Chapter 12

3516 Words
[FRANCELI] Kung noong una akala ko ay mahihirapan kami nang bongga ni Luthan kina Glen at Mikka, ngayon parang unti-unti nang nagkakaroon ng pag-asang posible na ngang humantong sa happy ending ang dalawa. Pinanood kasi namin sila sa dalawang araw na kasama namin sila sa practice sa Science Garden. Nakakatuwa lang na parang close na close na silang dalawa. Sineryoso na yata ni Mikka ang mga sinabi ko sa kanya at kinosider niya ang mga yun na challenge' kaya nagi-effort na siyang magparamdam kay Glen. Natakot yata sa example ko na baka matulad lang sila sa amin ni Reuben mylabs. Nalaman ko na rin mula kay Mikka ang history nilang dalawa ni Glen at kahit ako personally ay gustong-gusto ko na silang maging magkasintahan. Magkababata pala sila at mag-classmates mula elementary. Nasa iisang circle of friends lamang sila kaya hindi raw naiwasan ni Mikka na magkagusto kay Glen. Sabagay, gwapo naman talaga si Glen at may sense kausap. Siya rin kasi 'yung tipo ng lalaking gumagwapo sa pagiging mabait at maalalahanin sa mga kaibigan niya. Nakikita ko rin naman na kapag kaibigan mo siya, ipaparamdam niya sa 'yong mahalaga ka,na sinang-ayunan ni Mikka. Isa siya sa mga nice guys, kumbaga. Tumindi naman daw ang pagkagusto ni Mikka kay Glen kasi naging popular ang huli sa school kasama siyempre ni Reuben mylabs. Ang kaso nga lang, nagka-girlfriend ng iba si Glen noon na ikinasawi ng puso ni Mikka (of course hindi niya alam na posibleng epekto yun ng natitirang liwanag sa kanya.) Kaya naman natutunan na lang ni Mikka na mahalin si Glen mula sa malayo. College days came and close friends pa rin sila hanggang sa nabreak sina Glen at 'yung girlfriend niya at kahit papano ay umasa si Mikka na mapapansin na rin siya ni Glen. Kaso nitong mga nakaraang araw ay mukhang may ibang nagugustuhan si Glen (na ako pala) at gusto na nga raw sumuko ni Mikka. Pero dahil sa hindi ko naman gusto si Glen at may 'boyfriend' naman ako ay umasa ulit si Mikka. Malaki nga raw ang pasasalamat niya sa akin kasi tinutulungan ko siya ngayon. Ako naman, siyempre bukod sa personal reasons ko kung bakit ko siya tinutulungan, naging attached na rin ako sa kwento nila ni Glen. Relate na relate kasi ako, iyon bang wala kang magawa kung hindi umasang mapapansin ka rin ng taong gusto mo. Kaya nga gustong-gusto kong magkadevelopan 'yung dalawa para kahit sila man lang eh magkatuluyan 'di ba. Kaya ginagawa ko ang lahat matulungan ko lang si Mikka. Gabi-gabi akong humihingi ng update mula sa kanya at natutuwa naman akong mukhang interesado na nga si Glen sa love life ni Mikka. At para lalo pang maging mas effective ang plano ko, umarte kami ni Luthan na maging sweet sa isa't-isa para matanggap na nang tuluyan ni Glen na hindi ako ang babae para sa kanya. Nariyan na maya't-maya ay pinupunasan ko ang pawis ni Luthan o 'di kaya ay binibigyan ng tubig. Siya naman, mega alalay sa'kin sa pagbibisekleta at paminsan-minsan yumayakap pa ang kumag sa akin na ikinaloloka ko. Sinaway ko tuloy siya. "Hoy Luthan, kung makayakap naman," singhal ko nang malayo na kami sa iba pero niyakap niya pa rin ako. "Pasensiya ka na, ang sarap pala kasi sa pakiramdam na may kayakap," sagot niya na parang nahihiya at tumambling naman sa Pluto ang diwa ko sa sinabi niya. Ano ba itong si Luthan? Nagkakamalisya na ba ito sa'kin? O sadyang malisyosa lang ako? Pero imposible. Kasi bituin pa rin si Luthan. Ibig sabihin, hindi pa rin siya capable na magmahal. Baka nagi-enjoy lang siya sa mga natututunan niya. Oo tama. Yun lang yun. Stop overthinking Franceli! Ang dapat mong pagtuunan ng pansin ay ang misyon niyo kina Glen at Mikka! *** Sa huling araw ng practice, isang araw bago ang competition, puspusan na ang effort naming lahat sa pag-eensayo. Nagkaroon pa nga kami ng mock race at si Steph pa ang nagsilbing referee at flag girl. As expected si Reuben mylabs ang nanguna sa boys. My God, ang galing-galing niya talaga. At ako naman ang nanguna sa girls. O 'di ba bagay kami ni Reuben?  Parehong nangunguna! Pangalawa naman si Glen and last si Luthan. Tapos second naman sa girls si Mikka at kulelat naman si Leila Galema. Muntik pa nga akong tumambling sa lupa sa katatawa kasi akala mo binagyo si Leila sa itsura niya pagkatapos ng mock race. Ang masaklap pa, hindi siya inintindi ni Reuben na naupo lang sa isang bench upang magpahinga. Si Luthan naman agad akong inasikaso at nawindang pa nga ako nang bigyan niya ako ng meryenda. Sweet talaga si Star Boy sa'kin at masasabi kong pwede na siyang gawaran ng acting award sa ginagawa niya. Nag-volunteer pa siya na ibili ako ng tubig na naging dahilan sa biglang paglapit sa'kin ni Glen. "Franceli," tawag niya sa'kin at umupo siya sa tabi ko. "Galing mo talaga sa bisekleta..." puri niya at na-awkward ako agad. Ngumiti na lang ako sa kanya. "Salamat Glen," sagot ko. "Kumusta ang teamwork niyo ni Mikka?" "Okay naman," sagot niya na tunog hindi okay. Mukhang may problema itong dalawa. Pilit kasi ang ngiti eh. "Talagang ha." "Hmm... Franceli, naguguluhyan lang ako..." pag-amin niya na ipinagpasalamat ko dahil malaking tulong sa amin na nago-open up siya ng nararamdaman niya. "Ano ba yun?" "Franceli, tell me honestly. Hindi ba ako gwapo? Hindi ba ako boyfriend material?" Seryoso ang mukha ni Glen at siyempre nawindang ang diwa ko. Hirap na hirap nga akong pigilan ang matawa. "Ano namang nakain mo at tinatanong mo yan?" Malungkot ang mga mata niya at bigla akong nakaramdam ng awa na hindi ko alam kung saan nagmula. "Kasi, lahat ng babaeng gusto ko, may gustong iba..." sagot niya na parang nahihiya. "Sorry kung sinasabi ko sa 'yo 'to ha, wala lang kasi akong ibang mapagsabihan." Tumango ako. "Bakit, 'di mo ba yan kinukwento kay Reuben? O kay Paco? O kay Mikka? Di ba partner mo siya at close kayo?" Natawa si Glen sa sinabi ko. "Hindi kami nag-uusap ni Reuben ng mga ganitong bagay. Si Paco naman, tatawanan lang ako nun." "Eh si Mikka?" tanong ko pa. I knew I hit bullseye kasi natahimik siya ng ilang sandali. "Close kami ni Mikka, pero ano kasi..." "Ano?" "Franceli, kilala mo ba 'yung lalaking gusto ni Mikka? Nakukwento niya ba sa 'yo?" tanong niya nang dire-diretso at kung pwede lang na magtatatalon na ako sa tuwa, malamang ginawa ko na. Paano ba naman kasing hindi? Confirmed! Glen is interested with Mikka! I tried my best to tell him what I need to tell him. "Hindi ko siya kilala personally' Glen. Pero nakukwento nga siya ni Mikka. Alam mo, kinikilig nga ako para kay Mikka eh. Kasi nililigawan na siya ng lalaking yun!" Umarte pa akong kunwari kinikilig. "Talaga?" tanong niyang parang nanghihina. Tapos tumawa siya. "So magkaka-boyfriend na rin sa wakas si Mikka..." Napatingin siya sa malayo. Halatang nag-iisip nang malalim. "Oo! Sabi niya baka sagutin niya na raw yun one of these days!" dagdag ko pa.  "O bakit malungkot ka? Wait, don't tell me nagseselos ka?" "Can I tell you a secret Franceli?" tanong niya at tumango ako. "Gustong-gusto ako ni Mikka since high school. Alam ko naman yun. Kaso best friend lang talaga ang turing ko sa kanya ng mga panahong yun. Para ko na nga siyang kapatid na babae kung ituring ko." "Ah, parang alam ko na ang nangyayari... Dahil sa gusto ka niya kaya hindi mo siya pinapansin talaga," sagot ko na 'di ko mapigilang humugot ng feelings sa aking imaginary balon. "Alam mo Glen, ganyan kayong mga lalaki eh. Kapag may nagsasabi sa inyong gusto nila kayo, you tend to ignore them. Wala kasing challeng. Ang gusto niyo, kayo ang naghahabol." Nakatitig lang sa'kin si Glen kaya pinagpatuloy ko lang ang hugot-lecture ko sa kanya. "You have this notion that you should have the upper hand in a relationship. Na dapat kayo ang manliligaw, kayo ang mag-e-effort. Kapag kayo ang sinusuyo, hindi niyo siniseryoso... Sa iba kayo titingin. Ngumiti si Glen at halatang napabilib ko siya sa mga pinagsasabi ko. "Tapos saka niyo lang makikita ang worth ng isang babae kapag 'di na sa 'yo umiikot ang mundo niya. Pero mali yun Glen. When a girl likes you and confesses to you, she is actually taking a chance with you because she thinks you are too good to just let you pass. Gets mo? Ang alam ko kasi sa love, walang fixed set of rules yan na dapat sundin. Basta feeling mo right moment na, you just love that person." "Wow, Franceli. Ang deep," sagot ni Glen na nakangiti na ulit. "Talaga! Hugot yun sa balon!" sagot kong tumatawa rin. "Pero Glen, gusto kong malaman. Do you like Mikka?" Matagal bago siya sumagot. "Yes, in a way." "Anak ng singkamas ano 'yung 'in a way'?" frustrated na sabi ko. "Magkaka-boyfriend na siya. Kapag mangyari yun, sure ako di na kayo magkakasama nang madalas. O hindi na siya magiging super close sa 'yo. Tapos ikaw, saka mo lang mararamdamang gusto mo naman pala talaga siya 'pag nasa piling na siya ng ibang lalaki. Kaya utang na loob Glen. I know at least you like her kaya kumilos ka na. Wala kayo sa pelikula na sure kang kayo pa rin ang magkakatuluyan sa huli." Hindi na makapagsalita si Glen at alam kong nananalo na ako. Pustahan tayo, 'di magtatagal at susundin niya ang payo ko. "Glen, minahal ka ni Mikka ng ilang taon. Hindi naman yun agad mawawala sa kanya. If you just tell her that she's special to you... Malay mo naman 'di ba?" Tumayo na ako pagkatapos nun. Iniwan ko si Glen na nakatulala sa inuupuan namin. Sure ako, napaisip ko siya nang bongga. Kaya kapag wala pa siyang gawin, ewan ko na lang. [LUTHAN] Gabi na nang matapos ang huli naming ensayo para sa karera bukas at kinakabahan na ako. Kahit naman hindi ang manalo ang pakay namin ni Franceli kung bakit kami sumali, unang beses na sasali ako sa isang palaro kaya kinakabahan talaga ako. Isa pa, hindi pa rin ako ganun kagaling sa pagbisekleta at baka mapahiya si Franceli ng dahil sa'kin. Ayoko namang mangyari yun sa kanya. Pauwi na kami nang bigla akong hinila ni Franceli at nagtago kami sa may mga puno sa gilid ng kalsada. Agad niyang tinakpan ang bibig ko at sinenyasang 'wag akong mag-ingay. May narinig kaming mga boses na papalapit kaya lalo pa kaming sumuksok sa likod ng mga halaman. Nasa may daanan na kasi kami palabas ng Science Garden at kung sino man 'yung mga nagsasalita ay tiyak pauwi na rin sila. "Mikka, hintay!" sigaw ng boses ni Glen at sumulyap ako sa kanila. Nauunang naglalakad si Mikka pero nahabol siya agad ni Glen. "Glen, uuwi na ako. I'm sorry." "Bakit ka naman biglang umatras sa Amazing Cycling Race?" tanong ni Glen na mataas na ang boses. Parang kinikilig naman sa tabi ko si Franceli na bulong nang bulong sa tenga ko. "This is it, Luthan!" bulong niya. "Ayan na si Glen! Watch and learn!" "Sinabi ko na sa 'yo 'di ba?" mahinang sagot ni Mikka rito. "May lakad ako bukas kasama ni---" "Talagang iiwan mo 'ko sa ere?" tanong pa ni Glen. "Ganun mo na ba kagusto 'yang lalaking nanliligaw sa 'yo?" "Pwede ka pa namang maghanap ng ibang partner. Kung gusto mo, tutulungan kita---" "Paano na ang pinagsamahan natin? Mikka, wala lang ba yun sa 'yo? Hindi ba best of friends tayo?" "Ano ba Glen, sabihin mo na kasi ang feelings mo!" naiinip na bulong ni Franceli sa sarili niya. "May ipapalit naman ako bukas. Tutulungan kita, maraming magkakagustong maka-partner ka, for sure. Hindi ka naman mawawalan ng partner. Hindi lang talaga ako pwede bukas, Glen. Sorry talaga." Naging tahimik muna ang paligid at hindi ko maiwasang kabahan. Tapos bigla akong may nakitang liwanag kay Mikka at muntik na akong matumba sa pinagtataguan namin. Ito na! May mangyayari na! "Hindi naman 'yung pagkakaroon ng partner ang importante sa'kin Mikka," sabi ni Glen at lalong nagliliwanag si Mikka. Hindi iyon nakikita ng mga tao kaya wala pa ring reaksiyon si Franceli sa nakikita ko. "Ano pala ang problema mo?" tugon naman ni Mikka. Halatang kinakabahan din siya sa mga sasabihin pa ni Glen. "Ikaw, Mikka," sagot ni Glen at nilapitan niya ang dalaga na hinawakan niya sa kamay. "A-Ako?" "Oo, ikaw..." "Glen, sinabi ko na sa 'yo---" "Hindi nga ito tungkol sa karera na yan!" "Eh tungkol s-saan?" Sa patuloy kong pagsilip sa nag-uusap ay halata na ang pamumula ng buong mukha ni Glen. "Ayokong mawala ka bukas! Ikaw lang ang gusto kong partner!" anunsiyo niya na parang walang karapatang humindi si Mikka sa sinasabi niya. "Ang selfish mo' Glen." "Ayoko ring...ayoko ring makipagkita ka sa lalaking yun bukas..." nauutal na sabi ni Glen. "What?" "Franceli was right. I should really tell you what I feel. Kahit parang may gustong pumigil sa loob ko na sabihin ko 'to sa 'yo. I really should tell you na nagseselos na ako. Hindi ko alam kung bakit ko nararamdaman 'to, pero sigurado akong nagseselos ako." "Ha?" "Ayan na Luthan! This is really is it!" sabi pa ni Franceli at lalo pang nagliliwanag si Mikka. "Huwag mo akong paglaruan, Glen." "Hindi ako nakikipaglaro sa 'yo, okay? Ilang araw din itong gumugulo sa isipan ko! Tingnan mo nga at ang laki-laki na ng mga eyebags ko kakaisip sa 'yo!" "Glen---" "Mikka, I think I like you..." putol agad ni Glen sa sasabihin pa sana ni Mikka. Tuluyan nang kumawala 'yung kumpol ng liwanag mula kay Mikka at pumaibabaw ito sa kanya na parang bahaghari. Sayang nga at hindi ito nakikita ni Franceli. "Ayokong iwanan mo 'ko... Please..." "Seryoso ka ba Glen?" tanong ni Mikka na hindi makapaniwala. "Oo naman." "Pero akala ko si Franceli ang gusto mo?" "Akala ko rin eh," nakangising tugon ni Glen. "Pero ikaw pala... Alam ko na crush ko siya all this tim, pero alam ko rin naman noon pa na wala akong pag-asa sa kanya... Kaya nga parang hindi naman ako gaanong nasaktan nang ni-reject niya ako. In fact, mas masakit 'tong ginagawa mo sa akin..." "So kasalanan ko pa? Eh nuknukan ka ng pagkamanhid!" "Kaya nga I'm sorry... Huwag mo na akong iwan Mikka... Please?" Hinahampas na ako ni Franceli sa sobrang saya niya at nakikita ko na ang liwanag mula kay Mikka na papunta sa langit. Alam kong kapag kumawala ang isang kumpol ng liwanag mula sa pinagmulan nito ay babalik ito sa mga bituin kaya ginawa ko na ang lahat nang magagawa ko. Pinagliwanag ko saglit ang katawan ko upang lumapit sa'kin ang liwanag ni Mikka. Tagumpay ako. Pumasok sa katawan ko ang liwanag mula kay Mikka! "Mikka, pwede ba kitang ligawan?" dinig kong tanong pa ni Glen. Nakita kong halos pinipigil na lang ni Mikka ang tuwa niya. "Glen kung manliligaw ka, huwag mo nang ipagpaliwanag. Gawin mo na lang... Salamat naman at natauhan ka na..." "Ha?" "Wala. Kita na lang tayo sa race bukas," sagot ni Mikka at lumayo na ito kay Glen. "Teka Mikka, ihahatid na kita sa inyo!" pahabol pa ni Glen at nakalayo na sila. Nang malayo na sila ay saka nagtitili si Franceli. "Luthan! Umamin na si Glen! Paano ba yan? Eh 'di makukuha mo na ang liwanag mula kay Mikka!" Ngumiti ako kay Franceli. "Tapos na Franceli. Nakuha ko na ang liwanag mula kay Mikka." [FRANCELI] Sa sobrang saya ko ay niyakap ko agad si Luthan. "Ang galing natin Luthan! Ibig sabihin nasa katawan mo na 'yung liwanag na galing kay Mikka?" Tumango si Luthan at lalo ko pa siyang niyakap. "This calls for a celebration!" sabi ko pa at lumabas na kami sa pinagtataguan namin. Pinuntahan namin 'yung mga bike namin. Grabe, ang saya-saya ko ngayon! "Oy Luthan, karera tayo hanggang sa bahay! Ang mahuli may parusa!" sigaw ko sabay sakay sa bisekleta ko at nagpaharurot na ako palabas ng Science Garden. "Hoy Franceli teka lang! Madaya ka!" sigaw ni Luthan na nagbisekleta na rin. Tawa ako nang tawa kasi hindi niya ako mahabol. "Habol pa Luthan! Ano ba yan ang bagal!" tudyo ko sa kanya at binilisan ko pa. Aba, bumibilis si Star Boy. Kailangan kong mauna! "Franceli! Ang mahuhuli sa atin siya ang magluluto!" sigaw ni Luthan na nauuna na. Oh no! Dapat ako ang mauna! Kaya kinarir ko na ang pag-pedal at naging gitgitan ang laban namin ni Luthan. Hanggang sa makarating kami sa bahay dikit ang laban namin ni Luthan. Nauuna lang ako nang kaunti. Siyempre expert na ako rito kaya ako ang mananalo! Humanda ka Luthan at ikaw ang magluluto! "Uy Franceli si Reuben ba yun?" turo ni Luthan sa may kanto at napalingon ako ng isang saglit. Sinamantala naman niya ang pagkakataon at nauna nga siyang makarating sa gate ng bahay! "Hoy walang hiya ka Luthan ang daya mo! Alam na alam mo talaga ang weakness ko!" Pinaghahampas ko siya at todo iwas naman ang mokong. "Aray Franceli!" reklamo niya. "Ang lupit mo talaga! Tama lang naman na ikaw ang magluluto! Kapag ako ang magluto hotdog at itlog na naman ang lulutuin ko! Eh 'di ba ayaw mo yun?" Aba, talaga naman o! Nanakot pa? "Hoy Luthan, pasalamat ka masaya ako ngayon at 'di kita papatulan!" singhal ko. Pinasok na namin ang mga bisekleta namin at naligo na muna ako kasi ang lagkit ko. Paglabas ko nasa sala na si Steph na may dalang pizza. Tinext ko kasi siya na pumunta ngayon dito sa bahay dahil magkakaroon kami ng celebration. Nagluto na rin ako ng pansit at kumain na kami. Bumili naman ng beer si Steph at naloka pa ako na ginagawa niya lang juice 'yung beer. "Para sa umuusbong na love life mo, besh!" sigaw ni Steph. "Cheers!" "Cheers!" sabi rin namin ni Luthan at nagtagay na kami. Kumain lang kami nang kumain at kwento naman nang kwento si Steph sa mga posibleng mangyari 'pag maging 'kami' na raw ni Reuben. "Pano ba yan besh. Kapag matupad na ang wish mo kay Luthan, eh 'di magiging kayo na ni Reuben. Tapos magiging sweet na kayo sa isa't-isa. Baka naman maging busy ka na niyan kakalampungan kay Reuben tapos 'di mo na kami pansinin niyan ni Luthan." Natawa ako. "Ang OA ha. Isang dating bulalakaw pa lang ang nakukunan ni Luthan ng liwanag. Teka nga pala Luthan, ilang ex-shooting star ba ang kailangan nating paibigin?" "Di ko alam," sagot ni Luthan na napakamot sa ulo. Pulang-pula na siya mula sa beer at natawa ako kasi ang bilis niyang mamula. "Pero mararamdaman naman yun ng katawan ko kung sapat na ang liwanag ko para tuparin ang hiling mo." "Kumusta naman ang pakiramdam mo ngayong may nakuha ka ng liwanag?" tanong ni Steph. "Ayos naman. Parang lumakas ako bigla." Tumango na lang kami ni Steph at nagkwentuhan na lang kami kung ano na ang posibleng nangyari kina Mikka at Glen. Sana naman bukas eh makita pa namin silang magkasama sa karera. Pero knowing Glen's confession, alam kong iisa lang ang patutunguhan nilang dalawa. Di rin nagtagal at umuwi na rin si Steph dahil hinahanap na raw siya sa bahay nila kaya naiwan kaming dalawa ni Luthan na umiinom. Di ko nga alam kung bakit pa kami umiinom gayong pwede namang matulog na kami dahil maaga pa ang karera namin bukas. Ang kaso, nagpatuloy lang kami sa pag-uusap. "Congrats pala sa'tin Luthan," sabi ko. "Although aminin mo, malaki ang papel ko kung bakit ko nakumbinsi si Glen." Tumango naman si Luthan. "Ang galing ko talaga!" Pareho kaming tumawa at bigla akong may naisip. "Luthan." "Ano yun?" "Kapag natupad na 'yung hiling ko, magiging tao ka na 'di ba?" tanong kong medyo naguguluhan pa rin. Ewan ko ba kung bakit binabagabag akong isipin kung anong mangyayari sa kanya pagkatapos matupad ng hiling ko. "Ang totoo niyan Franceli, hindi ko alam." "Ha?" Ngumiti nang malungkot si Luthan. "Hindi ko pa kasi dapat oras bumagsak sa lupa. Kaya kapag matupad ko ang hiling mo, hindi tulad ng ibang bulalakaw na mamamatay na, ako, hindi ko alam ang mangyayari sa'kin." "Ano? Luthan! Anong sinasabi mo?" nagtataas na ako ng boses kasi nakakaloka! Bakit ngayon niya lang ito sinasabi sa'kin? "Pasensiya na kung ngayon ko lang sinabi. Pero ang totoo niyan, pagkatapos kong matupad ang hiling mo, wala talagang kasiguraduhan kung magiging tao ba ako o baka maglaho din ako." Hindi ko alam kung kinakabahan ba ako, naiinis o natatakot para kay Luthan. Langya 'tong Star Boy na 'to, may seryoso pala siyang problema 'di man lang sinasabi! "Kung ganito pala ang sitwasyon mo dito sa lupa, bakit ka pa pumunta rito? Bakit 'di mo na lang hinintay ang oras ng pagbagsak mo?" Seryoso ang mukha ni Luthan at ramdam kong may matagal na siyang gustong sabihin sa'kin. "May bituin akong hinahanap. Isinilang siyang muli bilang isang tao at hinahanap ko siya." "T-Talaga? Sino naman?" tanong ko. "Si Iris." "At sino naman siya? Bakit mo siya hinahanap?" usisa ko na nagulat. Never ko kasing naisip na may gustong hanapin itong si Luthan. "Nangako kasi kami sa isa't-isa Franceli. Na magiging tao kaming pareho," sagot niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD