Mirabella's POV
.
Chismis
.
.
"Ang aga mo 'ata? Akala ko ba kina Juan ka hanggang gabi?" si Bebe sa akin.
.
Ngumiwi na ako at naupo sa tabi niya. Nilantan ko na ang chichiria na kinain niya. Imbes na umuwi ay sa kaniya muna ako nagpahatid kay Mang June. Napaisip kasi ako kung sino ang babae kanina? E, ang ganda-ganda pa naman niya kahit na mukhang haggard na ang pagmumukha.
.
Buntis raw siya? Palakang marimar na talaga kapag si Juan ang ama!
.
"Hoy! Nakikinig ka ba, Mirabella!?" Sapak ni Bebe sa balikat ko. Pero hindi ko siya pinansin dahil abala ang utak ko ngayon sa isang bagay.
.
Paano nga kapag si Juan talaga ang totoong ama ng pinagbubuntis niya? Paano na ako? Paano na ang kasal namin dalawa? Pesting palaka na talaga! Mura ng isip ko.
.
"Bakit ka ba magpapakasal kay Juan, Mirabella? E, alam ko naman na hindi mo mahal ang taong iyon. Ano? Wala ka na bang choice? Magbibigti ka na ba? At ang nag-iisang boy best friend mo pa ang pakakasalan mo?" boung boses niya. Lumabas na yata ang ugat sa leeg ng bruha!
.
Humarap na ako sa kanya. Nainis na tuloy ako. Nag-iisip kasi ako tapos heto siya talak ng talak na parang sirang plaka!
.
"At ano ang gusto mo? Che!" Irap na tugon ko at mas natawa na ako.
.
I know Bebe loves Juan Buenavista. Matagal na siyang may gusto kay Juan at hindi lang niya masabi ito. Panay lang ang pa-cute niya kay Juan sa tuwing bumibisita ito rito.
.
"Mirabella naman e! Alam mo naman na crush na crush ko si Juan Tamad! Este Juan Buenavista my love pala!" baliw na tugon niya.
.
Napatingala siya sa langit at nakataas ang mga kamay sa ere. Napangiwi na ako. Ang baliw talaga ng babaeng ito! Alam kong gustong-gusto niya si Juan noon pa. Pero hindi ko masisi si Juan kung ayaw niya sa kanya.
.
"I love you, Juan baby!" lakas na sigaw niya at napangiwi na ako.
"Hay naku, Bebe! Sa'yo na si Juan. Iyong-iyo na ang fiancée ko!"
.
Inirapan ko na siya at kinuha na ang lahat ng chichiria sa mesa niya. Ang suka na lang ang iniwan ko at tumalikod na ako at patakbong lumayo sa kanya.
.
"Hoy, Mirabella! Akin na 'yan! At talagang kinuha mo na ang lahat! Kinuha mo na nga si Juan baby ko. Pati ba naman ang pagkain ko. Walanghiya ka talaga!" lakas na sigaw niya at natawa na ako.
.
NAKANGITI pa ako nang makarating sa bahay. Panay ang kain ko sa chichiria at malapit ng maubos ito. Naguguluhan ang isip ko. Hindi kasi maalis sa isip ko ang mukha ng babae kanina. Kung kinis ng balat ang pag-uusapan ay tiyak panalo na ako! Pero mas maganda nga naman siya kaysa sa akin. Ano ba ang laban ko? Hay naku!
.
Nilapag ko na ang natirang chichiria at kumuha ng tubig sa refrigerator. Imbes na ilabas ang tubig ay ininom ko ito sa nakabukang ref. Hanggang sa marinig ko ang boses nang dalawang katulong namin na nasa gilid ng kusina.
.
"Sure ka? Si Sir Juan ang ama? Dios ko santisima!" tugon ng isang boses na sa tingin ko ay kay Edna.
"Oo, hindi pa naman halata ang tiyan niya. Maliit lang pero ang babae may dalang malaking maleta at si Sir Juan ang hinanap talaga!" ang boses ni Yaya Solidad. Tsismosa rin ang isang 'to!
.
Maingat kong sinara ang pinto ng ref at para akong baliw na nagmamasid sa dalawa sa gilid. Sumilip pa ako, at tama nga naman, sina Yaya Solidad ito at ang tsismosang Edna ito!
.
"Halaka! Paano na si Senyorita, Mirabella? Dios ko po!" Sabay takip sa bibig niya. "Ang sampung baka at dalawang kabayo. Sana hindi maihaw bago ang kasal. Kawawa naman," pagpatuloy ni Ednang tsismosa.
"Bobo!" Sinapak na ni Yaya Solidad ang ulo niya.
Napatakip bibig na ako. Nakakatawa kasi silang dalawa.
"Ang mga baka lang ang kakatayin at hindi ang kabayo! Ang bugok mo, ano! Ang kabayo para sa kalesa na gagamitin. Gusto kasi ni Donya Lourdes na kalase ang gagamitin nila. Kaya bumili pa ng dalawang kabayo si Don Philipi," saad ni Yaya Solidad at mas natahimik na ako.
