Chapter 6. Unrequited Feelings

1493 Words
Unrequited . Mirabella's POV . .   "Ang ikli nito, Kalel!" inis na tugon ko. Hinila ko nang husto ang damit at hindi maipinta ang mukha ko sa sarili habang nakatitig sa salamin. "May damit ba na ubod ng ikli, Kalel? Ikakasal ako at hindi ako rarampa sa entablado at ipapakita ang legs ko!" . Pinalakihan ko na siya ng mga mata at natawa lang din ang bakla! Ang sarap sabunutan talaga. Naiinis ako dahil dapat sana ay sasamahan ako ni Juan ngayon at kaming dalawa ang sabay na magsusukat ng damit. Pero umatras ang walanghiya! May emergency raw siya. . Ano kaya ang emergency ng Juan tamad na ito? May mas importante pa ba sa kasal namin? E, sa susunod na linggo na ito at parang na-praning na ako. Dumagdag pa ang tsismis, na kuno ang babae noong nakaraang araw ay ngayon nakatira na sa bahay ni Juan. . Hindi ko alam ah! Makakatikim talaga siya sa akin mamaya. . "Senyorita Mirabella, may ilalagay naman po tayo sa sa baywang mo. Heto oh," arteng tugon ni Kalel at tumaas na ang dalawang kilay niya. E, mukha siyang palaka! Dahil wala namang kilay ang bakla. "Ayan oh, 'di ba bonga!" Pilantik ng kamay niya nang mailagay ito ng maayos. . Namaywang na ako. Tama nga naman siya Na-imagine tuloy na ganitong-ganito ang mga showgirl. Iyong ang hahaba ng damit nila na parang damit pangkasal tapos hahablutin lang din at kita na agad ang legs nila. . "Showgirl ba ako, Kalel? Ginawa mo na yata ang damit ko sa mga showgirl sa Las Vegas ah!" kunot-noo ko. Ngumuso agad siya. "Ikaw naman, senyorita. Hindi ah... Ang ganda nga." Ikot ng mga mata niya at inayos na niya ang tagiliran ko. "Nasaan ba jasi si Juan baby? Ipapaayos ko pa ang tuxedo niya. Baka kasi hindi magkasya  sa kanya. Kasi nga ang laki ng dibdib niya 'di ba? At putok na putok pa ang ano-" Hindi niya natapos ang gustong sabihin dahil napangiwi ako. Ngumiti siya sa akin sabay dila sa labi niya. Eww, kaloka talaga ang baklang ito! . Ngayon mas-domoble na yata ang inis ko kay Juan. Bwesit na Venus na iyon! Hindi ko naman ugali ang magselos dahil wala naman akong gusto sa Juan chicharon na iyon. Pero kahit na! Magiging asawa ko na siya. Hindi ba dapat mas mahalaga ako kaysa sa sino pang impakta! . Bumaba na ako sa maliit na stage na gawa sa kahoy at hinawi ang wedding gown ko. Tama nga naman si Kalel pang showgirl type ang damit na ito. Dahil agad lang napunit ang harap at lantad na agad ang legs ko. . "Ay naku po, chicharon!" Mura niya at napatakip bibig na. "Ayusin mo ito, Kalel! Ayaw kong maglakad na hubad. Baka gusto mo gawin kitang kabayo kapag nangyari iyon!" "Okay, senyorita," ikot ng mga mata niya. . Hinubad ko na agad ang wedding dress at isinuot pabalik ang damit ko. Naka puting t-shirt lang ako at mini-shirt. Hindi naman maikli ito. . "Ang init ng Cordova 'te! Ano bang nangyayari sa mukha mo?" taas kilay ni Bebe. "Asaan na si Juan baby? Bakit wala rito?" . Napatingin siya sa bawat sulok na parang baliw. Hindi ko napansin ang presenya niya dahil naging abala ako sa pagpalit ng damit kanina. FIY, si Juan lang ang pinuntahan niya rito at hindi ako! . "Wala! Hindi sumama. May emergency raw." Napangiwi ako sabay suot sa flat shoes. "Talaga? May mas importante pa ba sa kasal ninyo? Oh my gosh, girl! This is not a good sign. Hindi kayo para isa't-isa," tili niya na parang sira. . Napangiwi ako at pinalakihan ko na siya ng mga mata. Kakaiba kasi ang nakikita ko sa kanya na parang ang saya-saya pa ng bruha! Kanina pa ako naiinis dahil kay Juan. Tapos heto si Bebe dadagdag pa. . "Gaga! Umalis ka nga!" Sabay tulak ko sa kanya. Nakaharang kasi siya sa daanan ko. Sumunod din naman siya sa likod ko. "Ano itong naririnig ko na meron daw babae sa bahay nila Juan? At galing Maynila ito? What the hell is happening, Mirabella? Is there another chimi-aa woman around my Juan baby?" igting na boses ni Bebe. . Nahinto ako at hinarap na siya. Namaywang na ako. Hindi ko alam kong matatawa ba ako o maiinis sa mga balita ngayon. Ang bilis kumulat na parang apoy. Kaya nag-aapoy na rin ang mga mata ko. . "Oo, totoo! At buntis daw," inis sa tugon ko kay Bebe at nanlaki ang mga mata niya. . Umirap na ako at nagpatuloy sa lakad. Ang akala ko nga nakasunod ang bruha sa likod pero ang tahimik lang din, kaya nahinto na ako sa sarili at nilingon siyang muli. Napaawang ang labi ko nang makita ang maluha-luhang mukha niya. Mukha siyang pusa na iniwanan ng ina. Kawawa naman ang best friend ko. . "Hoy, Bebe tumigil ka na! Halika ka na rito, bilis!" senyas ko sa kanya at natulala lang din siya. Parang walang narinig at nakanganga pa. Napailing na ako. Hay, naku! Ang daming patay kay Juan sa bayan na ito. Inis na isip ko at iniwan ko na si Bebe rito. . Nang makarating sa bahay ay wala sina Mama at Papa at si Yaya Solidad lang ang naabutan ko sa kusina. Nagluluto siya. . "Yaya? Sina Mama at Papa? Wala pa ba?" Lumapit na ako at tiningnan kong ano ang niluto niya. Ang paborito ko ito, ginataang alimango. "Baka mamaya pa, anak," tipid na tugon ni yaya at tumahimik na. "Hmm, okay..." tango ko. Kumuha na ako ng itlog na nilaga at binalatan ito. . Unlimited kami ng itlog ng manok dahil may maliit na farm si Papa. May iba't-ibang uri kami ng hayop sa maliit na farm niya. Nasa kabilang banda lang ito at may iilang tauhan kami rito. Wala kaming problema sa lahat ng pagkain, karne at gulay. Sayang naman ang pagiging Argiculture ni Papa kung hindi gagamitin ito, at ito na rin ang tinapos ko. Mas gusto ko kasi rito sa Cordova. Simpli ang buhay, mapayapa at maraming chismosa! . "Sarap ng itlog, Nay. Gusto niyo ba?" salita ko na puno ng itlog sa bibig. . Kinuha ko pa ang natirang isa. Nagutom ako dahil hindi ako kumain kanina. Inisip ko kasi na mas maganda na huwag kumain habang sinusukatan ako, at ng sa ganoon ay hindi lalaki ang tiyan ko. . "Hindi na. Kainin mo na lahat, anak. Para mamaya may lakas ka." . Kamuntik na tuloy akong mabilaukan sa sinabi ni Nanay. Anong klaseng lakas ba ang tinutukoy niya? Mukhang isasabak naman ako sa gyera. . "P-Po?" Binigyan niya agad akong tubig at ininom ko na ito. "Ibig kong sabihin. Kumain ka ng mabuti para may lakas ka mamaya sa sasabihin ng mga magulang mo," ngiti niya Nanay. Nakahiga na ako ng maluwag. Akala ko tuloy kong anong klase lakas ito. "Hmp, at ano na naman? Pagagalitan na naman ako ni Mama? E, nauna ako ngayong araw na ito at wala si Juan doon. Kung may papagalitan sila ay si Juan iyon at hindi ako!"  . Napairap na ako at ininom ang tubig. Inubos ko na ito at iniwanan si Nanay sa kusina. Umakyat agad akong kwarto. Imbes na maligo ay kinuha ko ang cellphone at naki-chismis sa mga chismosa. . Text to Edna: May bagong chismis ba?" . Edna Chismosa Text: Ay, hala! Mas mabuting ang mga magulang mo ang mag sabi, senyorita. Baka mapugutan ako ng ulo ng Mama at Papa mo. Sorry! . Tumaas agad ang kilay ko at kinabahan na ako. . Me to Edna: Hoy, Edna! Sabihin mo na! . Ilang mensahi pa ang pinadala ko pero wala na. Nanahimik na ang chismosang palaka! Napahiga  ako at kinakabahan sa sarili. Pakiramdam ko ang laking gulo nito. Natulala akong nakatitig sa kisame at pilit na inaayos ang t***k ng puso ko. . I don't really like Juan. Hindi ko siya gusto. Pero kahit papaano ay siya ang pinakamalapit na lalaki sa buhay ko. Tama nga naman siya sa sinabi niya noon. This marriage of convenience is good for the family and for ourselves. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko. Hindi ako masaya at sa tingin ko ay hindi magiging madali ang lahat. Hindi ko alam kong magagampanan ko ba ang papel ko sa buhay ni Juan. . Pinikit ko na ang mga mata at huminga ako nang malalim. Napamulat ulit ang isip ko at nakatitig ng wala sa sarili sa kisame ng kwarto. Ibang mukha ang nakikita ko ngayon at nagsimula ang poot sa puso ko. Kakaibang damdamin ito, iyong klasemg kirot na sakit. . "Pesti ka talaga, Travis! Sana masaya ka sa buhay mo hayop ka!" . Napabangon na ako. Walang silbe ito! Mababaliw ako ng kakaisip sa kanya, kaya mas mabuting magpalamig na muna sa ulo ko. Padabog akong lumabas ng kwarto at pilit na inaalis siya sa isipan ko. . Walang hiyang unrequited feelings na ito! Isip ko. . . C.M. LOUDEN  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD