Chapter 19

2945 Words
[FRANCELI] "Hindi ka gusto ni Reuben," walang pusong tugon sa'kin ni Luthan habang patalon-talon pa ako sa kama ko sa sobrang kilig. Homaygad kasi, pinuntahan ako rito sa bahay ni Reuben! At kahit sabihin pa ni Luthan lahat ng kanegahan sa buong universe ay hindi ako matitinag sa kilig na nararamdaman ko ngayon. Bakit hindi? Eh si Reuben mylabs na mismo ang nagbibigay ng motibo? "Mas mabuting planuhin na natin ang gagawin natin kina Dean at Daniella sa outing kesa sa pagpantasyahan mo ang lalaking yun," dugtong pa ni Luthan. Nakakainis na nga siya eh. Akala mo kontrabida mula sa isang teleserye. "Alam mo ikaw, bituin ka nga talaga. Kasi 'di mo pa maintindihan ang nararamdaman ko ngayon," singhal ko sa kanya. Nahiga na ako sa kama ko para ready na akong matulog pagkaalis ni Luthan. Nawala na 'yung kilig ko sa nangyari kasi panira ng moment si Star Boy. Siya naman, nakaupo lang sa gilid ng kama ko na nakataas ang kilay sa'kin. "Ano pa ba ang 'di ko maintindihan?" tanong niya at lalo ko siyang tinarayan. "Etong kilig na nararamdaman ko!" singhal ko sabay turo sa sarili ko. "Kinikilig ako kasi ano ba naman ang reason ni Reuben para pumunta rito? Di ba wala naman? Unless gusto na niya ako!" Natawa si Luthan sa sinabi ko at gusto ko nang mainis sa kanya nang bongga. "Kinikilig ka dahil pinuntahan ka niya rito?" "Oo!" "Ang hilig mong umasa, Franceli. Ganyan kayong mga tao. Simpleng bagay lang, binibigyan niyo agad ng kahulugan. Malay mo ba naman kung may isosoli lang sa 'yong gamit si Reuben, o 'di kaya ay kakausapin ka lang niya tungkol sa isang homework niyo. Kaso si Kuya Ferdie ang lumabas kaya natakot siya." "Ang sama mo. Talagang babasagin mo ang kaligayahan ko?" reklamo ko pero napaisip rin ako. Tama kaya si Luthan? Nag-assume lang ba ako? Come to think of it, kami 'yung mag-partner sa Math exercises namin sa school. Baka nga naman may gusto lang siyang sabihing school-related sa akin. "Gusto ko lang na pagtuunan mo ng pansin ang plano natin. Wag kang magpadala sa nangyari. Hindi nga siya pumasok ng bahay niyo eh. Tapos kikiligin ka?" "Wala ka talagang puso, Luthan. O sige na, bukas na tayo mag-usap tungkol sa plano dahil matutulog na ako at dadalawin pa ako ni Reuben mylabs sa panaginip ko." Tumayo na siya at naglakad na papunta sa pinto. "O sige. Good night Franceli, sweet dreams. Please dream of me to---" "Hoy 'di ba sabi ko 'wag mo nang sasabihin yan?" singhal ko at tumawa lang si Luthan na lumabas sa kwarto ko. Narinig ko pa siyang nagsalita at akala ko ako pa ang kinakausap niya kaso narinig ko rin ang boses ni Kuya sa labas. Lumapit ako sa pinto para pakinggan silang nag-uusap sa labas sa tapat ng pinto ko. "Tulog na si Frans?" narinig kong tanong ni Kuya kay Star Boy. "Opo, Kuya," sagot naman ni Luthan. Kung maka-Kuya talaga siya, akala mo siya ang kapatid eh. "Narinig ko siyang sumigaw. Nag-away ba kayo?" At ang tsismoso ni Kuya. Kajirits. "Naku, hindi po. May kinaiinisan lang po siya," sagot naman ni Luthan. Oo, Luthan! Tama ka! Naiinis talaga ako sa 'yo nang bongga! "Ah, akala ko nag-aaway kayo. Baka kasi nagseselos ka dun sa Reuben na yun," saad ni Kuya na ikinaloka ko. "Teka, nagseselos ka ba dun, Luthan?" "Ha? Hindi po..." mahinang sagot ni Luthan. Alangan naman kasing magselos siya. Eh bituin nga siya. "Good. Kasi hindi naman threat sa 'yo ang lalaking yun. Kung dati siguro, oo. Crush na crush kasi yun ni Frans. Kaso manhid yata ang batang yun." Kahit manhid yun, mamahalin niya rin ako 'pag natupad na ni Luthan ang hiling ko! "Pero okay lang na magselos ka Luthan, kasi dating kinahumalingan rin naman yun ni Frans. Pero nakikita mo naman, mahal ka ng kapatid ko. Pinaglaban ka pa niya sa'kin. That's something. Kaya wag ka nang mag-alala." Jusko, akala ni Kuya nagseselos si Luthan! Sabagay, nagpapanggap pala kaming mag-boyfriend ni Luthan! Di pala ako dapat nagtatakbo nang ganun ka-excited kanina palabas ng bahay para makita si Reuben! Ano na lang ang iisipin ni Kuya, mahal ko si Reuben at si Luthan nang sabay? Kaso wala eh, napangunahan ako ng excitement at tuwa. Siyempre hindi ko kasi expected na pupunta siya rito sa bahay. Kahit tumakbo siya nang makita si Kuya, at kahit ang weird nang ginawa niya, hindi ko pa rin maiwasang mapaisip. Ano nga ba talaga ang dahilan niya kung bakit siya napadaan sa bahay? Bukas sa school, tatanungin ko talaga siya. *** May sumpa yata ang English ni Luthan kasi napanaginipan ko na naman siya. Ang weird nga eh. Noong una si Reuben ang kayakap ko sa isang mataas na lugar habang nakatingin kami sa langit, pero sa isang iglap ay naging si Luthan si Reuben at napasigaw pa raw ako sa panaginip ko. Nagising tuloy ako nang maaga dahil sa bangungot na yun. Hindi ko naman alam na kakaririn ko iyong 'Please dream of me tonight' ni Luthan at talagang pati sa panaginip ko ay umeeksena siya. Kaya sa inis ko nga ay hindi ko siya pinansin noong nag-almusal kaming tatlo nina Kuya, naiinis kasi talaga ako lalo na nang pinagsilbihan niya ako. Ipagtitimpla pa niya sana ako ng Milo kaso inagaw ko na sa kanya 'yung garapon at ako na ang nagtimpla. Napansin naman agad ni Kuya ang sumpong ko. "May LQ ba kayo?" tanong ni Kuya na nakatingin sa'kin. "Wala!" pasigaw na sagot ko. "Wala raw, eh tinatarayan mo si Luthan. Pinagsisilbihan ka na nga ng tao..." "Nakakainis kasi siya!" turo ko kay Luthan na nagulat sa sinabi ko. Hindi ko alam kung bakit siya ang sinisisi ko sa inis na nararamdaman ko, gayong aminado naman akong dahil ito sa pagpunta ni Reuben. "Franceli, galit ka ba talaga? Akala ko okay tayo?" tanong ni Luthan. "Ewan ko sa 'yo!" singhal ko at nagmadali na akong mag-ayos ng sarili ko at umalis na ako ng bahay. Hinabol pa ako ni Luthan pero nagbisekleta na ako papuntang school. Ewan ko ba kung bakit feel na feel kong awayin si Luthan. Naiinis kasi ako, feeling ko siya ang personification ng kabiguan ko kay Reuben. Yun siguro ang dahilan ng inis ko, kasi baka 'yung existence ni Luthan sa buhay ko ang malaking patunay kung gaano kaimposibleng mahalin ako ni Reuben. Talagang kinailangan ko pa ng intervention ng isang bituin. Ang pathetic ko pala talaga. Siguro awang-awa na sa'kin si Luthan kaya niya ako tinutulungan. Napaluha ako habang nagbibisekleta. Nagsink-in kasi sa'kin bigla 'yung katotohanang sinasabi ni Luthan--- na hindi ako gusto ni Reuben. Period. At ang pathetic ko kasi ultimo pagdaan niya sa bahay binibigyan ko ng kulay. For all I know sasabihan lang ako nun na mag-aral naman ako sa Math para matutulungan ko siya sa excercises. Lalo tuloy akong naluha, at muntik pa akong sumemplang sa may gate ng school kung walang umalalay sa'kin sa pagpreno sa bike ko bago ito tuluyang sumalpok sa pader ng school. At nagulat pa ako nang makita ko ang mukha nang tumulong sa akin. At automatic na na-activate 'yung syndrome ko. Tinitigan ko lang siya ng ilang minuto at ganun din siya. Akala ko nga nananaginip ako ng finally ay magsalita siya. "Are you alright?" tanong ni Reuben. Kinailangan niya pang ulitin 'yung tanong niya dahil nakatulala lang ako bago ako tumango. Tinulungan niya akong i-park sa bicycle shed ang biseketa ko at nawindang pa ako nang sabayan niya akong maglakad papunta sa building namin. Pareho kaming tahimik pero ang totoo nag-uunahan na ang mga tanong sa ulo ko. Homaygad, bakit siya nandito at sinasabayan pa ako? Kung kailan naman damang-dama ko na kung gaano ka-pathetic ang feelings ko para sa kanya saka naman siya gagawa nang ganito! "Franceli, ayos ka lang ba? Bakit ka umiiyak kanina?" tanong niya. Mukha naman siyang concerned at 'yung kaluluwa ko ay nag-evaporate na yata sa mga nangyayari. "Ha? Ah, eh... ano kasi..." Pautal-utal na ako gaya ng normal self ko 'pag nasa paligid ko si Reuben, at pinipilit ko talagang labanan ang syndrome ko kasi feeling ko ito ang dahilan kung bakit 'di ako mapansin-pansin ni Reuben. Mukha siguro akong tanga sa paningin niya all the time. Kaya kailangan maging confident ako sa harapan niya. "Huhulaan ko, LQ yan ano?" tanong niya pang nakangiti. Ako naman, naninibago ako kasi hindi naman kami close. So bakit niya ako kinakausap? "Ah... oo..." sagot ko na lang. Alam kong nagsisinungaling ako pero hindi ko kasi pwedeng sabihin na siya ang dahilan ng pag-iyak ko. Tumango naman siya sa sinabi ko. "Mukha namang matino 'yung boyfriend mo ah..." sabi niya pa. "Akala mo lang yun..." sagot ko naman thinking of Luthan. Kung alam mo lang, Reuben, kung ano talaga si Luthan. Matatawag mo pa ba siyang matino? Hindi na siya nagsalita kaya naisip ko tuloy itanong 'yung isang bagay na kagabi pa bumabagabag sa isip ko. Huminto na kami sa may entrance ng building namin. "Reuben, bakit ka pala pumunta sa bahay kagabi?" Natigilan siya sa sinabi ko. At kung totoo yung nakikita ko, namula siya... Namumula si Reuben mylabs! "Ano... Kuan kasi... Gusto kong..." "Gustong ano?" excited na tanong ko. "Gusto sana kitang makausap. Kaso nahiya ako at nandun pala ang Kuya mo." Nag-iwas siya ng tingin sa'kin at parang gusto nang kumalas ng puso ko mula sa dibdib ko. "Tungkol saan?" Matagal bago siya sumagot. "Tungkol sa... sa... quiz natin sa Math mamaya..." sabi niya at instant na bumulusok pababa ang high na high na nararamdaman ko kanina. Tama na naman si Star Boy. Bakit ba kasi ako umaasa? Pero kahit dumudugo ang puso ko, pinilit ko pa rin na ngumiti sa kanya. "Ah... ganun ba? Don't worry, nag-review ako kahapon kahit papano." Tumango siya. "Nga pala Reuben. Birthday ko na next week. Mag-outing kami. Invited ka." Ngumiti siya. "Talaga?" "Oo. Pupunta kami sa isang resort. You really should come." "Salamat. Ahm...Franceli, okay lang ba na isama ko si Leila?" "Oo naman," sagot ko kahit ayoko sa gusto niyang mangyari. "Ang lupit ko naman kung pipigilan ko ang kaligayahan mo." Parang nalito siya dun. "Anong kaligayahan?" "Si Leila! Di ba girlfriend mo siya?" tanong ko. "Hindi ko siya girlfriend, Franceli. Kaibigan ko lang siya. Actually single ako," sagot niya at yun na yata ang pinakamagandang balita na narinig ko in recent years. "Ah okay," sagot ko. Nakita ko na si Steph at kumaway na siya sa'kin sa may corridor. "O sige. Andiyan na si Steph. Alis na 'ko." At nagtatakbo na 'ko papunta kay Steph na halatang kinikilig sa nakita niya. Niyakap ko siya sa sobrang saya ko at nagtititili pa ako bago siya kumalas sa'kin. "Besh, what happened? May bago bang development sa inyo ni Reuben? At bakit sinuntok niya 'yung pader pagkaalis mo? Anong sinabi mo?" "Ha?" Agad kong nilingon si Reuben pero wala na siya sa spot kung saan kami nag-usap kanina. Pero who cares, ngayon ko lang na-realize, yun 'yung pinakamahaba naming conversation ever! [LUTHAN] Araw ng Linggo nang magpunta kami sa isang resort sa Laguna para sa birthday ni Franceli. Nauna kaming tatlo nina Steph at Franceli doon sa resort para ayusin 'yung function hall kung saan kami kakain. Gusto kasi ni Steph na lagyan pa ng mga dekorasyon 'yung hall, kaya may mga dala kaming mga lobo at ribbons at kung ano-ano pang makukulay na pang-decorate. Mga bandang tanghali na nang dumating sina Mikka, Glen, Reuben, at Leila at lahat sila binati si Franceli ng Happy Birthday. Natawa nga ako kay Franceli kasi naiilang siya kay Leila na yumakap pa sa kanya na napaluha pa. Sorry siya nang sorry kay Franceli sa ginagawa niya raw na pagtataray at pang-aaway at na-touch daw siya sa pag-imbita ni Franceli sa kanya sa outing kahit 'di sila close. At sabi pa ni Leila, dapat friends na raw sila ni Franceli kasi wala na raw rason para mag-away pa sila... May boyfriend na raw kasi si Franceli at 'di na raw siya natatakot na hahabulin pa ni Franceli si Reuben. Natatawa na lang kami ni Steph kasi hindi yata alam ni Leila na napilitan lang si Franceli na isama rito si Leila dahil kay Reuben. Okay lang naman daw na nandito si Leila kasi natuklasan naman ni Franceli na hindi sila magkasintahan ni Reuben. Masayang-masaya nga si Franceli eh, lalo na ng si Reuben na ang bumati sa kanya. Kitang-kita kong kinikilig siya. Ako naman, naiinis ako na hindi ko maintindihan. Hindi maganda sa pakiramdam ko ang mga nangyayari. Naalala ko namang may regalo rin pala ako kay Franceli kaya kumuha ako ng pagkakataon para makausap siya. Papunta siya sa isa sa mga swimming pool nang tawagin ko siya at lumapit ako sa kanya. Iniabot ko sa kanya iyong paper bag. "Happy Birthday, Franceli." Nagulat siya sa paper bag pero agad din siyang ngumiti nang tinanggap niya iyon. "Gosh, Luthan! Hindi mo naman ako kailangang regaluhan! Ano ba 'to?" "Buksan mo." Nagulat pa siya nang makita ang laman ng paper bag. "Totoo ba ito? Isang video cam? Salamat, Luthan! I love you na talaga!" Niyakap niya ako sa sobrang tuwa niya at natutuwa rin akong masaya siya. Alam ko namang 'yung I love you niya ay dala lang ng kasiyahan niya pero hindi ko pa rin maiwasang matuwa roon. "Pero teka, Luthan..." sabi niya nang kumalas siya sa'kin. "Sinong nagsabi sa 'yong gusto ko ng video cam? Si Steph ba? Ah teka, si Kuya no?" Tumango ako dahil totoo iyon. Kay Kuya Ferdie ako humingi ng tulong kung ano ang pwede kong iregalo sa kanya. "Ay, grabe na ang closeness niyo. Ikaw na, Luthan. Pero teka, mahal 'to ah! Saan ka kumuha ng pambayad mo?" Ngumisi ako. "Matagal na akong nag-iipon ng pera, Franceli. Tinutulungan ako nina Steph at Dean." "At paano ka naman nakakaipon ng pera, aber?" "Naaalala mo nang magpunta tayong sa pinagtratrabahuan nina Dean at Daniella? Inalok ako ni Dean na magtrabaho bilang isang model. Magkakapera raw ako. Pumayag naman ako at si Steph ang manager ko." Mukhang masyado ko yata siyang nagulat dahil hindi siya nakapagsalita agad. "Teka, teka, teka... Nagmo-model ka? Weh?" "Oo nga." Hindi pa rin siya naniniwala. "Weh? Saan naman? At bakit 'di ko 'to alam?" Napilitan na akong magkwento kung paano ako napasok dun sa modelling agency sa Ortigas. May kaibigan kasi si Dean na naghahanap daw ng model, at ako ang inirekomenda niya. Akala ko nung una, mahirap 'yung gagawin ko. Pero madali lang naman pala. Tatayo lang pala ako at ngingiti sa harap ng camera. Kaya habang nasa school si Franceli, pumupunta naman ako sa Ortigas. At nagkapera nga ako. Hindi ko naman alam kung saan ko gagastusin 'yung pera kaya minungkahi ni Steph at Kuya Ferdie na ipambili ko na lang daw ng video cam para kay Franceli. At pumayag naman ako. Tatlong beses akong nag-model para mabili ko 'yung video cam. Nilihim namin itong apat nina Kuya Ferdie, Steph at Dean dahil alam ni Steph na hindi papayag si Franceli na magtrabaho ako. Matagal bago nagsalita si Franceli at kinabahan pa ako kasi baka magalit siya nang husto sa ginawa ko. "Alam mo Luthan, naloloka ako sa 'yo. Grateful ako sa ginawa mo. Salamat. Mas meaningful itong regalo mo kasi pinaghirapan mo. Kaso ayoko nang ulitin mo yun dahil natatakot ako para sa 'yo. Paano kung usisain nila ang pagkatao mo? Paano kung malaman nila kung ano ka talaga?" "Mabait naman si Maam Ella," sagot ko. "At kailangan ko siyang balikan kasi may trabaho pa ako sa kanya." "Ano ka ba naman Luthan! Bakit ka pa babalik? Nabili mo na 'yung regalo mo para sa'kin!" protesta ni Franceli. "Pero kasi... Franceli... Si Maam Ella. Isa siyang dating bulalakaw." Tinitigan ako ni Franceli. Ang sama na ng tingin niya. "Alam mo Luthan hindi ko na alam kung anong ire-react ko sa 'yo. Ang hilig-hilig mong magpa-suspense sa'kin. Pinaglilihiman mo na ako. At ayoko nang ganun. Pag-uwi natin bukas sa bahay ay mag-uusap tayo nang masinsinan ha... At sasabihin mo na sa'kin lahat ng kailangan mong sabihin ha. Mamaya niyan nakabuntis ka na pala hindi ko man lang alam. Tapos may kakatok na lang sa bahay na babaeng mukhang nakalunok ng pakwan kasama ang Tatay niyang may dalang itak at hahanapin ka nila sa'kin. Jusko, maawa ka naman sa ganda ko Luthan." Natawa ako sa sinabi niya kahit seryoso siya. Ang totoo, kaya ako naglilihim sa kanya ay dahil sa natatakot akong madulas at baka masabi kong hanggang sa susunod na kabilugan ng buwan na lang ako maaaring manguha ng liwanag. Ayoko siyang madaliin. At ayokong malungkot siya kung sakaling isuko niya si Reuben. "Franceli! Happy birthday!" Napalingon kami sa sumigaw at nakita namin sina Dean at Daniella na papalapit sa'min. "Andito na sila," bulong sa'kin ni Franceli. "Yung plano natin Luthan ha... Dapat ready ka..." Tumango ako at lumapit na sa amin 'yung dalawa at binati rin nila si Franceli. Nagtungo na kami sa function hall para kumain na kami. Pagkatapos kasi naming kumain ay maliligo na kami sa pool, at gustong-gusto ko na rin masubukang lumangoy. Kumakain na kami nang dumating si Kuya Ferdie kasama ang girlfriend niya. "Happy birthday Frans!" sigaw ni Kuya Ferdie pero kaming lahat sa mesa ay titig na titig sa babaeng kasama niya. "Ah. Girlfriend ko nga pala. Si Luna." Si Luna? Si Luna na classmate ni Franceli? Siya ang girlfriend ni Kuya Ferdie? Ngumiti 'yung Luna kay Franceli. "Hi Franceli. Happy birthday." Tulala lang din si Franceli kay Luna. Malamang nagulat din siya. At biglang tumitig sa'kin si Luna at kinabahan ako bigla. May nakita ako sa mata niya. Hindi... Imposible... Kilala ko na siya! Alam ko na kung ano siya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD