Chapter 13

2935 Words
[FRANCELI] Naloka ako sa sinabi ni Luthan. Hindi ko akalain na may ganito pala siyang 'misyon' na dapat gawin dito sa lupa kapag naging tao na siya. May hinahanap pala siyang isang dating bulalakaw? "Iris? Babae itong hinahanap mong bulalakaw?" tanong kong sobrang naintriga. Tumango siya. "Oo. Nauna na siya rito sa akin." "Kamag-anak mo ba siya?" "Hindi." "Jowa? Girlfriend?" "Hindi ko siya girlfriend, Franceli. Di ba nga at hindi naman kami marunong magmahal?" Natawa ako dun. "Sorry naman. Eh sa marami rin namang taong hindi marunong magmahal." "Lahat kayo my kakayahang magmahal," pagtatama niya naman sa akin eh nagbibiro lang naman ako. "Hindi nga lang kayo lahat marunong magmahal nang tama." Na-impress naman ako sa sinabi niya. "Oo na, ikaw na ang maraming alam sa ganyan. Pero grabe ka Luthan ha. Bakit ngayon mo lang ito sinabi sa akin? May love interest ka na pala ha..." kunwari tukso ko pero naiintriga talaga ako. "Anong love interest?" "Eh 'di si Iris... Aba'y malay ko ba kasi kung against all odds pala ang peg niyo ng Iris na yan," paliwanag ko. "Di ba sa bawat rule naman ay palaging may exemption? Malay mo naman 'di ba at kayo pala yun. Eh paano kapag pareho na kayong naging tao ngayon? Baka maging magjowa pa kayo agad." Umiling si Luthan sa sinabi ko. "Imposible pa yan sa ngayon. Kaya nga parehas naming nais maging tao. Kasi gusto naming maranasang umibig." "Ah..." Tumango na lang ako kahit ang totoo ay 'di ko pa rin maintindihan ang tungkol sa kanilang mga dating bulalakaw at mga bituin. "Kaloka ka, Luthan. May misyon ka pa lang ganyan eh hindi mo man lang kinukwento. Next time pwede mo akong pagsabihan tutal close naman na tayo..." Tumango siya roon. Ako naman, ewan ko ba. Bigla akong nakaramdam ng magkahalong inis at lungkot sa nalaman ko. Naiinis yata ako kasi 'di man lang sinabi ni Luthan na may mga ganito pala siyang balak sa buhay niya. At siguro nalulungkot din ako ngayon pa lang sa pag-alis ni Luthan sa bahay ko kapag naging tao na talaga siya. Eh kasi naman, nasanay na 'ko sa presence niya. Tapos bigla na lang siyang aalis kapag maging tao na talaga siya upang makipaglandian na sa Iris na yun. "May sinasabi ka ba, Franceli?" tanong niya bigla at nagulat naman ako at bumubulong na pala ako sa sarili ko. "Ah wala," palusot ko. "Iniisip ko lang kung sino naman kaya ang susunod nating paiibigin na ex-shooting star. At nga pala, sana 'wag ka nang gumamit pa ng liwanag mo ha kung hindi naman talaga natin super kailangan. Yung sa pagbisekleta mo pwede ka namang natuto talaga kung nakinig ka lang sa mga sinabi ko..." "Pero Franceli," sagot niya, "hindi naman ako gumamit ng liwanag para matutong magbisekleta. Nangako ako sa 'yo 'di ba? Inaasar lang kita noon kaya ko sinabing gagamit na lang ako ng liwanag ko." "Ha? Eh paano ka naman natutong magbisekleta nun?" tanong ko na halos lumuwa ang mata ko sa gulat. "Pinuntahan ko si Steph sa kanila. Nagpaturo ako sa kanya. Magdamag nga kaming nag-practice eh. At magaling siyang magturo kaya natuto ako agad." Agad naman akong nagtaas ng kilay sa sinabi niya. "Hoy Luthan! Sinasabi mo bang hindi ako magaling magturo kaya ganun ang nangyari sa 'yo sa practice natin?" Natawa lang si Star Boy. "Matulog na tayo, Franceli. Ayokong mag-away na naman tayo. Kakabati pa nga lang natin eh." Hinawakan niya ako sa kamay at bigla niya akong itinayo mula sa pagkakaupo ko. Siyempre dahil hindi naman ako sanay sa ganitong intimate contact sa iang lalaki eh ikinagulat ko yun. Muntik na akong atakehin ng syndrome ko eh. Alam kong hindi naman ako dapat mailang sa ginawa niya o sinabi niya dahil hindi naman yata tinutubuan ng malisya sa katawan ang mga tulad niyang bituin. Pero iba kasi ang pagkakaintindi ng kaluluwa ko sa sinabi niya. Kung may iba ngang taong nakikinig sa amin siguro iisipin nilang may relasyon kami. Ano ba ito. Laklak pa ng beer Franceli! Ang weird na ng mga iniisip mo! *** Siguro nga ay lasing na ako dahil medyo umiikot na rin ang paningin ko. Pero okay pa naman ang utak ko eh. Inalalayan ako ni Luthan paakyat ng hagdan at doon na niya ako binitawan sa tapat ng kwarto ko. "O, pasok ka na. Good night, Franceli." Nginitian ko siya. "Good night din." Papasok na sana ako ng kwarto ko nang magsalita pa siya ulit. "Sweet dreams. Please dream of me tonight." Para namang nagising ang diwa ko sa narinig ko kaya hinawakan ko siya sa kamay niya. "Teka lang, teka lang. Nakakahalata na akong palagi mo 'yang sinasabi sa akin ah. Saan mo naman natutunan 'yang mga sinasabi mo?" Napakamot siya sa ulo. "Alin ba?" "Yung 'please dream of me tonight' echos mo!" "Ah. Di ba yan naman ang sinasabi niyo sa isa't-isa bago matulog? Naririnig ko yan palagi sa mga tao noong nasa langit pa ako kaya nakabisado ko na rin. Teka, ayaw mo bang sinasabi ko yun sa 'yo' Franceli?" Agad akong umiling. "Hindi naman sa ganun..." Watdahek talaga itong si Luthan! Hindi niya na naman alam ang meaning ng mga sinasabi niya! "May sakit ka ba, Franceli?" tanong niya. "Namumula ka o." Pinakiramdaman niya ang noo ko pero umiwas ako. Naasar ako bigla sa kanya ng 'di ko alam ang dahilan. "Matulog ka na nga Luthan!" sigaw ko na lang sa kanya sabay pasok sa loob ng kwarto ko. Sinara ko na ang pinto pero ramdam kong nasa labas pa siya. "Simula ngayon bawal ka nang mag-good night sa'kin ha!" At nag-dive na 'ko sa kama ko na naiinis dahil nag-iinit ang pisngi ko ngayon at alam kong hindi yun dahil sa beer na ininom namin. Hayst! Kailangan mo na talagang magka-love life, Franceli! Nababaliw ka na! [LUTHAN] Maaga kaming nagising ni Franceli dahil ngayon na ang araw ng karera. Kung ako lang ang masusunod, gusto kong umatras na lang kami tutal natupad na namin ang una naming misyon. Nakuha na namin ang natitirang liwanag mula kay Mikka. Kaso gusto pa ring sumali ni Franceli at sayang daw ang premyo at baka manalo raw kami. Napailing na lang ako. Alam ko naman kasing wala akong panama kay Reuben kaya hindi na ako mangangarap pang mananalo kami sa kanya. Magaling si Franceli, oo, pero ako ang makakapagpatalo sa kanya. Ngayon pa nga lang naghahanda na ako sa maaaring maging sermon sa'kin ni Franceli sa pagkatalo namin dahil alam kong bugbog-sarado ako mamaya. Kinakabahan ako pagdating namin sa race course kung saan gaganapin ang karera. Ang daming tao at ang dami ring kalahok sa karera at lalo lang akong nanliit para sa sarili ko. Ano ba naman kasi ang panama ko kay Reuben? Nakita namin sina Reuben at Leila na mukhang handang-handa na. Hindi ko lang alam kung bakit makapal ang kolorete sa mukha ni Leila gayong wala namang kinalaman ang pagpapaganda sa karerang ito. Sinulyapan naman kami ni Reuben lalo na si Franceli tapos sumeryoso na ulit ito. Mukhang gusto nga niyang manalo. Nakita rin namin sina Mikka at Glen na kumaway pa sa'min ni Franceli. Masaya silang nag-uusap at napapaisip tuloy ako kung sila na ba o ano. "Kaya niyo yan, Luthan! Go, go besh!" sigaw naman ni Steph na nanonood sa audience. May dala pa siyang banner at kinawayan ko naman siya. "Kaya natin ito, Luthan," bulong sa'kin ni Franceli ilang segundo bago magsimula ang karera. "Kapag manalo tayo rito ibibili kita ng isang malaking pack ng Milo sa grocery tapos lalabas tayo ulit para kumain." "Talaga?" natutuwang tanong ko. "Oo naman." "Sinabi mo yan ah!" tugon ko at ngumiti lang si Franceli at natuwa ako dun. Bigla akong sumaya at pakiramdam ko lumakas din ako bigla. Nakahilera na kaming mga kalahok sa starting line at hinigpitan ko na ang hawak ko sa manibela ng bisekleta ko. Noong pumito na bilang hudyat na nag-umpisa na ang karera, agad akong nagpaharurot. Halos magkasabayan lang kami Franceli noong una, ngunit nauna rin siya kinalaunan. Sila na ni Reuben ang nagkaabutan at medyo nainis ako doon kaya sinubukan ko talagang humabol. Ngunit sadyang mabilis ang dalawa kaya 'di ko sila maabutan. Ang sistema pa naman, ang unang pares na makaabot sa finish line ang mananalo. Ibig sabihin, kahit mauna na si Franceli, kailangan pa niya akong hintayin. Alam kong si Reuben ang mauuna sa akin kaya para matalo ko siya kailangan kong mauna kay Leila. At mukhang umaayon sa'kin ang langit dahil nauuna nga ako kay Leila na nasa dulo ng karera. Si Reuben nga ang nauna sa mga lalaki at si Franceli sa mga babae kaya dapat mauna ako kay Leila para kami ang manalo. Humahabol din sina Mikka at Glen na magkasabay pa. Halata tuloy na may pagkakaintindihan na sila. Inaantay na ako ni Franceli sa finish line at binilisan ko pa. Naririnig kong sinisigaw na niya ang pangalan ko. Dinig na dinig ko rin ang mga hiyaw ni Steph mula sa kinaroroonan niya. Nakabuntot naman sa'kin si Glen at gusto akong singitan. Pero hindi ako nagpatalo. Tanging ang boses na lang ni Franceli ang naririnig ko at para bang pinapalakas at pinapabilis niya ako. Hindi ko na nga maintindihan ang nararamdaman ko. Hanggang sa makaabot ako sa finish line at hindi ko alam kung sino ba sa amin ni Glen ang nauna. Halos sabay kasi kaming dumating sa finish line. Parang lutang na ako sa kaba at sa bilis ng pangyayari. Tapos may nagsalita na sa microphone at binabanggit na niya ang mga pangalan ng nanalo pero hindi ko naintindihan kung sino ang binanggit nila. Hanggang sa bigla na lang akong niyakap ni Franceli na nagtititili. "Luthan ang galing mo! Ang galing natin! Nanalo tayo! Panalo tayo!" Hindi ako makapaniwala! Kami ang nanalo! Totoo ba ito? [FRANCELI] Kanina pa ako lutang mula roon sa race course. Siyempre, I can't believe it! Kami ni Luthan ang nanalo! Hindi ko talaga in-expect na kakayanin ni Luthan na maungusan si Glen, na second placer kasama siyempre si Mikka. Grabe na ito. Nakakatuwa! Kanina nga nang tinanggap ko 'yung trophy at cash prize puro tili lang ginawa ko! Eh kasi naman, shocked pa rin ako sa unexpected naming pagkapanalo. Ang nakakatuwa pa, pinansin ako ni Reuben! Nag-congratulate pa nga siya sa akin na nakangiti pa at kinailangan ko pang sampalin ang mukha ko para lang malaman kung totoo ba iyong nangyayari. Kitang-kita ko rin kung gano kahaba ang nguso ni Leila Galema dahil sa pagkapanalo ko at kanina ko pa gustong humalakhak sa kanya sa sobrang galak. Naaawa nga ako kay Reuben eh. Siya kasi ang nanguna sa mga boys kaya kung tutuusin, mas deserving siyang manalo kesa kay Luthan kaso kay Leila siya sumemplang. Kaya ngayon sana naman na-realize na niyang mas bagay kaming dalawa. Alam kong napansin na niya ngayon ang talent ko at sana naman magising na siya mula sa bangungot na dala ni Leila Galema. Nararamdaman ko na talagang malapit ko na siyang makamit! *** Nasa supermarket kami nina Steph at Luthan at namimili kami ng groceries para sa bahay. Katatapos lang naming kumain sa isang restaurant kanina bilang celebration kasama sina Mikka at Glen. Natutuwa talaga ako at MU na 'yung dalawa. Pero hindi na sila sumama sa'min sa supermarket dahil may pupuntahan pa daw sila. Hay, nakakainggit naman sila. Buti pa sila may future na ang love life. "O, ayan na 'yung Milo, Luthan, kuha ka na kahit ilan ang gusto mo..." sabi ko kay Luthan pagdating namin sa hilera ng mga milk products. Tuwang-tuwa naman ang mokong na kumuha nga nang malalaking packs ng Milo. "Wag namang marami Luthan," hirit ni Steph. "Baka masobrahan ka sa tamis. Kanina ka pa sweet, kaya tama na. Holding hands gallore na nga kayo ni besh eh." Agad namang binitawan ni Luthan ang kamay ko. Ay syete. Kanina pa pala kami magka-holding hands. Nasanay na kasi kami sa isa't-isa na feeling mag-boyfriend mula nang magpanggap kami para kina Glen at Mikka. "Uy, namumula sila!" tudyo pa ni Steph sa aming dalawa ni Luthan na lalo pang nagpapula sa buong mukha ko. "FYI ha, okay na sina Glen at Mikka so wala na kayong reason para magpanggap na magjowa. Unless... gusto niyo na talaga?" Nanlaki ang mga mata ko doon sa sinabi ni Steph. "Okay ka ba bruha ka? Siyempre hindi no!" Tapos hinarap ko si Luthan. "Oy Luthan narinig mo? Ititigil na natin 'yung pagpapanggap natin ha?" Nakita kong tumango si Luthan pero halatang nalungkot siya. Ay, ang taray. Nag-enjoy si Star Boy sa pretend relationship namin. Actually, ako din naman eh. Hindi naman kasi ganun kasama si Luthan as boyfriend. Wait, sinabi ko talaga yun? Pero totoo yun. Ang gentleman din kasi ni Luthan. Feeling ko prinsesa ako sa piling niya. Chos. Kaso ganun talaga, hindi kami pwedeng mamuhay sa pretend-pretend habang-buhay. Isa pa, si Reuben ang tunay na nakatadhana para sa'kin kaya sa kanya ako dapat mag-focus. Paalis na sana kami papunta sa counter ng may makabangga kaming dalawang tao. Nagsalpukan ang mga trolley namin at nagkalat tuloy 'yung mga pinamili namin sa sahig ng supermarket. "Ay ano ba yan!" "My gosh, a super duper mega collision!" Agad naming pinulot 'yung mga grocery sa sahig. Ang dami na rin kasing tumitingin, nakakahiya na. Tinulungan din naman kami ng dalawang nakabanggaan namin at nagulat sila nang makita nila si Luthan. "Ikaw?" sabay nilang tanong kay Luthan na gulat na gulat at kami naman ni Steph ang na-shocked din sa nangyayari. Sino naman kaya ang mga ito? "Ikaw nga!" sabi pa ng isa. Lalaki siya pero halatang beki. "Daniella! Siya yun di ba? Yung tumakas?" Tumango naman 'yung babaeng kasama niya na titig na titig kay Luthan. "Oo nga! Ikaw nga 'yung patient na tinakasan kami!" Agad naman akong kinutuban. Staff ba sila ng mental hospital na pinagdalhan kay Luthan ng baranggay noon? Ibig sabihin ba nito pinaghahahanap nila si Luthan dahil tumakas siya doon? Paano na pala 'pag hulihin nila si Luthan? Paano na ang love life ko? "OMG!" sabi pa nung bading na biglang hinawakan si Luthan sa kamay na namumutla na. "Nakakaloka! Alam mo bang matagal ka na naming hinahanap?" Naloko na. Baka hulihin nila si Luthan! Kaya bago pa man nila magawa yun, agad ko nang hinila si Luthan palayo sa kanila at tumakbo kami palabas ng supermarket. "Tatawagan kita mamaya Steph! 'Kaw na ang bahala diyan!" sigaw ko kay Steph na nawindang sa ginawa namin. Mabuti naman at 'di niya kami sinundan at nakita ko pang kinausap niya 'yung dalawa na parang natulala na sa nangyari. Mabilis naman kaming sumakay ng taxi ni Luthan pauwi ng bahay. Buti na lang nakaalis kami agad. Hindi kasi nila pwedeng mahuli si Luthan! Hinihingal pa ako sa loob ng taxi nang kausapin ako ni Luthan. "Ayos ka lang Franceli? Bakit kasi tayo biglang tumakbo?" "Haler? Alangan namang hayaan ko silang mahuli ka at i-report sa mga kasama nila? Tumakas ka kaya mula sa kanila! Siyempre ayoko namang bumalik ka dun!" Napangiti si Luthan sa sinabi ko at napatingin naman sa'min 'yung driver ng taxi na halatang nakikinig sa usapan namin. "At ikaw Manong, yes ikaw. Hindi baliw ang kasama ko ha. Baka nakikinig kayo sa usapan namin." Natawa si Luthan na hinawakan ang kamay ko. Agad ko iyong binawi at sumeryoso ang mukha niya. "Hindi tayo dapat umalis, Franceli." "Bakit naman?" "Nakakatuwa mang malaman na handa mo akong itakas kung kinakailangan pero dapat hindi tayo umalis para nasabi ko sa 'yo agad..." Binatukan ko siya. "Ang alin? Saka 'wag ka ngang pabitin! Sabihin mo na agad!" "Yung kasama ng babae. Yung lalaking parang babae." "Yung beki? Ano naman ang meron sa kanya?" "Franceli... Isa siyang dating bulalakaw." "HUWAT?" Tumango si Luthan. "Siya 'yung sinasabi ko sa 'yo noong nakita kong dating isang bulalakaw.. " Tuluyan nang gumulong palabas ng taxi ang diwa ko sa pagkawindang sa narinig ko. Ngunit kung inakala kong tapos na ang shocking moments ng buhay ko kanina, nagkakamali pala ako. Dahil pagdating namin sa bahay, nagbabangayan kami ni Luthan tungkol sa nakabangga namin kaya hindi namin napansin na may tao na pala na nakaupo sa sofa. Agad siyang napatayo pagkakita sa'kin at para akong naestatwa sa gulat. Parang sinumpong ako ng syndrome sa nakita ko. "Frans? Bakit ngayon ka lang? Kanina pa kita hinihintay. Asan ba ang phone mo at bakit 'di kita makontak?" Hindi ako makasagot sa sobrang nerbiyos. I swear, malapit na akong maihi. At sino ang lalaking yan?" "K-Kuya..." Hindi na ako makapagsalita sa kaba na nararamdaman ko. "Magandang gabi po," bati naman ni Luthan sa lalaking nasa harapan namin ngayon na itsura pa lang ay parang kakainin na kami nang buo ni Luthan. "Ako po si Luthan. Boyfriend po ako ni Franceli." "WHAT?" "Kuya! Nagkakamali ka ng dinig! Ano--- hindi---" Pero sinamaan na ng tingin ni Kuya si Luthan. "Boyfriend ka ni Frans? Kailan pa? At bakit ka nandito sa bahay namin?" "Kuya!" sigaw ko na. "Hindi nga eh!" "Opo. Boyfriend nga po ako ni Franceli. Sinasamahan ko po siya rito... Sino po kayo?"  Magalang 'yung pagkatanong nun ni Luthan pero gusto ko pa rin siyang sapakin. Waah! Bakit niya sinabi 'yung mga sinabi niya? Juskolord! Pinalala niya lang ang sitwasyon! Patay ako ngayon kay Kuya! "Tangna..." bulong ni Kuya na halatang galit na. "NAGLI-LIVE IN NA KAYO?" Tumango si Luthan na ikinaloka ko. Bakit siya tumango? At alam niya ba ang ibig sabihin ng 'live in'? Paano ba mag-hara kiri habang nagpapatihulog mula sa isang mataas na building? Magsasalita na sana ako para magpaliwanag kaso bigla na lang sinuntok ni Kuya si Luthan at nakita kong gumulong si Star Boy sa sahig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD