DERRICK'S POV
"Psst, Karch, ba't palagi nalang na nakatulala si Nick?" bulong kong tanong kay Karch. Pero ang loko binigyan lang ako ng bored look. Hayss, ganito na talaga siya, pagkatapos nung nalaman niya na niloloko lang siya ng girlfriend niya. Grabe din kung magmahal eh! Ayan tuloy wasak na wasak.
He never tried being in a relationship again. Hindi rin naman 'yan makikipagflirt dahil sa sobrang pagka gentleman. He won't use any girl just to satisfy himself or whatsoever.
Titingin na sana ako sa kabilang side ng room, nang nagsalita siya. "In love." Huh? Ano daw? In love? Tss hindi pa ba siya naka move-on? Akala ko naka move-on na siya? Palagi niya parin ba inaalala yung ex niya? Napailing na lang ako. "Bakit umiiling ka diyan?" tiningnan ko siya na nakakunot ang noo at tinapik ang kanyang balikat..
"Dude, diba ang sabi mo naka move-on kana sa ex mo? Eh ba't may 'in love, in love' kapa diyang nalalaman?" bulong ko dahilan para magsalubong ang mga kilay niya at tignan ako ng masama na para bang may ninakaw ako mula sa kanya..
Luh, ba't ganyan na lang kung makatingin sa'kin ang isang 'to. Inaano ko na naman siya? Wala naman akong ginawang mali ah. Minsan talaga nakakatakot 'tong si Karch, yung mga titig niya kasi mukha ka niyang kakatayin.
Hindi ko talaga mawari kung bakit marami ring babae ang nababaliw sa nilalalang na'to.
"What are you talking about? Ikaw na nga ang nagtatanong kung bakit nakatulala si Nick, eh ang sagot ko 'In love', in love na ata siya sa babaeng nakita niya sa club," oh! Yun naman pala eh! Dapat kasi specific yung pagkasagot niya, hindi yung 'In love' lang, aish! Ang gulo din pala kausap ni Karch eh noh? Tumango na lang ako sa sagot niya at nag peace sign.
"Daddy chill, wag ka ngang ganyan sa'kin. Daig mo pa ang babaeng may dalaw-- Oo, eto na, tatahimik na nga." Takte naman oh! Hindi talaga 'to mabiro si Karch! Ikaw ba naman isahan ng kamao?
Pero seryoso, inaantok talaga ako ngayon. Sobrang boring ng discussion ng prof namin ngayong araw. Unang subject pa lang naman namin ngayon pero dinadalaw na naman ako ng antok. This class is no fun at all! Ba't ba kasi puro matatanda ang mga prof namin ngayong school year?
Di katulad noong nakaraan na may mga prof kaming halos 5 years lng ng age gap namin. Sobrang lively pa kung magturo, may mga activities nga pero hindi naman nakakatamad gawin. Hay ewan ko ba! Sarap matulog talaga.
Hindi naman siguro ako makikita dito mula sa pwesto dahil nasa pinakahuling row kami dito sa klase. Hindi na maganda at mallinaw ang eyesight ng prof namin kaya hindi naman nya siguro ako mapapansin. Iidlip lang muna siguro ako, hehe.
Pero seryoso, si Nick? In love? Woah! End of the world na ba? Eh playboy kaya din yun minsan, madami-dami na din ang naikama nun, pero mas madami ako, ha!
Okay, matutulog na talaga ako.
MARCO'S POV
Our first subject just ended, and its a boring class. Pero hindi parin ako nakinig because someone's bothering me, and its her.... again. Kakatapos lang naming kumain sa cafeteria at papunta nako sa susunod kong klase. Nauna nakong lumabas sa cafeteria dahil sobrang ingay eh.
Sinabihan ko na sila na sa leisure room nalang kami kumain, pero ayaw talaga ni Derrick. Kulang nalang kaladkarin kami sa loob ng cafeteria. Kaya naman pala gustong-gustong kumain don eh nandoon naman pala ang bago niyang kalandian.
Alam niya kasing walang pwedeng ibang pumasok sa leisure room namin dahil napakaprivate na lugar na 'yon para sa amin. Kaya bilang respeto na lang, sinamahan namin siya.
