TEN

2004 Words
MEREDITH's POV Papasok na ako sa una kong klase nang may biglang umakbay sa'kin, kaya lumingon ako sa taong yun and guess what? Yung lalakeng bakulaw ang umakbay sa'kin. Kung noon naiilang siya kahit tignan ko pa lang siya sa mata, pero ngayon halos idikit na niya ang katawan sa akin. Mukhang nasasanay na 'tong lalakeng 'to ah.   "Good morning Meredith!" sabi niya habang abot tenga ang ngiti. Wala na! Sira na araw ko, isang linggo na siyang ganito. Simula noong ibinigay ko sa kanya ang aking notebook, naging ganito na siya kinabukasan. Nakain niya? FC lang? Feeling close?! "Nakain mo Marco?" kumunot ang noo niya at tila nag-iisip. He even put his index finger under his chin. "Nakain ko? Ahm... brown rice, bacon, egg and milk" seriously? He didn't get my point, at talagang sinabi niya ang mga yun?  I rolled my eyes in annoyance, at pumasok na sa loob kaya naiwan siya sa labas ng pinto, bahala siya diyan. Nawiweirdohan na talaga ako sa mga pinanggagagawa niya.  I walk towards my seat at the back. We don't have any permanent seat, pero mas gusto ko dito sa likod nakapwesto. Mapayapa para a'kin na dito ako nakaupo, masyadong maingay sa gitna at ayoko naman makipagtitigan sa prof kung nasa unahan ako. Hindi ako makakatulog ng palihim kapag nandoon ako umupo. Pero mukhang hindi na ata magiging mapayapa ang pag-aaral ko ngayon dahil sumunod parin at umupo sa isang vacant seat na nasa gilid ko. Great! Mukhang magiging permanent seatmate ko rin siya.  And I even found out that he also got the same schedule as I had. What a coincidence right? As in lahat talaga ng subjects ko at oras, parehong-pareho kami. Hindi lang permanent seatmate, kundi permanent classmate na rin.    Yeah! Best college year ever!!.. note the sarcasm.   Eh pano to magiging 'Best College Year, ever'?? Kung yung kabilang side niya ang palaging kong kaharap. I mean, that very annoying and talkative side of him at ang pagiging makulit buong araw.  Isang linggo na, one week full of irritation, pero kung nasa lugar siya na may maraming tao, he act cold. Na para bang ayaw niya ng atensyon. Nakapamulsa at naka poker face lang. Bipolar talaga, tss. "Meredith, may nasalihan ka nang club?" tanong niya, upang mapalingon ako sa kanyang gawi. I almost forgot about that club thing. Ayoko sanang sumali ng mga ganung bagay, pero required daw sabi ne'to noong nakaraang araw. "Nope," plain kong sagot sa kanya. "Great!  Then sabay na tayong pumili," I raised a brow on what he said. Seryoso ba siya? Mukhang ayoko na talagang sumali ng club. Mukhang magiging clubmate rin kami ne'to ah. Wala na talaga akong kawala sa lalakeng 'to. "Ahm.. Sasabay na din silang Derrick na pumili. Wala pa din kasi silang napiling club eh" he said while rubbing his nape. Oh yeah, nakilala ko na din yung mga 'kaibigan' niya, actually he grabbed me during that time, kasi daw may gusto raw makita ako. Akala ko pa naman kung ano na, yun lang pala.   I just nod, saying that I agree. I will reject it at first, pero wala naman din kasi akong kakilala dito, at wala din akong kaalam-alam kung ano ang mga club nila dito sa university na'to. At kahit pa na tanggihan ko ang offer niya, mangungulit parin 'to hanggang sa bumigay ako. That would cause me a lot of time to endure his annoying side. As the professor entered the room, our class eventually started in just a snap. It took us a whole hour and a half before ending our first subject. Hindi naman naging boring ang klase niya dahil gumamit siya ng visual learning such as television and projector. Ewan ko na lang sa iba diyan.  When the time finally comes to an end, we need to get our ass up and proceed to 'clubs area'. At eto na naman yung isa niyang side, 'COLD & POKER FACE'.   "Nick! Rose!" napalingon kami sa taong nagsasalita, and there we saw Derrick waving his hand while Karch on his side. Mukhang kakagaling lang din nila sa klase. They approach us with a wide smile on Derrick's face.... Okay?.... that's weird.... Mukha kasing may halong mapang-asar ang dating ng kanyang mga ngiti. "Ngiti-ngiti ka diyan?" rinig kong sambit ni Marco sa gilid ko ng makalapit na kami sa pwessto nila. "Ikaw na magsabi Karch," Derrick said with still a wide smile, na halos kita na lahat ng ngipin. Now that's creepy, for me.   Karch rolled his eyes to Derrick before he speaks. Bumuntong hininga muna siya bago tuluyang ibinuka ang kanyang bibig. "Kasi si Derrick na yung--"    "Ako na ang bagong persident ng Photography Club!!!" hindi na natapos ni Karch ang sasabihin niya nang biglang sumabat si Derrick. Sabi niya si Karch na ang magsasabi tas bigla lang siya sasabat? Baliw din eh noh?  Napapikit si Karch sa gilid at hindi maipinta ang kanyang ekspresyon sa mukha na tila ba nagtitimpi. Hindi ko talaga alam, mukhang hindi naging maganda ang umaga ne'to kanina. "That's great," I said flashing a little smile on my face. "Congrats sa'yo!!" si Marco yan atsaka tinapik ang balikat niya.   "Salamat sa inyo! GROUP HUG!!" sabi ni Derrick, then he extend his arms to me atsaka ako niyakap. Okay? Chansing siya masyado ah, sabi niya group hug tas ako lang ang niyakap? Suntokin ko to sa panga eh.  Pero wag na lang binatukan na siya ni Marco, kaya ayun kumawala din. "Sabi mo group hug, eh bat si Meredith yung niyakap mo?!" napataas na ng boses si Marco, but it doesn't catch attention to other students na naglalakad dito. Nagkamot lang ng ulo si Derrick. "Crush ko siya eh," sabi ni Derrick na parang nahihiya. Ako, crush niya 'ko? Naka take ba siya ng drugs? Ang high eh. Tsaka masyado siyang verbal, o baka ganito na talaga siya noon pa man. Yung para bang walang preno? Walang pakialam kung anong pwedeng magiging reaksyon ng pagsasabihan niya basta lang ay masabi niya ang kanyang gusto. "Anong sabi mo?!" napapataas na talaga ang boses ni Marco, ano ba problema ang niya? Nakakakuha na siya ng atensyon dito.  "Woah! Chill lang okay? Crush ko siya kasi ang cool niya yun lang, crush as in paghanga, no more no less. Eh.... hindi naman kasi ako tulad ng iba diyan na..... IN LOVE na," sagot naman ni Derrick kay Marco. Okay ang gulo, hindi ko gets at parang may ibang kahulugan? Ewan, mababaliw ako sa dalawang to. Nakita kong pinanlakihan ni Marco si Derrick ng mata.  Nagkibit-balikat lang ako sa mga nakikita ko ngayon. Wala akong pakialam sa kung ano man ang gusto nilang sabihin o di kaya ay gustong iparating. Hindi ko naman din ata 'yan maiintindihan.   "Pwede ba? Mauubos oras ko sa inyo. Kung ayaw niyong maghanap ng club, bahala kayo diyan," sabi ni Karch sabay lakad palayo. Kaya sinundan ko siya ayokong maiwan dun kasama ng dalawang baliw bahala sila diyan. Mas maganda pa sigurong kasama si karch dahil hindi maingay, wala kang problema sa kanya. Kaagad naman din sumunod yung dalawa sa amin at dali-daling sumabay sa amin sa paglalakad. Nasa kalagitnaan na kami ng paglalakad at paghahanap ng kung ano mang pwedeng salihang club ng biglang nagsalita si Derrick. "Kung sa Photography Club na lang kaya tayong lahat. The more the merrier!" sabi niya kaya napaisip din ako. Hindi man ako ganun kahilig at kagaling kumuha ng litrato, na i-enjoy ko naman. So why not? Tsaka baka kung maghahanap pa ako, mas matatagalan at ayoko ng ganon. Madali ng akong mainip.   "Okay, I'm in," sabi ko kaya nagtinginan sila sa'kin. Problema na naman ba nila? "Ako din," kaagad na sabi ni Marco na para bang hindi man lang pinagisipan? Si Karch na lang ang hindi sumagot kaya tiningnan namin siya at tila nag-iisip  kung sasali ba siya o hindi. Nang bigla siyang tumingin sa'min at sabing.....   "I'll join" oh! Well I think alam na namin kung saan kami dederetso.    -----   Hindi na kami naghanap pa, kasi nagdesisyon na kaming lahat na sa Photography Club kami dederetso, tutal yun naman ang napili namin. Nagpunta kami sa malapit na table at nagregister para sa club na sasalihan namin. Naging madali lang ang pagreregister kasi kasama namin ngayon yung President ng club, si Derrick. Natapos na sila Karch at Marco sa pagsusulat, now it's my turn. I'm filling up all forms para sa club hanggang sa natapos na ako. Sinuli ko na ang ballpen ng may biglang sumigaw sa may likuran ko dahilan upang mapalingon ako.   "Nick!!" isang sigaw na nagmumula sa medyo malayong direksyon ang sumalubong sa amin. Napangiwi ako sa tulis ng kanyang boses. I saw a girl hugging Marco as she came in our direction. Hindi naman maiaalis ang ngiti sa kanyang labi habang nakatingala sa matangkad na lalake sa harapan niya.  Oh! May girlfriend na pala tong Bakulaw na toh? Napatingin naman ako sa gawi nila Karch at Derrick, pero ganon nalang ang pagsalubong ang aking kilay nang makita ko ang kanilang ekspresyon sa mukha.  Halata ang gulat sa kanilang mga mata habang nakatingin sa babaeng yakap-yakap si Marco sa bewang. Siguro hindi nila alam na may girlfriend si Marco, malihim siguro toh, na kahit kaibigan hindi sinabihan, tss. Kumawala na yung babae sa pagkayap ni Marco ngunit hindi talaga maiaalis ang saya sa kanyang mga mata. Para siyang bata na nakakakita ng bagong Barbie na laruan. Her eyes are full or admiration while looking intently to the man standing in front of her. "Eto na nga yung sinasabi namin," bulong ni Derrick but I can still hear it, even Marco. Kasi tumingin siya sa direksyon ni Derrick pagkatapos 'yon sabihin, I really don't know what they were talking about.   Bahagyang tumingkayad ang babae atsaka kinuha yung mukha ni Marco at pinatingin sa kanya ng deretso.   "I miss you, Nick," the girl suddenly uttered and gave Marco a peck on his cheeks.  Kitang-kita sa mukha ni Marco ang gulat sa ginawa nong babae sa kanya. Kaagad siyang napalingon sa direksyon ko na ikinasalubong ng aking kilay.  Baka siguro iniisip niya na magsusumbong ako sa PDA na ginawa nila. Well, wag silang mag-alala, I'll keep my mouth zip. The girl seems sweet, but I'll remind you guys that too much sweetness can cause diabetes.  "What are you doing here Althea?" tanong ni Marco sa kanya habang deretsong nakatingin sa babae. Althea is her name? Not bad. It suits her bubbly personality, I can sense some positive energy around this girl. "Isn't obvious? I want to be with you. Sasali ako sa club na sasalihan mo," Althea said with a sweet smile and a cheerful voice. Okay? I think magiging ka club mate ko siya kung ganon.   "Are you sure?" tanong ni Marco sa kanya na para bang hindi nagugustuhan ang desisyon ng babaeng kaharap niya. "Of course!" the girl said at agad na pumunta sa table at nagfill-up na din ng forms. She's even humming a song while writing on a piece of paper. After that, she gave the form to a girl and even said 'thank you' while smiling from ear to ear.  Kitang-kita naman ang pagkabigla sa babaeng kumuha ng papel na para bang ngayon lang siya nakakita ng babaeng nakangiti sa kanya.  Nang natapos na siya, bigla siyang tumingin sa akin.  Halos magkasing height lang din kami, but I'm taller than her in a few centimeters. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa, na ikinakunot ng aking noo ng husto.  Gusto ba niya ng away? Ang ayoko sa lahat ay 'yong tingnan ako mula ulo hanggang paa, na para bang ang liit-liit ko.  "Who is she?" she asked as she raised her eyebrow at me. The cheerful lady that I saw earlier suddenly vanished and became a b***h in an instant.  I clenched my jaw while looking at her face, mukhang hindi kami magkakasundo ng nilalang na ito ah. I changed my mind of wanting to know her more. She's definitely not my type of girl to start a conversation with. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD