THIRTEEN

2005 Words
MEREDITH's POV Walang nagsasalita sa'min sa biyahe papunta sa isang coffee shop. Nakaiwas lang din ako ng tingin sa kanya at nanatiling sa labas lang nakatuon ang aking atensyon.  Hindi naman din siyang nag-abala pa na kumausap sa'kin, kaya naisipan nalang siguro niya ang magpatugtog na lang sa loob ng sasakyan. "Ayos, may bakanteng parking," rinig kong bulong niya. Pagkatapos niyang maipark ng maayos ang sasakyan, kaagad niyang pinatay ang makina at lumabas. Ganon din ang ginawa ko at tinignan ang buong paligid ng bagong bukas na cafe.  May malalaking flower stand pa sa maglabilang gilid ng entrance foor. Medyo marami-rami rin ang nasa loob pero may mga bakanteng upuan pa naman akong nakikita. "Shall we?" Napalingon ako sa kanya atsaka tumango. He gestured his hand saying 'lady's first', kaya walang pagdadalawang-sip na umuna ako sa loob. Tulad ng sinabi niya kanina, siya ang manglilibre, kaya ako na ang humanap ng upuan, at siya naman ang pumunta sa counter para umorder. Tinanong pa nga niya sa'kin kung ano ang gusto ko, pero hinayaan ko na lang siya ang pumili.  Ang sakit kasi sa mata ang pumili pa, ang dami kaya nilang menu dito, kaya bahala na siya. Wala naman akong pili sa pagkain. Umupo ako sa isang bakanteng upuan na malapit lang sa pinto. I can even see the cars and people passing by. While I was waiting Marco, I can't help but to examine outside, until I saw a very suspicious man on the other road. He was wearing a cap and a sunglasses on. And he's looking exactly on my direction. Tiningnan ko lang siya ng mabuti, baka kasi isa 'to sa tauhan ng kaaway namin sa mafia.  "Hey, pasensya na kung natagalan," nabaling ang atensyon ko sa taong nagsasalita. "No, it's okay Marco," tinulungan ko na siya sa mga inorder niya. Eh ang dami naman din kasi, mukhang hindi nakakain ng ilang araw. Bahala siya, siya naman ang gumastos eh.  Naalala ko yung lalake, kaya tumingin uli ako sa labas, pero wala na siya. Kaagad na kumunot ang noo ko.  Who is he? "Okay ka lang?" I snapped and hurriedly look in Marco's direction. "Ang lalim ata ng iniisip mo," he continued. "Wala, kain na tayo. Ayokong ma-late." Tumango siya atsaka ngumiti.  Halos buong oras habang kumakain kami ko siya iniisip. Itinuon ko na lang ang buo kong atensyon sa lalaking nasa harapan ko ngayon. Pero kahit dumadaldal si Marco, hindi ko paring talaga maiaalis sa aking isipan ang lalakeng nakita ko kanina.   Tinitignan niya ako na parang alam na alam niya ang buong pagkatao ko. May nagmamanman ba sa'kin na hindi ko kilala? Kailangan kong mag-ingat.  --------- Nang matapos na ang panghuli naming subject, kaagad akong tumayo mula sa aking kinauupuan at nagligpit ng aking gamit.  Napatingin ako sa katabi kong bakanteng upuan. Wala si Marco ngayon sa huli naming subject dahil excuse siya para sa practice raw ng basketball team nila. Sinundo siya nina Karch at Derrick dito kanina kaya ang mga babaeng kaklase namin ay halos himatayan ng makita silang tatlo na magkasama.  Ilang beses akong napairap sa kanila kanina. Akala niyo naman kung sinong mga artista ang bumisita sa room, tss. "Rose?" Napahinto ako sa paglalakad palabas ng silid ng bigla akong tawagin ni Sir Raymond, siya ang huli naming prof sa araw na 'to. Magaling siyang magturo dahil kaagad kong nagets ang mga discussions niya. "Sir," sambit ko ng tuluyan na akong humarap sa direksyon niya. "Isa ka ba sa mga member ng Photography Club?" tanong niya. Kaagad naman akong tumango. "Bakit po?" Ngumiti siya sa'kin bago tuluyang sinagot ang tanong ko. Alam ko na kung bakit maraming mga estudyanteng nagkakagusto sa kanya. May maamo siyang mukha at halata ang kakisigan sa kanyang anyo.  He definitely had the charismatic aura. "Isa kasi ang Photography Club na pagtutuonan ko ng pansin. Lahat ng mga guro rito ay may naka-assign na clubs rin na dapat nilang bantayan. And it is our duty to lead your club in success and avoid violations. So I am happy to know that one of my students here in this class will be on that club as well," nakangiti niyang sambit sa'kin.  