Mirabella's POV . . . Buong gabi rin akong nag-isip sa kahihiyan na dala nito. Pero ano pa nga ba ang magagawa ko? E nakabuntis na raw si Juan at siya raw ang ama ng dinadala ng Venus na iyon. Baliw talaga! Paano nangyari iyon? E, hindi naman gumagala si Juan. Mga lalaki nga naman paasa! . Gabing-gabi na at hindi ako makatulog. Parang bumalik ang lahat ng sakit sa akin... Una, ang katangahan ko noon kay Travis, at iyon nag-asawa na! At ngayon, mauulit na naman ang buong pangyayari. Pesti talaga! . Nakasimangot akong nakatitig sa malalaking puno sa bakuran. Nasa ikalawang palapag ng bahay namin ang kwarto ko at nakikita ko ang lahat dito. Madilim, pero bilog ang buwan at makikita mo ang liwanag ng mga alitaptap sa nag-iisang puno sa harapan mismo ng kwarto ko. . Maganda silan