MEREDITH's POV
"Who is she?"
"A friend of mine," sinagot naman kaagad ni Marco yung tanong ni Althea na ikinatingin ng deretso ng babae sa kanya. Shock was written all over her small face. Hindi siya makapaniwala sa sinabi ni Marco sa kanya na akala mo naman ay nagtaksil sa kanya. Pfft!
"A friend? Kaibigan mong babae? Talagang babae pa ha? Bakit ngayon ko lang to nalaman? Bakit hindi mo sinabi?" sunod-sunod na tanong ni Althea sa kanya. That sweet face of her earlier just faded, she sounds like a possessive girlfriend in just a snap. Kung kanina lang mukha siyang maamong kuting, ngayon naman ay nagmumukha na siyang tigre na handang mangalmot.
Teka na lang, kung ang nasa isip niya ngayon ay nilalandi ko ang lalakeng pinagpapantasyahan niya, pwes nagkakamali 'tong bruhang 'to.
Kitang-kita kasi sa pagmumukha niya ang pag-aakusa sa'kin. Kating-kati na ang mga mata kong umirap sa kanya, halatang spoiled brat na spoiled brat ang isang 'to.
"Pwede ba Althea? Hindi kita nanay para sabihin sayo ang lahat ng bagay na ginagawa ko o gagawin ko pa lang. Atsaka, anong mali kung magkaroon ako ng kaibigang babae?" seryosong sambit ni Marco sa kanya, kaya tumahimik yung babae.
Tiningnan naman niya ako ng masama at pinanliitan pa ng mata. Aba't! Kung ako hindi makapagpigil dito, ewan ko na lang talaga. Kung maikli lang ang pasensya niya, pwes kasing ikli lang ng karayom ng pin 'yong akin.
Pinili ko na lang ang kumalma, hindi ko pwedeng pag-aksayan ng oras at atensyon ang isang taong hindi ko naman kalebel. Kapag pinatolan ko siya, wala na rin akong pinagkaiba sa kanya. A total war freak.
"Ah, guys! Malapit na ang susunod kong klase. Magkita na lang tayo bukas sa club." sabi ni Derrick at tumingin sa relo niya. Napatingin naman din ako sa relo kong pambisig, 20 mins. na lang at magsisimula na din ang susunod kong klase.
Walang pagdadalawang isip na naglakad uli ako pabalik sa aming department building. mas mabuti ng maaga akong makapasok kesa ang ma late. Baka may makakauna pa ng pwesto ko sa likuran, baka mapilitan pa akong umupo sa harapan, at 'yong ang ayaw na ayaw kong mangyari.
Inumpisahan ko nang maglakad papalayo sa kanila, pero hindi pa ako nakakalayo ng bigla akong tawagin ni Karch.
"Rose san ka pupunta?" lumingon ako kay Karch at pinakita ang relo ko at sinabing...
"Still have class, need to go," sabi ko at naglakad na muli palayo. Madami-dami din ang mga tao dito ngayon sa ground, last day of choosing clubs na kasi. Habang naglalakad ako biglang nag-vibrate ang phone ko, so I hurriedly get it from my pocket and look at the caller's name.
It's Van, anong nangyari at biglang napatawag toh? Wala pang sunod na ring at sinagot ko naman ito kaagad.
"Oh?"
[Queen wala na si Mr.Gorgia]
Napahinto ako sa sinabi ni Van at napasalubong ang aking kilay. What is he trying to say?
[Wala na siya Queen, we just found out that he passed away a few months ago because of his heart disease.]
Hindi ko maiwasang mapangisi pero may bahid na paghihinayang sa sinabi ni Van. That man died earlier than I planned. How sad it is.
"Okay, how bad for him. Better take research for the remaining 3,"ani ko sa kabilang linya. Mukhang mas mapapdali 'tong misyon ko dito ah. Mabuti nga 'yon para pagkatapos na pagkatapos ng graduation ko dito, lilipad uli ako sa states. Wala akong planong magtagal dito dahil puro sakit na alaala lang ang dulot ng lugar na 'to sa'kin
[Got it, Bye.]
"Bye."
As I ended the call, a smile was plastered on my face. Oh well, how unlucky of him not to be killed by my own bare hands. To be killed by disease was terribly boring and unfashionable. He should've held on dearly unto his life and waited for my arrival as his very own killer.
Pero sayang, sayang talaga at pinaaga pa ang pagkawala niya sa mundong ito. Isa siya sa apat na naiwang buhay at nandito sa Pinas, he doesn't taste my revenge. Pero okay lang, there are still 3 remaining alive.
We are still in search of them right now, but once we find or locate them, we will execute a plan for their deaths in an instant. Bakit pa kailangang patagalin ang pananatili nila sa mundong 'to? They don't deserve to breathe the world's air.
Sapat na ang isang mahigit isang dekada silang nabubuhay mula nong pinaslang nila ang mga magulang ko, kung tutuosin, sobra-sobra pa nga 'yon.
Letting someone like them roam around freely is just sentencing a guilty criminal innocent.
For Pete's sake, I won't ever let that happen.
7 down, 3 bodies to go.
They'll better wait for me...
Better wait for the Queen
--------
Kakapark ko lang ng motorbike ko sa garahe ng bahay. Pagpasok ko tawanan at asaran ang kasalubong ko. Ang mga unggoy kasi naglalaro ng x-box at pinapawisan na, mukha lang mga bata to. Pero may kulang sa kanila.
"Where's Dale?" tanong ko sa kanila. Kaya tumigil sila sa paglalaro at tumingin sa'kin. "Nandiyan kana pala Rose. Si Seb? Nasa kwarto niya nagkukulong," huh? Nagkukulong? Is he had any problem? "Bakit daw?" tanong ko uli kay Tristan
"Ewan ko, basta may nakausap lang siya sa phone kanina. Tapos pumunta agad sa kwarto niya, hindi parin lumalabas hanggang ngayon. Apat na oras na siyang nasa loob ng kwartong yun," Tristan explained. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya, apat na oras? Masyado 'yong matagal.
"Hindi niyo man lang pinuntahan?" tanong ko sa kanila. Nilingon ako si Adam na pawis-pawis.
"We tried, pero ayaw niyang sumagot. Hinayaan na lang namin kesa ang magalit siya, we all don't want him to get mad. Nag-iiba siya kapag galit. Tsaka baka kailangan niya ng oras para sa sarili niya," pagpapaliwanang ni Adam.
"Puntahan ko muna siya saglit," I said.
"Okay, maghahain lang muna kami."Tumango ako sa kanya ng isang beses bago tuluyang naglakad sa hagdan. Dumiretso agad ako sa kwarto niya. I knocked 3 times, pero walang sumasagot. I tried to open the door. Akala ko nga naka locked eh, pero hindi. Kaya pumasok na ako sa loob.
Tumingin ako sa bawat sulok ng kwarto niya, pero wala kang Dale na makikita, not until I saw a shadow of a man-figure on the balcony.
As I slowly approached the glass sliding door, hindi ko naman maiwasang ilibot ang aking paningin sa buong kwarto ni Dale. I almost smiled when I saw how organized he is. Kung ikukumpara ang kwartong 'to siguro sa kwarto ng iba naming kasama ay paniguradong hindi man lang sila nangangalahati sa linis ng kwarto ni Dale.
When I finally reached his balcony, I found Dale sitting on the floor. Naka indian-sit siya habang may hawak na litrato sa kanyang kamay. He was just staring at it. Sa sobrang lalim ng kanyang inisip, hindi man lang niya napansin ang pagbukas ko ng sliding door.
Napabuga ako ng hangin bago tuluyang umupo sa tabi niya.
"What's the problem?" ani ko na ikinalingon naman niya sa'kin at bahagyang ngumiti. There is something in his smile. Hindi ko araw-araw nakikita si Dale na nakangiti, pero sa tuwing ngingiti siya napakatotoo ng mga ngiti na 'yon. But this time is surely an exemption.
I can see the sadness behind his smile. Isa si Dale sa mga importanteng tao sa buhay ko kaya nalulungkot ako ng makita ko siya sa ganitong klase sitwasyon. Halatang may malaki siyang problema na hinaharap.
Tumingin ulit siya sa litrato na hawak-hawak niya at ngumiti.
"I have a sister," he stated which makes my body froze in a split second. May kapatid siya? Ngayon ko lang nalaman na may kapatid pala siyang babae, all I ever keow is he's an only child. The only heir of his family.
"And finally, I already found her," sabi pa niya habang nakangiti at tumitingin parin sa litrato. I just stare at him.
"What do you mean?" I asked full of curiosity. Gusto ko siyang maintindihan at madamayan sa kung ano man ang bumabagabag sa isipan niya.
"I lost her when I was just a six-year-old kid, I lost her and mom. I lost the 2 beautiful and most important people in my life. Akala ko wala na, wala na silang dalawa. But then I just found out that my little sister survived in a horrible accident, while mom really died on the spot," Napatingin siya sa itaas, pinipigilan ang luhang gustong kumawala sa kanyang mga mata.
"But then, we can't find her on the accident. Tanging katawan lang ni mom ang nakita ng mga medic, so my dad decided to search for her, we did everything just to find her until the end of time. I didn't lose any hope, I promise myself that I will find my sibling no matter what. Ipinapangako ko na dadalhin ko siya pabalik sa lugar kung nasan kami, ang aming tahanan." Garalgal na ang boses ni Dale habang nagkukwento sa'kin. Gusto ko siyang yakapin kaagad dahil ramdam ko siya. Napakasakit mawalan ng isang miyembro ng pamilya.
"Until one day comes, it's been a year since the accident happens, and I saw her. Noong una ko siyang makita malakas talaga ang kutob ko na siya 'yon, ang nawawala kong kapatid. A slight resemblance of her face and my mother are unquestionably close to similar."
Listening to what Dale said made me feel a pang on my chest. I never knew he experienced something like this, it was so painful, devasted, and full of agony. He's a very silent type of a man, hindi siya mahilig magkwento ng mga napagdadaanan niya. He will surely keep it to himself, and that is what makes him mysterious yet so interesting to know.
"After that day, I never stopped following her. Hindi man ako sigurado na siya talaga yung kapatid ko, binabantayan ko parin siya palagi, I make sure that nothing bad will happen to her again. But now I just confirmed that she's my sister." he stopped and looked at me. Tumitig siya ng ilang segundo at ngumiti, he's teary eyed.
"But I'm afraid," pagkasabi niya nun, may bumagsak na luha mula sa mga mata niya. Agad siyang umiwas ng tingin at pinunasan ang mga ito.
"I'm afraid Meire, what if she'll not accept me as her brother, what if she'll stay away from me after I confess her everything, what if she'll get mad because I lie to her for a long time?" he uttered and faced me. His usual emotionless face faded, napalitan ito ng mukhang puno ng takot at pagaalinlangan.
Honestly, I don't know what to say. I can't answer his questions right now, hindi ko alam ang gagawin. This is the first time that Dale opened up about his family. Hindi ko alam na ganito pala ang nangyari sa kanya. Kung iisipin mo yun, he lost his mother, and now he's afraid that his long-lost sister will reject him, will not accept him as her brother.
Hindi ko alam pero may tumulo na palang luha galing sa mga mata ko. Naging masaya man siya dahil sa nalaman niya tungkol sa kanyang kapatid, meron parin ang takot at lungkot sa mga mata niya. Hindi ko talaga alam ang gagawin, I just hugged him tightly, while tears are rushing down to my cheeks. Then he hug me back in return, I can even hear his sobs too.
Oh, Dale, the world is too cruel, isn't it? How could the universe let a man like him suffer in his own emotions?
------
Hindi ko alam pero nakatulog na pala ako sa pag-iyak. Naramdaman ko na lang na may dalawang bisig ang bumuhat sa'kin. Then I felt a soft thing on my back, I don't know but I think I'm on my room right now, because of the scent I smell.
Bed..... Oh! I'm on my bed, now I really felt sleepy. I think I got tired of crying earlier. I want to close my mind right now and just stop thinking and rest.
But before I rest my mind I heard someone's voice near my ears and says.....
"Goodnight Meire."
And before I completely rest my mind, I felt something on my forehead.
It was a goodnight kiss.