Friendly din siya at mukhang hindi makabasag pinggan ang maamo niyang mukha. Sinuklian ko siya ng isang matipid na ngiti. Hindi ako sanay na may kausap na guro kaya hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin pabalik o magiging reaksyon.  Napangtingin siya sa kanyang relong pambisig bago ako tignan muli. "I gotta go, I still have one class. See you tomorrow, Rose," ani niya atsaka dali-daling lumabas ng silid habang bitbit niya ang kanyang hand bag.  Lumabas na rin ako sa silid at sinundan siya ng tingin sa hallway hanggang sa makita ko siyang pumasok sa isang silid sa dulo ng floor na 'to. I shrugged my shoulders and find my way to the parking area.    MARCO'S POV   Tingin lang ako ng tingin sa kamay ko. Until now, I can still feel her soft and smooth hand, holding mine. Kanina habang tumatakbo kami at hawak-hawak ko yung kamay niya, parang ayokong bumitaw. Kasi pakiramdam ko kung bibitawan ko yung kamay niya, parang hindi ko na mahahawakan ulit.    Baliw ka na Nick! Baliw na baliw ka na sa kanya!   "Huy! Nick! Huy!" Naramdaman ko na lang na may unan na tumama sa'kin. Kaya nabaling yung attention ko sa taong gumawa nun, putek siya! Nagko-concentrate ako dito kung bakit ako nababaliw sa kanya. "Kanina pa kita tinatawag kung okay lang ba yung speech ko sa club kanina. Pero nakatulala ka lang sa kamay mo," sabi ni Derrick at umupo katabi ko. Nasa leisure room kami ngayon sa university. Tapos na ang lahat ng klase namin ngayong araw na to.  Wala kami gaanong mga activities na ibinigay ng mga prof kaya ayos lang na tumambay muna rito sandali. Galing din kami sa una naming practice ng basketball sa school year na'to.  Kung tutuosin, ito na rin ang huli naming taon na makakasali sa mga practice, tryouts for upcoming tournaments, and many more involving our sport.  Nabigla ako nang lumapit ang mukha ni Derrick sa mukha ko. Peste! Bakla ba toh? So I automatically stood up, kasi ang lapit talaga. Masuntok ko to ng wala sa oras eh! "Dude, nakadrugs ka ba? Pansin ko lang ha, palagi na lang malalim yang iniisip mo. O di kaya, nakatulala ka, gaya na lang kanina," sabi niya habang nakakunot ang noo. Ako nagda-drugs? Mahal ko pa buhay ko noh, para magdrugs. Ayokong sayangin ang buhay ko, loko siya?!   "Eh ikaw bakit lumalapit yang mukha mo sa'kin. Bakla ka noh? Gusto mo kong halikan," pagkasabi ko nun, lumaki ang mga mata niya. Obvious naman na gulat na gulat ang loko. "Hindi noh! Asa ka? Tong kissable lips ko, mapupunta sayo? Ha! Hindi ka chix dude," he said and then smirked. Gago to ah, sapakin ko to ngayon eh. Tingnan na lang natin kung sino ang mananalo.   Sasapakin ko na sana siya ng biglang nag-ring yung phone ko sa may mesa. Tiningnan ko yung pangalan ng caller, and it was Althea. Ano na naman ba ang ginawa niya ngayon. "Hello?" sagot ko sa tawag niya   [Nick pwede mo ba akong puntahan ngayon?]   "Ano na naman yang ginawa mo?" Hindi ko maiwasang magsalubong ang aking mga kilay. Althea will indeed always be Althea. Sobrang tigas talaga ng ulo. Walang makakapigil sa kanya sa kung ano man ang gusto niyang gawin, kahit na alam niyang sakit lang sa katawan maidudulot ne'to sa kanya.   [Please, Nick.]    I sighed. Hula ko galing na naman siya sa underground battle. Althea is a gangster, she had her own group. Nagsimula siya nung high school, and so I was. I think, dahil sa'kin kaya din siya pumasok sa pagiging gangster, I was a gangster when I was in high school. But my group and I stopped after a terrible incident happened. [Nick are you still there?] I didn't expect I was spacing out.    "O-of course. I'll be there in a minute." Ano pa ba ang magagawa ko? Karga de konsensya ko naman kung hindi ko siya pupuntahan ngayon. Baka ma pano pa 'to.   [Thank you.]   Then I ended the call. Kinuha ko yung susi ng sasakyan ko sa ibabaw din ng mesa. At dali-daling pumunta sa may pintuan. "San punta mo?" I stopped when Derrick asked.  "Althea," ani ko habang hindi siya nililingon. "Battle again?" "Ano pa nga ba?" pagkasabi ko nun, agad na akong lumabas sa kwarto at dumiretso sa parking area ng university. Agad kong inistart ang makina ng nakapasok ako sa kotse, at nag-drive palabas ng university. Pero bago ako makalabas ng university, may nakita akong isang lalake sa di kalayuan. He's wearing a cap and a sunglasses. He was also looking at my direction, napakunot ako at tiningnan ng maigi ang lalake, pero hindi ko siya mamukhaan sa layo.   Nang nasa labas na ako ng university, agad kong pinabilis ang pagtakbo ng kotse papunta kay Althea. Kasi nung huling tawag niya sa'kin, mula din siya sa battle nun. Ang dami niyang pasa sa braso, dahilan sa paghampas ng matigas na bagay. May kalmot din siya sa mukha niya at may dugo sa labi. She was like a trash, at hinang-hina siya dahil sa mga sugat sa katawan. At hula ko galing na naman siya sa underground battle ngayon.    Habang nagmamaneho ako, hindi ko maiwasang isipin yung lalakeng kanina sa university. Para kasing may mali, hindi ko alam. Guni-guni ko lang siguro yun.   SOMEONE'S POV (#3)  Nasa loob ako ng aking kwarto habang nakamasid sa lahat ng papeles na nakalatag sa higaan ko. Mga requirements 'yon para sa paaralang pinaplano kong pasukin. Nakahanda lang ang mga 'yon kung sakaling umayon sa akin ang tadhana. Nakatitig lang ako sa isang cellphone na nasa ibabaw ng mesa ko. I was waiting someone's call. Ilang segundo lang at nag-ring ito, kaya napangiti ako na wala sa oras. I hope it's a good news.   "Hello," I answered.   [Both of them are dating.] good news nga. Kaya mas lumapad ang ngiti ko   "Good, as what I've said before, just keep your eyes on them."   [Copy that.]   Pagkarinig ko nun, agad ko nang binaba ang tawag. I was smiling like there's no tomorrow. Ngayon, makakaganti na ako sa'yo Nick, sa wakas, magbabayad ka sa ginawa mo sa'kin noon. Kinuha mo ang mahal ko, ang nagiisang babaeng mahal ko Nick.  I lost my girl because of you... Because you killed her Mata sa mata, ngipin sa ngipin ang labanan ngayon. Gusto kong maranasan ang sakit na dinanas ko noon habang nakikita ko ang unti-unting pagsara ng mata niya. I want to kill you by emotions. Gusto kong makita ka na parang mababaliw sa sakit sa tuwing iisipin mo ang taong minahal mo na dahan-dahang mawawala mula sa mga kamay mo.  I want you to suffer just like me.  Hindi ako papayag na ako lang makakaranas ng ganitong klaseng sakit.  Oo, baliw na kung baliw. Ikaw lang naman ang puno't-dulo ng lahat ng paghihirap ko ngayon.  Nakangisi akong tinignan ang lahat ng papeles ko sa higaan. Isa-isa ko 'yong kinuha at inilagay sa loob ng isang folder atsaka pinatong sa ibabaw ng aking mesa. Kinuha ko ang isang maliit na litrato sa gilid at tinignan 'yon. Kaming dalawa ni Nick ang nasa litrato habang magka-akbay sa isa't-isa. Pinunit ko 'yon sa gitna namin atsaka kinuha ang parter kung nasan siya.  Walang emosyon ko 'yong pinagmasdan bago tuluyang pinunit ng pira-piraso.  "Pasensya ka na Nick, pero para mapatawad kita, kailangang mawala sa buhay mo 'yang babaeng 'yan." bulong ko sa aking sarili.  "Bros before hoes, isn't it?" nakangisi kong sambit atsaka tumingala.  I am doing this for you as well, my love. I'm giving you justice. I'm giving you peace.  Pumunta ako sa mesa ko atsaka umupo sa isang swivel chair. I checked all the files that I needed before contacting someone.  "Hello? Is this the registrar's office of East Neumann University?" Napangisi ako ng sumagot ang caller. "I would like to enroll myself in Business Administration course."  See you soon, Nick.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD