MEREDITH's POV
Lahat ng morning classes ay cancelled dahil sa clubbing na nagaganap. All students are expected to go to their clubs kaya eto ako ngayon naglalakad papunta sa club nayon. Gusto ko sanang mag back-out ng malaman ko kung gaano ito kalayo mula sa building namin.
Ilang minuto ang mauubos ko kung lalakarin lang. Kailangan tmo talagang magleave sa mga klase mo ng maaga o di kaya ay pagkatapos ng pagkatapos kaagad ng klase ay dederetso ka kaagad dito.
Clubbing will serve as our homeroom and PE class in one since wala namang advisers ang mga college students. In this way, we have the chance to interact with other students from different classes and courses. Neumann University is promoting unity around all the campuses for several years that's why they managed to come up with this idea.
Lahat talaga ng students dito required na may masalihang club, it's in their strict policy. If you won't participate in any organization, there's a big chance you'll get suspended and get retention.
Sa PE naman, hindi lahat ng estudyante rito ay mga athletic. Kung wala mn silang sports na sasalihan, at least they have their clubs to participate with. Pero hindi porket sports minded ka at may sinalihan kang mga sports dito ay hindi kana sasali ng clubs. Again, clubbing is required to all the students.
Why did I know all about this? I just took a little research about this university.
As I am about to reach the door knob of our club, it suddenly opened. Nakita ko si Derrick na gulat na gulat. Naalala ko tuloy yung 'crush' thing kahapon. Pero agad na yun napalitan ng saya at ngiti yung gulat na gulat niyang mukha. Baliw.
"Andiyan ka na pala. Ikaw na lang ang kulang dito Rose," sabi niya nang pumasok na ako sa loob. I see, marami na ngang tao ang nasa loob. I roamed my eyes on the whole room nang mapansin kong may kulang. Ako na lang ba talaga ang kulang? O may dalawa pa?
"Are you looking for Nick and Althea?" I snapped when Karch suddenly talked at my side. Sasagot pa sana ako ng biglang bumukas ang pinto, at nakita ko yung dalawa na sabay na pumasok. Althea was clinging on Marco's arm, oh! That was kinda sweet??
"Okay! So kumpleto na tayo, let's start."
So Derrick started his speech in front, as a President in this club. Sumeseryoso pa pala to si Derrick? Akala ko kasi hindi to nagseseryoso, well seeing him standing in front of us talking like a professional, is really not Derrick.
Naninibago tuloy ako sa nasasaksihan ko ngayon. If Derrick will be in this state most of the time in his life, I would probably consider him as a very well-disciplined man. It is actually good to be accompanied by a man who seems so professional and really knows what he is doing or talking about.
Natapos na ang lahat para sa club, it took us almost an hour and a half to introduce all the members and perform a little activity to ease the shyness around the unknown and unfamiliar faces of my clubmates.
As I am walking along this hallway towards the parking lot of the university, I decided to visit a coffee shop I saw earlier on my way here. Nakita ko kasi yung bagong bukas na Starbucks coffee dun, I just wanna try. Eh sa gusto ko ring kumain.
Plus, I still have an hour before my afternoon class, so okay lang. Tahimik akong naglalakad sa mahabang pasilyo dito nang may biglang nagsalita sa likuran ko.
"Meredith." Napalingon ako sa nagsasalita. And there I saw a guy standing in front of me, while both of his hands are on his pockets. Other side huh? "Pasensya ka na kahapon," kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
Kahapon? Anong meron kahapon?
"About Althea's attitude, and behavior towards you," he said while walking towards me. Oh, yeah. It seems like his girlfriend doesn't like me, well patas lang din kami noh, I also don't like her. Ngayon ko lang nalaman na kaming dalawa na lang pala ang nasa hallway ngayon.
"It's fine Marco."
Liar, it's not fine Meredith!
Tiningnan ka nung Althea na yun mula ulo hanggang paa, na mukha kang maliit. Wala pang nakakagawa sa'kin nun!-- Cool down yourself Meredith, wag mong hayaang sasabog ang ulo mo ngayon.
"Are you okay?" he suddenly asked.
"Yeah, I'm okay," ani ko, napansin niya siguro.
"Here, thank you pala sa notes," sabi niya at inabot niya sa'kin ang isang notebook. It's my notebook by the way. Pinahiram ko to sa kanya dahil wala siyang notes. Ang tamad kasing magsulat.
Kinuha ko na yung notebook at tumalikod. Gusto ko na talagang kumain, nabawasan na tuloy yung oras ko, naman eh!
"T-teka lang Meredith," kaagad niyang kinuha ang braso ko, kaya napatingin ako sa direksyon niya.
Ano na naman?? I give him a 'WHAT' look.
"K-kasi, may bagong bukas na Starbucks coffee sa labas, m-malapit lang naman. G-gusto ko sanang, i-i-ilibre kita," sabi niya habang nakaiwas ng tingin. He's stuttering. Again.
"Dun din ang punta ko ngayon," sabi ko sa kanya dahilan upang mapatingin siya sa'kin na may ngiti..... ahhm... Okay?
"Talaga?! So.. sabay na tayo??" Tayo? as in Kami? Kaming dalawa ang pupunta dun? Eh balak ko sanang ako lang mag-isa, umepal pa toh. Pero sabi niya libre niya kaya....
"Okay," sagot ko, dahilan upang mas lumapad pa ang ngiti niya. Mapupunit talaga ang mukha neto na wala sa oras. Tss
"Tara! Mauubos na ang oras natin, may afternoon class pa kaya tayo," sabi niya at agad na hinila ang kamay ko para tumakbo.
Oo inubos mo ang oras sa kakadaldal tungkol sa girlfriend mo Marco. Yun ang eksaktong linya na gusto kong sabihin sa kanya ngayon, kaasar din eh.
Hala! Sige! Takbo lang kami ng takbo papunta sa parking area. Malayo-layo din kasi yung club nayun. Si Marco ang naunang tumakbo habang nakakapit ang kamay ko sa kamay niya. Yeah, we're holding hands, and his dragging me right now. Mabuti nga at mahaba ang mga binti ko para makasabay man lang ako sa pagtakbo niya. Dahil kung hindi, puro na galos ang katawan ko ngayon sa semento ng paaralang toh. Grabe din kung makatakbo eh....
Excited lang?
"Marco, dahan-dahan lang naman," plain kong sabi, pero may pagbabanta sa boses ko. Kasi kung madapa ako dito, susuntokin ko talaga siya sa panga! Makikita niya.
"Pasensya kana, excited lang ako" kitam? Aminado ang bakulaw! Hininaan na niya sa pagtakbo, pero parang hindi siya mapakali sanhi upang mas titigan ko ang kanyang mukha. He's very visible and easy to read.
"Huy, okay ka lang?" tanong ko sa kanya dahilan upang tumingin siya sa'kin ng deretso. Pinapawisan siya? Eh kung sa bagay, sa layo ng tinakbo namin pagpapawisan ka talaga. Eh bat ako hindi? Ewan..
"Ahh...O-oo! Okay lang ako he-he! Excited lang talaga ako... a-ano... excited lang akong... k-kumain, t-tama! Kumain, excited lang ako kumain, hehe! Kaya bilisan na natin," may sakit ba ang isang to sa lalamunan? Kanina pa kasi siya nauutal. Nang binilisan niya sa pagtakbo, nahila na lang din ako. He's still holding my hand, by the way
Nang nasa carpark na kami, binitawan na niya ang kamay ko. Kaya dumiretso ako sa may motorcycle parking area, nandun ang motor ko eh. Kaya malamang pupunta ako dun.
"San ka pupunta?" tanong ni bakulaw. Baliw ba siya? Edi pupunta sa motor ko, ano pa nga ba? Hindi niya ginagamit utak niya ha?
"Sa motor ko," sabi ko pero hindi parin ako tumitingin sa kanya. "Sa kotse ko ka na lang sumakay," tumingin na ako sa kanya. Nababaliw na talaga siya, ayoko noh! Asa siya, ayoko pang mamatay, eh sa bilis niya tumakbo kanina, malamang mabilis din siyang magpatakbo ng sasakyan. Hindi sa takot ako okay?
I'm just being cautious. Mahal ko pa ang buhay ko.
"Ayoko, mas gusto kong sumakay sa motor ko, kaya...."
Lumakad siya papalapit sa'kin, kaya napaatras ako ng isang hakbang. Agad niyang hinawakan ang kamay ko at tumingin sa mga mata ko. I was stunned by his sudden gestures. For a split second, I was dumbfounded by the way he acts.
And for the first time in forever, I feel uncomfortable around him. I suddenly felt conscious of my image and the way I reacted to the things he just did.
What are you doing Marco?
"Trust me," he said in a low and husky voice that make me swallow my own saliva. Agad siyang ngumiti na halos hindi na makita ang mata. Ano ba talaga ang gusto niyang gawin? Does he want to piss me off?!
"Halika na! Gutom na talaga ako, kaya dalian na natin," sabi niya habang nakangiti. Wala na akong nagawa, kinaladkad na kasi ako ng bakulaw. Kanina pa talaga ako nagpipigil na masapak toh, matigas din kasi ang ulo, hindi papatalo.
Pero ano 'yon?
Bigla akong nagulohan sa inakto ko kanina sa harapan niya. Why would he do such actions? I hate to say this but that was the first time a man did that to me. Maybe that's the main reason why I suddenly cut my tongue out and was unable to move for a few seconds.
He's being careless and... and... ugh! Ano ba Meredith! Pull yourself together!
Remain your composture just like what you always do if you're in an unfamiliar situation in your life.
Mahina akong napabuga ng hangin habang nakatingin sa likuran niya. If he couldn't control himself doing such things, then I must manage my reactions if he will do that again. I must be invisible in their eyes, a little reaction from me will definitely cause me trouble.