Chapter 2

3390 Words
[FRANCELI] Kapag ganito ang mga eksena na nangyayari sa‘kin, iyong tipong di kapani-paniwala, nag-i-slow motion ang utak ko. Parang tumitigil din ang oras ko. Naninigas ang katawan ko. At higit sa lahat, nagkakaroon ako ng impulsive moments. In short, aatakehin na ako ng Franceli‘s Syndrome ko. Si Steph ang nagbinyag ng ‘sakit‘ ko na 'to. Kadalasan kasi, nangyayari 'to 'pag tinitingnan, pinapansin, o kinakausap ako ni Reuben mylabs. 'Mylabs' ang tawag ko sa kanya dahil yun ang tawag niya sa crush niyang celebrity. Kaya nakikitawag na rin lang ako. Siyempre, ikaw ba naman ang tingnan, pansinin, o kausapin ng taong pinakamamahal mo, hindi ka rin ba atakehin ng kung anu-anong syndrome? Siyempre oo di ba? At ang mga sintomas ng Franceli‘s Syndrome ko ay: Una, lumalaki ang mga mata ko sa gulat na parang sa kwago. Ikalawa, parang batong maninigas ang buong katawan ko at hindi ako makakagalaw ng ilang minuto. Kumbaga sa Harry Potter, para akong na-petrify. At para makumpleto ang rekado sa aking espesyal na syndrome, siyempre mawawala ang boses ko at 'yung bibig ko ay nakanganga sa gulat. Ganun siya kalala. Minsan nga iniisip ko na itong 'syndrome' ko ang dahilan kung bakit ayaw sa akin ni Reuben. Baka super turn off sa kanya anng itsura ko everytime na mangyayari yun. Minus ganda points na yun agad, di ba? Chos. Minsan kahit ako naloloka na rin sa sarili ko. Naiisip ko tuloy na ang pangit-pangit ko. Pero hindi naman sa pangit  talaga ako. Kagandahan din naman ako sabi ng Mommy ko. Chos. Pero totoo, hindi naman ako unattractive. Hindi nga lang ako mahilig mag-ayos tapos boyish pa kung manuot. Tapos di rin ako masyadong friendly. Si Steph nga lang ang ka-close ko eh. Wala ng iba. Tapos kung ang ibang dalaga ay hilig ang malling, shopping, at mga kikay stuff, ako naman ay mahilig sa mga mountain hiking, swimming, mga extreme sports, 'yung mga ganun. Bonding kasi namin ng Kuya ko yun eh. Tapos nakahiligan ko na rin. Kaya tawag nga sa'kin ni Steph minsan ay tomboy. Tapos one of the boys. Minsan sabi ng mga classmates ko kalog din daw ako at kulang na lang ay maggitara din ako at kumunta ng Pagdating Ng Panahon. Kaloka nga eh. Gumawa na lang sila ng joke about sa pagiging tomboy, dun pa kay Aiza. Ba't di kaya nila i-try si Charice para mas bata di ba? Pero okay lang naman sa'kin yun. Tanggap ko naman yun. In fact siguro pinanindigan ko na. Kaya wala talagang lalaki ang papansin at magkakagusto sa'kin. Kay Reuben lang naman ako tumiklop eh. Akalain niyo 'yung sa pagiging boyish at socially awkward ko eh nagpa-cute ako at niligawan ko pa siya? Gawain ba yun nang normal na babae? Ganun ang epekto ni Reuben sa'kin. Nakakapagpabago ng mga pananaw sa buhay. Chos! PERO BALIK TAYO SA TUNAY NA DAHILAN KUNG BAKIT KO KINUWENTO IYONG TUNGKOL SA SYNDROME KO. Kasalukuyan kasing nangyayari ngayon sa akin ang mga sintomas  na may Franceli's Syndrome ako ngayon. Eh paano ba naman kasi, 'yung shooting star... 'yung shooting star... YUNG SHOOTING STAR NA PINAGHILINGAN KO KANINA... Bigla na lang bumagsak sa akin! OO, AS IN LITERAL NA SA AKIN BUMAGSAK! Noong nasa ere pa siya akala ko ay sa bahay ko siya babagsak tapos mawawasak ang bahay namin na pinundar ng mga magulang ko sa pagiging OFW sa Canada tapos matitigok din ako dahil sa impact nang pag-crash landing nito tapos magiging national headline ako kaagad sa tv at makikilala na lang ako bigla ng buong Pilipinas bilang ang babaeng binagsakan ng isang bulalakaw pero bakit nang bumagsak ito ay unti-unti itong nag-anyong tao hanggang sa bumagsak nga ito mismo sa akin? As in sa akin talaga mga bes! Naramdaman ko na lang na may nakadagan na sa akin. "Sino ka?" Bigla itong nagsalita at iyon na ang dahilan kung bakit ako nagkaroon ng impulsive moves kung kaya't nasampal ko siya nang malutong. Pero tama lang ang ginawa ko dahil hindi lang niya ako dinaganan, nang tingnan ko ang katawan niya ay nakita kong wala siyang suot na kahit anong damit! [LUTHAN] Ang sakit nang ginawa niya sa akin. Kung hindi ako nagkakamali, sinampal ako ng babaeng ito. Ngunit dahil hindi ko naman alam kung ano ang gagawin pagkatapos niya akong sampalin, tumayo na lamang ako. Nakita ko pang titig na titig siya sa ibabang bahagi ng katawan ko kaya't kinausap ko na siya. "Sino ka babae?" "Ano? Ang... Ang kapal naman ng mukha mo para tanungin ako kung sino ako? Eh ikaw itong... itong nandito sa loob ng teritoryo ko?" Hindi ko maintindihan kung anong sinasabi niya kaya nilapitan ko na lang siya at binuhat. Ayoko naman kasing makipag-usap sa kanya na nakahiga pa rin siya sa lupa. Mabuti na lang at hindi naman siya nagpumiglas nang buhatin ko siya. Sa katunayan nga ay parang naninigas ang buong katawan niya. "Hoy manyak! Ibaba mo ang besh ko!" May narinig akong sumigaw sa likod ko. Hindi pa ako nakakalingon ay may humampas na sa'kin gamit ang isang matigas na bagay. Hinarap ko 'yung humampas sa akin at nakita ko ang isa pang babae. Hinahampas niya ako ng kahoy. Patuloy lang siya sa pagsugod hanggang sa makita niya ang mukha ko. Doon lang siya natigilan, tapos pinatutsadahan niya ng tingin ang katawan ko. Tulad ng babaeng karga ko ngayon, napatitig din siya sa bandang ibaba ng katawan ko. Doon ko na naalala ang isang bagay. Wala pala akong saplot. Oo nga pala. Dahil tao na ako, dapat na pala akong sumunod sa mga alituntunin ng mga tao rito sa lupa. Sabi ng kaibigan ko dapat daw magsuot ako ng damit pagkaharap ang mga tao. Nag-iiba daw ang tingin nila sa mga taong hubad. Lalo na daw 'pag babae ang titingin sa katawan ng lalaki. Nag-iiba daw ang mga pananaw nila sa buhay.  Hindi ko man maintindihan yun, maghahanap na rin ako ng damit. [FRANCELI] Nakakainis talaga si Steph! Natulala kasi ang bruha nang makita ang itsura ng lalaking bumagsak sa'kin mula sa langit! Kanina akala mo kung sinong katipunera ang bruha habang pinaghahampas niya ng kahoy 'yung lalaki. Tapos nakita niya lang na gwapo at may katawan, aba'y natulala na! Panu pala kung manyak 'to? Pero in fairness, nung tinitigan ko 'yung lalaki kanina, ang gwapo niya nga. Para siyang Greek God sa gwapo niya ha? Hindi makatarungan ang kagwapuhan niya grabe! Parang hindi siya tao! Pero teka, tao nga ba siya? May tao bang nahuhuhulog mula sa langit na nakahubad? Nagulat na lang ako dahil naglalakad na ito papasok ng bahay ko mula sa garden kung saan siya bumagsak habang buhat-buhat pa rin ako. Buhat-buhat niya pa rin ako hanggang sa makapasok kami ng bahay! Jusko! Pagsasamantalahan na yata ako ng lalaking ito!  Pagkarating namin sa sala, nakita kong sumusunod sa'min si Steph na parang tulala rin. Ano nang nangyayari sa kanya? Bakit hindi pa siya tumawag ng pulis o tanod man lang? Maya-maya naramdaman kong inilapag ako ng lalaki sa sofa at naglakad siya paakyat sa stairs papunta sa second floor ng bahay namin. Nkita ko pa ang hubad niyang likod habang paakyat siya ng hagdan. Ay shet, ano ba yan, bakit kailangan ko pa 'tong makita? Ang halay! Bigla na lang akong inalog ni Steph. Nakalapit na pala siya sa'kin. "Besh, sino yun?" Nakatulala pa rin siya habang nagsasalita. Unfocused ang mga mata niya na para bang sumailalim siya sa hipnotismo. Siyempre hindi ako makasagot sa tanong niya. Overwhelmed pa rin kasi ako sa mga nangyayari tapos 'yung syndrome ko nga... Na-realize naman yata agad ni Steph na hindi ako makagalaw kaya nagtungo siya sa kusina. Bumalik siya na may dalang isang basong tubig. Hay, salamat naman at naisipan niyang painumin ako ng tubig no. Nanunuyo na rin kasi ang lalamunan ko eh.  Papalapit na si Steph ng bigla niyang... Binuhusan niya ako ng tubig! Napatayo tuloy ako bigla tapos binatukan ko siya nang pagkalakas-lakas! "Aray naman besh! Masakit yun ah!" sabi niyang nakasimangot. "Eh ba't mo ako binuhusan ng tubig?" naiinis na tanong ko naman na napabalikwas na ng tayo mula sa pagkakahiga ko sa sofa. "Besh naman, yun lang ang way para mawala 'yang syndrome mo," sagot niya. Kahit may point siya, nakakainis pa rin ang babaeng ito. Naku, kung di ko lang to BFF! "So bakit naman natulala ka na lang din nung binuhat ako ng exhibitionist na yun at dinala ako rito sa loob?" tanong ko pa sa kanya na nagtatampo. "Eh kasi besh... 'yung lalaki, grabe, ang gwapo!" nakatulala na naman sa kawalan ang mukha niya tapos kung makapag-describe siya sa lalaki akala mo banal ang pinagsasabi niya. Yung adoration sa mukha niya hindi ko ma-explain. "Ah ganun, hahayaan mo na lang ako na magahasa, ganun?" singhal ko. "Besh, ano ka ba? Mukha bang r****t yun? Parang hindi naman. Nudist lang siguro..." sabi niya na nakatunghay pa sa kawalan. Napailing ako. Grabe naman 'yung epekto kay Steph ng lalaking yun! And speaking of that devil, asan na yun? Narinig namin ang footsteps niya sa stairs. Nakita ko na siya na pababa papunta sa amin. Kinabahan naman ako bigla. Dahan-dahan kasi siya kung maglakad. Yung one step at a time. Yung parang ninanamnam niya 'yung bawat hakbang niya pababa sa amin. Tapos 'yung tunog ng paa niya sa wooden stair, nakakapangilabot, iyong tunog niya, 'dug, dug, dug!' Ganun! Bigla ko tuloy naalala 'yung pelikulang Wrong Turn: Left for Dead. Ewan ko ba, yun ang pumasok sa isip ko. Baka kasi mamaya weirdo pala 'to na psychotic tapos may hawak na siyang palakol tapos kakatayin niya na kami ni Steph! Tapos eto namang si Steph, dahil nahumaling na sa lalaki, sasalubungin pa siya at magsasabi ng 'Come to Mama!' in a seductive way. Tapos ngingiti 'yung lalaki sa kanya in a seductive way din tapos 'pag nakayakap na sa kanya si Steph bigla na lang niya ito hahatawin ng palakol. Megash! "Ayan na siya!" sabi kong takot na takot nang makita ko na ang lalaki sa hagdan. Napahawak pa ako sa kamay ni Steph. Kinakabahan ako! Bakit ba kasi hinihintay pa namin ang pagbaba niya? Ba't di na lang kami tumakbo? Mamaya totohanin niya 'yung na-imagine ko di ba? Hindi pwede, magkikita pa kami ni Reuben mylabs! Muntik nang bumalik 'yung syndrome ko sa nakita ko. Nakasuot na siya ng damit nang makita namin siya ni Steph na nakababa na rito sa first floor. At sa itsura niya ngayon, hindi ko napigilang tumawa. [LUTHAN] "AHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" Tawa nang tawa 'yung babaeng pinagbagsakan ko kanina. Ang lakas ng tawa niya at medyo namangha pa ako na sa ngayon ay nakakaharap ko na ang isang taong tumatawa. Ganon pala talaga iyon. Nakakahawa nga talaga ang pagtawa dahil kahit ako ay parang natatawa na. Pati 'yung isang babae na katabi niya, 'yung humampas sa'kin kanina ng kahoy, napangiti din nang makita ako. Dahil hindi ko naman alam kung anong nakakatawa, nakatayo lang ako sa harapan nila. Ano bang mali sa'kin? Kanina nung wala akong suot, parang may mali sa paraan ng pagtingin nila sa akin. Ngayong may suot na 'ko tawa naman sila nang tawa. Ano ba ang nangyayari? Hindi kaya, hindi angkop para sa'kin ang kasuotang napili ko? Hindi ko naman batid kung alin sa mga damit dun sa taas ang nararapat sa'kin. Basta kumuha na lang ako ng damit doon. Ito kasi 'yung pinakamadaling isuot. Yung iba hindi ko maisuot nang wasto. Nagsalita na rin sa wakas 'yung babaeng namatay kanina. "Steph, tumawag ka nga sa telepono. Tumawag ka sa baranggay. Sabihin mo may mentally-challenged na trespasser dito dali!" Nalilito ako sa sinabi niya. Ano raw ang tatawagan nila? [FRANCELI] DIYOS KO! Natatawa talaga ako. Paano naman kasi, 'yung suot ng lalaking 'to, enebenemenyen! Hahaha! Suot niya lang naman iyong toga ko noong high school graduation ko! WALA SIYANG SUOT NA IBA! Yung toga ko lang talaga! Kaya kita ko pa rin ang eggs este legs niya!  Akala ko pa naman mari-r**e na kami ni Steph tapos papatayin niya kami pagkatapos. Yun pala, mukhang baliw ang lalaking ito! Kaya kahit natatawa ako sinubukan ko siyang kausapin at baka mauto kong lumabas na siya ng bahay. Sa dami-dami pa ng mapapadpad sa bahay ko, bakit iyong ganito pa? Bakit hindi na lang si Ji Chang Wok di ba? O hindi kaya, ba't di na lang kasi si Reuben ang bumagsak sa'kin? Ako pa mismo ang magbibihis dun! Chos! Dahil nakatayo lang siya sa harap namin ni steph, nilapitan ko na siya. Hinila ko siya sa kamay. Natatawa talaga ako sa itsura niya promise! "Hoy, anong pangalan mo?" tanong ko sa kanya. "A-NONG PA-NGA-LAN MO?" Inulit ko pa talaga ang pagtanong at binagalan ang pagbigkas para maintindihan niya. Baka kasi slow learner siya.     "Luthan." "Ano? LUTANG?" sabi ko sabay tawa. Eh kaya naman pala eh! Lutang pa ang isang 'to! Ano kayang tinira nito? Haha! "Hoy besh, 'wag mo namang tawanan nang ganyan si boylet. Luthan daw ang pangalan niya," pagsingit naman ni Steph na nakangangapa rin habang nakatingin kay Lutang. Baliw na din ata itong si Steph eh. Tinamaan yata rito sa exhibitionist na ito. "Eh anong magagawa ko? Ang weird kasi niya," sabi ko. "Hoy ikaw," turo ko kay Lutang, este Luthan. "Saan ka galing? Bakit bumagsak ka mula sa langit?" "Bumagsak siya mula sa langit?" "Oo, Steph," sabi ko at kinuwento ko na sa bff ko ang nangyari kanina bago siya dumating. "Ngayon Luthan, sagutin mo ang tanong ko." Mukha naman kasi siyang normal na tao kung umakto at magsalita. Ang pogi pa ng boses niya. Pustahan tayo, laglag na ang panty ni Steph ngayon. I-check ko nga mamaya. "Saan ka ba talaga galing?" "Dun!" Masaya niyang itinuro 'yung bintana namin. Itinuturo niya 'yung madilim na kalangitan sa labas na puno ngayon ng stars. Nagkatinginan kami ni Steph nang ma-realize namin kung ano ang itinuturo niya. "Ah..." tumango ako. Confirmed kasi eh. Mukhang wala nga sa tamang pag-iisip ang lalaking 'to. Kawawa naman. "Ganun ba? Teka, tatawag ako nang makakatulong sa 'yo para makauwi ka na kung saan ka galing." Hindi na ako nag-aksaya ng oras at tinungo ko na ang telepono namin at hinanap ko pa sa phone ko ang number ng baranggay. Mabuti na lang at may sumagot naman kaagad. Nang itanong sa akin ng sumagot sa tawag ko kung ano ang concern ko, mahina kong sinabi na may mentally-challenged nga na tao rito ngayon sa bahay. Nakiusap na rin ako na kung pwede ay huwag naman nilang saktan ang taong ito kapag dumating na sila. Pumayag naman sila at sinabing kung totoo ngang may sakit sa pag-iisip si Luthan ay baka dalhin daw nila ito sa isang mental institution. "Loka-loka ka talaga besh," sabi naman ni Steph sa'kin after kong tumawag. "What if hindi pala siya baliw?" Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Eh ano siya?" tanong ko. "Galing talaga siyang langit, ganun? Ano pala siya, falling star?" Napakamot si Steph sa ulo niya. "Baka naman nahulog siya mula sa airplane tapos na-trauma siya sa nangyari kaya wala siyang maalala sa past niya... O baka isa siyang mayamang businessman na hinahabol ng mga goons na inutusang ipapatay siya ng mortal niyang karibal." "Eh ikaw pala ang loka-loka sa atin. Ano 'to, Korean Series? Teleserye?" Tapos hinarap ko yung lalaki. "Luthan, may pamilya ka ba?" "Pamilya?" Tumango ako. "Oo. Tatay. Nanay. O mga kapatid? Mga kamag-anak?" Umiling siya. "Wala ako nun." "Hala, eh sino ang pwede nating makausap tungkol sa'yo?" Umiling na naman siya kaya nagulat na ako. Kung ganun ay mag-isa lang 'to sa buhay? "Bakit ka pala napadpad dito?" Yun na lang ang tinanong ko at baka may masagot siyang matino. "Ah... Humiling ka kasi sa'kin. Ikaw ang napili ko kaya sa 'yo ako bumagsak," simpleng sagot niya na mas ikinaloka ko lanh. Sayang, ang cute niya pa namang sumagot. Lumalabas kasi iyong mga dimples niya. "Humiling? Humiling ng ano?" Tanong ni Steph kay Luthan at doon ko lang naisip 'yung sinagot ng lalaking ito sa akin. "Anong sinabi mo? Humiling ako sa 'yo?" Ulit ko. "Oo. Humiling ka sa akin habang pabagsak ako rito sa lupa." Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Paano niya nalaman yun? Magtatanong pa sana ako pero may kumakatok na sa front gate at tinungo ko na iyon. Dumating na pala ang mga taga Baranggay. Mga pito silang tao at kaagad ko naman silang pinapasok. Gulat na gulat din sila nang makita si Luthan. Kinausap din nila ito at ganun pa rin ang sinasagot nito sa kanila. Na galing nga raw siya sa langit. Kaya naman napagpasyahan nilang isama si Luthan sa Baranggay Hall at doon na raw sila magde-decide kung anong gagawin sa kanya. "Wala po siyang ginawang masama sa akin," dagdag ko para hindi na nila maisipang ikulong si Luthan. Nakakaawa naman din kasi. Si Steph naman, kumuha ng mga naiwang damit ni Kuya sa taas at binihisan si Luthan. Kawawa naman daw kung iyong toga ko pa rin 'yung suot niya. Pero naku, if I know, gusto lang talaga ni Steph na maka-chansing kay Luthan! Etong babae talagang 'to pati may kapansanan, pinatulan! Nang ready na si Luthan, niyaya na ito ng mga taga Baranggay na sumama sa kanila. "Bye, Luthan!" kaway ko sa kanya dahil napapatingin pa siya sa akin habang naglalakad sila palabas ng bahay. Nginitian ko na lang siya as a sign of encouragement. Kahit kasi papano, natuwa ako sa kanya. Natanggal niya ang kalungkutan ko sa katawan kahit papano. Eh kasi naman, ilang beses ka ba babagsakan ng isang hubad na gwapong nilalang sa garden niyo na magsusuot ng toga mo di ba? Kahit papano nag-enjoy ako. What a way to let me forget my love problems! Chos! Pero tama lang na idinulog ko siya sa mga kinauukulan kasi baka kung ano pang gawin niya di ba? Hay, sayang talaga siya, kung di lang siya parang may something sa utak. Pwede na sana siyang pamalit kay Reuben mylabs eh. Nakatingin pa rin siya sa akin ng nasa may gate na sila ng mga tanod. Si Steph naman, yumakap pa talaga kay Luthan at napaluha! "Mag-iingat ka Luthan ha? Promise, dadalawin kita!" sabi pa niya bago humiwalay kay Luthan.  "Hindi ba kayo sasama sa'kin?" tanong naman ni Luthan. Umiling ako. "Hindi kami pwedeng sumama sa 'yo. Dito kami nakatira." Kumunot doon ang noo ni Luthan. "Pero hindi ako pwedeng lumayo sa 'yo. Kailangan ko pang tuparin ang hiling mo." Naguluhan ako dun. "Tumigil ka na nga sa kasasabi niyan. Baka mamaya maniwala na ako ha..." natatawang sabi ko. Pinipilit kong isipin na mahina ang utak niya kaya niya nasasabi yun pero ewan ko ba, medyo nababahala ako na alam niya na humiling ako sa isang shooting star. Pagkalabas nila ng gate, sinasabihan nila si Luthan na sumakay na sa patrol cab pero hindi ito kumikilos at lumilingon pa rin sa amin ni Steph na nanonood pa rin sa pag-alis nila. "Hindi ka ba talaga sasama?" Tanong pa sa akin ni Luthan. "Ako na lang sasama sa 'yo, gusto mo?" Pinigilan kong matawa sa kaharutan ni Steph at umiling na naman ako kay Luthan. Doon na nagkagulo. Biglang nagpupumiglas na si Luthan mula sa hawak ng mga tanod. "Bitawan niyo ako!" Sigaw niya. Naitulak niya lahat ng mga lalaking humahawak sa kanya. "My God, si Luthan!" napasigaw na rin si Steph sa nakikita. Kahit ako napatakip sa bibig ko. Parang hindi pa kaya ng dalawang tao lang na kontrolin si Luthan na sumisigaw pa rin kaya't nagtahulan tuloy ang mga aso sa kapitbahay. Sa wakas, nagawa nilang maisakay si Luthan sa pangronda nilang multicab ngunit sa lahat ng nangyayari ay sa akin pa rin nakatingin si Luthan, lalo na nang magsalita siya ulit. "Hindi ako pwedeng lumayo sa 'yo!" sumisigaw na talaga siya habang masama ang tingin sa akin. Matalim ang tingin na parang galit ngunit nagmamakaawa rin. "Kailangan ko pang tuparin ang hiling mo! Kailangang mahalin ka ng taong mahal mo!" Iyon ang mga sinabi niya na nagpatayo ng mga balahibo ko sa katawan. Paano niya nalaman kung ano ang hiniling ko sa shooting star? Eh hindi ko naman iyon binigkas. Sa isip ko lang yun sinabi. Oh my God. Paano kung totoo nga ang sinasabi ni Luthan? Na galing siya sa kalawakan?  Napatakip na lang ako ng bibig ko habang pinagmamasdan ko ang sasakyan na papalayo sa amin ni Steph.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD