Chapter 1

3009 Words
[FRANCELI] Maraming nangyari ngayong araw. Napapabuntong-hininga na lang ako habang naglalakad pauwi. Pinipigilan ko lang talaga na huwag maiyak dahil nasa labas pa ako. Pero kanina pa nag-iinit ang mga mata ko. Tanggap ko na ang lahat. Wala naman talaga akong pag-asa sa lalaking yun. Ako lang naman itong umasa. Ako lang naman itong nag-assume na baka pwede. Ako lang naman itong umasa na baka sakaling ibalik niya rin sa akin ang matagal ko ng nararamdaman para sa kanya. Tulala ako habang naglalakad pauwi, at muntik pa nga akong masagi ng dumaan na tricycle kung di ko lang kaagad narinig ang malakas na busina nito. May nadaanan akong trash can sa gilid ng kalsada at napahinto ako sa tapat nito. Kinuha ko mula sa bag ko ang mga bagay na kanina lang ay excited akong ibigay sa kanya. Ayoko man sanang gawin, pero itinapon ko na roon 'yung bouquet ng bulaklak. Pati na rin 'yung box ng chocolate na di ko pa nabubuksan. Ang laki ng gastos ko sa mga 'to at tinipid ko pa ang allowance ko para lang makabili ako ng mga ito ngunit ngayon ay itatapon ko na sila. I'm done. I'm so done. Naglakad na ako palayo pagkatapos kong madispatsa ang mga yun pero kaagad din akong napahinto at napalingon doon sa trash can. Ah, wait. Nakakainis ako, alam ko, pero binalikan ko ulit 'yung pesteng basurahan. Kinuha ko ulit 'yung box ng chocolate. Sayang din naman kasi. Ako na lang pala ang kakain. Sayang ang pera ko no. Parang ang pagmamahal ko sa kanya, sayang. Ang mahal pa naman neto! Kailangan makain ko 'to. Kailangan ma-absorb ko ang tamis ng chocolate sa katawan ko para mawala ang bitterness at sakit na nararamdaman ko ngayon. Naiiyak ako na naman ako habang naaalala ko ang mga kaganapan kanina. Ganito pala 'yung feeling ng nabasted. Ang sakit. Ang sakit-sakit. Babae ako, pero ako ang nanliligaw kay Reuben. Ako ang naghahabol, ako ang sumusuyo. Cheap pa ako? Hindi ganoon ang tingin ko sa sarili ko dahil naniniwala ako na kung mahal mo ang isang tao, walang mangyayari kung ibuburo mo lang ang feelings mo sa loob mo. I am a woman of action. Chos. Kaya naman wala ng hiya-hiya. Ako ang naunang magpakita ng motibo kay Reuben.  Ilang linggo ko rin siyang hinahabo. Sinusuyo. Binibigyan ng mga pagkain. Ilang beses ko rin siyang niyayang lumabas. Nagpatulong pa ako sa best friend ko noong birthday niya at naghanda ako sa kanya ng isang song and dance number sa school grounds habang papasok siya sa school. Kaninang umaga naman, may pa-banner ako sa school dahil isa siya sa mga Dean's Lister ng school at binati ko siya sa harap ng school sa pamamagitan ng isang sayaw at bulaklak at chocolates. Inulit ko rin sa kanya ang confession ko... pero nangyari na ang pinakakinatatakutan ko. Binasted na niya ako. Hindi ko masasabing nagulat pa ako dun. Expected ko na rin naman yun, since kahit isang beses ay hindi naman siya nagpakita ng interes sa akin. Sa dami ba naman ng nagkakagusto dun. I'm sure hindi ganun ang tingin niya sa akin. Baka nga nuisance ang tingin niya sa akin eh. Sa mga tingin niya pa lang sa bawat ginagawa ko para sa kanya, alam kong wala talaga akong pag-asa. Pero masakit pa rin, grabe. Harap-harapan ba naman sa mga friends niya, nang sinabi niya sa'kin ang malutong na 'I dont like you.' Ang lutong nun. Ang anghang. Ang shaket. Bukod sa sakit, napapahiya na rin ako sa mga tai at tumakbo na ako palabas ng school at nag-iiyak sa kalsada. There goes my first love. Chos. Kung di pa nga ako tinawagan ng best friend