Chapter 24

3944 Words
[FRANCELI] Gusto kong sapakin si Luthan. Watdahek, may babae sa labas na nagi-eskandalo at sinasabi niyang nabuntis siya! Anak ng talbos ng kamote, hindi ako makapaniwala! Paanong nangyari yun? Kaya kaagad kong in-interrogate si Luthan. "O ano na Luthan? Bakit hindi ka na makasagot? Nabuntis mo ba 'yung babaeng nagwawala sa labas?" Parang nagulat naman siya sa tanong ko. "Ha? P-Paano naman mangyayari yun?" Pinandilatan ko siya. "Aba malay ko ba kung pumapatong ka na lang bigla sa ibang babae? Lalo na at may itsura ka pa naman, sure akong may mga babae rin talagang papatol sa 'yo. Akala ko ba inosente ka? At saka jusko naman Luthan," sabi ko pang napasapo sa ulo ko. "Joke lang naman 'yung sinabi ko doon sa resort tungkol sa babaeng susugod dito sa bahay na mukhang nakalunok ng pakwan. Ba't mo naman tinotoo?" Umiling-iling lang si Luthan sa mga sinabi ko. Ay ang taray talaga ni Star Boy! Hindi man lang natatakot na nakabuntis na siya! Bigla niya akong niyakap at nagulat pa ako doon nang bongga. "Kahit hindi kita totoong girlfriend Franceli, hindi ko iisiping pagtaksilan ka. Kung may gusto man akong buntisin at maging nanay ng mga anak ko kung tao lang talaga ako, ikaw yun." Seryoso ang mukha niya nang titigan niya ako habang sinasabi niya ang mga katagang iyon. Napanganga na lang ako. Pero teka, ano raw? Did he just told me na gusto niya akong buntisin at maging nanay ng mga anak niya? What the hell? Kung sa ibang lalaki siguro galing 'yung sinabi niya malamang nabastos na ako. Pero dahil alam ko namang hindi tao si Luthan in the first place, at may pagkainosente pa, hindi naman ako nabastos. At kasi 'yung sinabi niya, bakit parang... BAKIT PARANG NAKAKAKILIG? "Franceli, ayos ka lang?" tanong niya kasi nakatulala na pala ako sa kanya. "Ha?" Ako naman 'yung hindi makapagsalita ngayon. Pero bago pa ako makapag-react ulit ay narinig na namin ulit 'yung sumisigaw na boses ng babae sa labas. "Hoy, lumabas ka diyan, hayop ka! Gigibain ko talaga ang bahay mo 'pag 'di ka lumabas diyan!" Di na ako nakatiis at binuksan ko na 'yung pinto saka ako tumayo sa may tarangkahan. Nasa may gate 'yung babae. She looked like she was in her early twenties. Nagulat naman siya sa paglabas ko. "Hoy ka rin! 'Wag mo nga akong tatakutin malandi ka dahil sigurado akong hindi totoong nabuntis ka ng boyfriend ko! Kaya lumayas ka na kung ayaw mong ipa-baranggay kita!" Nagtaas lang ng kilay 'yung babae sa akin at akmang lalapit pa. "Ah, so ikaw pala ang girlfriend niya!" patango-tango pa niyang sagot. "Pinagtatanggol mo pa ang boyfriend mong Hudas, eh eto na nga ang ebidensya?" turo niya sa tiyan niya. Tumingin naman ako dun. Hindi pa ganun kalaki 'yung tiyan niya pero halata na ngang buntis siya. "Hindi ka bubuntisin ni Luthan, FYI lang!" sigaw ko sa kanya. Dahil ako lang daw ang bubuntisin niya, dugtong ko na naman sa isip ko. Kumunot ang noo ng babae. "Anong Luthan?" tanong niyang mukhang nalito at lumabas na rin ng bahay si Luthan at nakita siya agad ng babae. "Luthan?" gulat na tanong ng babae kay Star Boy. Napangiti pa siya pagkakita kay Luthan at parang gusto ko siyang sabunutan. "Maam Ella, bakit po kayo nandito?" tanong din ni Luthan sa babae. Teka, Maam Ella? Ang babaeng ito ay 'yung boss ni Luthan na dating bulalakaw? What the hell? Ibig sabihin hindi lang pala modelling ang inaatupag nitong si Luthan doon sa Ortigas? May buntisan na pa lang nagaganap doon? Oh well. Napi-picture ko na ang nangyari. Dahil bituin nga itong si Luthan, malamang ang kerengkeng na 'Maam Ella' na ito ang nagbigay ng unang motibo at itong Luthan naman, dahil boss niya ay hindi siya nakatanggi. Sasabunutan ko na talaga itong babaeng higad na ito! "Luthan? Ikaw nga! Do you live here?" nagtatakang tanong nung Maam Ella. Tumango naman si Luthan. "Dito nga po. Sino po ba 'yung tinutukoy niyong nakabuntis sa inyo? Si Kuya Ferdie po ba?" Bumalik 'yung galit sa mukha ng babae. "Asan siya? Kamag-anak mo ba siya, Luthan? 'Wag mong itago sa'kin ang lalaking yun!" Tapos sumigaw ulit siya sa direksyon ng bahay namin. Akala niya yata may tao pa sa loob. "Hoy, Ferdie James Solis! Lumabas ka diyan! 'Wag kang magtago animal ka! Pinalayas na 'ko sa bahay dahil nalaman nilang buntis ako at walang ama itong magiging anak ko! Kaya lumabas ka diyan nang mapatay na kita!" Napanganga na lang ulit ako kay Maam Ella. Anak ng singkamas at talong, si Kuya ang nakabuntis sa kanya? Pero may girlfriend siya, si Luna! "Teka, wala po dito si Kuya Ferdie. Umalis po. Totoo po ang sinasabi ko," sagot ni Luthan at natahimik 'yung babae na parang hiningal sa kakasigaw. Nang makapag-isip ako nang diretso ay hinarap ko na 'yung babae. "Maam Ella, o kung sino ka man, wala dito sa bahay si Kuya. Umalis. Baka nasa girlfriend niya. Alam mo namang may girlfriend siya 'di ba? Kasi inakala mong ako 'yung girlfriend niya. And let me correct you, kapatid niya ako. Kaya pwede tumigil ka na sa kakasigaw kasi nabubulabog na ang buong subdivision?" Tinitigan ako ni Maam Ella nang matagal, tapos parang nahiya rin siya sa'kin. "Sorry sa gulo. Pero sana maintindihan niyo 'yung pinanggagalingan ng galit ko. Binuntis ako ng Kuya mo at ang sabi niya magli-leave lang muna siya sa trabaho niya tapos pagbalik niya aayusin niya itong gulo pero malalaman ko sa kaibigan niya na may bago siyang girlfriend? Tangina niya!" Nagkatinginan na lang kami ni Luthan. Alam ko, base sa expression ng mukha ni Luthan, na gusto niyang maging maayos ako sa pakikitungo kay Maam Ella dahil unang-una, dati siyang bulalakaw at kukunin namin ang liwanag niya. Ikalawa, dinadala ng babaeng ito ang pamangkin ko, kung totoo mang si Kuya ang ama nang dinadala niya. Nagulat naman ako kasi napaiyak bigla si Maam Ella na nagpahid ng luha niya at doon ko na-confirm na dati nga siyang bulalakaw. Sawi sa pag-ibig. "Ganito na lang," sabi ko dahil nataranta ako sa pag-iyak niya. "Pasok ka muna sa bahay kung gusto mong hintayin si Kuya. Tatawagan ko siya." Napatulala lang siya sa'kin. Di yata siya makapaniwalang pinapapasok ko siya ng bahay. Tapos maya-maya ay nilapitan siya ni Luthan at kinuha sa kanya 'yung palakol na hawak niya na 'di ko alam kung saan niya kinuha, at inakay niya ito papasok sa loob ng bahay. Buti na lang at hindi si Luthan ang nakabuntis sa kanya. Pero umiling ako agad sa inisip ko. Umayos ka Franceli! Anong buti na lang, eh Kuya mo pala ang may sala? Dahil doon ay tinawagan ko na si Kuya. Agad niya namang sinagot 'yung tawag ko. "Hello---" "KUYA ASAN KA BA? ALAM MO BANG MAY BABAE RITO SA BAHAY NA NAGNGANGALANG ELLA AT HINAHANAP KA?" "What? Nasaan siya ngayon?" "So totoong nabuntis mo siya? Oh my God Kuya! Pinalayas daw siya sa kanila dahil nalaman ng pamilya niyang buntis siya!" Sandaling natahimik si Kuya. "Frans, sabihin mo 'di ako uuwi diyan. Sabihin mo 'di na ako babalik diyan..." Bigla akong nainis. "Ano? Kuya, gago ka ba? Harapin mo itong gulong pinasukan mo! Kaya ba 'di ka pa bumabalik sa trabaho mo at doon sa apartment mo? Kasi iniiwasan mo 'tong ex mong jinuntis mo?" "Hindi ko siya ex." Lalo akong naloka sa sinabi ni Kuya. "HUWAT? Eh pano mo siya nabuntis?" "One night stand. Pero oo, naging MU kami," sagot ni Kuya at kung nandito lang siya sa tabi ko ay baka natadyakan ko na siya. "Well, Kuya, congrats," galit na tugon ko sa kanya. "Hindi kita kakampihan. Umuwi ka rito at mag-usap kayo ni Maam Ella. At hindi ko siya pwedeng paalisin kasi kaibigan siya ni Luthan---" "Paano sila naging magkaibigan?" biglang tanong ni Kuya. "Boss ni Luthan si Maam Ella. Model nila Maam Ella si Luthan." sagot ko. Feeling ko nagselos bigla si Kuya sa sinabi ko kanina pero agad din iyong nawala. "Kaya utang na loob Kuya, umuwi ka na rito at magpakalalaki ka. Harapin mo siya. At 'wag kang magtatampong hindi kita kinakampihan ngayon kahit pa pinagbigyan mo 'yung pagtira dito ni Luthan, kasi future ng isang bata ang nakasalalay dito. Please lang. Twenty-five years old ka na. At ayokong magkaroon ng pamangkin na bastardo, hindi tayo bagay sa teledrama, baka sa telefantasya pa, pwede." "Ha?" "Ah basta, umuwi ka na!" At pinatay ko na 'yung telepono ko. *** Hinintay naming tatlo si Kuya sa sala. Habang wala pa siya, kinausap ko naman si Maam Ella. Pinilit niya nga akong tawagin siyang Ate Ella na lang. Nagkwento siya kung pano sila nagkakilala ni Kuya. Nagkakilala raw sila sa isang bar. Lumalaklak daw siya ng alak doon nang bongga dahil kagagaling niya lang daw sa isang break up. Nalaman niya kasing hindi naman talaga siya mahal ng dating boyfriend niya at pineperahan lang siya. Nahuli niyang may iba 'yung dating boyfriend niya. In short, sawi talaga siya sa pag-ibig, na expected lang naman since dati nga siyang bulalakaw. Kaya ayun, nagpakalasing siya sa bar at doon niya raw nakilala ang Kuya ko. Nilapitan daw siya ni Kuya at nag-inuman sila hanggang sa masuka na siya at makatulog. Tapos dinala daw siya ni Kuya sa apartment niya at doon na may nangyari sa kanila. Mukhang type naman daw siya ni Kuya and they dated for a week, pero wala raw label 'yung relationship nila. Tapos mukhang nagkakaroon na raw siya ng feelings para kay Kuya at doon daw nagsimulang hindi na magparamdam ang loko kong kapatid. Weeks passed at nalaman ni Ate Ella na buntis na pala siya at sinabi niya ito kay Kuya. Pinangakuan naman daw siya ni Kuya na pananagutan niya 'yung bata. At nang mag-leave si Kuya sa trabaho nito, ang sabi nito pakakasalan niya si Ate Ella. Tapos yun na, hindi na bumalik o nagparamdam si Kuya at nalaman niya na lang daw sa workmate nito na may bago na nga siyang girlfriend. Tingin ko iyong pictures namin sa swimming ang nakita ng workmate ni Kuya, dahil marami silang sweet pictures ni Luna doon. Nang malaman naman ng parents niya na buntis siya, itinakwil daw kaagad si Ate Ella dahil malaking kahihiyan daw ito sa pamilya nila na may respetadong reputasyon pa naman sa lugar nila. "Hindi naman ako nangangarap na pakasalan ako ng Kuya mo," sabi sa'kin ni Ate Ella. "Sanay na 'kong iniiwan ng mga karelasyon ko. Ang sa'kin lang akuin niya 'yung responsibilidad niya bilang ama. May maayos naman akong trabaho pero paano na lang ang panggastos ko kapag mag-leave na 'ko sa trabaho ko? Saan pa ba ako maghahanap ng tulong at assurance na hindi ako nag-iisa sa pagtaguyod ng batang ito kung 'di sa ama niya? Tapos ganun ang gagawin niya?" Hindi na ako sumagot. Tama kasi siya. At naaawa ako sa kanya. Tarantado talaga itong si Kuya. Magkakaanak na pala siya tapos mas inaasikaso pa niya si Luna? Siya na talaga ang Gago of the Week! Pero napaisip din ako. Baka naman kaya ganito si Kuya kasi epekto ito ng liwanag ni Ate Ella. Posible yun. Kasi as far as I know, hindi naman ganun kagago si Kuya. Yung bigla kang iiwan sa ere. Saksi ako kung pano umiyak 'yung mga ex niya sa kanya dati kasi sinasabi niya talaga sa kanila na ayaw na niya o break na sila. Kaya sa totoo lang nakakapanibago 'yung ginawa niya. Pero hindi pa rin tama 'yung ginawa niya at hindi niya pwedeng maging excuse 'yung epekto ng liwanag ni Ate Ella, which of course ay hindi niya naman alam in the first place. Kaya nakapagdesisyon na ako. Tutulungan ko si Kuya at si Ate Ella na magkasundo man lang tungkol sa bata. Kahit hindi na sila magkabalikan o magkagustuhan talaga. Matulungan ko lang si Kuya na maging maayos ang buhay niya at ang magiging anak niya ay okay na 'ko. Ni wala akong pakialam kung makukuha ba namin kay Ate Ella 'yung liwanag niya o hindi. Kaya nang dumating si Kuya, agad akong humarang sa pagitan nila dahil kinompronta siya kaagad ni Ate Ella. Ang nakakaloka pa, kasama pala ni Kuya si Luna na umuwi. [LUTHAN] Agad sumugod si Maam Ella kay Kuya Ferdie. "Aray--- Ella! Ano ba? Bakit ka nananakit?" "Hayop ka! Tarantado ka!" sigaw ni Maam Ella na pinagpapalo 'yung ulo ni Kuya Ferdie. "Magtatago ka na lang ba dito habang buhay? Wala ka na bang balak na magpakita sa'kin pagkatapos---?" Ngunit naputol 'yung sinasabi niya dahil napatigil siya nang makita si Luna na pumasok din ng bahay. "Ay ang taray!" sarkastikong komento pa ni Maam Ella habang tinitingnan si Luna mula ulo hanggang paa. "Kaya naman pala makakalimutan mo na ako Ferdie, kasi napakaganda naman pala ng girlfriend mo. At ikaw naman Miss Ganda, naku! I'm warning you! Do not give yourself to that jerk or else you will regret the day you met him! O English na yun para pak na pak sa moment ko!" Hindi naman umimik si Luna na napatingin sa'kin. Susugod sana ulit si Maam Ella kay Kuya Ferdie pero humarang na sa pagitan nila si Franceli. "Pwedeng mag-usap muna kayo nang maayos?" halos sigaw na rin ni Franceli. "Mag-usap kayo. Walang patutunguhan itong pagkikita niyo kung ganyan kayo. Luthan, iwanan muna natin sila rito. Doon muna tayo sa kusina." Tapos hinarap niya naman si Luna. "At Luna, kung pwede ring iwanan mo rin muna sila? Para maayos nila 'yung issue nila sa bata? Don't worry hindi mababawasan ang ganda mo