[FRANCELI]
Nagulat naman ako sa sinabi ni Luthan. Ano raw? Isa sa mga classmates ko ay isang dating bulalakaw? Ano namang trip ito?
"Bakit Franceli, hindi ka ba naniniwala sa'kin?" tanong ni Luthan na may halong pagtatampo. Ang cute naman niyang magtampo, kainis. Nakaka-distract.
"Ah eh... paano mo naman kasi nasabi na isa nga sa kanila ay dating isang shooting star?"
"Naaalala mo 'yung sinabi ko sa 'yo dati? Na may marka sa kanilang mga mata ang mga taong dating bulalakaw? May ganoong marka ang isa sa mga kaibigan mo. Hindi mo lang ito nakikita kasi tao ka. Mga katulad ko lang ang nakakakita nun."
"Pero ano ba ang nakikita mo sa mata nila?" usisa ko pa.
"May kumikinang na bahagi ang mga mata nila, Franceli," sabi niya pa titig na titig sa akin na para bang tinitingnan niya rin ang mga mata ko.
Ako na ang naunang nag-iwas ng tingin. "Okay fine," sagot ko. "Pero sino sa kanila? OMG. Don't tell me si Reuben mylabs? 'Wag naman! Paano na ang love life ko? Eh 'di masasawi rin kaming dalawa kasi dati siyang bulalakaw? Di ba major in sawing puso sila? Diyos ko! 'Wag naman ganito!"
"Hindi naman siya," sagot ni Luthan. "Yung babae..."
Bigla akong natawa sa sinabi niya. "Babae? Ah! Siguro si Leila no? Kaya siguro hindi siya pinapatulan ni Reuben! Kasi sawing-puso siya by default!" Parang maagang dumating ang Pasko. Grabe, iniisip ko pa lang na dating bulalakaw si Leila, parang gusto ko nang magpa-party! Yes, I know ang evil klo lang sa iniisip kong 'to, pero deserve talaga ng gaga!
Pero umiling naman si Luthan. "Mali ka na naman. Yung isang babae 'yung dating bulalakaw."
Nawindang naman ako dun sa sinabi niya. "Ano? Si Mikka ang dating bulalakaw? Oh my God. Ibig sabihin 'yung pagiging NBSB niya ay sanhi ng pagiging dati niyang bulalakaw?"
Tumango si Luthan kahit hindi ako sure na naintindihan niya 'yung sinabi ko. "Nakita ko sa mata niya yung marka. Tapos gusto niya 'yung isang lalaki na halata namang ikaw ang gusto. Palatandaan ng pagkabigo sa pag-ibig. Kaya inilayo kita sa lalaking yun. Kasi gusto ka niya."
Mas lalo akong nawindang sa sinabi niya ngayon. "WHAT? Si Glen, may gusto sa'kin?" Tumango ulit si Luthan. "Paano mo naman nalaman yun? Yung totoo Luthan? Dati ka bang bituin o dati kang love expert?"
Ngumisi si Luthan. "Halata naman sa kilos nila. Yung Mikka, may gusto dun sa Glen. Pero dahil may natitira pang liwanag kay Mikka, lahat nang magugustuhan niyang lalaki, hindi siya mapapansin o di kaya ay iibig sila sa iba. Sa kaso ni Glen, nagkagusto siya sa 'yo."
"Naks, galing mag-analyze ng love problems ah! Kung makapagsalita ka parang may experience ka na sa pag-ibig! Partida, di mo pa naranasang umibig sa lagay na yan ah!" biro ko dahil nakakabilib naman ang observational skills ni Luthan. Ganun siguro kapag bituin ka. Wala ka naman kasing ibang gagawin sa langit eh. "Paano pa kaya kung tunay na tao ka na at ma-in love ka na? Supre expert ka na non."
Sumeryoso si Luthan. "Hindi ko alam. Siguro dahil napanood ko mula sa langit kung gaano kahiwaga ang pag-ibig, siguro 'pag ako nagmahal malamang sobra-sobra yun." Na-bother naman ako sa sinabi niya. Ewan ko ba. Iniba ko na lang 'yung usapan.
"So anong balak mo ngayon Luthan? Paano natin makukuha kay Mikka 'yung liwanag niya? Teka, kaya ba sinabi mo na ikaw ang partner ko para si Mikka na lang ang gawing partner ni Glen para mas mapalapit pa sila sa isa't-isa?"
Tumango si Luthan. Sabi ko na nga ba eh. May binabalak si Luthan. Nakakabilib na talaga siya. Sana lang talaga may magandang plano siya. Kasi hindi ko alam kung paano magkakagusto si Glen kay Mikka. Obvious namang walang nararamdaman si lalaki kay babae.
Pero may biglang bumagabag sa isip ko. "OH WAIT LUTHAN! PAANO PALA MAGKAKAGUSTO SI GLEN KAY MIKKA KUNG ITONG SI MIKKA AY MAY LIWANAG PA NA PARANG CHRISTMAS LIGHTS?"
Bakit hindi ko naisip yun? Nakakainis! Di ko ma-gets ang logic ni Luthan! Paano pala namin mapapaibig ang ibang tao sa mga dating bulalakaw kung mismong ang natitirang liwanag sa kanila ang pumipigil na magkaroon sila nang matinong love life?
Hindi kaya balak naming gawin ang imposible talagang mangyari?
[LUTHAN]
Sasagutin ko na sana 'yung tanong ni Franceli kaso biglang may umalingawngaw na tunog sa buong paligid na ikinagulat ko. Napaatras pa nga ako pero agad din naman akong nakabawi nang makita kong pinagtatawanan na ako ni Franceli.
"Bell yun dito sa school!" Tawa na nang tawa si Franceli sa akin kaya sinimangutan ko siya. "Time ko na. Oras na ulit ng klase ko' Luthan. O sige na! Sa bahay na lang natin ulit ito pag-usapan. Uwi ka na at baka pagkaguluhan ka pa ng mga tao rito!" Hinila na niya ako pabalik kung nasaan 'yung mga kaibigan niya.
Paalis na rin sila at tinititigan nila kaming dalawa ni Franceli. Lumapit kami sa kanila. Napansin kong sinusundan kami ng tingin nung Glen. At ni Reuben. May naisip tuloy ako bigla at may ibinulong ako kay Franceli. Nagulat siya sa binulong ko pero parang sumang-ayon naman siya. Pagkalapit namin sa kanila lahat talaga sila titig na titig sa amin.
"Steph, ihatid ko muna 'tong isang 'to sa may gate," turo ni Franceli sa'kin habang kausap si Steph. Katabi ni Steph 'yung ibang kaibigan ni Franceli na parang hindi makapaniwala sa nakikita nila. Hindi ko alam kung naintindihan ba ni Steph na may plano kami ni Franceli pero agad siyang nakasabay samin nang tinitigan ko siya sa mata.
"O sige besh!" sagot naman ni Steph na parang kinikiliti pa. "Ang sweet niyo talaga sa isa't-isa, nakakainggit!" Nginitian ko silang lahat na halatang nagtataka pa rin kung sino ako. Tapos hindi ko sigurado kung totoo ba o guni-guni ko lang ba pero nang magtama ang mga mata namin ni Reuben, parang may galit sa mga titig niya.
Hanggang sa makalabas kami ng school ni Franceli ay pinagtitinginan pa rin kami ng mga tao. May naririnig akong sinasabi nila. 'Gwapo' raw ako. Napangiti na lang ako. Nasa may gate na kami.
"O sige na uwi na!" tulak pa sa'kin ni Franceli. "Siguro naman alam mo na ang daan pauwi 'di ba?" Napansin niyang nakangiti ako. "At anong ngini-ngiti mo ha?"
Napakamot ako sa ulo. "Ah wala..."
"May tinatago ka ba? Ano yun?" pagpipilit niya pa.
"Ahm... sige na nga. Sasabihin ko na. Ang sabi kasi ng mga tao 'gwapo' raw ako. Franceli, dahil kaibigan kita tatanungin kita. Gwapo ba talaga ako?"
Parang namula naman si Franceli doon. "Bakit mo sa akin tinatanong yan?"
"Kasi kaibigan kita? Kaya maniniwala ako sa sasabihin mo?"
Parang naasar naman yata si Franceli. "Luthan...'wag kang maniniwala sa mga naririnig mo basta-basta, Luthan. Maraming namamatay sa maling akala!"
"Talaga? Pero bakit sabi ni Steph gwapo raw talaga ako?"
"Oo na! Gwapo ka na! Ang kulit lang eh! So ano? Pwede ka nang umuwi?" Tapos bigla siyang ngumiti nang nakakaloko. "Teka, dahil gwapo ka nga pala, kailangan mong maglinis ng bahay pag-uwi mo."
"Ha?"
May kakaibang ngiti sa mukha niya ngayon na nagpatindig sa mga balahibo ko sa katawan ko. "Alam mo Luthan dito sa lupa, ginagalang ang mga gwapo. At para mapanatili mo 'yang kagwapuhan mo, kailangan mong maglinis ng bahay." Nakangiti pa rin siya na parang may nakakatawang bagay na di ko alam.
"Ganun ba yun?" tanong kong nalito na. Parang hindi ko naman alam na ganun pala yun.
"Oo, ganun yun!" sagot niyang tuwang-tuwa sa kung ano. "Sige na! Uwi ka na! At saka maglinis ka ha? Magluto! Maglaba! Maglampaso!" Ang saya-saya talaga ni Franceli habang paalis ako. Napangiti naman ako kasi pakiramdam ko malapit na kami sa isa't-isa.
[FRANCELI]
Buong hapon na akong pinagtitinginan ng mga classmates ko. Lalo na 'yung mga girls. Nakakainis na nga eh. Ang bilis-bilis kumalat ng balitang may boyfriend daw akong super gwapo. Minsan iniisip ko kung school ba talaga ito o palengke na talamak ang chismisan.
"Inggit lang 'yang mga yan sa 'yo besh," ani Steph. "Ikaw ba naman ang magkaroon ng boyfriend na ganun ka-yummy, 'di kaya sila mainggit sa 'yo? Nakita mo naman ang itsura ni Leila Galema, tagos hanggang bone marrow ang inggit niya! Hahaha!"
Natawa rin ako. "In fairness naman kay Luthan, matalino. Naisip niyang magpanggap kaming mag-boyfriend para hindi na ako pansinin ni Glen. That way iisipin na niyang taken na ako. Sana naman i-grab na ni Mikka ang opportunity."
Napansin ko rin kanina na tuwang-tuwa sa palabas namin ni Luthan si Mikka. Umaliwalas bigla 'yung mukha niya nang makitang 'close' kami ni Luthan. Ibig sabihin kasi malabo na maging kami ni Glen (which is super malabo by the way) kaya hindi na mapre-pressure sa ganda ko si Mikka.
"Oo nga, ang talino nga ni Luthan," komento rin ni Steph. "Alam mo kanina besh, hindi ko alam na may plano kayo ni Luthan pero nang tiningnan niya ako sa mata parang instant na na-gets ko 'yung nangyayari. Alam mo yun? May weird na namamagitan sa aming dalawa ni Luthan. Parang MU kami."
"Naks, MU as Malanding Understanding," sagot ko. "Mabuti ka pa naiintindihan mo agad ang lokong yun. Ako kasi hilong-hilo na sa mga nangyayari. Minsan gusto ko nang mag-back out sa kasunduan namin."
"Wag naman besh!" protesta agad ni Steph sa'kin na naka-puppy eyes na agad. "Kawawa naman si Luthan, alam mo namang ikaw lang ang pwedeng magpatira sa kanya. At saka ikaw ang pinili niya 'di ba? Baka naman mamatay siya 'pag di niya tuparin 'yung hiling mo?"
"Hindi naman siguro," sagot ko. Pero kinabahan din naman ako dun sa sinabi ni Steph. Posible kayang mamatay si Luthan 'pag hindi niya natupad 'yung hiling ko?
"Basta 'wag mong iwanan si Luthan, besh'" pakiusap ni Steph. "Pangarap mong mahalin ka ni Reuben 'di ba? Ilang beses ka bang makakatagpo ng isang nilalang na kayang tumupad ng hiling moi 'di ba? Naisip mo naman siguro na kung sakaling sa ibang tao napunta si Luthan, eh gagawin nila ang lahat magtagumpay lang siya, right? This is your chance, Franceli. At walang duda, si Luthan ang solusyon mo diyan. Kailangan mo nga lang pagpaguran yun para makuha yun."
"Napakamanhid kasi ng taong gusto ko eh," biro ko. "Imagine, nakialam na ang mga bituin sa kalawakan. Ganun kawalang chance na magkaroon ng feelings sa akin si Reuben."
"Unless mabagok ang ulo ni Reuben at asawahin ka na lang bigla. Pero good luck naman. Siguro apat na ang anak ko bago mangyari yun." Loka-loka talaga itong babaeng 'to. Pero may point na naman siya. Sa ngayon kasi, mas malabong maging kami ni Reuben kesa sa magka-love life si Steph.
Hindi na kami nakapag-usap sa sunod naming class kasi pinagpares-pares kami ng Prof. namin para sa isang activity. Magso-solve kami ng Math problems in pairs at anak ng tokwa't-baboy, si Reuben mylabs ang kapareha ko! Homaygad!
Panay na nga ang tukso sa'kin ni Steph at halos atakehin na naman ako ng 'syndrome' ko habang papalapit si Reuben sa upuan ko. Kahit hindi niya ako kinakausap buong klase at solve lang siya nang solve ng problems, okay lang. Sanay na ako sa cold aura niya na super attractive talaga para sa akin. Nakatunghay na lang ako sa kanya. Hindi na naman kasi ako makakilos at makapagsalita dahil sa presence niya.
Grabe, aykentbelebit! Magkatabi na nga kami ni Reuben, partners pa kami sa activity!
"Tutunganga ka na lang ba riyan? Di ka ba magso-solve?" harsh na tanong niya bigla na nakataas ang kilay sa akin. Ang sungit-sungit niya talaga at feeling ko extra special ang kasungitan niya ngayon.
Ano naman kaya ang nakain nito?
"Sabi ko nga," nakangising sagot ko at nagsimula na akong mag-solve. Sisiw lang naman sa'kin 'yung Math problems kasi favorite subject ko naman ang Math. Pero habang nagso-solve ako di ko maiwasang masaktan sa pagsusungit niya.
Talagang inis na inis sa akin si Reuben. Siguro asiwang-asiwa na siya sa mukha ko at ayaw niya talaga akong maka-partner. Siguro kung pwede lang siyang lumayo sa'kin, ginawa na niya. Halata talaga 'yung disgusto niya. Ang sakit pa rin, kahit noon pa man tanggap ko na.
Hindi ko na tiningnan si Reuben at nag-focus na lang ako sa pagso-solve. Kahit na ginugulo niya pa rin ang utak ko. Ang sakit kasi sa bangs na ang taong mahal na mahal mo ay 'yung tao ring inis na inis sa 'yo.
Inisip ko na lang 'yung binulong sa'kin ni Luthan kanina. Sabi niya kanina, kailangan daw naming sumali sa Amazing Cycling Race na mag-partner para sina Glen naman at Mikka ang magkaparehas. Tapos baka raw maging close 'yung dalawa habang magka-partner sila at yun na ang chance nila para ma-in love sa isa't-isa. Kapag mangyari yun, eh 'di one ex-shooting star down na kami at ibig sabihin nun ay one step closer na ako kay Reuben.
At dahil na rin sa tanggap ko namang di na yata talaga ako mamahalin ni Reuben sa natural na paraan, dapat magpursige na lang ako sa mga plano namin ni Luthan. Kahit 'di ako sigurado sa magiging kinalabasan ng mga plano namin ni Luthan, at least sinubukan ko 'di ba? Mas maganda naman yun kesa sa hindi ako nag-try tapos effective pala. Kung gusto ko talagang mahalin ako ni Reuben, kailangang paghirapan ko yun.
Natapos ang klase na di ko na kinausap o tiningnan pa si Reuben kasi nahihiya ako. Hindi ko nga alam sa sarili ko kung bakit ako nahihiya eh. Sa tuwing pinapahiya o tinatarayan niya ako alam ko namang dapat nagagalit ako sa kanya. Pero 'yung galit ko automatic na nagiging hiya.
Hinintay ko si Steph sa isa sa mga kiosks kasi dumaan pa siya ng library para magsoli ng libro. Nagulat naman ako nang biglang may tumabi na sa akin sa upuan ko.
"Hi!" masayang bati ni Glen at bigla na lang akong nakaramdam ng awkwardness. Hindi pa rin kasi ako makapaniwalang may gusto itong isang ito sa akin. Gwapo rin naman si Glen, pero hindi tulad ni Reuben, 'yung pagka-'gwapo' niya hindi ganun ka-striking. Siya 'yung gwapong pa-humble.
"Hi Glen," matipid na sagot ko.
"Pauwi ka na?"
Umiling ako. "Hinihintay ko pa si Steph."
Tumango siya. "Akala ko 'yung lalaki kanina 'yung hinihintay mo."
"Sino? Si Luthan?"
"Oo. Boyfriend mo ba yun?" Muntik na akong mapailing pero naalala kong nagpapanggap nga pala kaming couple ni Luthan. Kaya tumango ako. Tumango rin si Glen sa sagot ko at halatang disappointed siya. Or baka mas higit pa sa disappoinment.
"Kelan ka pa nagka-boyfriend?" tanong niya na nakangiti pero hindi naman abot sa mga mata niya. "Akala ko ba si Reuben ang gusto mo?"
"Two days pa lang kami ni Luthan," pagsisinungaling ko. "At Glen naman, alangan namang hintayin ko pa 'yang pinsan mong magkagusto sa'kin eh halata namang allergic sa'kin 'yung taong yun. Baka nga kahit dadalawa na lang kaming tao sa mundo eh 'di pa niya ako patusin. Napapagod din ang puso ko Glen," turo ko sa puso ko at tumawa kami nang malakas sa kaechusan ko.
Tawa nang tawa si Glen habang nangilabot ako sa sarili ko. Iniisip ko pa lang na darating ang araw na kailangan ko nang isuko ang feelings ko para kay Reuben, parang hindi ko talaga kaya.
"Nakakalungkot naman, nahuli na pala ako ng dating. If I realized my feelings for you sooner Franceli, ilang percent ba ang chance na ako ang boyfriend mo ngayon at hindi ang lalaking yun?"
Nabigla ako sa sinabi niya. Nakakapanibago. Totoo ba ito? May lalaking nagko-confess ng feelings niya para sa akin?
Prank ba ito?
"Uy sorry Franceli, nabigla yata kita..." nahihiyang sabi ni Glen.
Natawa ako bigla ng hindi ko alam kung bakit. "Ikaw ba Glen ay nagkape na?" tanong ko sa kanya.
"Ha?"
"Mukhang hindi pa," natatawang komento ko. "Magkape ka muna Glen, para kabahan ka naman sa sinasabi mo. Sigurado ka ba sa sinabi mong gusto mo ako? Ako? As in ako, si Franceli Angeline Joanna Solis? Hindi mo ba ako ginu-good time? O baka naman may lagnat ka?"
Natawa na naman sa'kin si Glen. "Kulit mo talaga... Kaya kita gusto eh..."
"Lilipas din yan," hirit ko pa at lumakas pa ang tawa niya habang tinatago ko ang pamumula ko. Kahit naman hindi ko type ko si Glen, nakakakilig din pala talaga 'pag sabihan ka ng lalaki na gusto ka niya.
"Basta Franceli ilista mo ang pangalan ko sa waiting list mo ha, mamaya baka available ka na ulit kaya dapat nasa priority lane na ako."
Ay si Glen nakikipag-flirting 101 sa'kin.
"Tigilan mo na ako Glen at baka matukso ako at patulan ko 'yang kalokohan mo at magkasala pa ako sa boyfriend ko." Kunwari natatawa ako para maitago ko 'yung kaba ko.
Syete, bakit bigla-bigla kasing type ako nitong si Glen? Bakit hindi na lang si Reuben?
Oo, desperada ako, pero kay Reuben lang ako desperada. Hindi naman porke't may lalaking nagtapat ng feelings sa'kin eh susunggaban ko na. Isa pa, 'yung feelings ni Glen ay epekto lang ng pagiging dating bulalakaw ni Mikka. Kaya ayokong sakyan, mamaya magsisi pa 'ko sa huli.
"Pero seryoso, narito lang ako para sa 'yo Franceli," sabi pa niya. "Kung may kailangan ka 'wag kang mahihiyang lumapit sa'kin. Gusto mo sabay na tayong mag-practice para sa event?"
"Ano ka ba naman? Dapat si Mikka ang niyayaya mo kasi siya naman ang ka-partner mo."
Sumimangot siya. "Pero ayaw mo bang sumabay sa'min na mag-practice? Sa Science Garden kami magpa-practice, at kasama namin ni Mikka sina Reuben at Leila."
"Talaga?" bigla naman akong naging interesado. "Sige, sama kami ni Luthan..." Mukhang langit na ang tumutulong sa amin ni Luthan para matupad ang hiling ko. Kapag sumama kasi kami ni Luthan sa practice nila, mababantayan namin ang development nina Glen at Mikka. Kailangan nang magkagustuhan ang dalawa as soon as possible!
At bukod dun, makakasama ko pa si Reuben mylabs sa practice!
"Good. Sa Sabado na ang simula ng practice natin. Whole day tayo doon kaya dala na rin kayong lunch. Text na lang kita." Tumango ako. Nagpaalam na si Glen at nakahinga ako nang maluwag kasi nawala na 'yung awkward na nararamdaman ko sa presence niya.
Hay! Kung bakit kasi ibang tao pa ang nagka-interes sa akin!
Dumating na si Steph at sabay kaming umuwi. Excited na kinuwento ko sa kanya iyong mangyayari sa Sabado. "Ayusin mo yan besh," aniya." Baka mamaya si Reuben na lang lagi ang pansinin mo. Alalahanin mong dapat kay Luthan ka sweet kasi siya ang boyfriend mo. Isipin mo na lang na in the long run 'yung ginagawa mo ay para na rin sa future mo with Reuben."
"I know. Kaya kailangan ko nang makausap si Luthan para sa Sabado."
***
Pagdating ko sa bahay laking gulat ko sa nakita ko. May tatlong babaeng teenagers ang nasa loob ng pamamahay ko at naglilinis kasama si Luthan!Nakasuot sila ng apron at naghahagikhikan at nakikipagkulitan pa ang tatlo kay Luthan. Sa tantiya ko ay mga high school students pa lang sila at itsura pa lang nila ay mukha na silang mga kandidata ng Miss Haliparot Teen Edition.
Nilapitan ko sila at nagulat pa 'yung tatlo. "Ay ate kakagulat ka naman," sabi ng isa sabay pout. Kung maka-pout ang lola mo akala mo hindi mukhang pa-in sa isda ang mukha.
"Yaya ka ba ni Kuya Luthan, Ate?" tanong naman ng isa pa at pinandilatan ko talaga siya with feelings.
"O nakauwi ka na pala," nakangising bati ni Luthan sa'kin at agad ko siyang binato ng bag ko sa galit ko. "Aray! Bakit mo ginawa yun Franceli?"
"Hala Kuya Luthan okay ka lang?" tanong pa ng isa at nilapitan nilang tatlo si Luthan at tiningnan nila kung may sugat ang loko. Dumoble ang inis at bwisit na nararamdaman ko kaya napasigaw na ako. Kay Luthan lang ako nakatingin at kanina ko pa siya pinapatay sa mga titig ko.
"LUTHAN! MAPAPATAY TALAGA KITA! BAKIT KA NAGPAPASOK NG IBANG TAO DITO SA PAMAMAHAY KO!?"
Nawindang yata 'yung tatlong haliparot sa lakas ng sigaw ko at nagtakbuhan na sila palabas ng bahay. Kailangan pa talagang isigaw ko na ako ang may-ari ng bahay para mahiya 'yung mga haliparot na yun!
"Alis na kami Kuya Luthan!"
"Babay po!"
"See you na lang Kuya!"
Kinawayan pa sila ni Luthan kaya piningot ko siya sa tenga. "Aray Franceli masakit! Bakit ka ba nagagalit? Tinulungan lang nila akong maglinis! Sabi nga nila ang lupit mo raw kasi ako ang pinaglilinis mo ng bahay at hindi raw totoong dahil gwapo ako ay kailangan ko nang maglinis! Aray Franceli! Masakit! Ang lupit mo nga talaga!"
Aba at sumasagot na ang loko! "Hoy Luthan! Kahit ano'ng mangyari hindi ka dapat nagpapapasok ng ibang tao sa loob ng bahay! Ang daming kawatan ngayon! At 'yung mga babaeng yun, lumalandi lang yun sa 'yo kasi gwapo ka!"
"Ibig sabihin bawal akong lumapit sa kanila?"
"Oo!" sigaw ko. "Hindi ka pwedeng makipaglandian sa iba! Tutal ikaw rin naman ang nakaisip na magpanggap tayong may relasyon, aba'y panindigan mo na! Mamaya makita ka ni Glen na may ibang kasamang babae isipin pa nun niloloko mo 'ko. Eh di sira ang mga plano natin!"
Ngumisi lang si Luthan. "Ibig sabihin kahit dito sa bahay magpapanggap tayong mag boyfriend?"
"Kung kinakailangan!" sigaw ko ulit. "Ako nga, binasted ko si Glen hindi lang masira ang mga plano ko!"
"Ano ba ang plano mo?"
"Basta! Marami!" sabi ko. "Kaya ikaw, isipin mong boyfriend kita para masanay ka na. Para naman award-winning ang acting natin sa harap nina Glen at Mikka. Baka ligawan ulit kasi ako ni Glen 'pag mabuko niyang hindi naman talaga kita boyfriend. Eh di masasawi si Mikka at mabibigo tayo?"
Lumapit sa'kin si Luthan na malapad ang ngiti. "Naiintindihan ko na. Sige... Simula ngayon, iisipin kong girlfriend na kita..." Titig na titig siya sa akin at sa 'di ko maipaliwanag na dahilan ay namula ako. Hinawakan niya ang kamay ko at nawindang ang buong kaluluwa ko sa sunod na ginawa niya.
Hinalikan niya ako sa lips!