Chapter 3

2786 Words
[LUTHAN] Hindi ko alam kung saang lupalop ako dinala ng mga taong kumuha sa'kin mula sa babaeng binagsakan ko. Pero sa itsura pa lang ng lugar na ito, alam ko ng hindi ako dapat nandito. Sa totoo lang, nagagalit ako sa babaeng pinagbagsakan ko. Alam ko kasing siya ang may kagagawan nito. Kung hindi ko lang talaga siya kailangan para tuluyan na akong maging tao, hindi ko na siya gustong balikan pa. Ni hindi nga siya naniniwalang isa akong bituin na galing sa langit. Mabuti pa ang mga taong nakaputi sa lugar na ito. Lahat nang sabihin ko pinaniniwalaan nila. Pinapasok nila ako sa isang silid kung saan sa tingin ko ay susuriin nila ako. Kung para saan ang pagsusuring ito, hindi ko alam. Pero hindi na ako nagtaka. Hindi ba't ganun naman ang mga tao? Parating may sinusuri? "Aba, ang gwapo naman ng bagong pasyente natin..." dinig kong saad ng babaeng nakaputi sa likod ng isang mesa sa katabi niyang nakaputi rin na isang lalaki. Tumawa ang lalaki. "Ay, siya nga Daniella! Bet ko ang fess! Sayang naman iteng si fafabells, don't worry ako ang magiging hands on sa kanya para kaagad siyang gumaling!" Nakapagtataka 'yung lalaki. Kung kumilos siya ay parang babae.  "Sayang talaga siya Dean," bumuntong-hininga iyong babae habang tinititigan ako mula ulo hanggang paa. "Parang ikaw lang. Matanong ko na nga siya at baka may kapatid pa 'to." "Asaness, Daniella, papatol ka kahit sa may chance na nasa genes nila---?" tumikhim na ako kaya't naputol na ang usapan ng dalawa. Ayoko kasing magtagal dito. Kailangan kong balikan ang babaeng yun. Napatitig ako sa kanila upang masindak sana sila ngunit ako pa ang nabigla. Kinabahan ako bigla kasi parang nakita ko sa kanyang mata 'yung marka... "Kesa naman sa pumatol ako sa isa diyan," bubulong-bulong na sagot naman ng babae sa kasama niya bago ako tanungin. "Ano pala ang pangalan mo?" tanong niya na rin sa akin. Sa wakas. Hindi ko na lang pinansin 'yung lalaki na kumikindat sa akin sa di ko maipaliwanag na dahilan. "LUTHAN." "Ay, ang gandang pangalan," komento nung lalaki. "Kakaiba, pero striking. Ano ba yan pangalan pa lang parang gusto ko nang mag-extra rice." Tapos kumindat na naman siya sa akin. Naiilang na tuloy  ako. "Eh apelyido?" tanong ulit sa'kin ng babae. "Wala." Sinabi ko na lang yun kasi hindi ko naman alam kung ano ang 'apelyido.' "Aah..." tumango-tango lang 'yung babae tapos may isinulat siya sa papel na nasa mesa. "Eh saan ka naman nakatira?" "Sa kalawakan." Natigilan 'yung babae sa pagsusulat niya at pinagmasdan ulit ako. "At bakit ka naman dun nakatira sa kalawakan? Astronaut ka ba?" "Dahil isa akong bituin." Ayoko sanang sabihin ang totoo kasi baka tulad din siya ng babaeng binagsakan ko. Pero wala pala akong ibang alam na lugar na maaaring isagot. "Ah...so you are a star!" sabi ng lalaki na napapalakpak pa. "Saang station ka ba belong, baby? Kapuso o Kapamilya?" Napakunot naman ako ng noo dahil wala akong maintindihan. "Hindi ko alam ang sinasabi mo." "Ay wala na Daniella, hindi siya local celebrity. Cable channels yata ang pinanonood ni fafabells." "Baka Kapatid siya." "Wala akong kapatid," sagot ko sa hinuha nila at naasar na naman ako dahil natawa iyong babae sa sinabi ko. Nagsisimula na akong mainis dahil gusto ko na talagang umalis sa lugar na ito. "Mawalang galang na," pagputol ko sa kanilang pag-uusap kasi naiinip na talaga ako. "Pwede na ba akong umalis?" "Anong 'aalis' ka na? Dito ka na sa Mental Hospital titira, fafabells. Ang sabi ng baranggay ay sila na ang magbabayad sa gastos mo rito. Naawa kasi sila sa 'yo. Don't worry, aalagaan naman kita." Kinindatan ulit ako nung lalaki at nanindig ang mga balahibo ko sa katawan. "Aalis na 'ko. Kailangan ko nang bumalik sa babaeng yun." "Babae? Sinong babae?" "Yung babae kanina," sagot ko. Tumayo na 'ko at lumapit sa pinto. Hindi ko yun mabuksan. "Teka lang Luthan, di ka pwedeng umalis!" sigaw nung babae. Pero hindi ko na sila alintana. Gamit ang konting lakas mula sa aking liwanag, buong lakas kong itinulak 'yung pintong gawa sa bakal. Agad namang nasira yun at nagkaroon nang malakas na ingay na mukhang narinig sa buong lugar. Alam kong dapat na akong tumakbo kasi sumisigaw na 'yung babae at may humahabol na sa akin. Napansin kong sila din 'yung nagdala sa akin dito mula doon sa lugar na kung tawagin ay Baranggay. "HABULIN NIYO!" "BILIS BAKA MAKATAKAS!" Pero alam kong hindi na nila ako mahahabol pa dahil ginamit ko na ulit ang liwanag ko at sa isang iglap, naglaho na ako mula sa lugar na iyon. [FRANCELI] "Kailangan ko pang tuparin ang kahilingan mo! Kailangan kang mahalin ng taong mahal mo!" Ano ba yan. Paulit-ulit na lang sa utak ko 'yung sinabing yun ni Lutang, este Luthan. Dalawang araw na ang nakalipas simula nang literal na mahulog siya sa akin mula sa kalangitan pero hindi na niya pinatahimik pa ang utak ko sa kakaisip. Paano niya kasi nalaman na yun 'yung kahilingan ko? Eh sa pagkakatanda ko ay hindi ko naman yun binigkas nang malakas. Iniisip ko lang naman yun habang nakatingin ako dun sa shooting star... Hmm... Shooting star... Kung iisipin kong mabuti 'yung nangyari nung gabing yun, parang kakaiba nga yun. Bigla na lang kasing lumaki nang lumaki iyong falling star na iyon habang parang palapit din siya nang papalapit sa'kin. Tapos bigla na lang akong napaatras kasi di ba sobrang liwanag tapos ayun! Naramdaman ko na lang na may kung anong bumagsak sa akin. Tapos pagdilat ko ng mga mata ko isang lalaking nakahubad ang tatambad sa'kin? Ang lakas maka-telefantasya di ba? Argh! Ewan! Naiinis ako! Bakit ko ba kasi prino-problema 'yung na yun? Sigurado naman ako may explanation yun. Baka nakasakay siya sa isang paraglide. O di kaya parachute. Baka nag-skydiving siya. Mas kapani-paniwala naman yun. "Baka naman kasi wala siyang mental illness. Ikaw lang 'tong nag-over react," hirit ni Steph isang beses habang pauwi kami galing school. Bad mood na nga ako kasi absent kanina si Reuben tapos eto pang isa, ipinapa-alala pa talaga si Luthan. "Steph, saan ka ba nakakita ngayon ng taong maghuhubad tapos magsusuot ng toga mo at MATINO PA SIYANG TAO?" depensa ko. "Alam mo besh, iba naman kasi ang  weirdo sa baliw. Ang weird na tao, may kakaibang ginagawang trip sa buhay pero hindi ibig sabihin nun ay may toyo na siya sa utak. Look at you, parang ikaw lang yan at ang pagiging obsessed mo kay Reuben." Pinandilatan ko si Steph pero tinawanan niya lang ako. Pano, alam niyang may point siya. Ganito si Steph, pasimpleng mambasag ng trip. Magi-guilty ka pa. Nakaka-guilty nga tuloy. Pano nga kung di talaga baliw si Luthan? Dapat pala hindi ko na lang sinabi sa mga taga Baranggay ang mga sinabi ko. Paano kung wala naman palang problema sa pag-iisip ang lalaking yun? Eh di nagmukha pa akong walang puso? " Malay mo naman kasi, kasali pala si Luthan sa isang bagong reality show sa tv at ang dare sa kanya ay pumasok ng bahay na nakahubad at hayaang isipin ng may-ari na baliw siya. Tapos agad kang nag-conclude na baliw nga siya. Gets mo ang point ko? Padalos-dalos ka palagi besh. It's not good." Nag-aalang nakatunghay sa'kin si Steph. Eto ang gusto ko sa kanya as bestfriend eh. Kahit halos magdikit na ang mga mukha namin ay hindi niya ako kinokonsinti sa mga maling ginagawa ko. Minsan nga naiisip ko na ginagawa niya yun kasi alam niyang wala akong magulang sa bahay na magpapayo sa'kin. "Sobra namang reality show 'yung sinalihan niya. Pati itlog niya kailangang ipakita?" Tumawa ako dun pero deep inside kinakain na ako ng konsensya ko. Ang lakas kasing mang-guilt trip netong si Steph, akala mo si Big Brother ng PBB. "Pero panu yan besh, paano kung totoo palang galing talaga siya sa kalawakan?" Naloka ako kay Steph kasi ang seryoso ng mukha niya nang sinabi niya yun. "Alam mo Steph, mas malaki pa ang chance na nasa isang weird reality show ang lalaking yun kesa sa sinasabi mo diyan." Natawa lang siya. "Kahit impakto pa siya o lamang lupa bet ko pa rin siya." Ako naman ang natawa dun. "Pero seryoso again besh, dadalawin ko siya mamaya. Alam ko naman kung saan 'yung lugar na pinagdalhan sa kanya ng Baranggay eh. Sama ka ba?" Muntik na akong matisod ng bato sa sinabi niya. "Pupuntahan mo talaga yun? Attached lang much?" "Oo besh. Sobra. Baka kasi siya na ang the one ko eh. So ano, sama ka?" "Ayoko nga. Mamaya maghubad na naman yun, nakakahiya." Kinantiyawan pa ako ni Steph pero ininda ko na lang. Ayoko na kasi siyang gatungan. Ang totoo kasi, ayokong dumalaw kay Luthan kasi ayokong ma-guilty nang husto kapag makita ko ang kalagayan niya. Kahit sabihin nating totoong may problema siya sa pag-iisip at tama ang ginawa ko, alam ko kakainin pa rin ako ng konsensiya ko kapag makita ko siya dun na kasama ang ibang mga katulad niya. Ganun kasi akong tao. "Sige, bahala ka." At naghiwalay na kami ni Steph sa tapat ng gate ng billage namin kung saan kami nakatira. Didiretso na kasi daw siya sa Mental Hospital. Ewan ko ba kung bakit bigla na lang siyang naging attached dun kay Luthan. Tingin ko naman ay hindi naman siya talaga siya in love dun kasi alam ko kung paano kumilos ang bruhang yun pag-in love. Siguro naaawa lang talaga siya sa lalaking yun. Iyon bang tulad ko kapag nakakanood ng mga video sa f*******: tapos gusto ko na malaman kung ano ang susunod na mangyayari. Pauwi na 'ko ng bahay pero nasa labas naman ang isip ko. Paano ba naman kasi, naisip kong sumunod kay Steph dun kay Luthan! Hindi ko tuloy napigilang kausapin ang sarili ko. Siraulo ka ba Franceli? Bakit mo naman siya dadalawin? Close ba kayo? Si Reuben ba siya? Eh ano ngayon kung pinu-push niyang galing nga siyang kalawakan? Siya na ang extra-terrestrial creature kung yun ang magpapasaya sa singit niya di ba? Wag lang 'yung ganitong ginugulo niya ang utak ko nang husto! Si Reuben mylabs lang ang may karapatang guluhin ang utak ko! Mukhang nananadya naman ang tadhana kasi paglabas ko ng bahay para bumili ng ulam, may nadaanan akong mga bata na naglalaro sa daan at may kinakanta sila. Twinkle twinkle little star. Umuwi akong asar na asar sa sarili ko kasi naalala ko si Luthan sa kantang yun! Bweset. Nanood na lang ako ng tv. Pero kung minamalas ka nga naman, iyong palabas pa sa tv ay 'yung tagalized Korean series na My Love from the Star. Argh! Nilipat ko sa cable channel sa sobrang inis. Dun sa Star Movies. At kumusta naman? Ang palabas dun ay Stardust lang naman! That freaking STARDUST. Naiinis ako kasi gandang-ganda pa naman ako sa story ng movie na yun. At parang di pa ako naka-quota, pag-akyat ko sa kwarto, ang unang nakita ko ay 'yung togang sinuot ni Luthan. Muntik ko na nga 'yung maibato palabas ng bintana! Ako yata ang mababaliw neto. Napatalon naman ako sa gulat nang tumunog ang phone ko. Sinagot ko yun agad nang makita ko sa screen kung sino 'yung caller. "Hello? Steph?" "BESH!" Humahagulhol si Steph sa kabilang linya kaya inilayo ko ang tenga ko sa earpiece dahil sa ingay ng bunganga niya. Ibinalik ko na lang noong safe na. "Steph! Anong nangyari!? Ba't parang nagluluksa ka?" "BESH! SI LUTHAN, NAKATAKAS!" sigaw ni Steph tapos ngumawa ulit na parang bata. Kinabahan naman ako bigla. Ano daw? Nakatakas si Luthan? "What do you mean? Anong nakatakas?" Iyak pa rin nang iyak si Steph habang kausap ko siya sa phone. "Nakatakas daw siya mula rito sa facility kung saan siya dinala ng mga taga Baranggay!" "What?" "Besh, baka mapano yun! Baka mapagtripan pa yun ng mga masasamang loob!" Hindi ako agad nakasagot, ngunit kinalma ko rin ang sarili ko dahil alam ko na kailangan kong i-comfort ngayon si Steph. Alam ko naman kasing naging close siya dun sa maikling panahon na nagsama sila. "Ahm...tahan na Steph, okay lang 'yang nararamdaman mo... Gusto mo bang puntahan kita diyan? Gusto mo ba kitang damayan?" Tumigil na sa pag-iyak ni Steph. "Gaga ka talaga besh. Hindi mo ako kailangang damayan. Tears of joy 'to! I'm so proud of him!" Kamuntik ko nang ibato 'yung phone ko sa asar sa kanya. "O sige na, congrats na sa break out ng soulmate mo," biro ko na lang. Pero sa totoo lang curious akong malaman kung pano nakatakas ang lalaking yun. Kaso nahihiya akong magtanong kay Steph. Mamaya isipin pa niyang concerned na 'ko bigla. "Andiyan ka pa ba sa pinagdalhan sa Luthan na yun?" "Pauwi na  rin ako besh..." "Ingat ka. Wag tatanga-tanga sa daan. O sige ha... matutulog---" "Besh." "O? May chika ka pa ba?" "Besh, hindi sa tinatakot kita ha, pero mag-ingat ka diyan sa bahay mo. Ang sabi kasi ng staff dito, posibleng bumalik diyan si Luthan. Narinig kasi nila siyang nagsalita na may babalikan daw siyang babae. At mukhang galit siya. And one hundred percent sure akong ikaw 'yung tinutukoy niyang babalikan niya. Kaya expect the unexpected besh. Tumawag ka agad ng pulis kapag may naramdaman kang kahina-hinala diyan---" Wala na. Hindi na 'ko nakasagot. Triple na ang kaba ko. Baka matupad kasi 'yung wild imagination ko kay Luthan, yung Wrong Turn: Left for Dead Luthan Version. Mamaya paghigantihan niya ako sa ginawa ko sa kanya di ba? Patay na! [LUTHAN] Sa wakas. Pagkatapos ng dalawang araw na paghahanap sa bahay ng babaeng yun, nakita ko na rin ang pakay ko. Natatanaw ko na 'yung bahay niya. Napangiti ako. Humanda ka sa aking babae ka. [FRANCELI] Medyo nakalimutan ko si Luthan at ang kapraningan ko dahil nalibang ako sa paglalaro ng Plants vs Zombies sa laptop ko. Hindi kasi ako makatulog sa takot na matuloy na iyong Wrong Turn: Left for Dead Luthan Version. Nadagdagan pa 'yung nerbiyos ko nang magpunta ulit dito ang mga taga Baranggay para i-check kung bumalik nga rito si Luthan. Dahil dun, mas lalo akong naging paranoid. Parang feeling ko kasi talagang pupuntahan ako rito ng lalaking yun. Hindi tuloy ako makatulog sa kaba at anticipation. Kaya para malibang ako ulit, nag-stalk na lang ako sa profile ni Reuben sa f*******:. Hindi kami friends ni Reuben sa f*******: pero naka-public ang profile niya kaya Stalking Gallore ang peg ko ngayon. Tumingin-tingin ako sa mga pictures na naka-tag sa kanya galing sa mga classmates niya. Ay namin pala. Blockmates naman kasi kami. Tapos nag-scroll down ako at may nabasa akong status niya. 'I'm sorry if I said that to you. I just don't know how to be better.' Ang nakaka-intriga sa post niya, dated yun two days ago. That day na pinahiya niya ako sa mga friends niya! Namula naman ako bigla. Nagbabanta na naman 'yung syndrome ko kaya huminga ako agad nang malalim. Wait. Ako ba 'tong pinatatamaan niya sa post niya? Binasa ko ulit. Bakit feeling ko talaga para nga sa'kin 'yung post niya? Kahit pwede namang para yun sa nanay niya na nasigawan niya, o sa kabarkada niya na nakatampuhan niya o kaya sa aso niyang nainsulto niya. O pwede ngang lyrics lang yun ng isang kanta at trip niya lang i-post kasi ang akala niya sa wall niya ay song hits. Pero bakit ganito? Kumakabog nang malakas ang dibdib ko. Kaya para matapos na ang pagtataka ko ay nag-send na 'ko sa kanya ng friend request. Halos di na nga ako makahinga sa kaba. I-accept kaya niya? O i-reject niya tapos i-block ako gaya nang ginawa niya sa unang f*******: account ko? May notification akong tumunog pero bago ko pa mabasa kung tungkol saan yun, nag-empty na 'yung laptop ko at nag-shut down. Hindi ko kasi ito ginagamit nang naka-charge. Muntik na nga akong mapamura kasi mamaya yun 'yung pag-confirm ni Reuben sa friend request ko! Nakaka-excite naman! Tumakbo ako sa tokador ko para kunin ang charger ng laptop ko. Excited ko pang kinabit yun. At nang isasaksak ko na sa outlet, bigla na lang nag-brown out! Napasigaw na 'ko sa sobrang takot at gulat! Eto ang disadvantage ng mag-isa sa bahay! Para akong nasa loob ng horror house kapag brownout! Kaya kahit takot, bumaba akong kusina para hanapin 'yung flashlight ko at magsindi ng kandila. Ang dilim-dilim kaya nangangapa akong bumaba ng kusina. Ano ba yan, ang dilim naman. Baka mamaya kung ano pa ang makapa ko. "AHHH!" Napaigtad ako bigla kasi may nakapa nga ako! Bawal sabihin kung ano yun! Pero isa lang ang alam ko, may tao sa harapan ko! "AAHHHH!" napasigaw pa ako once more kasi biglang umilaw ang katawan ng taong nasa harapan ko na parang multo! At tumambad sa'kin ang pagmumukha ni Lutang, este ni Luthan!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD