MEREDITH'S POV Kakatapos lang ng isa naming subject sa umaga. May isa at kalahating oras pa akong vacant bago ang susunod kong klase at may quiz kami para sa nalalapit na prelims kaya naisipan kong puntahan ang library nila rito. Nasa library na ako ngayon at hinahanap ang mga libro na may kaugnayan para sa susunod kong klase. Maliit na research lang naman para pang dagdag kaalaman. Kumuha ako ng limang libro sa isang shelf dito at dumiretso sa bakanteng mesa na nakapwesto sa dulo ng library. Mas maganda kasi kung walang masyadong taong nakapalibot habang nagbabasa. Maganda na sana ang pagbabasa ko ng may biglang umupong lalake sa tapat ko. Panandalian ko siyang tinignan gamit lamang ang aking mga mata. Sino ba toh? Mukhang ngayon ko lang 'to nakitang umaaligid ah. Nakangiti siya