MARCO'S POV
"Now explain dude," Derrick said. Nandito kami ngayon sa condo unit ko. I'm an independent guy, ayokong umasa sa dad ko palagi tsaka mas gusto ko ng may privacy. My mother brought this condo for me, this is the last thing she brought for me. Noon pa lang gusto ko sana itong gawing investment, but then I realize I want to make more memories here.
Kaya napagdesisyonan kong tirhan ito kesa ang pagkakitaan, may ibang options naman ako kaya doon ko na lang inilaan ang ilang investments ko. As taking business management course, I am well aware of different possible businesses to engage with at my age.
Money isn't a problem here, but when I really wanted to become successful someday, I want to achieve it without the help of my father's influence and power. I want to build a name on my own capabilities.
Naglakad ako sa sala at umupo sa sofa dito. I lower down the television's audio volume before looking at the of them. Halatang-halata naman sa kanilang mga mukha ang kuryosidad.
"Nagpalit ako ng schedule," I started. Nagulat sila sa sinabi ko at nagkatinginan pa sa isa't-isa.
"What?! Why?" Karch said with a crease on his forehead. I sighed and stood up. Kinuha ko ang isang baso na may malamig na tubig sa mini bar counter top ko dito sa may kusina. Ininum ko muna 'yon bago tuluyang tumingin sa kanila.
"Just like what Derrick said, kung gusto kong mapalapit sa babaeng gusto ko, then I'll make a move. Here it is, nagpalit ako ng schedule, lahat ng classes niya, kasama ako. And good thing, she got the same course as what we had," at ayan sinabi ko na.
I drank the remaining water in my glass. Medyo awkward ang naging sitwasyon namin ngayon dahil napalitan ng katahimikan ang kanina'y sobrang ingay na sala'ng 'to.
Nagtitigan kami ng ilang segundo hanggang sa biglang ngumiti si Derrick. A teasing smile to be exact. Oh no, what have I done? Baka isipin niya sinusunod ko ang mga sinabi niya. W-well, yeah, sinunod ko naman talaga.
"Binata na ang kaibigan ko!!!" sabi niya habang niyuyugyog ako, letse! Kaya ayun binatukan ko siya.
"Lakas ng tama mo dude," Karch said, while tapping my shoulder. Mabuti pa siya mahinahon, eh yung isa mukhang baliw. "Parang ganun na nga," I replied awkwardly.
"Dude gusto mo LANG ba talaga siya? O MAHAL mo na." Bigla akong natigilan sandali sa sinabi ni Derrick. Gusto ko lang ba talaga siya? O mahal ko na. I don't know, dalawang araw ko pa lang siyang nakakausap, but it looks like a long time.
Para bang feeling ko nagkita na kami noon? Ewan ko guni-guni ko lang ata talaga, pero yun talaga yung kutob ko eh. Ito na siguro ang naging resulta sa pag-iisip ko sa kanya. Kahit ano na lang talaga ang naiisip ko.
"I don't know Derrick, pero habang tumatagal mas lalo akong.... ano.... ahm"
"Nahuhulog?" they both said in chorus. Tiningnan ko sila at tumango, I nodded shyly. Parang ang bakla kasi ng dating. Hindi talaga ako sanay makig-usap sa kanila tungkol sa ganitong klaseng bagay. Ngayon naman lang din kasi nangyari sa'kin ang ganito.
"Ayos! Magpa-party na tayo!" sabi ni Derrick. Nakain neto? Anong party ang pinagsasabi niya? Batukan ko to eh. Kahit kailan talaga 'yan agad ang naiisip. What do you expect from a party goer like him?
"Party ka diyan, walang party!" singhal ko kanya, kaya ayun ang loko nakabusangot. Magparty siya mag-isa diyan, wala akong pake. Just not in my place, this is too sacred to host a party.
"Nick," tinawag ako ni Karch sanhi upang lumingon ako sa kanyang direksyon.
"Ano yun?" sabi ko at lumakad papunta sa direksyon niya. Nasa may kitchen na kasi siya, nagsasalin ng malamig na tubig sa kanyang baso.
"Pano na si Althea?" he said while pouring a drink on his glass that caused me to stop from walking in his direction. Bigla akong may naramdaman na kung anong hindi maganda. I swallowed the lump on my throat before answering his question.
"Hindi kami Karch, we don't have a realtionship. Magkababata lang kami," sambit ko sa kanya. Totoo naman talaga ang sinabi ko. Me and Atlhea are just friends. Magkakilala lang ang mga magulang namin sa business industry kaya mas naging magkalapit kami ngayon. Especially when Althea's father deposit a big share on my father's university.
"Para sa'yo, oo, wala kayong relasyon. Pero para sa kanya meron." Umiwas lang ako ng tingin sa kanya at napabuntong hininga. I don't really know what's gotten into Althea's mind for her to think that we're a 'thing', if in fact there's none.
"Nick we all know, kung ano ang pwedeng magagawa ni Althea," pagpapatuloy niya. Althea is indeed dangerous and we knew her capabilities. Kung ano-ano na lang ang gagawin niya para makuha ang gusto niya. She will do everything to get what she wants.
"Pero kung san ka masaya talaga, then so be it," he said and tapped my shoulders. "You better find solution to that matter Nick. Mahirap na kung si Althea ang gumawa ng aksyon," he continued.
"We'll go ahead Nick," Derrick said, teka nasa likod lang pala namin siya? Ba't hindi ko yun naramdaman? May lahi ata 'tong kabute si Derrick. "Bye Nick," both of them said in chorus, then nag bro fist kaming tatlo. And with that, they left my unit. Okay back to normal.
My feet brought me to my room, kaya agad akong sumalpak sa higaan. What a tiring day it is. Dumagdag pa tuloy ang iisipin ko ng dahil namention nila si Althea. Napabuntong hininga ulit ako at nag-iba ng posisyon. I probably might just need an enough rest for tomorrow. Bukas ko na lang tuluyang pag-isipan ang lahat.
----
Sinubukan ko na ang lahat para makatulog ako pero wala parin, hindi talaga ako inaantok. Teka nasan ang phone ko? Hindi ko talaga yun nakita kanina pa, san ko ba yun nilagay? Naghanap nako sa sofa, sa kitchen, sa closet, sa bathroom, sa higaan, sa ilalim ng higaan, pero wala. Wala kang cellphone na makikita. San ko ba talaga yun nilag---?? *sigh*
Alam ko na kung nasan....... ba't hindi mo yun naisip Nick Marco Neumann?
Agad akong bumalik sa may sala, at hinalungkat ang bag ko. At ayun! nakita ko na, sumuksuk sa isang notebook, oo notebook--teka, hindi naman to akin ah. Hindi naman ako kumukuha ng notebook ng iba eh..
Tinapik niya ang balikat ko at may kinuha sa loob ng bag
"What's this?" tanong ko nang binagay niya sa'kin ang isang notebook
"Notes" plain niyang sabi at lumakad na palayo sa'kin, papunta sa isang puno.....
Oo, tama. Humingi nga pala ako ng pabor kung pwede ko bang hiramin ang notes niya. Sa totoo lang para-paraan ko lang yun para makausap ko siya. Hindi nga ako nakinig sa discussion ng prof. kanina dahil busy ako, busy kakatitig sa kanya. I can't help it okay? Tang*na na talaga.
Agad ko nang binuksan ang notebook niya. At halos lahat ng important detail nung discussion ng prof ay nandito, and she also got a very nice penmanship.
I continue scanning and reading, hanggang sa natapos na ako. Isasara ko na sana ng nahagip ko ang isang page ng notebook. Kaya binuklat ko sa gitna, at meron ngang nakasulat. Isang quote, maybe her favorite quote, at meron din isang ano..... Wait, what's this? Is this a logo or something? May letter 'M' and 'X' kasi.
Baka random scratches lang to ni Meredith dito. Alam niyo na, kapag boared ang tao during discussion kung ano-ano na lang ang sinusulat.
Tinitigan ko ito, hanggang sa mag-ring ang phone ko, kaya agad ko itong sinagot. Without looking the caller's name, I answered the call while still looking at Meredith's notebook.
"Hello?"
[Nick, I need you] rinig kong sambit niya sa kabilang linya. Boses pa lang kilalang-kilala ko na. Bialng kumalabog ang puso ko ng mapagtanto 'kong nanghihina ang kanyang boses na para bang may iniindang sakit.
"Althea?" s**t! Ano na naman ba ang ginawa niya? Hindi ko tuloy maiwasang kabahan.
Kaagad kong kinuha ang susi ng aking sasakyan at jacket bago tuluyang lumabas ng condo. Hindi ko binaba ang tawag hanggang sa makapasok ako ng elevator. Bwiset talaga! What have you done this time Althea?
MEREDITH'S POV
Papalapit na kami sa Thronos, a place where our mafia world exist. Nandito ang lahat, tauhan, kagamitan, at kung ano-ano pa. Name it all, we had it here.
We make sure we wore a mask before entering the place.
Kaming anim lang ang nakamaskara, mahirap na baka may bumaliktad na tauhan sa amin, we are just protecting our real identity. All mafia has different connections, once they found out the real you, then they will surely make a move.
Our world is different, 'peace' isn't really used in the society that we are in. Trusting someone in my world is the very least thing to do. Mahirap magtiwala kahit sa nasasakupan mo pa, kahit sino pwedeng-pwedeng trumaydor.
And if you don't want to get killed by other organizations, you must enhance your capabilities. Hindi pwede ang mga mahihinang nilalang dito.
Always be the predator and not the prey.
We are the 'Deadly Six' of my own mafia, which is the 'Ekdikisi Mafia'.
SOMEONE'S POV (#1)
Nasa kalagitnaan ako ng pagiimpeksyon ng mga organs dito sa loob ng aking malaking laboratoryo. Tinignan ko ang mga lamang-loob na nakasealed sa isang specialized container na gawa ng mga tauhan ko. Nakababad ang mga ito sa isang likido na magpapanatili sa magandang istruktura at hindi ito mabubulok kahit abutin pa ng isang linggo bago ang itinakdang delivery.
Huminto ako sa paglalakad at tinignan ang isang batang lalakeng nawalan ng malay pagkatapos iturok sa kanyang ang isang syringe.
Ipinihit ko ang kanyang ulo sa kabilang gilid at nakita ko ang isang barcode doon at may numerong 201 sa ibabang bahagi.
He's the 201st donor in my laboratory.
"Organ specification," sambit ko sa gilid. May nilabas na scanner ang isa kong scientist atsaka ito itinuon sa barcode na nasa leeg ng batang lalake.
Organ Specification is our term for identifying what organs does a specific individual we must take from his or her body.
Nakatitig lang ako sa batang lalake na puno ng dumi ang katawan at butas-butas ang kanyang damit. Pagkatapos netong ma-i-scan, nagdisplay sa isang monitor screen ang mga organs na kailangan nilang kunin sa loob niya.
"Pair of eyes, kidneys, and liver," I whispered while looking at the monitor.
Sinenyasan ko ang dalawang scientist na naghihintay ng aking signal bago silang magsimula sa operasyon. Tumallikod na ako at naglakad pabalik sa aking puwesto kanina ng biglang tumunog ang aking dalang phone.
Sinagot ko ito ng makita ang caller.
[Boss, nasa labas na ako ng Thronos. Tulad ng hinala mo, may organisasyon nga silang pinapatakbo.] Hindi maiwasang sumilay ang isang ngisi sa aking labi.
"Magmasid ka lang at huwag na huwag kang magpapahalata. The moment they'll caught you, it's the end of your life, understood?" sambit ko sa kabilang linya.
[Opo, masusunod.]
"Good, keep doing your job." Ibinaba ko na ang hawak kong cellphone at binulsa ito pabalik. Pinatunog ko ang ilan kong mga daliri bago tuluyang lumabas sa laboratoryo.
Hindi mawala ang ngisi sa aking labi sa balitang nalaman ko.
You're building your own empire, huh? Now everything makes sense to me. Ang pagbalik mo sa Pilipinas pagkatapos ng isang dekada, ang pagtayo ng sariling organisasyon, hindi ko maiwasang mapatawa habang hawak-hawak ang maskarang nakatakip sa aking mukha.
Well, well, well, it seems like the little Mercalli is seeking revenge, eh?
Putting justice into her own hands, that's kinda interesting. I'm amazed by your tactics, my dearest Rose. Mas lalo tuloy akong nanabik na makita ka ulit at masilayan 'yang napakaganda mong mga berdeng mata.
I gritted my teeth when I remember the chance that slipped off from my bare hands when that incident happened. Naikuyom ko ang aking kamao sa inis atsaka napasuntok sa pader. Hindi ko maiwasang manginig sa galit at inis sa tuwing maalala ko 'yon.
Those eyes are fcking mine!