ko ay baka nagpasaga na ako sa jeep dahil oo, ganun ako ka-OA. "Ikaw naman kasi, ba't di ka nag-toothbrush?" tanong ng sidekick-s***h-bff kong si Steph. Gusto niya nga akong puntahan kaagad pero ayoko namang umabsent siya sa klase niya kaya sa phone na lang kami nag-usap. "Gargle-garle din pag may time no? Naamoy niya yata bad breath mo, besh." Besh kasi ang tawag niya sa'kin. I know, kadiri di ba? Pero mahal ko siya kaya no choice ako sa tawagan namin. "Loka-loka! Lagi akong ready no? Bukod sa mouth wash ay palagi rin ako may menthol candy. Kaya wag mo na ako ilihis sa mapait na katotohanan, Steph. Ayaw niya talaga sa'kin dati pa. Siguro kanina nakulitan na siya." Totoo naman kasi yun. Inaamin ko, stalker-s***h-fangirl ako ni Reuben mula nang magkilala ko siya. Wala akong hindi alam tungkol sa buhay niya. Memorize ko ang schedule ng mga classes at extra-curricular activities niya. Alam ko ang mga likes at dislikes niya. Alam ko rin ang address ng bahay nila. Kilala rin ako ng buong angkan niya. At siyempre  ang kwarto ko ay isang malaking collage ng mga pictures niya. Egg cell pa nga lang yata ako, mahal ko na siya. Tumawa lang si Steph sa'kin. Palibhasa halaman siya. Asexual. Walang love life. "Pinapatawa lang kita besh," aniya. "Eh kasi naman, ano ba naman kasing klaseng banat 'yung sinabi mo kanina sa kanya? Cute na sana ang dance number mo eh. Yung iba ngang nakikinood lang eh pumalakpak pa sa performance mo. Pero gurl, kahit ako lulubog sa kinauupuan ko 'pag binanatan ako nang ganun. Tapos 'yung itsura mo kanina, mukha ka pang nasabugan ng paputok. Dapat kinukunsulta mo muna kasi ako sa mga desisyon mo sa buhay, babae ka. Ano pang silbi ko sa buhay mo di ba?" "Oo na, sorry na naging impulsive na naman ako sa naging pakulo ko kanina. Alam ko naman kasi na kukontra ka na naman." "Talaga! Tingnan mo nga ang nangyari---" "Eh sa ganun talaga ako magpakita ng pagmamahal ko di ba? Alam naman na ng lahat na expressive akong tao," palusot ko pero kapag bumabalik din sa utak ko ang mga pinagsasabi ko kanina parang gusto ko rin talagang magpakain na lang sa lupa. Naaalala ko pa kung pano ako pagtawanan ng mga friends niya kanina sa pamatay na banat ko kanina habang ibinibigay ko sa kanya iyong bulaklak at chocolates. Akala ko talaga kikiligin siya, pero dahil nagtawanan ang mga taong nakarinig kasama na ang mga kaibigan niya, nakitawaa na lang din si Reuben pero halatang-halata naman 'yung irratation sa mukha niya dahil sa akin. Forever na yatang tatatak sa isipan ko ang eksenang iyon kanina... Ibinigay ko 'yung bouquet sa kanya habang tinutukso siya ng mga friends niya na sagutin na raw ako. "Ayie! Eto na 'yung masugid niyang admirer at manliligaw!" sabi ni friend number one habang papalapit ako kay Reuben. Paco ang pangalan nun, kabarkada niya. "Sagutin mo na kasi si Franceli, sige na Reuben!" Friend number two. Hindi ko  nasila pinansin. Nakatingin lang ako kay Reuben. Nag-ready na 'ko sa sasabihin ko. "Ahm... Reuben," kinakabahang sabi ko. "Magshi-shift na yata ako ng course ko..." "Talaga? Saan naman?" pagsingit ni friend number three. Tahimik lang kasi si Reuben. Pero mas gusto ko sana siya ang sumagot doon sa sinabi ko. "Sa BS in Falling In Love, Major in YOU." TAWANAN TALAGA SILANG LAHAT. Ewan ko ba kung bakit, pasabog naman 'yung banat ko. Nakuha ko yun sa isang meme sa f*******: eh. Ang lakas ng tawanan nila tapos 'yung pulang-pulang si Reuben na tinutukso nila ay bigla na lang tumayo sa harapan ko at binitawan na ang mga salitang magiging bangungot para sa pandinig ko... "I DONT LIKE YOU." Siyempre napahiya ako. Sobra. At nasaktan. Si Reuben na yun eh. Kahit naman alam kong malabong magkagusto sa'kin yun hindi ko naman inakala na sasabihin niya yun sa'kin nang ganoon ka-harsh. Pakinshet. Ang sakit-sakit lang. Kaya tumakbo na ako palayo. Palayo sa kanya. Palayo sa future naming dalawa na mukhang hindi na talaga mangyayari. Umalis ako ng school kahit na may class pa ako. Which is why andito ako ngayon sa kalsada at nag-e-emote pauwi. Bakit ba kasi ang pangit-pangit ko? At bakit ba kasi ang gwapo-gwapo ni Reuben? At bakit ba kasi mahal na mahal ko siya? "Hello Franceli? Andiyan ka pa?" Kausap ko pa pala si Steph. Nandito na ako sa bahay at nag-stress eating. "Oo. Kumakain." "Punta ako diyan mamaya. Dadamayan kita diyan, don't worry." "Hindi mo naman kailangang pumunta rito, Steph. Baka kailangan ko rin talagang magmuni-muni mag-isa..." "Gaga, baka kung anong gawin mo diyan. Kilala kita besh. May sapi ka kapag ganyan ka. Hindi ka pwedeng mapag-isa ngayong vulnerable ka." "Okay... Thank you..." sabi ko na lang dahil ayoko nang magsalita pa dahil baka maiyak na naman ako. Ayoko na ng round two. Naiiyak ko na kanina sa banyo ang feelings ko eh. Pero masaya talaga ako na may best friend ako na si Steph. Siya lang kasi ang sumiseryoso sa nararamdaman ko para kay Reuben. Yong iba kasi akala nila naglalaro lang ako at nagpapapansin dahil nga kung ano-ano na ang ginawa ko sa school mapansin lang ni Reuben. Pero hindi nila alam, nilalakasan ko lang talaga ang loob ko. Dahil sabi ko nga kanina, walang mangyayari kung kikimkimin ko lang ang nararamdaman ko. Kailangan may mag-first move. At dahil ako naman ang nagkagusto sa kanya, siyempre ako dapat ang gumawa ng paraan na maging kami. Kaya nga lang, heto ang naging resulta. Minsan naiisip ko, ang malas ko talaga pagdating sa pag-ibig. [LUTHAN] Hindi ako makapaniwalang babagsak na ako. Kay tagal ko nang hinintay ang pagkakataon na ito na makaalis sa lugar na kinalakihan ko. Kay tagal kong nagtiis na manood lang mula sa kinaroroonan ko. Kaya noong nagkaroon ako ng pagkakataon na bumagsak sa lupa, sinunggaban ko na ang pagkakataon. Kailangan kong matupad ang pangako ko sa kanya... Hindi biro ang ginawa kong paglisan sa tahanan namin. Para makaalis ako at maiwasan ko ang kapalaran ko, ginamit ko ang aking natitirang liwanag upang bumulsok na ako pababa sa lupa... pababa sa mga tao... Kinailangan kong maging isang Bulalakaw. Oo. Isang bulalakaw... Wala ng atrasan ito. Sa oras na mahulog na ako sa lupa, hindi na ako makakabalik pa sa kalawakan. Mabilis ang pagbulusok ko pababa sa lupa. Kahit papaano ay nanghihinayang ako sa liwanag na nawala na sa akin. Dahil kasi dun, iikli na ang buhay ko. Magkakaroon ako ng hangganan. Subalit mas maganda na iyon kesa sa mangyayari sa akin kung di ako aalis. Kailangan kong gawin ang ipinangako ko noon. Kailangan kong maging isang tao. [FRANCELI] Naligo muna ako habang wala pa si Steph. Nagpatugtog ako ng mga heartbreak songs habang isinisigaw ko ang mga lyrics na oara bang may kaaway ako. Kailangan kong ma-distract para hindi ko na isipin pa ang nangyari kanina lalo na't mag-isa lang ako rito sa bahay kaya mahirap iwasan ang mag-emote. Parehong OFW sa Canada ang parents ko kaya matagal ng di ko sila nakakasama. Yung kuya ko naman ay nagtatrabaho na at minsan na lang umuuwi rito sa bahay. Kaya ang resulta, madalas akong mag-isa. Si Steph na nga lang ang nakakasama ko rito 'pag dinadalaw niya ako. Mas daig namin ang magkapatid talaga. At ngayon, alam ko ang mangyayari pagdating niya. Mag-iinuman kami para sa sawi kong love life. Pero dahil hindi talaga kami umiinom, iced tea ang pagtritripan namin, sure ako roon. Sanay naman akong mag-isa, pero tama si Steph, hindi nga magandang mapag-isa ngayong gabing ito. Baka mabaliw na lang ako bigla. Sa may garden ko hinintay si Steph. Bibili pa kasi yun ng pizza. Ikakain na lang daw namin yung pagkabasted ko. Ang saklap di ba. Buti na nga lang at karamay ko si Steph. Pero ang tagal ng babaeng yun!  Nababato na 'ko sa kakahintay ah! Napatingala tuloy ako sa langit. Ang dami pa lang stars ngayon. Ang liwanag din ng kalangitan kahit na gabi na. May shooting star pa o. Oh wait!  Shooting star!  Excited akong tumayo tapos pumikit habang taimtim na nag-wish. Marami akong gustong hilingin sa langit, like sana dumito na lang ang parents ko sa Pilipinas para kapag malungkot ako ay hindi ganun kalungkot. O di kaya ay gumanda man lang ako kahit konti para naman manghinayang si Reuben na binitawan niya ang mga salitang yun. Yung gandang Marian Rivera lang sana para kabog. Chos. Pero kidding aside, may isa talaga akong kagustuhan na nanaig sa kaibuturan ng puso ko. Yun ang paulit-ulit na rumihistro sa utak ko kaya yun na ang ipinagdasak ko. Sana, mahalin na ako ng taong mahal ko.   [LUTHAN] Dahil sa bilis nang pagbulusok ko pababa sa lupa, hindi ko na makita pa ang paligid ko. Nababalot ako ng liwanag na siyang nagbibigay sa'kin ng lakas para makababa sa lupa.  Nang mapasok ko na 'yung himpapawid ng mundo ng mga tao ay narinig ko na kaagad ang mga boses ng mga taong agad humiling sa akin nang makita ako nila sa langit. Samu't-saring tinig ng napakaraming tao ang sabay-sabay na narinig ko kung kaya't naguluhan pa ako noong umpisa lalo na't halos hindi ko na maintindihan kung ano ang mga sinasabi nila sa iba't-ibang wika. Mabuti na lamang ay naiintindihan ko ang kahit ano mang wika ng mga tao sa tagal ko na ring nanonood sa kanila mula sa kalawakan. Bawat isa sa mga tinig na narrinig ko ay may sinasambit na kahilingan. Ganito daw talaga kapag isa ka ng Bulalakaw. Noon pa man, ganito na ang ginagawa ng mga tao sa tuwing may makikita silang isang bituin na nahuhulog patungo sa lupa. Maririnig mo raw 'yung mga hiling ng mga tao dahil para sa kanila, mahiwaga ang isang Bulalakaw. Hindi naman kasi palaging may bumabagsak na bituin mula sa langit. Medyo nagulat ako sa kakayahan kong ito ngayon na isa na akong Bulalakaw. Ngayon lang kasi ako kinausap ng mga tao, kahit na sa paraan lamang ng hiling. Ngunit hindi na ako nagtaka pa. Sa lahat daw kasi ng mga uri ng mga bituin sa kalawakan, tanging ang mga Bulalakaw lang daw ang may kakayahang makatupad ng kahilingan ng mga tao. Ito ang kanilang pambihirang kakayahan kaya sila rin ang pinakakilala ng mga tao. At ngayong isa na akong Bulalakaw, kailangan ko na pa lang pumili ng tao na mapagbibigyan ko ng katuparan ang kanilang kahilingan. Hindi ko maaaring baliin ang batas ng kalawakan. Kahit na labag sa kagustuhan ko dahil posibleng ito na ang huling bagay na magagawa ko... Kaya isa-isa ko nang pinakinggan ang mga kahilingan ng mga taong nakakita sa aking pagbagsak sa lupa. Sa dami nang mga humiling, nahirapan ako na pumili ng isa lamang. Alam kong wala namang batas na nagsasabi sa akin kung ano ang pwede o hindi ko pwedeng tuparin, ngunit mas gusto ko pa rin ang hiling na mula sana sa puso. Napaka-materyal naman kasi ng mga kahilingang naririnig ko mula pa kanina. Bahay. Kotse. Trabaho. Pera. Mga bagay na kahit wala ako ay maaari pa rin naman nilang makamit kung magsusumikap lamang sana sila. Wala ba talagang hiling na tagos sa puso? Wala bang hiling diyan na karapat-dapat kong tuparin kapalit ng aking buhay? Sana meron. Ayoko namang masayang lamang ang aking liwanag sa mga materyal na bagay. Malapit na akong bumagsak nang makarinig ako ng isang hiling na kakaiba sa mga narinig ko na kanina. Simple lang iyon ngunit mukhang malalim ang pinaghuhugutan. At ang tinig ng humihiling ngayon sa akin--- Hindi ko maipaliwanag ngunit nadadala ako sa tono ng boses niya na para bang umiiyak siya at nagsusumamo... Ang tinig niya'y puno ng lumbay at kalungkutan na kahit ako ay parang naaantig kahit na hindi naman ako isang tao... Ano ang pakiramdam na ito? Ito na ba ang tanda na nakahanap ako ng isang kahilingan na karapat-dapat tuparin? At dahil nga malapit na akong bumagsak sa lupa, pinakinggan ko na ito nang maayos. Ang tinig ng babaeng humihiling sa akin ay parang naging musika sa aking pandinig. "Sana mahalin na ako ng taong mahal ko..." Iyon ang kanyang paulit-ulit na sinasambit. Pag-ibig. Aminado ako na isa ito sa mga bagay na kawili-wiling pagmasdan sa mga tao. Para sa aming mga bituin, isang napakalaking hiwaga ng pag-ibig ng mga tao sa isa‘t -isa. Hindi namin ito maintindihan. Dahil sa buong buhay namin ay hindi kami nakakaranas ng pagmamahal. Kaya nakapagpasya na ako. Yun ang kahilingan na pipiliin ko. [FRANCELI] Alam ko namang nagliliwanag ang mga shooting star. At bumabagsak sila sa lupa. Alam kong hindi nakakapagtaka na ang isang sobrang liwanag na bagay ay pupwedeng bumagsak na lang sa kung saan dito sa mundong ibabaw. In fact, curious ako sa kung ano ang itsura ng isang shooting star kapag nasa lupa na ito. Sa mga pelikula ko lang naman kasi napapanood ang mga ganoong bagay. Kaya naman dapat talaga eh hindi na ako napapanganga sa nakikita ko ngayon. Paano kasi, iyong shooting star kanina na nakita ko sa langit ay parang palaki nang palaki sa paningin ko. Naka-poker face lang ako ngayon habang pinagmamasdan ito pero ang toto niyan ay naloloka na ako. Kanina nang humiling ako rito, malayo naman yun sa akin. As in super layo. Nasa langit lang siya. Pero ngayon, parang dito talaga sa direksyon ko siya babagsak. Habang papalapit siya ay mas nagliliwanag ito na akala mo may spaceship na ng mga alien ang paparating. Hanggang sa nagliliwanag na ang buong bahay ko mula sa liwanag na mula rito. Hindi ko na kinaya. "AARGHHH!" Napasigaw na talaga ako sa gulat dahil sa'kin mismo siya babagsak! "WAAAH!"  Lord, mamamatay na ba ako? [LUTHAN] Nakita ko na 'yung taong humiling sa akin.  Isa siyang babae. Nakatingala siya sa akin kung kaya't alam niya yata na sa kanya ako papunta. Mula sa pagkamangha, kitang-kita ko kung paanong naging takot iyon na nabakas ko sa kanyang mukha. Napasigaw pa siya nang tuluyan na akong bumagsak. Napadagan ako sa kanya at napatumba naman siya sa lupa.  Sa wakas. Narito na ako sa mundo ng mga tao. Nagkatinginan kami dahil magkalapit pa ang mga mukha namin. Tinitigan ko siya sa mga mata niya. Nakabuka ang bibig niya na tila may nais siyang sabihin ngunit wala namang tunog na lumalabas mula roon. Ako na ang nagsalita. "Sino ka?" tanong ko rito at lakinh gulat ko na lamang nang dumapo sa pisngi ko ang kamay niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD