MEREDITH's POV
"Psst..."
"Pssstt... Meredith"
"Me...re..dith"
May topak ba to sa ulo? Eh kita niyang nakikinig ako dito at sumusulat sa mga dapat na isulat. Magtatatlong minuto ko na 'tong iniiwasan at hindi pinapansin pero nakapakulit talaga ng nilalang na 'to.
Bakit pa ba siya lumipat sa section ko? Sinasadya niya siguro 'to para mangulit sa'kin ng mangulit.
"Meredith," bulong na naman niya. Napapikit ako sa ginagawa niya. This man is already getting on my nerves. Kanina pa siya ganito, one moment I tried ignoring him and I felt relieved when he stops but then, eto na naman siya. Mas inilapit pa nga ang mukha sa akin, kulang na lang mahulog siya sa inuupuan niya.
"Hey, Meredith." Ba't ba ang kulit-kulit ng nilalang na'to? Sasabog na talaga ang ulo ko. Inis ko siyang tiningnan ng pagkabagot. I'm giving him a 'WHAT' look and raised one of my eyebrows.
"Ahm.... Hi?" he said with a gesture. Yun lang? Sinayang niya ang ilang segundo ko para lang sa HI? 'Tong lalakeng to masasapak ko to eh, pero pinipigilan ko ang sarili ko. Wala ako sa mood okay? Madali lang akong mainis sa araw na'to.
Pero kapag maubosan ako ng pasensya dito ngayon, baka sa guidance kami magkikita ng hinayupak na'to. Baka masuntok ko 'to ng wala sa oras.
"At tsaka, ano pahiram ako ng notes mo mamaya. Okay lang ba?" Notes? Ang tamad naman ata niyang magsulat para hingnan ako ng notes, tss. Tumango lang ako sa kanya para hindi na tumaas pa ang usapan dahilan para ngumiti siya and mouthed the word 'Thank You'. Kaya nag focus ulit ako sa prof at tinuloy ang pagsusulat.
I like taking down notes, it helps me remember and understand the discussion well. Important keywords lang naman ang sinusulat ko rin dito, o di kaya yung mga importanteng sinasabi ng guro. There's a big chance that it will come up on a quiz or exams.
I felt relieved when he finally stopped bothering me. Kahit papano nabalik ang peace of mind ko sa klaseng 'to. Ito lang talaga ang gusto kong mangyari sa loob ng silid, ang magkaroon ng kapayapaan habang abala ako sa pagsusulat.
Makaraan ng ilang minuto, nag-dismiss na ang prof kaya tumayo na ako at nagligpit na ng gamit. Parang gusto ko munang matulog ulit. Wala akong ganang kumain, mamaya pa naman yung susunod na klase, kaya okay lang. Palabas na ako ng room ng may humawak sa isa kong kamay mula sa likod, kaya nilingon ko siya.
"Mamaya pa ang susunod na klase. Gusto mong kumain?"
"Marco, hindi ako gutom, asaka kakakain ko lang kanina."
"Ganun ba?" Tumango ako ng isang beses, at naglakad na ulit palabas. Naramdaman ko namang nakasunod lang siya.
"Bakit andito siya sa floor natin?"
"Balita ko nag palit siya ng section!"
"Katabi niya lang ang room natin! Kinikilig ako"
Maraming bulong-bulongan kaya napalingon ako sa likod, ang bilis naman kumalat ng balita mas mabilis pa sa wifi ng unibersidad. May fans pala tong si Marco, kung sa bagay hindi na ako magugulat pa.
Agad na nagsalubong ang aking kilay ng makita ko na siyang tumatakbo papunta sa'kin at agad na kinuha ang kamay ko at hinila ako palayo sa mga babae na nakapaligid. Those girls even chased us. Wala ako sa mood na tumakbo! Anubayan!
"Huy! bat mo'ko hinihila? Wag mo nga akong idamay." ani ko pero hindi man lang niya ako sinagot, abat!
Habaan mo lang ang pasensya mo Meredith, habaan mo lang. Hindi mo siya pwedeng balian ng buto, hindi pwede. dahil anak siya ng may-ari okay? Maeexpel ka sa pinaplano mong gawin.
Sa pagtakbo namin, narating namin ang isang playground, pero parang luma. At wala ring tao dito at hindi maingay. Mukhang magandang matulog dito, may silbi din pala ang paghila niya sa'kin kanina?
I found a new peaceful spot to stay during my free time.
"Sorry." Lumingon ako sa kanya, na may pagtataka. Anong nakain neto? May topak ata talaga to sa utak, tsk! Kung ano-ano na lang ang biglang sasabihin kahit hindi naman kailangan.
"Sorry kasi hinila kita kanina. Pasensya kana," pagpapatuloy niya na ikinakunot ng aking noo atsaka napailing. May problema ba tong isang toh? Hindi naman niya kailangang humingi ng pasensya.
Tinapik ko lang ang balikat niya at may kinuha ako sa bag ko at binigay sa kanya.
"What's this?" tanong niya sa'kin. Halata namang nagugulohan siya sa ginawa ko.
"Notes," plain kong sabi at naglakad na papunta sa ilalim ng puno, gusto ko nang matulog.
"Where are you going?" tanong niya sa'kin, pero nagpappatuloy parin ako sa paglalakad at hindi siya nilingon.
"Matutulog," tipid kong sagot sa kanya atsaka sinakbit ang bag sa balikat ko.
"Diyan?" sabi niya habang tinuturo ang puno na pupuntahan ko.
"Oh bakit? Angal ka?" tiningnan ko siya ng deretso atsaka tinaasan ng kilay.
"Hindi naman," sabi niya at umiwas ng tingin. Hindi naman pala eh.
Nang marating ko na ang ilalim ng puno, pinuwesto ko ang aking sarili atsaka humiga habang ginawang unan ang aking bag. Ang sariwa ng hangin, walang tao at walang maingay, great! If this man could shut his mouth for a several minutes, then I have no problem of him joining me in this place.
MARCO'S POV
Bakit naging masungit si Meredith bigla? Siguro meron siya ngayun, well I understand. Mas lalo nga siyang gumaganda sa paningin ko.
What am I thinking? Scratch that Nick!
Sinundan ko na lang si Meredith sa ilalim ng puno. Nakahiga na siya at parang natutulog na, ang bilis naman ata niyang makatulog. Tinabihan ko siya at tiningnan. She's really beautiful just like the first time I saw her. And I can't stop thinking about her.
Inaamin kong ngayon lang ako nagkaganito, at first pinigilan ko pero hindi eh. I can't control my feelings towards her. It was just yesterday since the first time I talk and met her. Just yesterday, pero nagkaganito na agad ako. Ang lakas na talaga ng tama ko.
There is something about her that I wanted to know. I want to know her more, ask where she lives, her favorites and dislikes, her childhood memories, her first scar, all about her.
Wala akong ibang ginawa kundi ang titigan lang siya at hindi ako magsasawa. Kung pwede ko lang talaga siyang titigan ng isang araw gagawin ko. But there's no time, malapit na ang susunod naming klase, so I need to wake her up.
"Meredith, wake up," sabi ko habang niyugyog ko siya sa balikat pero mahina lang.
"Meredith, hey," ani ko ulit sa kanya atsaka inilapit ng bahagya ang aking mukha. Napalunok ako sa ginawa ko, pero mas lalo siyang gumaganda sa malapitan.
"Hmm," she groaned, I think gusto pa talaga niyang matulog, but I need to wake her up parang ayaw niya kasing ma-late based on how she reacts the last time I found her sleeping.
"Malapit nang mag start ang susunod nating klase,"pagkasabi ko nun, she immediately open her eyes. See? Kaagad naman akong lumayo atsaka tumikhim.
Nag-unat siya at tumayo na, so I did the same. Halos isang oras din akong naka-upo habang tinitigan siya, but it's still worth it kaya palihim akong napangiti. Just the tought of us having our privacy here makes me want to grin from ear to ear.
"Ba't ngiti-ngiti ka diyan?" I immediately straighten my back pagkasabi niya nun. So nakita niya? Shet, napahiya ako. Putragis naman oh!
"N-nothing, I just remembered something," pagdadahilan ko sa kanya. Napakamot naman ako sa batok ko at ngumiti sa kanya na may bahid ng pagkahiya.
"I see... Okay then, let's go," ani niya at nauna na nga siyang naglakad, so I followed her. Malayo-layo din pala ang naitakbo namin. Mabuti nga at ginising ko siya kaya may oras pa para maglakad papunta sa susunod namin klase. But while we're walking, I accidentally bump on Derrick's. Kaya natigilan ako.
"Dude, where have you been? We've been looking for you the whole time," he said. Kaya lumingon ako sa katabi niya na si Karch. Both of them are waiting for my answer, impatiently.
"We tried to contact your phone pero hindi mo naman sinasagot," sabi pa niya habang nakakunot ang noo. Ngayon ko lang na realize na naiwan ko pala ang phone ko sa locker doon sa may hallway pagkatapos kong makita si Meredith na pumasok sa isang klase at bago ako nakiusap sa EDP ng bagong studyload.
Pero agad akong tumingin sa likod nila. Wala na siya, Meredith's gone, saan nagpunta yun?
Bigla nalang siyang nawala na parang bula sa paningin ko. I better look for her right away!
"Look dude, it's a long story okay? I'll explain it later. Bye!" agad na akong tumakbo, para hanapin si Meredith. Baka nauna na siya kaya agad akong tumakbo papunta sa room namin. I felt relieved when I saw her in her seat, I don't know if why am I like this. I look like I'm a paranoid person just a few moments ago.
This is getting out of hand, sa tuwing mawawala siya kaagad sa paningin ko parang hindi ako mapakali na parang batang nawawala sa mall at hinahanap ang ina.
Pumasok na ako at pumunta sa tabi niya, I'm her seatmate by the way. And I want us to stay like this at the end of this school year.
"Why are you sweating? Do other girls chase you again? You looked like.. ahm stress," and with that, I saw her laugh and smile. I just stare at her amazingly, now she looks even more like an angel and it made me smile. Konti na lang, konting-konti na lang talaga, at mahuhulog na'ko sa kanya.
Maniniwala na talaga ako sa sinasabi nilang Karch at Derrick na nahuhulog na ang loob ko sa kanya. I don't think admiration will be the best description of my feelings towards her. Everytime may matutuklasan ako o makikitang bago sa kanya, mas lalo kong hinahayaan ang sarili kong mahulog sa kanya ng lubosan.
SOMEONE'S POV (#2)
Nakatingin lang ako sa dalawang taong nasa ilalim ng puno habang nasa malayo ako. Agad naman akong ngumisi sa nakita ko, kaya kinuha ko ang cellphone na nasa bulsa ko at may kinontact.
Ilang ring lang at sinagot na niya ito...
"Hello boss, mukhang may napupusuan na tong si Nick," bungad ko sa kanya sa kabilang linya. Ilang buwang na rin niya akong binabayaran para magbantay sa anak ng may-ari ng unibersidad na pinapasokan ko. This news will definitely make him satisfy.
[Good job, at makakaganti na din ako sa Nick na yun] rinig ko sa kabilang linya. Kulang nalang ay tumawa siya sa kabilang linya sa sobrang saya ng ibinalita ko sa kanya.
"Ano ang gusto mong gawin ko boss?" tanong ko sa kanya. If he will just keep paying me the exact amount that I wanted, hindi ako mapapagod sa kung ano man ang ipapagawa niya sa'kin basta huwag lang ang pumatay.
Hindi pa naman ako ganon ka desperado para gawin ang ganong klaseng bagay. Mahal ko pa buhay ko at may pamilya akong iniingatan, naghihintay, at umaasa sa'kin.
[Just keep your eyes on both of them, especially to the girl. Make sure na siya talaga ang girlfriend ni Nick. Just give me updates about them.]
"Copy that," I answered, kaya binababa ko na ang phone at binalik ko na sa bulsa.
Hindi ko naman talaga gusto to sa simula, pero wala akong magagawa dahil gipit ako ngayon. Tinitingala ko rin kahit papano si Nick na anak ng may-ari ng eskwelahang pinapasukan ko. Mabait naman siyang tao at mapagkumbaba, pero kailangan ko talaga 'tong gawin.
Kailangan ko ng pera at ang kausap ko kanina sa phone ang makakapagbigay sa'kin non. Pasensya kana Nick, trabaho lang walang personalan.
Better spend your time with your girl dahil mawawala na yan ng parang bula.
An eye for an eye and a tooth for a tooth. Time is ticking, Neumann.
Tuluyan ko ng ibinulsa ang cellphone ko atsaka naglakad papalayo mula sa lumang park ng unibersidad. Tinaponan ko naman sila ng huling tingin bago tuluyang bumalik sa aking klase.