Ang cafeteria ang paboritong tambayan ng mga estudyante dito sa ENU, kaya palagi itong napupuno. Students will ditch their classes and spend their time here or in a library. But since noises are not allowed in the library, this place will surely be their best option.
Naglakad lang ako sa hallway habang nakapamulsa at naka poker face. I'm not minding those girls, na grabe kung makatili. Ibang-iba talaga si Meredith sa kanila... Naiisip ko na naman siya.
Wala akong sapat na tulog mula pa kagabi dahil hindi talaga titigil ang utak ko sa kakaisip sa kanya. I don't know what happened, but it looks like I was cast by a magic spell. Kaya ngayon, puyat na puyat akong tignan at tila malalim ang iniisip.
Mababaliw na ata ako ne'to kapag hindi kaagad ako makahanap ng solusyon upang mabalik ako sa normal kong estado, a man who doesn't give a damn on things. The moment I saw her is the beginning of all of this.
What have you done to me, Meredith?
Why do I always keep on thinking about you? Why does your pretty image will always flash on my mind without me even knowing? This is getting out of hand. This is making me frustrated.
Speaking of...
I saw her, Meredith, enter a room here in this Business Management Building. Napahinto ako sa paglalakad ng mapagtanto kong pareha lang kami ng kurso pero hindi magkaklase o di kaya isang subject man lang pareha kami ng prof.
If we are taking the same course but have a different study load and section, I guess I can do something about it.
I grin flashed on my face when an idea pop up in my mind. The modern problem needs a modern solution.
Ang wais mo talaga, Nick!
MEREDITH'S POV
Today is my 2nd day of this university, pero panay tingin pa rin ang mga estudyante sa'kin. Yesterday, I consider na baka lang siguro sila tumitingin sa'kin dahil transferee ako. But this time, it's totally invalid. Mas lalo pa ngang dumami, kung kahapon tumitingin lang sila kung mapapadaan ako, ngayon kahit nasa malayo, tingin parin? The heck!
I thought studying at this university will give me peace, but it's not what I experienced right now.
Students will look at me like I'm a different specie from a different galaxy. I never expected this kind of treatment here from my fellow college students. This is getting worst day by day. I just really hope as time goes by, it will eventually fade the attention that I am giving unintentionally.
I'm heading on my second class, kakatapos ko lang ding kumain. Remember the 3 jerks? Hindi na nila ako nilapitan pa, pero nakatingin parin sila sa'kin sa cafeteria kanina. Its good that they didn't mind to approach me, cause if they did? I don't know what to do. I mean, if they approach me again, hindi ko maipapangako na magtititigan lang kami, cause I will really punch them hard on their faces dahil sa pangungulit. Kagabi ko lang din naisipan na nakakakilabot ang ginawa ko kahapon. Tumataas ang balahibo ko kung maalala ko yun.
Umupo ako sa likuran, dahil doon na lang sa likod ang may natitirang bakanteng upuan, which is great. I'm not late okay? I just arrived on time. Pero bakit ang tagal ng next prof namin? Is there's a meeting? Or maybe he was just late.
It's been 20 minutes nang dumating na ang prof, umiingay na nga dito. Pero buti naman at dumating na rin siya, if not, baka tuloyan na akong umalis dito sa loob.
"May I have your attention please," ani niya na ikinatingin ko ng deretso sa kanyang direksyon. Natigil ang ingay dito sa loob ng silid atsaka napatingin ang lahat sa harapan.
"You have a new classmate for this class." Pagkasabi ng prof nun, nagsibulungan na ang mga tao dito sa loob, at ang pinakamalakas na bulong galing sa mga babaeng na akala mo ay sinampal ng paulit-ulit dahil sa sobrang pula ng mga pisngi.
"Silence" ani ng prof namin, kaya tumigil na naman sila sa pagbubulungan.
"As what I've said earlier, may bago kayong classmate para sa klaseng toh, he had the same course. But he's not a transferee, nag change lang siya ng section."
"Hindi transferee? Pero nag change lang ng section?"
"Galing sa ibang section?"
"Yep"
"Oh, sino kaya?"
"Ikaw Maybelle, may alam ka ba?"
"I don't know either, let's just find out."
Umapaw na ang bulong-bulongan dito sa silid. Hindi transferee, pero nagpalit ng ibang section? Ang gulo naman niya? First day palang kahapon pero nagpalit na kaagad ng section? What's the purpose?
Lahat naman kaming mga 4th years same lng ng subject na tini-take, except for the students that you can interact with everyday.
Maybe he's one of the son of the board members in this university, para makarequest siya ng ganyan. Eh first day palang kahapon pero change section agad?
"Get inside Mr. Neumann," pagkasabi ng prof ng surname niya, kaagad nagtitilian ang mga babae, habang yung ilan natigilan naman sa nalaman. Bahagyang tumaas ang dalawa kong kilay pag banggit ng pangalan niya.
Nang pumasok na siya sa loob, biglang nagsitilian ang mga babae. May ilang pinaypayan pa ang kanilang sarili gamit ang kanilang kamay habang kinikilig na napatingin sa lalaking kakapasok.
"SILENCE!" halos pumutok na ang ugat ng aming prof sa leeg ng sumigaw siya. College students ang hinahandle niya, graduating pa. Pero mukhang mga highschoolers ang mga tao dito sa loob dahil sa katigasan ng ulo. Simpleng instructions lang galing sa guro, hindi pa magawa.
"He is your new classmate for my class, and maybe for other classes. He will be here permanently in this section," the professore said. Kaya ayun, yung mga babae dito nagtitigil ng tumili, but of course except me. Kaya pala agad-agad nakalipat ng section, eh anak naman pala ng may-ari. Easy access lang, isang pakiusap sa faculty, granted kaagad. Ambilis nga naman ng connection ng isang ito maimpluwensiya.
Kaagad na nagsalubong ang aking kilay ng makita ko ang pisikal niyang anyo, more specifically in his face.
He's different from the first time I met him. He was acting cold at nakapamulsa pa and he's wearing a poker face look. He's in his different persona right now. I wonder what happened to him.
What's with him? Bakit bigla-bigla naman ata ang pagiging ganyan niya? May problema ba siya? O talagang ganyan lang siya sa ibang tao.
I automatically shrugged my thoughts away when I just realized what I had just done. Why am I even interested all of a sudden? Tss.
Pull yourself together Meredith. He's none of your business and he's not your interest, to begin with.
"You may now go to your seat Mr. Neumann," nang sabihin iyon ng prof, kaagad siyang naglakad habang nakapamulsa papunta sa likuran, beside me to be exact. Ngayon ko lang nalaman na may bakante pa pala sa tabi ko?
But then before he takes a seat, he looked at me and smiled a little na ikinakunot ng aking noo. What is he doing? Ang bilis mag change ng mood ha? Bipolar ata 'tong lalakeng 'to.
This man had something up on his sleeves... I can sense it. Ano naman kaya ang rason at balik nagpalit siya kaagad ng section? He probably belongs to the star section, but I wonder why would he put himself in a lower section just like that?
Unless if he had a valid reason to do so just like me.
I had good grades since at the very beginning, hindi man halata pero ginagawan ko rin ng paraaan upang mataas ang makukuha kong marka. I suggested Dale to never put me in a top section even if the school wants it. I just want to stay low as possible.
In that way, I can easily roam around without getting too much attention. Minsan kasi pag nalaman nilang star section ka, mas maraming gustong makipagkaibigan sayo o di kaya makiusyoso sa buhay mo. And that's the thing that I don't want to happen.
Pero mukhang pinaglalaruan ata ako ng tadhana ngayon dahil kahit na hindi ako kabilang sa star section, nakukuha ko parin ang atenston ng ilan. It's not my intention to do so.
Nagsimula na ang prof sa pag discuss, pero parang wala sa kanya ang attention ng iba, kundi na kay Marco. He is indeed popular with his image and name.
Bahala sila diyan kung ayaw nilang makinig, pakialam ko ba sa grado nila? tss.