kapag mawalay ka ng ilang saglit kay Kuya." Nakita kong tumango si Luna na parang nangiti pa. Napaisip tuloy ako. Samantala, hinila na ako ni Franceli papunta sa kusina. "Mag-usap kayo nang maayos ha?" pahabol pa ni Franceli sa dalawa. "Kapag makita kong magkasakitan na naman kayo, tatawagan ko talaga sila Kuya Dean at Ate Daniella para maipadala ko kayo sa Mental facility!" Pagkarating namin sa kusina agad binuksan ni Franceli 'yung ref at uminom siya ng tubig. Tapos kinausap niya ako. "My God, Luthan. Di ko keri ang araw na ito. So many revelations! So many twists and turns!" Natawa ako nang bahagya. "Oo nga eh. Pero 'di ko talaga makakalimutang ako ang inakala mong nakabuntis kay Maam Ella." Hinampas niya naman ako na namumula. "Sorry naman. Naloka lang talaga ako." "Pero mabuti na rin 'yung ganito ang nangyari. Kasi hindi na tayo mahihirapan pa kay Maam Ella." "Anong ibig mong sabihin?" tanong niya sa sinabi ko. "Yung liwanag sa kanya. Pwede nating makuha yun kung magkatuluyan silang dalawa." "Eh paano mangyayari yun?" sagot niya. "May girlfriend si Kuya. Tapos parang hindi naman yun ang goal ni Ate Ella. Pinag-usap ko lang sila para pag-usapan nila 'yung responsibilidad nila sa bata." Napatango na lang ako. Nakalimutan na yata ni Franceli na kailangan kong makakuha ng liwanag bago ang kabilugan ng buwan. Masyado siyang nadadala sa takbo ng mga pangyayari. Pero sabagay, hindi ko siya masisisi. Kuya niya ang nasangkot sa gulong ito at silang mga tao--- inuuna talaga nila ang problema ng pamilya higit sa ano pa man. Sino ba naman ako para unahin ni Franceli? Hindi niya naman ako kaano-ano. "Pero alam mo Luthan, na-excite ako bigla. Isipin mo, magkakaroon na ako ng pamangkin! How fun is that? Tapos tiyak magugulat sina Mommy at Daddy! Pero all the same, matutuwa yun na magkakaapo na sila. Baka nga mapauwi pa sila bigla rito!" Mukhang tuwang-tuwa nga siya at hindi ko maiwasang malungkot doon. Alam ko namang hindi ko dapat nararamdaman 'yung ganito pero 'di ko maiwasang isipin na mawala man ako, magiging masaya pa rin si Franceli at magpapatuloy pa rin ang buhay niya. Baka nga makalimutan na niya ako 'pag maging abala na siya sa pamangkin niya. Tapos bigla kong naalala si Luna. Kailangan ko nga pala siyang makausap. "Franceli , dito ka lang. Kausapin ko lang si Luna." Pero bago ako umalis niyakap ko muna siya at hinalikan sa noo niya. Nagulat siya, pero hindi ko na inisip kung magagalit siya dun sa ginawa ko. Matagal ko na kasing gustong gawin yun dahil nakikita ko yun sa mga pinapanood ko sa tv. "B-Bakit mo siya kakausapin?" Natanong na lang ni Franceli sa'kin na namumula. "Basta," sagot ko at hinanap ko si Luna. Nakita ko siya sa dining table at nagkakape siya doon. Ngumiti siya nang makita ako. "Gusto mo ng kape?" alok niya. Umiling ako at diretsahan ko siyang tinanong. "Kaya ba sa lahat ng taong pwede mong piliing maging nobyo ay si Kuya Ferdie ang pinili mo kasi alam mong konektado siya sa isa sa mga dating bulalakaw? Hinaharangan mo ba kami ni Franceli sa pangongolekta namin ng liwanag?" Lalong lumapad ang ngiti niya. "Tungkulin kong panatiliin ang agos ng kalawakan." Nag-init bigla ang ulo ko. "Pero akala ko ba nagkasundo na tayo? Na hahayaan mo