.
Napakurap ako at umayos nang tayo. Dapat sana gugulatin ko ang dalawa sa tsismis nila, pero mukhang ako yata ang nagugulantang sa mga pangyayari ngayon. At talagang bumili pa si Papa ng dalawang kabayo? Para saan? Para iparada patungong simbahan? Kaloka!
.
Alam kong 'atat na si Mama at Papa na mag-asawa ako. E, sa ayaw ko pa ano! P-Pero ano pa nga ba ang magagawa ko. Tama nga naman sila, bente-syete na ako, at kailangan ko na ng isang Juan sa buhay ko.
.
Humakbang ako patungo sa kusina na kong nasaan ang dalawang tsimosa. Natahimik agad sila.
.
"Yaya? Magkano raw ba ang kabayo?" taas kilay na tugon ko.
"H-Ho? A-Ano, Senyorita-" utal na tugon niya at naputol ang salita niya nang si Edna ang tumapos nito.
"Treinta y mil pesos, Senyorita!"
.
Napaawang ang labi ko na parang hindi ako makapaniwala. May dalawang kabayo na kami, sina Whitney at Jackson. Hindi pa ba sapat ito at ito na lang din ang gagamitin? Nakakalito!
.
"Bakit kailangan raw ng kabayo, Yaya? E, nandiyaan naman sina Whitney at Jackson ah! Pwede na iyon," reklamo ko. As if naman sina Mama at Papa ang kausap ko. E, si Yaya Solidad lang naman ito.
"Hindi raw pwede, Senyorita! Sabi ng Mama mo kailangan ng bagong kabayo dahil para sa bagong kasal ito, at kayo iyon ni Senyorito Juan!" proud na ngiti ni Edna. Bilib na talaga ako sa kapasidad niya sa tsismis.
"Ah, ganoon... Kung sabagay tama nga naman si Mama." Tango ko sa kanya. Ngumiti rin agad siya.
"Sabi ko sa'yo e." Pinagalaw niya ang kilay kay Nanay Solidad at mukhang proud pa ito. Kung sabagay may pakinabang naman ang tsismosang Edna na 'to!
"Edna!"
"Yes, Senyorita!" tuwid na tugon niya.
"Manmanan mo nga ang babae na nasa bahay nila Juna kanina. Tapos e-report mo sa akin kung ano at sino siya okay?" Pamaywang ko.
"O-opo, Senyorita. No problem! Makakaasa po kayo!"
"Dios kong bata ka!" tugon ni Nanay Solidad.
Napailing na siya at pinabayaan na kaming dalawa.
"Mamaya na iyan, Edna! Tapusin mo na ang trabaho mo sa hacienda!" saad ni Nanay Solidad sa kanya.
"Opo!" agad na tugon ni Edna at ngumiti na sa akin.
.
Natahimik na akong pinagmasdan siya. Nahahawa na 'ata ako kay Edna ngayon, at gusto ko ng maki-tsismis sa lahat. Hay naku! Iba na nga ang nagagawa ni Juan sa buhay ko.
.
"Sige, Senyorita. Paalam po muna," sabay yuko niya at mabilisan nang tumakbo.
.
Bumalika agad ako sa sala at patingala akong nakatitig sa hagdanan. Nag-iisip ako. Ang mukha na naman ng babaeng iyon ang naalala ko. Sa tingin ko kasi hindi siya basta-bastang babae. Nakakaawa ang hitsura niya pero kinikilabutan ako. Ewan ko ba.
Hahakbang na sana ako nang marinig ko ang boses ni Mama sa likod.
.
"Ang aga mo yata? Akala ko ba mamaya ka pa e-uwi ni Juan?"
.
Napalingon agad ako sa ina ko na ngayon ay may bitbit na bulaklak sa kamay niya. Namangha ako dahil ang lily the valley ito. Galing ba siya sa farm ni Juan?
.
"M-May bisita kasi, Mama. Pero tapos na ang sorpresa ni Juan sa akin!" Ngiti ko sabay pakita sa singsing sa kamay ko.
"Ang ganda!" Manghang tugon ni Mama at lumapit na siya. Hinawakan ang kamay ko at tinitigan ang singsing na suot ko.
"Oh, I can't wait to have little apo's," ngiti ni Mama at napangiwi na ako.
.
Hindi ko pa yata inisip ang ganoon sa amin ni Juan. Eww! Hindi ko yata kayang halikan man lang siya. Paano pa kaya kung anak na? Dios ko po!
.
"Maliligo na ako, Mama!" Sabay bawi sa kamay ko at tinalikuran na agad siya.
"Hoy, Mirabella! Bukas magsusukat ka sa damit mo," pahabol niya.
Itinaas ko na ang kamay ko sa ere. "Okay, no problem, Ma!" Kaway ko sa kanya.
.
.
C.M. LOUDEN