[FRANCELI]
Mahirap pilitin ang taong ayaw gawin ang isang bagay. O 'yung maraming pag-aalinlangan sa mga bagay-bagay. Lalo naman 'yung taong maski siya ay hindi naniniwala sa bagay na gusto niyang makuha.
Isa iyong nakakainis na katotohanan ng buhay. Kaya hindi na ako nagtaka nang i-deny ni Daniella 'yung feelings niya para kay Dean na kanina lang ay inamin niya.
"A-Ano ka ba, Franceli. Kilabutan ka nga sa sinasabi mo... Hindi ko naman yata talaga gusto si Dean. Baka epekto lang ito ng halos buong buhay na naming pagsasama. Hay! Siguro kailangan ko na talaga ng bagong prospect." Tumawa siya ng peke at pinaypayan niya ang sarili niya gamit ang kamay niya. Nainitan pa yata siya sa pag-hot seat ko sa kanya tungkol kay Dean. "Alam mo okay sana ang Kuya mo eh. May itsura naman yun. At may stable job. Tapos mukhang nagbago na talaga siya. Kaso nga lang---"
"Kaso ano?" interesadong tanong ko.
Umiling siya agad. "Wala. Ah, basta! Mamaya gigimik nga akong mag-isa sa bar at maghahanap ako ng bago kong kahuhumalingan nang mahimasmasan na ako sa kagagahan ko..." Tumawa pa siya nang bongga. Akala yata niya iisipin kong joke lang 'yung kaninang pag-admit niya ng feelings para kay Dean dahil sa pagbibiro niya ngayon.
Pero mali siya. Gusto ko lang sabihin sa kanya na hindi siya nababaliw at gusto niya talaga si Dean dahil isa siyang super martir girl. Naisip ko tuloy, sa hirap ng ginagawa namin ni Luthan magkatuluyan lang kami ni Reuben, aba'y deserve na deserve ko na ang loko.
Kaya lalo tuloy akong nagkagustong gawan na ng paraan sina Daniella at Dean sa lalong madaling panahon. Kung kinakailangang akitin ni Daniella si Dean lumabas lang ang tunay niyang p*********i ay ipapayo ko iyon makuha lang namin ang liwanag ni Dean.
"Hay, dapat na siguro akong mag-resign dito sa work ko tapos mag-abroad na lang ako. Doon, hindi ako masusundan ni Dean at makakahanap pa ako ng foreigner fafabells..."
Natawa ako dun. "Ang dami mong gagawin makalayo lang kay Dean. Talaga bang ganun ka kaasiwa sa feelings mo para sa kanya?"
Pinandilatan ako ni Daniella. "Eh pano ako hindi maaasiwa? Girl, bakla siya! Bading! Beki! Ano naman ang future ko sa kanya? Baka nga kahit maghubad ako sa harap niya ay dedmahin niya lang ako tapos sukatin niya pa 'yung vital stats ko."
"Eh bakit ka niya hinalikan? Nasabi mo sa bahay nung lasing ka, hinalikan ka niya."
Nagulat siyang narinig ko pala yun. "Nasabi ko pala yun? Joke lang daw yun. Gago kasi yun eh."
"May bakla ba talagang manghahalik ng babae tapos sasabihing joke lang? Ang alam ko sa tunay na bakla, diring-diri nga silang madikit sa katawan ng babae eh. Tapos siya hinahalikan ka?"
Tinitigan ako ni Daniella nang makahulugan. "Eh anong gusto mong iparating? Na pinagnasaan niya ako that moment na hinalikan niya ako?"
"Why not?" nakangisi kong tanong.
"Kasi nga bakla siya!" sagot niya pero nangiti ako kasi halata na sa boses niya 'yung konting doubt.
Nagsisimula na siyang mag-isip, at kailangan ko pa siyang i-push. Kailangan niyang gustuhin si Dean para matalo niya ang epekto ng liwanag sa katawan nito. Dean.
Kaya nga may naisip akong gawin. Kinuha ko mula sa bulsa ng pants ko ang phone ko at binuksan ko ang photo gallery ko. Ipinakita ko sa kanya ang isang picture na dinownload ko pa para sa isang report sa school. Isa iyong picture ng isang rainbow.
"Ano ito?" nagtatakang tanong niya.
"Rainbow," sagot ko.
"Alam kong rainbow yan. Para saan ba yan?"
"Ginamit ko ito sa report ko sa isang subject ko sa school. Ang topic ko nun, Gender Orientation."
"So ano ito sa'kin?" tanong niya pa rin.
"Tingnan mong mabuti 'yung mga kulay ng rainbow. I-zoom mo kung gusto mo. Ang tawag diyan, spectrum. Ngayon, for example, look at red, orange, saka sa yellow." At ginawa nga niya. Tumingin nga siya dun sa mga kulay. Magkakatabi ang mga kulay na binanggit ko at nag-zoom pa siya.
"Ano ba dapat ang makikita ko rito?"
"Hanapin mo ang exact point diyan sa mga kulay kung kelan tumitigil 'yung red at masasabi mong orange na yan. Ganun din sa yellow. Hanapin mo kumbaga 'yung boundary ng orange at yellow."
Sinubukan niyang hanapin pero pinandilatan niya rin ako agad. "Imposible 'yang sinasabi mo! Wala namang eksaktong spot o kulay dito kung kailan masasabi mong orange na 'yung kulay at 'di na red! Pati na 'yung sa yellow!"
"Exactly," nakangiti kong sabi. "Kasi spectrum yan. Ate Daniella, ganun ang konsepto ng gender. Hindi fixed ang characteristics ng bawat gender. Walang exact point kung saan masasabi mong lalaki pa rin ang isang lalaki at kung saang ugali o katangian niya masasabi mong bakla na siya."
"Ha?"
Nakatulala na siya sa pinagsasabi ko kaya napakamot na 'ko sa ulo ko. Mukhang kelangan ko pang ulitin yung report ko tungkol sa Gender Orientation para maintindihan niya yung sinasabi ko.
"Ang point ko, hindi dahil babaeng kumilos si Dean ay hindi na siya pwedeng maging isang straight na lalaki. May mga effeminate talagang lalaki, 'yung tipong hindi maskulado, hindi makisig, at medyo malambot kumilos at gumalaw pero straight pa rin. Gets mo teh? Kasi wala naman talagang exact point na nagsasabing, Ay, bakla na yan. O kaya ay, 'Ay hindi, lalaki pa rin yan.' Kasi bawat isa sa atin, unique ang set of gender characteristics. Kasi nga ang gender, spectrum."
Napakamot na rin si Daniella sa ulo niya. "Medyo gets ko na itong spectrum eklavu mo pero ang di ko gets ay kung anong pinaglalaban mo."
Kung 'di ko lang talaga siya prospect ay baka naasar na ako. Di niya pa ba gets na gusto kong isipin niyang hindi naman imposibleng magkagusto si Dean sa isang babae?
"Gusto kong malaman mo na ganito dapat tinitingnan ang gender ng isang tao. Hindi mo pwedeng i-judge ang gender preference niya base lamang sa isang katangian niyang mukhang inappropriate dahil isang trait lang yun. Marami tayong traits, gurl. Same as girls. May mga tomboy na kilos babae talaga at long-hair pa. Sa ibang bansa nga, hindi na issue ang gender orientation eh. Dito lang naman sa'tin ganito kasi mga echusera ang mga tao rito at napaka-close minded."
Si Daniella naman ang natawa. "Oo gets ko na. So ibig mong sabihin, hindi ko dapat sinasara si Dean sa concept na bakla talaga siya kasi hindi ko naman talaga sigurado, ganun? Pero Franceli, mula high school kilala ko na yun. Never ko pang nakitang nagkainteres yun sa isang babae."
"Baka naman kasi takot siya. Takot siyang magpakalalaki kasi takot siya sa sasabihin ng tao. Take note, kiniss ka niya. Isa iyong malaking hiwaga sa gender orientation niya kasi walang inosenteng kiss, Ate Daniella. Laging nasa context iyon, laging may meaning. Kahit kiss ng isang stranger may pinahihiwatig."
"Fine. Sabihin na nating that moment na hinalikan niya ako ay ginusto niya o may malisya dun. Pero masasabi ko na bang lalaki na talaga siya dahil lang dun?"
Napangiti ako dahil gets na nga niya yung pinaliwanag ko. "Hindi. Pero 'wag mong kalimutan yung idea na di mo alam yung kung saan banda 'yung pagbabago ng mga kulay sa spectrum. May mga tao talagang dormant talaga yung gender orientation nila dahil na rin sa personal experiences at environment nila. Ever heard of gays na nagkakaasawa at nagkakaanak? O 'yung mga taong lalaking-lalaki noong mga teenager kayo pero nung mag-reunion kayo ten years after ay mas malalaki na 'yung mga boobs niya sa 'yo? May ganun talaga, Ate Daniella. Ganun kasi ang gender orientation, minsan sa ibang tao inaabot ng taon bago nila malaman kung ano nga ba sila."
Tumango siya sa sinabi ko at natuwa naman ako. "Ibig mong sabihin, posibleng ganun si Dean?"
Tumango ako. "Posibleng bisexual siya at hindi niya lang alam."
"G-Ganun?"
"Oo nga. Malay mo magkagusto nga siya sa isang babae? Eh 'di may chance ka sa kanya. Yun nga lang, nasa sa 'yo naman yun kung type mo pa rin siya kung tama nga ang assumption ko na bi siya. Kaya tatanungin kita. Gusto mo pa rin ba siya if ever---?"
Tinawanan niya ako sa huli kong sinabi. "Ano namang klaseng tanong yan? Eh kahit nga bakla talaga siya eh type ko pa rin naman siya."
"O yun naman pala. Kaya huwag mong sukuan si Dean kung hindi ka pa naman niya binabasted. Kasi ako, ramdam ko na to some extent ay may chance talagang maging kayo."
Hindi na sumagot si Daniella sa sinabi ko. Bagkus ay tumitig lang siya. Alam ko naman 'yung nararamdaman niya eh. Malamang nga ay kumakabog na ang puso niya sa kaba dahil sa mga sinasabi ko.
Gusto niya kasing maniwala sa sinabi ko. Gusto niyang maniwalang pwede pang maging lalaki si Dean at posibleng magkatotoo 'yung matagal na niyang tinatagong pagtingin dito. Ramdam ko yun sa mga titig niya. Yung titig na umaasa pero natatakot din.
[LUTHAN]
Gabi na nang makauwi kami ng bahay ni Franceli galing sa Mental Hospital. Agad sumalampak si Franceli sa sofa at binuksan ang tv. Wala si Kuya Ferdie at may lakad yata pero may pagkain na sa mesa kaya naghain na ako para makakain na kaming dalawa.
"Luthan, marunong ka bang magmasahe? Pwedeng pakimasahe naman ng likod ng ulo ko? Please? Feeling ko kasi na-stretch ang utak ko kanina sa lecture ko with Daniella at na-sprain ang ulo ko tapos naapektuhan na rin ang katawan ko."
Hindi ko lubusang naintindihan ang sinabi niya pero lumapit pa rin ako sa kanya para gawin ang gusto niya. Itinuro niya naman kung pano gawin iyong masahe at natuto naman ako agad.
"Ang galing, masarap ka pa lang magmasahe, Luthan," sabi niya habang nakapikit at namula ako dun. Nakaupo ako sa tabi niya habang minamasahe siya at tinitingnan ko ang mukha niya.
Gusto ko talaga 'pag nagagawa ko nang maayos ang pinapaagawa niya sa'kin, kasi pakiramdam ko hindi na ako isang bituin at tao na talaga ako.
"Uy, ang galing mo talaga. Ikaw na."
"Ano'ng ibig mong sabihin?"
"Kasi parang lahat na lang nang ituro sa 'yo, kaya mong gawin nang napakagaling. Tulad ng pagluluto. Yung paglilinis ng bahay. Pagbisekleta. Pakikisalamuha sa ibang tao. Paggawa ng palusot. At ngayon pagmamasahe naman. Ikaw na ikaw na talaga. You na already. Kaya nga naloloka ako 'pag lumalabas tayo kasi 'di ka pa rin magaling pumili ng damit. O 'yung pag-ayos ng buhok mo. Tinuturo ko naman yun sa 'yo ah... Kapag pumapalpak ka dun, doon lang bumabalik sa'kin 'yung realidad na bituin ka pala. "
Natawa ako. Gusto kong sabihin sa kanyang sinasadya kong pangitan iyong pagpili ko ng damit at pag-ayos ng buhok ko kasi gustong-gusto kong siya ang gumagawa nun para sa'kin. Kaso hindi ko na lang sasabihin kasi baka mainis na naman siya sa'kin. Mahirap na.
"Kumusta ang pag-uusap niyo ni Daniella?" pag-iiba ko naman ng usapan. Pinatigil na niya ang pagmasahe ko at pumunta na kami sa mesa para kumain.
"Ayun. Mukhang okay naman 'yung lecture ko. Eh ikaw, kumusta ang pag-iimbestiga mo kay Dean?" tanong niya. Ang sabi niya kasi kanina nang umalis kami ni Dean, kausapin ko raw ito tungkol kay Daniella. Tanungin ko raw kung ano ang tingin niya sa dalaga.
"Ang sabi niya maganda raw si Daniella," sagot ko at kuminang ang mga mata ni Franceli doon. "Pero mas maganda siya."
"Alam mo ikaw ang hilig mong magpa-suspense," sagot niyang naaasar. "Sarap mong ihulog sa bangin."
"Pero may nakuha naman akong magandang impormasyon," sabi ko pa. "Tinanong ko si Dean kung hindi niya ba naisip na magkapamilya balang araw. Kung ayaw niya bang magkaanak..."
"Alam ko na ang sagot niya," saad ni Franceli. "Di mo na ako maloloko sa pa-suspense mo... Malamang sinabi niyang mag-aampon siya ng bata o magpapa-s*x change siya no?"
Umiling ako. "Ang sabi niya gusto niya rin naman magkaanak talaga. Ayaw niya raw na mag-isa sa pagtanda niya. Pero sabi niya rin, sinong matinong babae raw naman ba ang papatol sa isang baklang tulad niya?"
"Anong sinagot mo dun, Luthan?"
"Ang sabi ko, si Daniella."
[FRANCELI]
Gumagaling na rin itong si Luthan sa suggestive manipulation. Iyon kasi ang tawag ko sa ginagawa namin kina Dean at Daniella. Habang nagshi-share sila ng mga kwento nila, suggest lang kami nang suggest ni Luthan. Kay Daniella, sina-suggest ko ang possibility na pwedeng magpaka-lalaki si Dean para sa kanya. At si Luthan naman, sina-suggest ang possibility kay Dean na may magkagusto sa kanyang babae.
Oo, mukhang wala lang 'yung sina-suggest namin. Parang kalokohan lang at hindi ganun kaseryoso, pero yun ang point ng suggestive manipulation. May sasabihin kang bago o kakaiba o unconventional na mga bagay sa isang tao na magpapaisip sa kanya nang husto. Yung tipong, iniisip niya rin naman kaso sa tingin niya kalolohan lang. Kaso may magsa-suggest sa kanya ng idea na yun at ikagugulat niyang naiisip din pala yun ng iba at maiisip niyang baka posible nga yun kasi naiisip din pala yun ng iba. Hindi siya nag-iisa, ganun.
Ganun ang ginagawa namin kina Dean at Daniella. Ginugulo namin ang mga utak nila. Sina-suggest namin ang mga bagay na imposibleng mangyari pero gusto nilang marinig all the same. Ganun naman kasi ang tao, kadalasan iyong mga malalaking desisyon natin sa buhay ay epekto ng mga manipulative suggestions ng nasa paligid natin. Kadalasan, sa pamilya mo maririnig ang mga ganitong suggestions, o sa mga kaibigan. Parang wala lang sa 'yo 'yung mga sinasabi nila pero 'pag mag-isa ka na lang sa kwarto mo, doon mo na maiisip 'yung mga suggestions nila. Natural kasi sa atin na i-consider ang opinion ng iba sa isang bagay, lalo na iyong mula sa mga taong pinagkakatiwalaan natin. Pero kahit random stranger kayang makaapekto sa mga desisyon mo, lalo na kung hindi ka emotionally-intelligent.
Emotional intelligence ang tawag sa kakayahang makapagdesisyon ng mga bagay base sa sarili mong emosyon at nararamdaman at hindi mula sa sinasabi ng iba, at konting tao lang ang emotionally intelligent. Kaya hindi na ako magtataka kung maiilang na ngayon si Dean sa harapan ni Daniella dahil sa sinabi ni Luthan, o kung mapapaisip na nang husto si Daniella sa feelings niya para kay Dean kapag magkasama silang dalawa lang.
Lahat nang ginagawa namin ni Luthan ay simpleng logic at psychology lang, at hindi ko talaga inakalang ma-aapply ko ang lessons namin sa school sa ganitong paraan. Well, of course walang ideya si Luthan sa kung ano ang ginagawa niyang manipulation, pero alam kong gumagana ang ginawa niya kasi pagdating ni Kuya sa bahay, nabanggit niyang magkikita sana sila nina Dean at Daniella para mag-dinner kaso hindi raw sumipot si Dean at agad ding umuwi si Daniella dahil dun. Patunay lang na iniisip na nila iyong mga sinasabi namin. Kung meron daw kasing bagay na ayaw nating marinig sa ibang tao, yun ay 'yung mga bagay na gumugulo sa isip natin kasi kapag marinig mo yun dun mo nararamdaman na totoo ang mga bagay na gumugulo sa isip mo.
"Hoy Frans natulala ka na," natatawang sabi ni Kuya sabay kalabit sa'kin. Anak ng mustasa, nakalimutan ko nang kausap ko pa ngayon sina Kuya at Luthan.
"May sinasabi ka ba Kuya?" tanong ko.
"Ang sabi ko, malapit na ang birthday mo. Next week na. Ano'ng gusto mong gawin? Saan mo gustong pumunta?"
Oo nga pala. Birthday ko na next week. Lagi kaming umaalis noon kapag birthday ko. Yung the best ay noong buong pamilya kaming nagpuntang Japan. Last year pumunta kaming Baguio.
"Kahit saan na lang," matamlay na sagot ko dahil bigla kong na-miss ang mga magulang ko.
"How about, mag-swimming tayo sa isang resort? Sagot ko ang gastos, Frans. Invite your friends." Nakita ko pang nag-apiran sina Kuya at Luthan at nawindang naman ako sa kanila. Anong meron sa dalawang ungas na 'to at tuwang-tuwa sila sa swimming? Teka, nakapag-swimming na ba si Luthan dati? I bet hindi pa.
"Okay. Pwedeng i-invite ko sina Glen, Mikka, at Reuben? Tapos siyempre si Steph," sabi ko kay Kuya at nakita kong sumimangot si Luthan at nagtaka ako dun.
"Sure. Tapos isama ko din 'yung girlfriend ko ha, para makilala mo," sagot naman ni Kuya at halos lumuwa ang mga mata ko sa gulat.
"May love life ka na ulit, Kuya? Siguraduhin mong papasa 'yan sa'kin Kuya, ha, at utang na loob sana 'di yan jejemon. Nakakaloka 'yung latest ex mong si Jonna Mae, yung 'po' niya sa text ay 'pfoe'. Sarap niyang ipadala sa Iraq."
Nagtawanan sina Kuya at Luthan dun at 'di ko mapigilang ma-amaze dahil close na talaga sila. Super. Parang walang suntukang nangyari noong una silang magkatagpo. Napapaisip na naman tuloy ako.
Hay, sana kapag kami na ni Reuben maging boto rin sana si Kuya para sa kanya. Kaya nga invited siya eh, para ma-acquaint na rin sila sa isa't-isa.
"Don't worry, magugustuhan mo siya," matalinhagang saad ni Kuya sa'kin.
"Ay teka Kuya, invite mo na rin sina Ate Daniella at Kuya Dean," dagdag ko na rin.
"That's a good idea," reply ni Kuya. "Mahilig 'yung mga yun sa outing eh." Tumango ako at tiningnan ko nang makahulugan si Luthan. May naiisip na kasi akong paraan kung paano magkakagustuhan sina Dean at Daniella, at magandang isagawa 'yung plano sa outing sa birthday ko.
May bigla namang nag-doorbell sa labas at tumayo ako para puntahan yun kung sino kaso nauna si Kuya at siya 'yung lumabas. Pero agad din siyang bumalik sa'min na nakakamot sa ulo.
"Ang weird ng batang yun..." sabi ni Kuya sa'min ni Luthan.
"Sino ba yun?" tanong ko.
"Yung batang crush na crush mo
na mahilig magbisekleta. Nag-doorbell sa labas pero pagkakita niyang ako ang lumabas agad nagtatakbo palayo."
"HUWAT?" sigaw ko sa sobrang pagkakabigla at dali-dali akong tumakbo palabas ng bahay papunta sa gate at natanaw ko pa sa 'di kalayuan na tumatakbo si Reuben mylabs palayo ng bahay.