venue at may iba't-ibang klaseng pagkain na e-se-serve ng hotel, kaya kailangan namin tikman ang food samples.
.
Pero dahil kaibigan ni Mama ang may-ari ng Hotel ay pupunta rito ang chef nila, at dito magaganap ang food tasting sa bahay mamaya.
.
"Anong oras ba ang chef ng hotel papunta rito, Ma?" tanong ko habang kumakain. Tumikhim lang si Mama at hindi ako tinitigan. Tumayo na agad si Papa at napatitig na ako sa kanya.
"I'll go head of. You can talk to your daughter all about it, Lourdes. I'll be meeting a client in an hour. Mas mabuting umalis na ako dahil importante ito," tugon ni Papa.
.
Tumango na lang din ako. Ganito naman talaga si Papa tuwing umaga. Mahalaga ang negosyo at kliyente niya. Kaya madalas nauuna siyang umaalis at naiiwan kami ni Mama.
.
"Okay, Papa. You take care," I smile widely and stood up. Humalik na ako sa pisngi niya at bumalik din akong naupo sa mesa.
"Hindi mo ba titikman ang niluto ko na paborito mo?" si Mama sa akin.
.
Nakatitig siya sa choriso fried rice. Napangiti ako. Alam ko naman na siya ang nagluto nito. Gusto ko kasi mamaya ko na kakainin ito dahil sa food tasting na mangyayari. Dahil kong kakainin ko ito ngayon ay tiyak busog na busog na ako at wala na akong gana mamaya sa food tasting namin ni Juan.
.
"Mamaya na, Ma. Okay na sa akin ang kape at konting itlog. Saka ko na lalantakan iyan kapag natapos na namin ni Juan ang food tasting mamaya para sa kasal," ngiti ko kay Mama. Ininom ko na rin ang kape ko.
"M-Mirabella..." tugon niya at sabay tikhim. Seryoso agad siyang napatitig sa akin.
"Yes, Mama?" lawak na ngiti ko.
.
Pakiramdam ko kasi importante ang sasabihin niya ngayon. I am expecting that at last she will turn over the heirloom to me. I'm getting married soon and it's traditional on the Azuncion family to pass the heirloom from my grandparents to generation.
.
Matagal nang pinakita sa akin ni Mama ito at ang iba ay nasa safety box ng bangko. I can't wait to be the next owner in line. Mahal ang mga ito at milyones pa ang halaga. Namana pa ito ni Papa sa mga magulang niya galing Italya. Papa is half Italian, half Filipino and Mama was a mixed too, pero mas litaw ang Pilipinang ganda ni Mama.
.
"Hija... I have something to tell you and I hope you will understand this," seryosong titig ni Mama sa akin at kinabahan na ako.
"S-Sure, Ma." Sabay lunok ko at titig sa mga mata niya. Umayos na din ako sa pagkakaupo, sa hitsura kasi niya ay tiyak kakaiba ang sasabihin niya sa akin.
"Anak, the wedding is off."
.
Parang igting ng kampana ito sa tainga ko. Natulala ako at hindi makapaniwala. Ngumiti pa ako sa ina ko.
.
"Are you kidding right?" pilit na ngiti ko. "Mama naman palabiro ka talaga," bahagyang tawa ko.
.
Ininom ko agad ang kape at inubos na ito. Nagsimula na kasing mag marathon ang puso ko sa kaba. Dapat sana hindi kape ang ininom ko dahil parang nenerbyos na akong lalo ngayon.
.
"I'm sorry, hija... Pero nakipag-usap si Juan sa amin kagabi at hindi na matutuloy ang kasal, anak."
Agad na pinahiran ni Mama ang labi ng tissue at tulala pa rin ako sa sarili.
"He said he's gonna recompense everything and will double the price. Lumuhod pa siya sa harap namin ng ama mo dahil sa pagkakamaling ito. I think the humours are true, and that woman named Venus is-"
"Tama na, Mama!" Sabay tayo ko. "I don't wont to hear it anymore. Wala akong narinig. I'll pretend that I didn't hear anything at all." Pilit akong ngumiti at inayos ang sarili ko. Pakiramdam ko sasabog na ang puso ko sa galit ngayon.
.
Damn it! Pesti ka talagang palakang Juan ka! Sigaw ng isip ko.
.
"Mirabella!" si Mama. Tumayo na agad siya.
"Ma, don't get me wrong. But I need to talk to him. Kung may isang tao man na magsasabi sa akin na hindi matutuloy ang kasal namin ay walang iba kung 'di ang pesting palaka na Juan iyon! Nakakainis siya!" tigas na tugon ko.
"P-Pero, hija-"
"I'm fine, Mama! Look?" pekeng ngiti ko. "We all knew that were not in-love. Hindi ko naman mahal iyong bwesit na iyon e! Kaso pinaasa niya ako at iyon ang masakit. Makakatikim talaga siya sa akin ngayon!"
.
Mabilis kong kinuha ang sling bag sa gilid at sinuot ito. Para akong sasabak sa gyera at nag-aapoy ang ilong ko sa galit. Anong klaseng kahihiyan ito, Juan? Bwesit na talaga!
.
Humakbang na ako at iniwan si Mama. Nakalimutan ko na tuloy na halikan siya dahil sa para na akong mayon bulkan na puputok na. It's an insult for me that Juan did not even manage to tell it tome personally. Ang kapal naman ng mukha niya! He propose in front of me but then left me hanging! Ano ba ako sa tingin niya? Bwesit talaga!
.
"Mirabella saan ka pupunta, hija?" si Mama.
Tinaas ko lang ang kamay ko sa ere at hindi ko na siya nilingon pa.
"May ililibing lang akong buhay, Mama! Don't worry!" Sabay takbo ko.
.
WALANG SILBE ang araw na ito dahil buong magdamag kong hinanap si Juan at hindi ko siya mahagilap. Umuwi akong na mukhang basang sisiw at gutom sa sarili. Nilantakan ko na ang pagkain na niluto ni Mama at nagluto pa siya ng maramihan sa akin. Kilala talaga ako ni Mama at alam niyang kapag stress ako ay pagkain lang ang katapat ko.
.
Mataba ako three years ago. Trying hard ako na mapansin ni Travis noon. Pero walang epekto! Kaya ang pagkain ang best friend ko noon. Hanggang sa nigising na lang ako sa sarili at kailangan ko ng magpapayat. Pero mukhang tataba na naman ako ngayon dahil sa kabaliwan ni Juan!
.
.
C.M. LOUDEN