na ako hanggang sa kabilugan ng buwan?" "Luthan, yun ang ginagawa ko. Pero wala ka ring pakialam sa gagawin ko bago ang araw na hahatulan kita." "Pero dahil sa 'yo--- nalilito si Kuya Ferdie! Teka, hindi ka niya totoong mahal! Tama ako 'di ba? Ginagamit mo ang kapangyarihan mo! Para mapigilan mong magkagustuhan sila ni Maam Ella!" Natawa lang siya sa inaakusa ko sa kanya. "Tama ka. Pero hindi ako isang bituin katulad mo kaya hindi mula sa kapangyarihan ng liwanag ang ginawa ko kay Ferdie." Tumayo siya bigla at nagtimpla pa ulit ng isang tasang kape. "Ayaw mo ba talagang magkape? Masarap pala ito. Ito ang paborito kong bagay dito sa lupa, Luthan." Umiling ako. "Ano ang ginawa mo kay Kuya Ferdie kung hindi mo siya ginamitan ng liwanag?" "Sekreto," nakangiting sagot niya at naiinis na talaga ako. "Kung sasabihin ko sa 'yo, eh 'di hindi sasaya itong laro natin, Luthan. Ayokong mabagot hanggang sa kabilugan ng buwan." At umalis na siya at naiwan akong napanganga sa mga sinabi niya. [FRANCELI] Naiinis ako sa mga tao sa bahay. Una, naiinis ako kay Luthan. Aba, sa tindi ng bago naming kinakaharap na pagsubok, nagawa pa niya talagang maisingit na makipagchikahan kay Luna. Ano ba talaga ang meron sa kanila? Kung hindi ko nga lang alam na isa pa ring bituin si Luthan ay baka inisip ko nang pinopormahan niya si Luna. Kaso hindi eh. Saka mataas ang respeto ni Luthan kay Kuya. Gusto kong malaman kung anong pinag-usapan nila at anong hiwaga ang meron sa kanila kaso ayoko siyang tanungin at baka mapahiya lang ako. Hindi ko pa nga nabubura sa isip ko 'yung kalokohan ko kanina eh. Yung inakala kong siya ang ama ng dinadalang bata ni Ate Ella. Kaya ayokong magtanong at baka ma-misinterpret niya ako at lately ay nahihiya ako sa kanya bigla-bigla. Tapos bigla niya pa akong hinalikan sa noo ko na ikinalito ko pa lalo. Basta, magulo na ang utak ko dahil dito kay Luthan. Ikalawa, naiinis din ako kay Luna. Aba, siya rito sa bahay ang dapat bigyan ng Poker Face Award kasi wala man lang siyang reaction na nakabuntis ng ibang babae ang boyfriend niya. Kung ako yun, baka naglupasay na ako sa sama ng loob tapos tumakbo ako sa gitna ng ulan with matching middle finger sa boyfriend ko. Pero si Luna, akala mo naturukan ng anaesthesia ang buong pagkatao niya sa nangyayari. Naisip ko naman, baka masyado siyang confident sa ganda niya kaya iniisip niyang siya ang pipiliin ni Kuya if ever. Eh di siya na ang pinagpala! Habang nag-uusap nga sina Kuya at Ate Ella sa sala, nasa dining table lang si Luna at nagkape pa. Ewan ko kung kinabahan naman ba siya sa kapeng nainom niya. Pero mukhang walang epekto ang kape sa kanya dahil pagkaalis ni Ate Ella, pinuntahan na niya si Kuya sa sala at binigyan niya rin ito ng isang tasang kape. Oh di ba ang taray niya? Tapos isa pa itong si Kuya. Siya ang pinakanakakainis sa kanilang lahat. May gulo pala siyang napasok, 'di ko pa alam. Tapos isasama pa niya rito si Luna. Di ba siya nag-iisip na baka magkagulo? Pero sabagay, sa manhid ni Luna Anaesthesia ay kahit magkabalikan pa sina Kuya at Ate Ella ay baka dumiretso lang siya sa kusina para magkape. At ito namang si Kuya, nakakawindang ang gusto niyang mangyari sa magiging anak niya. Narinig ko ang usapan nila ni Ate Ella. Napalakas kasi 'yung sagutan nila. Gusto ni Kuya na pagkatapos manganak ni Ate Ella, kay Kuya lalaki 'yung bata. Kasi mas kaya niya raw itong buhayin. Ayaw niyang mag-share silang dalawa ni Ate Ella ng responsibilidad sa bata. Ang gago niya lang. Natural 'di papayag si Ate Ella. Kaya nga siya nagpunta rito, para humingi lang ng assurance na aalalayan siya ni Kuya sa gastusin kasi handa siyang itaguyod 'yung bata. Tapos hihingin ni Kuya 'yung custody ng bata? Aba, magaling siya! Kaya naman naiinis din ako kay Ate Ella. Kasi hindi siya nag-demand kay Kuya. Nang hindi na sila magkasundo sa gusto nilang mangyari sa bata, hindi na siya natinag at sinabi niyang siya na lang daw ang bahala sa bata at hindi na raw makikita ni Kuya 'yung anak niya. Umalis na lang siya ng bahay nang ganun. Pero naiintindihan ko siya. Kaya lang sana inisip niya rin 'yung bata. Gusto niya ba talagang lumaki 'yung anak niyang walang kinikilalang ama? Hindi ba siya nanonood sa tv ng mga teledrama? Ilang teledrama na ba ang nagpakita na malungkot at napapariwara 'yung mga batang walang tumatayong ama o ina? Hindi niya ba pwedeng isaalang-alang yun? Para sa anak niya? *** Maaga akong umakyat sa kwarto ko dahil sa pagod na rin sa mga nangyari. Sakto namang tumawag si Steph at nakwento ko sa kanya lahat ng nangyari at parehas kami ng opinyon tungkol sa bata. Pero mas mukhang inaalala niya si Luthan. "Eh ano raw ang gagawin niyo sabi ni Luthan?" tanong niya. Tinutukoy niya kung pano namin makukuha 'yung liwanag kay Ate Ella. "Ewan. Di pa kami nag-uusap nang maayos," sagot ko. "Ganun? Hindi ka naman nag-aalala sa kanya?" "Bakit, may dapat pa ba akong ipag-alala kay Luthan?" tanong ko namang nalilito. "Ano ka ba besh? Sabog ka ba? Siyempre mukha kasing mahirap makuha 'yung liwanag sa Ella na yan. Tapos bilang na 'yung mga araw ni Luthan 'di ba," sabi niya at bigla akong kinabahan. "Meron na lang kasi siyang eksaktong isang buwan bago ang susunod na full moon. Ay, 29 days na lang pala kasi counted na ang araw na ito." Napatayo ako sa kama ko. "Di nga? 29 days na lang? Seryoso?" Bakit ganun kabilis? Oh my God, maaaring 29 days na lang na makakasama ko si Luthan? "Besh, hindi mo alam? Akala ko ba alam mong next full moon ang deadline ni Luthan? Grabe ka besh, hindi ka nga aware. Kung hindi ko pa sinabi, mawawala na lang si Luthan eh wala ka pang clue. Kawawa naman pala si Luthan. For sure natataranta na yun ngayon---" Nabitawan ko na 'yung cellphone ko dahil sa sinabi ni Steph. Ang sama mo Franceli! Hindi mo man lang naisip yun! Tapos okay lang sa 'yo na hindi magkagustuhan ang Kuya mo at si Ate Ella? Nagmamadali akong lumabas ng kwarto ko at kumatok ako sa kwarto ni Luthan. Agad niya iyong binuksan. Wala pa siyang suot na t-shirt at nagpupunas siya ng buhok niya. Naka-shorts lang din siya dahil mukhang kagagaling niya pa lang na maligo. Agad ko siyang niyakap at napaiyak na ako sa dibdib niya. Dun lang kasi nag-sink in sa'kin na mawawala na siya after 29 days kung hindi kami agad kikilos. "Franceli, may problema ba?" "Sorry," naiiyak na sagot ko sa kanya. "Sorry for taking you for granted, Luthan. Ayokong mawala ka..." Hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD